Thymine
Matapos naming makapag-usap nang maayos ni Rhian ay napagpasyahan muna naming maglibot sa labas ng kuwartong ito para maghanap ng mainit na tubig. Hindi na raw niya kayang tiisin ang hapdi sa kaselanan at makatutulong daw ang mainit na tubig para rito. Wala akong ideya kung saan niya ito gagawin pero ang mahalaga ay makakuha kami.
"Akala ko ba nasasaktan ka? Huwag ka nang tumayo riyan at ako na ang bahalang kumuha. Mas nahihirapan ka sa ginagawa mo. Umaga naman ngayon kaya sigurado akong hindi ko makakasalubong si Kamatayan. Isa pa, may mga tao na rin yata sa labas na naglilibot. Ipagkatiwala mo na sa akin ito," pagpupumilit ko sa kaniya.
Tila wala siyang naririnig at pilit pa ring tumatayo ngayon habang nagbibihis. Pinatalikod niya muna ako na kaagad ko namang ipinagtataka. Nakita ko na ang katawan niya na walang saplot kaya bakit ayaw niya na makita ko siyang nagbibihis? P'wede ko naman siyang tulungan dahil mukhang nahihirapan na siya pero ayaw niyang magsabi.
"Ilang beses ko rin bang sasabihin sa iyo na kahit umaga na ay hindi pa rin ligtas sa labas? Sasamahan na kita para hindi ka nag-iisa kung sakaling makaharap mo si Kamatayan. At isa pa, masyado pang maaga para maglibot ang iba nating kasamahan. Natutulog pa ang mga iyon," pagpapaliwanag niya sa akin.
Halata naman sa katawan niya na nahihirapan pa siya kaya bakit niya pa ako sasamahan? Kahit na nasasaktan na siya ay ako pa rin ang inuuna niya sa isipan. Hindi niya ba kayang magpahinga muna kahit sandali at hayaan na ako muna ang tumayo sa sariling paa ko? Ang dami ko nang utang na loob sa kaniya.
"Thymine, ano pang hinihintay mo? Aalis na tayo. Humarap ka na dahil tapos na rin akong magbihis. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi mo na kailangang mag-aalala pa riyan. Maliit na bagay lang ang sakit sa kaselanan ko. Malayo ito sa bituka kaya huwag kang maarte riyan," mariing niyang giit at pagkatapos nito ay narinig ko nang unti-unting bumukas ang pintuan.
Mukhang seryoso na talaga siyang sasama siya at hindi na ito mapipigilan pa. Wala na akong magagawa dahil alam ko rin naman kung gaano katigas ang ulo ni Rhian at kahit na anong gawin kong paliwanag ay hindi siya makikinig sa akin. Bahala na. Wala naman sigurong makakakita sa amin ngayon.
"Sandali lang, hintayin mo naman ako. Rhian, alam kong masakit 'yan kaya huwag kang magmadali. Sandali lang," bulalas ko nang akmang lalabas na siya ng pintuan.
Halata sa mga paa niya ang nararamdamang sakit pero hindi ko alam kung saan ba siya kumukuha ng lakas. Paano niya ito nagagawa na parang walang nangyari? P'wede naman siyang magpahinga na lang at sabihin sa akin na masakit ang kaselanan niya. Mahirap bang sabihin 'yon?
Nagmamadali akong sumunod sa kaniya dahil baka bigla itong makalayo at hindi ko na maabutan. Nakita at nakasalubong namin si Wince at noong una ay hindi ko alam kung anong gagawin ko pero mabuti na lang ay nagawa namin ni Rhian na baliktarin ang sitwasyon. Kung nagkataon, siguradong uusisain pa kami nito.
Sa sobrang pagkainis ni Rhian kay Wince ay basta na lang niyang binilisan ang kaniyang paglakakad nang hindi lumilingon sa akin. Paika-ika siyang naglalakad dahil sumasakit ang kaselanan niya kapag nagtatama ang mga ito. Ito ang dahilan na sinasabi ko sa kaniya kanina kung bakit mas kailangan niyang magpahinga pero ayaw niyang makinig.
"Ano ba talaga, Rhian? Hindi kita maintindihan. Ang tapang mo kanina sa harapan ni Wince pero naiinis ka pala. Saka bakit ba ang bilis mong maglakad? Alam naman natin pareho na nahihirapan ka kaya bagalan mo naman nang kaunti. Hintayin mo ako," pagrereklamo ko sa kaniya.
