Chapter 38: Stepsister

(Shakira’s POV)

Parang nagulantang ang buong pagkatao ko dahil sa narinig naming pagsabog.

Is it the Darkanians? Pero bakit ang bilis naman nilang makapaghanda?! Ganoon na ba talaga kahanda ang hukbo nila upang masugod kami nang ganito kabilis?

"What the hell was that?" Tanong ni Zack habang tumatakbo kami patungo sa pinagsabugan.

"Malamang naman na may nagpasabog diba?" Sarcastic na sagot naman ni Zhia kaya napairap na lang ako sa dalawa. Mukha silang aso't pusa. Tsk.

"Stop that nonsense! Bilisan niyo na," ani Kaela at mas binilisan ang pagtakbo, hinahabol si Dash at Krey na nauuna. Wala naman kaming nagawa kung hindi bilisan ang pagtakbo, kahit pa nakakaramdam ng pagod galing sa mission.

Pagdating namin sa field halos wala na kaming makita dahil sa usok. May naramdaman akong papalapit sa kinatatayuan ko kaya mabilis akong nag-summon ng espada at sinaksak ang parating. Nanlaki naman ang aking mata nang makita ang naiwang dugo sa aking espada. No, it can't be...

"Zhia, I think they came from Crymton!" Sigaw ko kay Zhia na nasa malapit. Napatingin naman siya sandali sa akin at nangunot ang noo, siguro ay hindi naniniwala.

"We can't say! It's just a blood, Shakira! We need to see their faces," sagot niya kaya napatango ako at muling nakipaglaban.

Kahit pa sabihing isa lamang itong dugo ay hindi pa rin maalis sa akin na taga-Crymton ang kalaban namin ngayon. But how? Burado na sa mapa ng Magic World ang Crymton Dimension at sa pagkakaalam ko ay patay na rin lahat ng tao roon. Sinigurado iyon ng lahat ng mga Hari at Reyna dahil sila mismo ang tumapos sa lahat ng taong nabubuhay roon para sa kapayapaan.

Nang mawala ang usok ay nag-ingat pa rin ako. Hindi ako direktang tumingin sa mata ng mga kalaban sa takot na baka taga-Crymton nga sila. I looked at the lower part of their body while attacking them. Puro kalansing lamang ng espada ang maririnig sa buong paligid hanggang sa maubos namin sila.

Napahinga ako nang malalim nang matapos kami sa pakikipaglaban. Tiningnan ko ang isa sa mga nakalaban namin at hindi nga ako nagkamali. They are the people from Crymton Dimension.

There are three different dimensions in Magic World. First one is the Himeria, where the most powerful beings lived in here.

The next one is our world or we also call Elemental, the second most powerful dimension and has the biggest part in Magic World.

And the last one is the Crymton Dimension. Peace is their enemy. They always wanted to fight and see people suffering and dying from pain.

Kaya rin sila tinawag na kakaiba dahil kulay violet ang dugo nila tanda na isa silang taong may ibang kapangyarihan.

Ang kapangyarihan nila ay ang kumuha ng kaluluwa sa pamamagitan lamang ng pakikipagtitigan mo sa kanila, kaya nga iniiwasan ko ang mapatingin sa itaas na parte ng katawan nila upang hindi ko makita ang kanilang mga mata.

Pero kagaya nga ng sinabi ko kanina, matagal ng burado sa mapa ng Magic World ang dimension na iyon. Unless may isang elementalist ang bumuhay sa kanila.

At isa lang ang taong kilala ko na may kapangyarihan no'n...

Walang iba kung hindi si Headmistress Monica.

* * *

(Cyclone’s POV)

Mabilis akong gumawa ng iba't-ibang technique na gawa sa air. Ipinatama ko iyon sa bawat makita kong kalaban at napangisi naman ako nang makitang mabilis silang bumubulagta sa lupa, ngunit napapangiwi kapag nakikita ang bumubulwak nilang kulay violet na dugo.

Napansin kong kakaunti na lamang ang mga kalaban namin kaya pinagbutihan ko pa lalo ang pakikipaglaban, pero natigilan ako sandali nang marinig ang boses ni Headmistress sa aking utak.

'Finish them Superiors, then go to the hideout immediately.'

Mabilis kong pinaulanan ng air shurikens ang mga nagtangkang sumugod pero hindi pa man sila nakakalapit ay mabilis na silang bumulagta sa lupa. Muli akong napangisi dahil doon bago mabilis na sumunod sa iba na tumatakbo patungong hideout.

Ang hideout ang nagsisilbing taguan ng mga estudyante at guro lalo na kapag may digmaan at nangangailangan ng mapapagtaguan.

