Chapter 35: Darkanians
(Zhia’s POV)
Hay nako! Grabe na talaga itong nangyayari sa mga kasamahan ko. Pakiramdam ko ay lalanggamin na kami dahil sa sobrang sweet ng mga lovebirds na nagkalat dito sa sala.
Si Dash at Kira ay magkatabi sa upuan habang nakasandal. Nakalagay ang kamay ni Dash sa likuran ng inuupuan ni Kira kaya malapit sila sa isa't isa. Nakayuko nang bahagya si Dash kay Kira at may ibinubulong kaya naman namula ang mukha nito.
Hmm... Ano kayang ibinulong ni Dash?
Si Cyclone at Shakira naman naghahabulan. Masyado kasing pakipot si Shakira kaya naman ang pangit na si Cyclone, habol nang habol. Kapag tumatabi si Cyclone kay Shakira ay mabilis na umaalis ito at uupo sa ibang upuan.
"Inggit ka 'no?"
Bahagya akong napapitlag sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Zack. Pagbaling ko sa kaniya ay naupo na siya sa katabing upuan ko. Inirapan ko na lang siya at sinagot ang sinabi niya.
"Ako? Naiinggit? Excuse me, ayoko magkalovelife. Sakit sa ulo lang 'yon," sabi ko na siyang tinawanan naman niya. May pumasok naman na tanong sa isip ko kaya agad kong ibinaling ang aking katawan sa kaniya nang sa gano'n ay makita ko siya nang buo.
"Hmm... Zack, may nagugustuhan ka ba sa Academy?"
Tiningnan muna niya at saka natatawang umiling.
"Sa Academy? Wala," he simply answered.
"Sa Superiors?" Tanong ko pa. Natigilan siya sa sinabi ko at pagkaraan ng ilang minuto ay nagkibit-balikat.
"Sa totoo lang, nagka-crush ako dati kay Klaire noong una natin skyang nakilala. But, don't get me wrong okay? Simpleng paghanga lang 'yon dahil nasa kaniya lahat ng characteristics ng ideal girl ko pero hindi rin naman nagtagal ang paghanga kong 'yon dahil bakit pa, 'di ba? Kung iyong taong mahal ko ay nasa tabi ko na. Wala na 'kong mahihiling pang iba," mahabang lintanya niya na mabilis na nagpalaki ng aking mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib.
Omg! Is he confessing his love?!
"W-what did you say?" Utal na tanong ko sa kaniya. Gusto kong makasigurado!
Ngumiti siya sa akin. "Mahal kita, Zhia. You captured my heart eversince we were kids. Simula noon, pinangako ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng pakakasalan ko kahit anong mangyari."
Wala sa sariling napahawak ako sa sariling dibdib dahil ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Aatakehin ata ako sa puso dahil sa pinagsasasabi ni Zack!
"A-akala ko... Akala ko, hindi mo ako mahal. Akala ko..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabilis akong niyakap ni Zack. I felt the heat coming from his body. Naco-comfort ako sa init ng yakap na ibinibigay niya. It feels like home.
Yumakap ako pabalik sa kaniya at dinama ang yakap niya. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ni Zack kaya napatawa ako sa isip.
"Ayiiiiee!!"
Mabilis kaming napabitaw ni Zack sa isa't-isa at napatingin sa mga kasamahan namin na may nanunudyong tingin.
"Kailan ang kasal?" Nang-aasar na tanong ni Queen Eve na naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi.
Si Queen Eve talaga! Siya talaga lagi ang pasimuno sa lahat ng kalokohan. Lagi siyang nakasuporta sa bawat isa sa amin, bagay na ikinakatuwa naming lahat.
"Sige na. Dahil ayos na kayong lahat sa mga lovelife ninyo, mag-ayos na kayo ng mga gamit dahil aalis na tayo," aniya na siyang tinanguan namin, hindi na pinansin ang una niyang sinabi.
Nagtungo na kami sa kaniya-kaniyang silid upang mag-ayos ngunit bigla akong napatigil nang makaramdam ng kakaibang aura sa paligid.