Nagpatuloy pa rin siya sa ginagawa at wala akong p'wedeng maging dahilan para hindi siya sundan. Baka kung sino pa ang makakita kay Rhian at isiping nababaliw na siya.
"Bahala ka sa buhay mo. Kung pabagal-bagal ka, huwag mo na akong sundan. Ako na ang bahalang humanap ng kakailanganin ko. Bumalik ka na sa kuwarto kung napapagod ka na. Hayaan mo na ako," muling giit niya at hindi pa rin ako nilingon.
Hindi ko mapigilang mapatawa sa isipan ko at ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Nakakatawang pagmasdan si Rhian dahil para siyang pato kung maglakad. Kahit sinong makakakita sa kaniya ay siguradong matatawa rin. Hindi niya magawang ipagdikit ang dalawang hita niya habang naglalakad,
"Huwag mo na kasing ipilit kung hindi mo pa kaya. Pinapahiya mo lang ang sarili mo. Rhian, subukan mong tingnan ang itsura mo ngayon sa salamin. Sigurado akong matatawa ka sa pinaggagawa mo. Para kang pato na may hinahabol na bata," natatawang sabi ko sa sarili.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahalaklak nang sinubukan pa ni Rhian na tumakbo. Bumagsak ito sa sahig habang hawak ang kaniyang nananakit na kaselanan. Hindi ko na kayang tingnan pa siya dahil natatawa na talaga ako. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang tao rito.
Naiinis siyang tumingin sa akin at bakas sa dalawang mata niya ang pagkainis dahil sa sinabi ko. Tila hindi niya inaasahan na tatawanan ko siya sa ganitong sitwasyon. Wala naman kasi akong balak na pagkatuwaan siya pero hindi ko ito maisahin. Siya mismo ang gumagawa ng dahilan para matawa ako.
"Anong tinatawa-tawa mo riyan? Pinagtatawanan mo ba ang sitwasyon ko? Nakalimutan mo yatang ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito? Nakakainis ka, Thymine. Wala ka bang balak na buhatin ako? Pagkakatuwaan mo na lang ako?" nainis niyang sabi at akmang tatayo subalit pinigil ko na siya.
Kaagad akong lumapit sa kaniya at walang pasubaling binuhat siya. Bakas ang pagtataka sa mukha niya at hindi niya inaasahan na gagawin ko 'to sa kaniya. Kahit naman papaano ay hindi ko siya hahayaan na mahirapan. Tatawanan ko siya sandali pero nakahanda pa rin akong tumulong.
"Huwag mo nang isipin pang pumalag dahil alam ko naman na hindi mo kaya. Hayaan kong buhatin na lang kita. Sinabi ko naman kasi sa iyo na ako na lang ang lalabas pero ayaw mong makinig sa akin. Kaya ngayon, huwag ka nang magreklamo sa sitwasyon natin dahil ikaw din ang gumawa nito," mariing sambit ko sa kaniya.
HIndi kailanman pumasok sa isipan ko na darating kami sa sitwasyon katulad nang ganito ni Rhian. Ganito kalapit at parang matagal nang magkakilala. Pakiramdam ko ay may kung anong koneksyon ang namamagitan sa amin ngayon. Tila bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"Ano bang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Saan ito nanggagaling? Hindi ko maintindihan. Bakit nagiging ganito ang emosyon ko?"
Nakakailang ang mga titig niya sa akin. Kung tumitig siya sa akin ay parang kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba itong nararamdaman ko? Ang gusto ko lang naman ay buhatin si Rhian para tulungan siya pero bakit parang nanginginig ang tuhod ko?
"R-Rhian, anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Hindi siya kaagad sumagot at sa halip at nagpatuloy pa rin sa ginagawang pagtitig sa akin. Naiilang ako at hindi sanay sa ginagawa niya. Ngayon lang ako may binuhat na babae at halos magdikit na ang mga mukha namin. Nakakapanibago. Nalilito ako.
"Ano ba talagang mayroon sa akin? Bakit ako nakakaramdam nang ganito? Maayos naman ako kanina at nakakatawa pa. Pero ngayon, para akong tinatakasan ng lakas. Anong klaseng pakiramdam ito?" naguguluhang bulong ko sa sarili.
Sinubukan kong salubungin ang mga tingin niya at pakiramdam ko ay para bang nangungusap ang mga ito. May kung anong nais sabihin pero idinaraan na lang sa tingin. Ano ba ito? Ano bang mayroon kay Rhian? Bakit siya nagkakaganito?
