Chapter 36: Back in Academy

(Zhia’s POV)

Mabilis kong dinaluhan si Kaela at tinulungan siyang makatayo. She's gasping for air dahil sa sobrang pagkakasakal sa kaniya ng Dark King.

Habang inaalalayan ko si Kaela ay nakaramdam ako ng kakaibang aura sa paligid. Wala sa sariling napatingin ako sa kinatatayuan nina Kira at halos manigas ako sa aking pwesto nang makita ang pag-iiba ng itsura ng mag-ama.

Nagkaroon ang Dark King ng sungay na parang sa kambing. Ang kaniyang kuko ay humaba na naging kulay itim at nagkaroon din siya ng pangil. May lumabas din na buntot galing sa likuran niya na parang sa isang demonyo—no, erase that, dahil mukha na talaga siyang demonyo! Isama pa ang mapula niyang mata na nanlilisik.

Mas lumago naman ang buhok ni Kira. Itim na itim at magulo na tila kagaya ng sa mga witch. Humaba rin ang kuko niya kagaya ng sa Dark King at nagkaroon din siya ng pangil. Ang mga labi niya ay umitim at naging tila aso siyang naglalaway. Ibang-iba siya sa Kira na nakilala namin.

"Show me what you've got," nang-aasar ang tinig na sabi ng Dark King. Parang nainis naman si Kira sa sinabi niya at mabilis na sumugod sa ama habang iwinawasiwas ang kaniyang mahahabang kuko. Mas nakitaan ko ng inis ang kaniyang mukha nang iwas lamang nang iwas ang Dark King sa mga atake niya.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" King Lucas mockingly said. Literal na may lumabas na apoy sa mata ni Kira dahil siguro sa inis na nararamdaman, bago muling sinugod ang Dark King. Pigil-pigil ko naman ang aking paghinga lalo na nang madaplisan ni Kira ng kaniyang kuko ang mukha ng Dark King.

Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon ni King Lucas. Mula sa nang-aasar ay napalitan iyon ng nagbabagang galit.

"You really wanted to hurt me, huh?" Anito habang madilim ang tingin na nakatingin kay Kira. Nagulat na lamang kami nang mawala ito sa kaniyang kinatatayuan at mapunta sa harap ni Kira. Ngunit ang mas nakapagpagulat sa amin ay ang pagsuntok nito sa tiyan ng anak kaya mabilis na tumilapon ang huli.

"Klaire/Kira!" Sabay na sigaw ni Queen Eve at ni Dash. Sabay nilang tinungo ang kinatatayuan nito ngunit bago pa man nila malapitan si Kira ay mabilis na itong pinalutang ng Dark King. Hirap na hirap ang itsura ni Kira na tila may sumasakal sa kaniya sa ere, kaya mas lalo naming naramdaman ang pag-aalala.

"A-ack... I-I c-can't breathe," nahihirapang usal ni Kira habang kinakalmot ang sariling leeg. Nawala na ang nakakatakot niyang itsura at bumalik na siya sa dating anyo. Namumula na ang kaniyang leeg dahil sa kakakalmot niya rito ngunit tila wala siyang pakialam.

"Lucas, let go of my daughter!" Galit at mariing utos ni Queen Eve sa Hari ngunit ngumisi lamang ito bago tila mas hinigpitan ang pagsakal na ginagawa kay Kira.

"She may be my daughter but I will not hesitate to kill her if she will be a hindrance for my plans," he grimly said before letting Kira go.

Mabilis na nilapitan ni Dash si Kira at inalalayan. Tumingin naman ang Dark King sa may hawak kay Shakira at tinanguan ito. Mabilis namang pinakawalan ng Darkanian si Shakira na agad na niyakap ni Cyclone.

"Hayop ka talaga, Lucas! Sarili mong mga anak sinasaktan mo!" Nang-gagalaiting sigaw ni Queen Eve.

King Lucas laughed dryly. "Mga? Sa pagkakaalam ko ay isa lang ang anak ko at iyon ay walang iba kung hindi si Kira," he uttered.

"You're not worthy to be called a father!" Kaela shouted, tuluyan ng nakahuma sa pagkakasakal sa kaniya.

Tiningnan naman siya ng Dark King at nginisian. "Of course. I'm not worthy to be called your father because you are not my daughter," anito.

Naramdaman ko ang mas lalong pagngalit ni Kaela sa aking tabi. I felt the sudden coldness in the room, obviously because of her power.

"I hope you die," sagot naman ni Kaela.

While they are exchanging their words, Queen Eve suddenly talked to us using telepathy.

'Maghanda kayo. Hold your things as I make a portal secretly.'

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa amin. Pasimple niya kaming tinanguan at napansin ko ang pagbuka ng kaunti ng kaniyang mga labi tanda na gumagawa na siya ng spell. Ang kaniyang kamay ay nasa likuran at pasimpleng kumukumpas-kumpas.

Unti-unti akong lumapit sa aking gamit pati na sa gamit ni Kaela upang makasama iyon. Nang mahawakan ko na ang lahat ng gamit namin ay muli akong tumingin kay Queen Eve at tumango na ito.