Bumigat ang atmosphere sa paligid ng bahay kaya mabilis na sumalakay ang kaba sa aking dibdib.
May Darkanians sa paligid…
* * *
(Klaire/Kira’s POV)
Napatigil ako nang makaramdam ako ng itim na aura sa paligid at ang pagbigat ng aking pakiramdam.
'I know you all felt that heavy atmosphere. I could feel the black auras coming from outside of the house. Quick, come here in my room with your things. I will make a portal here, so, they can't easily know where we are,' I heard my mom voice in my head. Siguro ay kinausap niya kaming lahat sa isip.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis kong inilagay ang aking mga gamit sa aking bag, hindi na inintindi pa kung magulo iyon o maayos. Ang kailangan namin ngayon ay makaalis ng buhay sa Mountain of Deaths at sa kamay ng mga Darkanians.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako nang malakas na pagbukas ng pinto na tila ginamitan ng kung anong kapangyarihan. Nararamdaman ko ang kamay kong nanginginig kaya mabilis ko itong tinapik at sinarhan ang bag na pinaglalagyan ng gamit. Isinukbit ko iyon sa aking balikat at nag-teleport sa kwarto ni Mama nang sa gano'n ay hindi ako makita ng mga kalaban.
Nang makarating ay napansin ko ang lahat ng mga lalaki na nandito na pati si Ate Kaela. Ang wala na lamang ay si Zhia at si Shakira.
"Nasaan na ang dalawa?" Pabulong na tanong ni Mama.
"N-nasa kwarto pa siguro sila," utal na sagot ko dahil sa sobrang kaba. Kasabay naman noon ay ang paglitaw ni Zhia sa harapan namin kaya napahinga ako nang maluwag. Great, si Shakira na lang ang wala pa!
"Nararamdaman ko ang yabag nila sa lupa. Nagkalat na sila sa buong bahay!" Salubong sa amin ni Zhia. Hinawakan naman siya ni Zack sa kamay kaya kumalma siya nang bahagya.
"Nasaan na ba si Shakira? Bakit wala pa siya? Nag-aalala na ako!" May bahid ng pag-aalala at takot ang boses niya kaya hinawakan ko siya sa balikat upang kumalma. Nag-intay pa kami ng ilang minuto ngunit walang lumilitaw na Shakira sa harapan namin.
"Susunduin ko siya!" Ani Cyclone at akmang lalabas na ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ni Shakira na hawak-hawak ng isang Darkanian.
"Saan kayo pupunta, mga mahal ko?" Tanong ng isang may malalim at nakakakilabot na boses na nagmumula sa gitna ng mga kumpol ng Darkanians. Unti-unti ay humawi ang mga ito at lumakad mula roon ang isang taong nagbibigay kilabot sa buong katawan ko.
"L-lucas," utal na sambit ni Mama sa pangalan ng taong ngayon ay nasa harapan na namin.
"Shakira!" Sigaw naman ni Cyclone. Nagpumiglas si Shakira mula sa pagkakahawak ng Darkanian ngunit humigpit lamang ang hawak nito rito. Muli namang nabaling ang atensyon ko sa pinuno ng mga ito nang bigla itong magsalita.
"Bakit aalis na kayo? Ayaw n'yo ba akong kasama?" May bahid ng pagtatampo ang boses ng pinuno. Walang sumagot sa kaniya kaya naman inilibot niya ang kaniyang paningin.
Unang nakipagtagpo ang tingin niya kay Ate Kaela na ngayon ay kakikitaan ng lungkot at galit ang mata. Nakita ko ang ginawang pag-ismid ng pinuno kay Ate Kaela bago muling iniikot ang paningin at tumapat kay Mama. Napalitan ng pagkasiya ang mukha nito galing sa pag-ismid. At nang tumama ang tingin naming dalawa ay mas nadagdagan ang tuwa sa ekspresyon niya na sinamahan ng pagkamangha.