"Hoy, huwag kang umasa. May dumi ka sa pisngi mo. Baka akalain mo, nahuhumaling ako sa 'yo. 'Yung mga tingin mo sa akin, parang may malalim kang iniisip. Nako Thymine, sinasabi ko sa iyo, itigil mo na 'yan," sambit niya sa akin bago mag-iwas ng tingin.
Sa sinabi niyang iyon ay doon na ako bumalik sa wisyo. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin nang sa gayon ay hindi na makapag-isip ng kung anong bagay. Maaaring imahinasyon ko lang ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ito maaaring maging totoo.
"A-Ano bang sinasabi mo? Sa akala mo ba pinagpapantasyahan kita? N-Nagkakamali ka. Huwag ka ngang tumingin sa akin. Baka kung anong binabalak mong gawin. Bata pa ako, Rhian. Baka pagsamantalahan mo na naman ako," nauutal ko pang sabi sa kaniya.
Nakakainis! Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong dapat na itago at mas lalong wala akong ginawang masama sa kaniya. Siya nga itong unang tumingin sa mga mata ko na naging dahilan kung bakit ako nailang.
"Kunwari ka pa, Thymine. Halata naman na sa mga ikinikilos mo. Sinasabi ko sa iyo, tigilan mo na iyan. Dala lang 'yan ng kabag. Ibaba mo na nga ako. Mukhang nahihirapan ka nang buhatin ako. Gusto mo lang yata akong yakapin, nako Thymine," pagbibirong sabi niya sa akin.
Sandali nga, bakit parang ako ang nagmumukhang makapal ang mukha rito? Hindi ko naman kasalanan na maisip 'yon dahil nakakailang talaga ang paraan ng pagtitig niya. Saka wala naman akong ibang gusto gawin kung hindi ang tulungan siya. Ako pa ang nagmumukhang masama.
"Bumaba ka na nga. Ang bigit mo pala. Pakiramdam ko may nabaling ugat sa braso ko. Hindi ko akalaian na ganito ka pala kabigat, Rhian. Napuwersa ang mga buto ko," pabirong pagrereklamo ko sa kaniya bago siya ibaba.
Kaagad naman niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. Mabilis siyang tumayo para maglakad palayo pero mabilis ko ulit siyang kinarga na siya namang ikinagulat niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya nang sa gayon ay hindi siya makapalag.
"T-Thymine, ano ba? Ibaba mo ako. Akala ko ba nabibigatan ka sa akin? Huwag mo nang ipilit kung hindi mo kaya. Kaya ko namang maglakad mag-isa," mabilis niyang sabi at pilit na nagpupumiglas pero mas malakas ako.
Alam kong nahihirapan pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi ko siya mahahayaan na maglakad mag-isa. Kahit ito na lang ang maitulong ko sa kaniya ngayon dahil ako rin naman ang may kasalanan kaya nararanasan niya ito. Hindi ko naman akalain na malaki pala talaga ang pagkalalaki ko.
"Kamusta, masakit pa ba 'yan? Halika, kukuha na tayo ng mainit na tubig para mabawasan ang sakit. Kailangan na nating magmadali dahil hindi magtatagal ay siguradong lalabas na ang mga kasamahan natin. Baka maabutan nilang ganiyan ang sitwasyon mo," nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana ito subalit inayos ko ang pagkakakarga sa kaniya at mas inilapit siya sa akin para mas mapadali ang pagbuhat ko. Kahit na naiilang ako ay kailangan kong burahin sa isipan ko ang kung ano mang tumatakbo rito. Hindi ito tama. Masyado lang akong nadadala ng emosyon kong wala namang kasiguraduhan.
"Nag-aalala ako sa 'yo dahil dapat maging mabilis ang paghilom ng sugat mo. Ipagtatanggol mo pa ako kay Kamatayan kaya maging malakas ka sa bawat oras. Hindi natin alam kung kailan siya aatake kaya kailangan nating mas maging maingat," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Naiinis naman siyang tumingin sa akin pero hindi na nanlaban pa. Hinayaan na niya akong buhatin siya pero pakiramdam ko ay labag ito sa loob niya. Para bang hinayaan na lang niya ako para matapos na ang lahat. Hindi ko siya maintindihan.