Pagdating ko roon ay nadatnan ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan at niyayakap ang isa't-isa, siguro ay dahil sa takot. Napansin ko rin ang mga guro na kahit kalmado ay hindi maikakailang natatakot din.

Nabaling naman ang aking atensyon kay Headmistress nang dumating ito sa hideout na tila pagod na pagod.

"Where have you been?" Seryosong tanong ni Shakira na bahagyang nagpalaki ng aming mga mata.

"Shakira, the respect," mariing sabi ni Kaela ngunit hindi siya pinansin nito. Naguguluhan ako sa inaakto ng mahal ko pero alam kong may dahilan kung bakit ganito siya.

"I said where have you been?!" Ngayon ay isinigaw na iyon ni Shakira dahilan upang mapapitlag si Headmistress at mapalingon naman ang mga estudyante sa amin. Mabilis kong nilapitan si Shakira upang mapakalma ito

"G-galing lang akong office. M-may k-kinuha lang." Headmistress Monica stuttered.

"And why are you stuttering? Scared?"

"Shakira! Stop that!" Si Zhia. Ngunit ayaw magpaawat ni Shakira. Umalis siya sa pagkakahawak ko at hinugot ang kaniyang espada mula sa pagkakalagay nito sa kaniyang bewang.

Ibinaba niya ang talim ng kaniyang espada hanggang sa lumapat ito sa lupa, bago sinimulang ikutan si Headmistress.

"So Headmistress, ikaw ba ang kumukontrol sa mga binuhay mong taga Crymton? Ikaw ba ay isang traydor at mapagpanggap o isang kakampi?" Malambing ang pagkakabigkas ni Shakira sa bawat salita. Parang hindi siya ang Shakira na kilala namin. Nakakatakot ang aura niya at nawala na ng tuluyan ang pagiging baliw niya.

"W-what are you saying?" Kunot-noo at gulat na tanong ni Headmistress.

"Hmm... Nothing, just investigating." Hinawakan ni Shakira ang blade ng kaniyang espada at ngumisi bago tiningnan si HM.

"Alam mo ba, Headmistress, na limampung taga-Crymton ang napaslang ng espadang ito?" She sweetly vocalized. "Mind if I make you the fifty first?" She added that made the other students and teachers gasped in shock.

"Princess Shakira, what are you implying?" Miss Solomon asked, baffled.

Tumingin naman sa kaniya si Shakira bago huminga nang malalim at muling ibinalik ang tingin kay HM.

"Can't you see? Patay na ang mga taga Crymton at bura na ang Crymton Dimension sa mundo ng mahika. Ngayon, bakit sila nandito? Bakit nila tayo sinusugod? Dahil may kumokontrol sa kanila, may bumuhay sa kanila. At ang taong bumuhay sa kanila ay walang iba kun'di si Headmistress Monica!" Malakas na bigkas ni Shakira at itinutok ang talim ng kaniyang espada sa leeg ni Headmistress. Agad iyong nagkaroon ng cut ngunit tiningnan lamang siya ni HM nang diretso, hindi na kakikitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha nito.

Kahit basahin ko ang isip niya ay wala akong mabasa dahil tila may nakaharang.

"Shakira, hindi ko alam kung paano mo nasabing ako ang bumuhay sa kanila gayong wala ka namang matibay na ebidensya. You only based on my ability without even thinking deeper." She heaved a sigh, not minding the sword in her neck. "The thought of giving life again to Crymton people never crossed my mind."

Humigpit ang hawak ni Shakira sa handle ng kaniyang espada.

"Liar!" Aniya at mas itinutok pa ang talim ng espada, na naging dahilan ng mas lalong pagbuka ng balat ni HM, kaya mas lalong rumagasa ang dugo.

"Shakira, stop it!" Pigil ni Miss Cassy. Tiningnan siya ni Shakira kaya muli nitong itinuloy ang sasabihin. "Alam ko kung sino ang bumuhay sa mga taga-Crymton," dagdag niya.

Nanliit ang mga mata ni Shakira at nangunot ang noo. Inilipat niya ang talim ng kaniyang espada sa leeg ni Miss Cassy at iyon ang tinutukan.

"Then who?"

Huminga nang malalim si Miss Cassy at malungkot na tiningnan si Shakira.

"It's your stepsister... Sheira," Miss Cassy stated.

Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Miss Cassy ngunit mas natuon ang atensyon ko kay Shakira nang mabitawan niya ang espadang hawak.

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig, at siguradong lalo na si Shakira. Sheira is Shakira's stepsister on her father's side. Sheira's mother is a concubine of King Symon, Shakira's father. But despite of being just a half-sister, Shakira loved Sheira so much like her own sister.

I know, her heart broke at the news.