Chapter 34: First Kiss
(Cylone’s POV)
Naiwan akong tulala dahil sa ginawa ni Kira pati na ang ginawa ni Leader. Naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Kira na mahal din ako ni Shakira.
Siguro ay tama nga si Kira. Manhid nga ako dahil hindi ko man lamang napansin ang nararamdaman ni Shakira. At ang malala pa ay sinabihan ko pa siya ng masasakit na salita!
Ang tanga mo talaga, Cyclone!
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nang sa gano'n ay mapag-isa ako. Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nasa may likuran na pala ako ng bahay. Naupo ako sa isang natumbang puno upang habulin ang aking paghinga ngunit muntik na akong matumba nang biglang may nagsalita sa aking tabi.
"Mahal ka pala ni Shakira?" Anito. Napasapo ako sa aking dibdib dahil biglaang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat.
"Sumunod ka pala sa akin!" Sabi ko, kinakalma ang sarili. Hindi niya ako sinagot bagkus ay iba ang itinanong niya.
"M-mahal mo ba sya?" Tanong niya. Napangiti ako sa sinabi niya at muli na namang bumalik sa aking isip ang sinabi ni Kira.
"Sobra," nakangiting sagot ko sa tanong niya.
"A-ahh." Rinig ko ang pagcrack ng boses niya at kalaunan ay ang kaniyang pagsinghot kaya nagtaka ako.
"Ivy? Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ko.
"H-huh? Ah, m-may biglang pumasok na insekto sa a-ano, sa ilong ko," aniya kaya napatawa ako nang bahagya. Pambihirang insekto naman 'yan! Sa ilong pa pumasok!
"Mabuti pang pumasok ka na lang muna sa loob. Baka kung saan-saan pa pumasok ang insekto—" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sigaw na nanggagaling sa may kwarto sa itaas kung saan nakatapat ang aking inuupuan.
"Nakakainis! Nakakainis ang mahangin na 'yon! Bakit ba sa kaniya pa ako nagkagusto, eh, ang manhid-manhid ng hinayupak na Cyclone 'yon?! Ang sakit naman nito, eh! Gusto ko na agad mag-move on!" Boses ni Shakira ang narinig ko kaya napangisi ako. Hindi ka makakapagmove-on sa'kin, baby. Sisiguraduhin ko 'yan.
Lumutang ako sa ere at tumapat sa bintana ng kaniyang kwarto. Kita ko kung paano niya pagsusuntukin ang kaniyang unan na parang ako iyon. Nanikip ang dibdib ko nang makita ang namjmugto niyang mata. Damn! Ang sakit makitang umiiyak ang taong mahal mo dahil sa'yo.
'Sorry, baby. I'm sorry kung manhid ang minahal mo. I'm sorry kung torpe ako. Akala ko kasi, ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa. Akala ko wala akong pag-asa. I'm sorry kung hindi ako gumawa ng paraan para malaman ang nararamdaman mo at masabi ang nararamdaman ko. I'm sorry for being a jerk and asshole. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para sa'yo. Give me another chance please?' Bulong ko sa hangin patungo sa kaniya. Napatigil naman si Shakira sa pagsuntok sa unan at sa pag-iyak. Bigla siyang humarap sa direksyon ko at kita ko ang mabilis na panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa gulat.
Ngumiti ako sa kaniya kaya agad siyang natauhan at mabilis akong binato ng unan. Mabuti na lamang at nasalo ko iyon kaya hindi tinamaan ang gwapo kong mukha.
"Anong ginagawa mo d'yang pangit ka?! Sinisilipan mo ko 'no?! Walanghiya ka talaga!" Sigaw niya sa akin.
Aray naman. Tinawag niya akong pangit? Sadya bang nanlalabo ang mata ng isang tao kapag nasasaktan? Mukhang malabo na ang mata ng mahal ko, eh.
Pumasok ako sa bintana niya at bumaba sa kaniyang kwarto para makaharap ko siya. Lumuhod ako sa harapan niya at tumungo.
"Baby, I'm sorry. I'm sorry kung hindi ako agad nagtapat ng pagmamahal ko sa'yo. Sorry kung naging torpe ako. Pero maniwala ka sa'kin. Ikaw lang ang minahal ko noon, minamahal ngayon at mamahalin bukas at sa nga susunod pa," nakatungong sabi ko. Tila nagulat siya sa sinabi ko dahil napansin ko ang bahgyang pag-atras niya sa kinatatayuan ko.
"W-what did you say?" Tanong niya, may bahid ng pagkagulat sa boses.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod sa harapan niya at saka siya nginitian.
"I love you. Mahal kita," nakangiting sabi ko. Akala ko ay matutuwa siya at yayakapin niya ako ngunit kabaligtaran ang nangyari dahil mabilis siyang nakapit sa akin at agad akong pinaghahampas.
"Walangya ka! Pagkatapos mo akong sabihan ng tanga sasabihin mong mahal mo ako?! Walangya ka! Nakakainis ka!" Iniharang ko ang aking kamay nang sa gano'n ay hindi mapuruhan ang gwapo kong mukha dahil mukhang iyon ang pinupuntirya niya.