"Galit ka ba? Ano bang inaasahan mo na sasabihin ko? Rhian, magsalita ka naman. Parang may gusto ka sa aking sabihin pero pinipigilan mo ang sarili mo. Ayaw mo ba na kahit minsan. ako ang nag-aalaga sa iyo?" pangungulit ko rito habang naglalakad kami.
Buhat ko pa rin siya at hindi pala ito madali. May kabigatan siya at patpatin ako. Kahit na may iniindang kaunting sakit ay hindi ko na ito pinagtutuunan pa ng pansin. Hindi hamak na mas masakit ang kaselanan niya kaya wala akong karapatan na magreklamo.
"Rhian, sa tingin mo, saan kaya tayo mabilis na makakakuha ng mainit na tubig? Masyadong malaki ang bahay na ito para isa-isahin natin. Ikaw ang mas pamilyar sa buong lugar kaya saan ba dapat tayo pumunta?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
Hindi niya pa rin ako tinatapunan ng tingin at pilit siyang nagmamatigas. Pakiramdam ko ay may malaki akong kasalanan na nagawa sa kaniya. Hindi ko na sana siya papansinin subalit agad siyang nagsalita na siya namang hindi ko inaasahan. Ang buong akala ko pa naman ay mananahimik na lang siya.
"Ibaba mo ako. Hindi mo na ako kailangang buhatin pa. Thymine, kaya ko na. Nanlalambot na ang mga braso mo at kahit hindi mo sabihin, nabibigatan ka sa akin. Huwag mo nang ipilit pa dahil halata ko na," kaswal na sambit niya sa akin.
Napatigil ako sa sinabi niya at kaagad ko siyang tiningnan. Aminado ako na tama ang mga ipinupunto niya pero baka nakakalimutan niyang siya ang mas nasasaktan sa amin. Lalaki ako at hindi ko kayang tiisin na walang gawin lalo na sa mga ganitong pagkakataon.
"Hindi mo pa kaya. Rhian, hindi naman ako nagrereklamo. Gaya nang sinabi mo, kasalanan ko kung bakit nangyari 'to sa 'yo. Hindi ba dapat ibinabalik ko ang pabor? Kailangan kitang tulungan para kahit papaano ay makabawi ako," mahinahong paliwanag ko sa kaniya.
Akmang maglalakad na ulit ako subalit bigla na lamang niyang sinuntok ang dibdib ko kaya't muntik ko na siyang mabitawan. Mabuti na lang at nasa bandang pader kami kaya't hindi agad ako natumba. Kung nagkataon, baka nabitawan ko na talaga siya.
"Ibaba mo na kasi ako. Sige ka, hindi ako titigil hangga't hindi ka natutumba. Kung 'yan lang ang tanging paraan para mabitawan mo ako, hindi na ako magdadalawang-isip na gawin 'yan," mariing giit niya.
Hindi ko na maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin ito. Ano bang mali kung binubuhat ko siya ngayon? Hindi ba ito naman talaga ang ginagawa ng mga lalaki sa babae? Ano bang pinoproblema ni Rhian? Bakit parang ayaw niya sa ginagawa ko?
"Ano bang problema mo? Bakit ba hindi ka na lang manahimik at hayaan mong buhatin kita? Rhian, kahit ito lang sana. Huwag kang makipagmatigasan. Gusto kitang tulungan dahil ikaw na lang ang palaging gumagawa ng paraan para makaligtas ako. Hayaan mo naman ako ibalik ito sa iyo," naiinis kong paliwanag sa kaniya.
Ako ang may kasalanan kung bakit kumikirot ang kaselanan niya. Kahit itong pagtulong ko na lang sa kaniya, hayaan niyang dito ako bumawi. Pakiramdam ko napakasama ko na kung hahayaan ko lang siyang magdusa at nahihirapan. Parang pinanganak ako sa mundong ito na walang silbi kung ganoon.
"Thymine, ako ang tagapagtanggol mo. Paano kita maipaglalaban kay Kamatayan kung buhat mo ako? Ako ang dapat na nasa harapan ng laban. Dadaan muna sila sa akin bago ka nila malapitan. 'Yon ang rason kung bakit tayo hinayang magkakilala ng tadhana. Para ipagtanggol ka, 'yon lang," mariing niya sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit ito ang gusto niyang paniwalaan. Hindi niya ba alam na babae siya at siya ang dapat na pinoprotektahan ng mga lalaki? Hindi siya ang dapat na nakikipagbasag-ulo. Isa siyang prinsesa na dapat na iniingatan.