"Kira... Aking anak," sambit nito na naging dahilan ng pag-awang ng aking labi. Pinakatitigan ko ang lalaking nasa harapan namin at napansin ko ang ilang pagkakahawig ko sa kaniya. Napakunot ang aking noo nang makitang tila walang nakuha si Ate Kaela sa kaniya, siguro ay dahil kay Mama niya nakuha lahat ng features niya.
Ito pala ang sinasabi ni Ate Kaela na Hari ng Darkanians at siyang aming ama.
Lalapit sana ito sa akin nang mabilis na humarang si Mama sa aking harapan.
"L-Lucas... 'Wag mong kukuhanin ang anak natin... parang awa mo na," ani Mama. Napansin ko ang pagdaan ng sakit sa mata ni Papa ngunit sandali lamang iyon bago unti-unting umangat ang isang gilid ng kaniyang labi hanggang sa maging ngisi ito.
"Sino ba'ng may sabi na ang anak lamang natin ang kukunin ko? Isasama kita, mahal ko," sagot nito. Ngunit nabaling ang atensyon niya kay Ate Kaela nang bigla siya nitong tinawag.
"Papa!" Tumingin si Papa kay Ate Kaela at napansin ko ang mabilis agad na pagbabago ng aura niya. Mula sa tila magandang mood niya kanina ay naging malamig at seryoso ito.
"Don't ever call me Papa, again," the King of Darkanians said with his dark aura. Nakita ko ang panunubig ng mata ni Ate Kaela at ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha ngunit hindi niya iyon alintana.
"Anak mo rin ako..." She whispered but enough for us to hear.
"Hindi kita anak," walang kagatol-gatol na sagot ni Papa. I felt my chest tightened by hearing those words from him. He's not human! How could he do that to his own daughter?!
"W-wala kang kwenta..." Ate Kaela trailed, clenching her fists. "... wala kang kwentang ama! You... You are not worthy to be called a father. You're a monster!" She shouted. Sa isang iglap lamang ay nasa harapan na niya ang Hari ng Darkanians at sakal-sakal na siya nito.
Napasinghap kaming lahat dahil sa nasaksihan at sandaling nawalan ng dila. Ngunit nang makahuma at mabilis na nagsalita si Mama habang ako ay napakuyom ang mga kamao.
"Lucas! Let go of my daughter!" Mariing sabi ni Mama ngunit tila bingi ang kausap. Ramdam ko ang mas lalong pagdiin ng pagkakasakal niya kay Ate Kaela. Tuloy-tuloy naman ang mga luhang lumalandas mula sa mata ng huli at kitang-kita ang nakakunot na noo nito na tila nahihirapan. Bukod sa luha ay kakikitaan ng sakit, galit, pagkamuhi at lungkot ang kaniyang mga mata.
"A-all my life I-I've been a g-good daughter t-to you... B-but you a-always made m-me f-feel like a t-trash," nahihirapang wika nito. Natigilan sandali si Haring Lucas ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal kay Ate Kaela. Hindi ko na kaya pang tingnan ang pinaghalo-halong emosyon sa mukha ni Ate Kaela kaya nagsalita na ako.
"Enough... Let go of her," walang emosyong sabi ko. Natigilan ang bawat isa na nasa kwarto at ramdam na ramdam ko ang tingin nila. Ngunit hindi ko iyon inalintana at pinakatitigan ang Hari na nasa aking harapan na ngayon ay pabagsak na binitawan si Ate Kaela. Mabilis na lumapit sa kaniya si Zhia samantalang si Haring Lucas naman ay ibinigay na sa akin ang buong atensyon.
"What will you do, my daughter?" He asked, teasing. Mas lalo kong ikinuyom ang aking mga kamao, hindi pinapansin ang pagbaon ng aking kuko sa aking balat.
"I'll show you hell," I answered. Unti-unti ay napatawa siya hanggang sa maging halakhak iyon. Ngunit nang makita niyang seryoso ako sa aking sinabi ay unti-unti ring namatay ang tawa niya at napalitan iyon ng isang ngisi.
"Alright then. Show me this hell," he uttered.