"Portal open!" Sigaw ni Queen Eve kaya mabilis akong nag-teleport patungo sa kinatatayuan ng portal. Mabilis akong tumalon doon at napansin kong hawak pala ni Shakira si Kaela kaya nakasama namin ito.

Ngunit ang hindi namin inaasahan ay ang mabilis na pagkilos ng Dark King. Mabilis niyang nahila si Queen Eve pati na si Kira na kanina'y hawak ni Dash. At ang huling narinig ko ay ang muling pagsigaw ni Queen Eve bago pa man makalapit ang Darkanians.

"Portal close!"

Naramdaman kong muli ang hilo ngunit sandali lamang iyon hanggang sa maramdaman ko naman ang sarili kong nakaupo sa lupa.

Nakabalik na kami sa Academy, ngunit ang pinakamahalagang tao na dapat na nandito ay hindi namin kasama. Naiwan ang Reyna at ang Prinsesa...

Tulala kaming lahat hanggang sa makapasok sa loob ng paaralan. Walang ni isang nagsasalita sa amin.

We felt the stares of the other students until we heard their whispers.

"Woah! Buti na lang nakabalik ang Superiors! Buti na lang din at hindi na nila kasama yung Klaire na 'yon! Hmp! Para namang ang ganda nya wala namang kapangyarihan!"

"Sana namatay na do'n 'yong Klaire na 'yon! HAHA! Ipagpapasalamat ko talaga pag namatay siya do'n."

"Kyaaah! Buti ligtas ang Superiors lalo na ang baby Dash ko! 'Tsaka buti na lang hindi na nila kasama yung Klaire na 'yon. Siguro namatay na 'yon do'n! HAHAHA!"

Mabilis na nag-init ang aking ulo dahil sa mga narinig mula sa bibig ng mga estudyante.

How dare them say those words to Kira? Hindi nila alam kung sino ang pinagsasabihan nila ng masasakit na salita! Para silang walang pinag-aralan! How can they say that to their fellow student?!

My hands are trembling and I was about to speak, nang maunahan ako ni Dash.

"Fuck that. You don't have a fucking single right to say those words to Klaire, you all fucking understand? If I still heard disrespectful words towards Klaire, you'll take a fucking punishment from me. And you will never like it," mariin at malamig na sabi ni Dash na nagbigay ng takot sa lahat ng estudyanteng nakakarinig.

"S-sorry P-prince Dash," kinakabahang paumanhin ng mga estudyante bago ang mga ito nagkukumahog na tumakbo paalis.

Napahinga naman ako nang malalim upang makalma ang sarili dahil sa mga nangyari. Pagkatapos ay nagdesisyon kaming magtungo sa office ni Headmistress upang ma-report ang naging mission namin.

Nang makarating ay mabilis na akong kumatok sa pinto.

"Come in!"

Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Laking gulat naman ni Headmistress nang makita niya kami.

Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kaniyang swivel chair at agad na nilapitan kami.

"You're back! Goodness! I thought you're all dead!" Histerikal na sabi ni Headmistress, nakasapo pa ang kamay sa may dibdib na tila nasiyahan na makita kami.

"Dead? Why would it happen?" Nagtatakang tanong ni Shakira.

Huminga naman nang malalim si Headmistress at tiningnan kami nang seryoso.

"Sumugod dito ang Darkanians ilang linggo pagkaalis ninyo. At sabi nila ay pinatay na raw ng pinuno nila ang mga estudyanteng ipinadala namin sa Mountain of Deaths, that's why," paliwanag ni Hm.

Natahimik naman kami dahil doon hanggang sa magsalita si Kaela.

"Almost," she coldly muttered.

Napuno naman ng pagtataka at pagkainteresado ang mukha ni Hm.

"W-what do you mean?" Tanong niya.

"Nasundan kami," nasabi ko na lang. Gulat na gulat naman ang mukha ni Hm ngunit biglang kumunot ang noo niya nang tila ay may napansin.

"Wait, where is Klaire? And the book? Where is it?"

"Nakuha sila ng Dark King," si Cyclone ang sumagot.

"Sila? What do you mean by that?"

"Si Queen Eve at ang Book of Magistica ay iisa," si Zack naman.

Gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Hm at mabilis na napaupo sa malapit na upuan. Nanlalaki ang matang tumingin siyang muli sa amin.

"Q-queen Eve? She's alive?" Gulat na tanong ni Hm. Tumango naman ako bilang sagot kaya hindi pa rin siya makapaniwalang napatingin sa sahig ng kaniyang office.

"I-I thought she's dead," I heard her mumbled.

Nangunot naman ang aking noo sa reaksyon ni HM ngunit bigla ko ring na-realized na dati nga palang mag-bestfriend ang dalawa.

Humupa naman ang pagkagulat na naramdaman ni HM at mabilis na tumayo at ngumiti sa amin.

"I know you're all tired from your mission. Sige na magpahinga na kayo—"

Naputol ang sasabihin ni HM nang makarinig kami nang tatlong sunod-sunod na pagsabog na siyang nagpakabog ng aking dibdib.

Mabilis kaming nagtinginan sa isa't isa bago mabilis na tumakbo palabas ng office ni Headmistress.