"Baby, 'wag naman ang gwapo kong mukha! Sige ka, kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita!" Pananakot ko sa kaniya na tumalab naman dahil itinigil niya ang paghampas sa akin. Napangisi naman ako sa isip dahil doon. Pero kahit hindi ko siya takutin, hahalikan ko pa rin siya! HAHAHA!
"Pwede ba, Cyclone? Nasaktan mo na ako! Kung gusto mo uli akong saktan p'wes hindi na kita pagbibigyan! Tama na 'yong isang salitang nagbigay sakit sa puso ko! Tama na 'yong isang araw na sinaktan mo ako! Tama na, Cyclone... Tama na. Ayoko ng umasa pa na mahal mo rin ako... Ayoko ng umasa pa na masusuklian mo ang pagmamahal ko sa'yo. G-gusto ko ng mawala ang nararamdaman ko sa'yo. Gusto ko ng makalimutan ka. Gusto ko ng mawala ka sa buhay ko—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at mabilis siyang hinalikan sa labi upang hindi niya matuloy ang sasabihin niya.
Hindi ko kaya... Hindi ko kayang sabihin niya na gusto na niyang mawala ako sa buhay niya. Ayokong maging selfish pero pagdating sa kaniya, nagiging makasarili ako. Hindi ko kayang makita na may kasama siyang iba pagkatapos kong mawala sa buhay niya. Gusto ko, ako lang ang nagpapasaya at nagpapatawa sa kaniya. Gusto ko, ako lang ang tinatawag niyang bakulaw. Ayos lang na araw-araw niya akong tawaging pangit o kung ano-ano pa mang masasakit na salita. 'Wag lang niyang hihilingin na mawala ako sa buhay niya dahil hindi ko kakayanin.
Inibo ko ang mga labi ko na kasalukuyan pa ring nakalapat sa labi ng mahal ko. Bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi niya na bahagyang nakaawang at ipinasok ang aking dila. Napangiti ako nang kaunti dahil halatang ito ang unang beses niyang may makahalikan. Stiff na stiff ang buong katawan niya at tila gulat na gulat sa ginagawa ko. I withdrew from our kiss and smirked at her who's still dazed. Nang makahuma ay mabilis siyang lumayo sa akin at sinigawan ako.
"Hinayupak ka! Bakit mo ako hinalikan?! First kiss ko 'yon! At nakalaan lang yun sa taong pakakasalan ko!" Inis na inis na sigaw niya kaya mas lalong lumaki ang ngisi sa aking mukha.
"Edi magpakasal na tayo," I simply said that made her cheeks blushed.
"Che!" Huling sabi niya bago mabilis na lumabas ng kaniyang kwarto.
Napangiti na lamang ako dahil sa ginawa niya. Sigurado ako sa sinabi kong magpakasal na tayo, Shakira. Alam kong sa huli, sa mga bisig ko pa rin ang bagsak mo at apelyido ko na rin ang dadalhin mo.
Mahal na mahal kita, Shakira. And I will never stop pursuing you until you finally said your 'yes' and 'I do'.
* * *
(Dark King’s POV)
"Mahal na Hari, nalaman po namin na ang mga tauhang ipinadala ninyo sa Mountain of Deaths ay namatay. Sabi po ng isang kawal na nakatakas ay nakita na raw po ang inyong asawa at inyong anak," balita ng aking Heneral. Mabilis kong naramdaman ang tuwa at galak sa aking dibdib kaya agad ko siyang tinanong.
"Nasaan sila?"
"Sa ngayon po ay nasa Mountain of Deaths pa rin sila ayon sa espiya natin galing sa Akademya," sagot niya sa akin kaya napatango-tango ako. Tumayo ako mula sa aking trono bago nagbigay ng utos.
"Kung gayon, ihanda ang aking damit pang-lakbay at ang portal. Pupunta tayo sa mag-ina ko ngayon din," utos ko, may bahid ng pagkasiya sa aking boses.
"Masusunod Mahal na Hari," anito at saka yumuko bilang respeto bago lumakad palabas ng aking tanggapan upang gawin ang aking iniuutos.
Napangiti na lamang ako sa isip dahil sa wakas ay makakasama ko na rin ang aking mag-ina. Mabubuo na rin ang aking pamilya at sisiguraduhin kong hindi na kami magkakawalay pa.
'Magkikita na rin tayo mga mahal ko,' huling sabi ko sa isip.
* * *
(Someone’s POV)
Naramdaman ko ang pag-usbong ng galak sa aking dibdib dahil sa nalamang susunod ang Dark King sa Mountain of Deaths. Hindi na ako makapaghintay na patayin ng Dark King ang Superiors pati na si Evergreen.
Unti-unti ay nararamdaman ko naman ang pag-usbong ng kakaibang galit sa aking dibdib.
'Hindi pa sapat na kabayaran ng buhay ninyo ang buhay ng asawa at anak ko. Pagbabayaran ninyo ang lahat ng iyon. Wala kayong kwentang pinuno kaya nararapat lamang na mamatay kayo. Paghandaan na ninyo ang nalalapit na malupit na kamatayan ninyo,' bulong ko sa isip habang nililisan ang Dark World.