"R-Rhian, narinig mo ba ang bagay na iyon? Parang may kung anong kaluskos akong narinig sa hindi kalayuan. Guni-guni ko lang ba 'yon? Rhian... narinig mo rin ba?" kinakabahang tanong ko nang may marinig na kaluskos habang nag-uusap kami.
Bigla na lang bumilis ang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Maayos ang pakiramdam ko kanina pero ngayon ay para na akong hihimatayin sa kaba. Ayokong mag-isip ng kung ano dahil maaaring tinatakot ko lang ang sarili ko. Posibleng hindi talaga ito nangyari, na walang kaluskos sa paligid.
"Narinig ko rin ito. Sandali lang, parang nararamdaman ko siya sa malapit. Kumalma ka lang muna riyan. Hindi kita hahayaan na mapahamak. Nanginginig ka na," mahinang sabi sa akin ni Rhian.
Tama siya, hindi ko na mapigilan ang panginginig ng dalawang tuhod ko. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari. Paanong hindi ko naramdaman ito kanina? May panganib na pala sa paligid namin pero wala man lamang akong kaalam-alam. Nakakainis!
"S-Sinong siya? Sino ang tinutukoy mo, Rhian?" kinakabahang tanong ko.
Ang normal na pasilyo ay tila biglang dumilim nang dahil sa sinabi ni Rhian. Ang mga ilaw sa paligid at ang mga obra ay tila nagkaroon ng sariling buhay. Hindi ako makahinga nang maayos at kung saan-saan ko iginagala ang tingin. Baka may papalapit na sa amin pero hindi ko nalalaman.
"Kumalma ka muna, hindi pa ako sigurado. Thymine, kasama mo ako ngayon kaya magiging maayos ang lahat," muling bulong ni Rhian.
Kaagad akong sinalakay ng matinding kaba at halos mawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. Bigla akong nawala sa sarili at ang tangi ko na lang nararamdaman ay labis na pagkatakot. Ito na naman ang kinatatakutan kong mangyari. Pinagdaraanan ko na naman ito at walang kasiguraduhan kung anong kahihinatnan.
"Thymine, huwag kang gagawa ng ingay. Kailangan mong kumalma at pigilin ang sarili mo na mapaluha. Akong bahala sa 'yo. Hawak kita at hindi iiwang mag-isa. Magtiwala ka," pagpapakalma sa akin ni Rhian.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay unti-unti kong ibinaba si Rhian. Nawawalan na ako ng lakas at baka pati siya ay madamay. Muli kong ipagkakatiwala sa kaniya ang buhay ko. Sana lang ay magawa naming makaligtas kahit ganito ang kondisyon niya. Kailangan kong magtiwala.
"R-Rhian, si Kamatayan. Nandito siya, 'di ba? Anong gagawin natin, natatakot na ako. P-Papaano kung basta na lang siyang sumugod sa atin?" nababahalang sambit ko sa kaniya.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Malakas ang pakiramdam ko na nasa malapit lang si Kamatayan. Ganitong takot din ang naramdaman ko noong una ko siyang makita. Hindi ako p'wedeng magkamali.
"Tatakas tayo. Hindi ako papayag na makasalubong o makita niya tayo. Sa ngayon, kailangan muna nating magtago. Naiintindihan mo ba ako?" bulong sa akin ni Rhian.
Napaupo na lang ako at napasandal sa pader habang yakap ang sarili ko. Naririnig ko na naman ang mga yabag, malapit na siya. Kaunting distansiya na lang at siguradong magkikita na muli kami.
Halos mawalan ako nang malay dahil sa pagbagsak ng duguang itak sa sahig. Nahatak ko pa ang damit ni Rhian dahil sa matinding takot. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Siguro akong siya 'yon. Hindi ako p'wedeng magkamali.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Tang Ina! Bakit biglang lumamig ang ihip ng hangin? Naririnig ko na may tumatawag sa pangalan ko. Gasgas na ang boses nito at talagang nakakikilabot. Tinatakasan ako ng lakas. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na napigilan ang sarili na magpadala sa matinding takot. Bahala na kung anong mangyayari sa akin.
"Thymine, kamusta ka? Ilang beses mo na akong tinakasan. Makatakas ka pa kaya sa pagkakataong 'to? Malapit na ako kaya galingan mo ang pagtatago."
Isang pamilyar na tinig ang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.