Read at your own risk!
Thymine
Wala akong anumang ideya kung ano ang mga posibleng kaharapin namin ngayon ni Rhian. Hindi na namin kasama ang iba naming kasamahan at tanging isa't isa na lang ang kailangan naming asahan. Kung ano man ang magiging kapalaran ko ngayong gabi, ang tadhana lang ang nakakaalam.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganoon si Wince. Maayos naman ang naging pag-uusap namin kanina at ikinuwento ka pa nga niya sa akin kung gaano ka kabuting kaibigan. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa," naguguluhang tanong ko kay Rhian.
Kanina pa kasi ako nagtataka kung bakit kailangan na umabot sa ganito. Wala naman akong natatandaan na ginawang kasalanan sa kaniya para pag-initan niya ako. Kung gaano ay pinepeke niya lang ba ang pagiging mabait sa akin? Hindi ko siya maintindihan. Wala akong ano mang ideya sa tumatakbo sa isipan niya.
"Kahit naman ako. Hindi naman kami madalas na magtalo kaya nagtataka ako kung bakit kailangan pa niyang kunin ang simpatya ng mga kasamahan natin para lang mapaalis tayo sa loob ng kuwarto. Hindi ko siya mabasa ngayon. Ang hirap niyang intindihin," sagot sa akin ni Rhian habang nagmamasid siya sa paligid.
Sobrang tahimik sa mga pasilyo ngayon at tanging mga yabag lang namin ang naririnig. Hindi ko maiwasan na mag-isip nang kung ano dahil kung totoo na ako ang nakatakdang patayin ni Kamatayan ngayong gabi, kahit na saan kami pumunta ni Rhian ay tiyak na masusundan kami. Walang kasiguraduhan ang magiging kapalaran ko ngayong pero umaasa akong makakaligtas kami.
"Hindi mo naman ako kailangang samahan pa, Rhian. Madadamay ka pa kung sakaling patayin ako mamaya. Tatanggapin ko na lang ang kahihinatnan ko sa bahay na ito. Kung oras ko na para mawala, hindi na ako tututol pa," pangangatuwiran ko sa kaniya.
Sinabi ko lang iyon dahil baka sakaling nagdadalawang-isip siya na tulungan ako. Ang totoo, gusto ko ang presensiya niya ngayon. Gusto ko na magkasama kami at inililigtas sa tiyak na kapahamakan. Kalokohan ang maiwan akong mag-isa dahil kailangan ko si Rhian. Hindi ako magtatagal sa lugar na ito kung wala siya.
"Ano ka ba, hindi ka kailan man naging abala sa akin. Huwag ka nang mag-isip nang kung ano dahil makakaligtas ka ngayong gabi. Hindi ka malalapitan ni Kamatayan. Mabubuhay ka at ipapakita mo sa mga kasamahan natin, lalo na kay Trench na nagkamali sila," determinadong sabi niya sa akin.
Hindi talaga siya kailan man nabigo na palakasin ang loob ko. Sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko si Rhian. Alam kong may nakahanda siyang plano ngayon. Hindi niya ako hahayaan na mapahamak kaya itataya ko na ang buhay ko sa kaniya. Siya na ang bahala sa akin.
Napapakapit ako kay Rhian sa tuwing may biglang tumutunog sa paligid. Hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan. Masyadong misteryoso ang lugar na ito at sigurado akong lahat ng bagay ay maaaring ikapahamak namin. Hindi namin ito lugar kaya walang makapagsasabi kung hanggang kailan kami makakaligtas.
"Rhian, saan ba tayo pupunta? Kinakabahan na naman ako. Paano kung nasa paligid lang pala si Kamatayan? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit na sabihing dalawa tayo at isa lang siya, hindi natin siya kakayaning labanan. Paano ba tayo magiging ligtas ngayon?" nababahala kong sabi at muling humawak sa braso ni Rhian.
Bakit ba kasi pinalaki akong takot sa madilim na lugar at mga multo? Nagmumukha tuloy akong katawa-tawa sa harap ni Rhian. Sobrang nahihiya na ako sa kaniya pero wala akong magagawa. Isa ito sa mga pinakatatakutan ko. Ayokong maiwang mag-isa sa gitna ng dilim at walang kasiguraduhan kung may liwanag ba akong makikita.
"Thymine, kumalma ka lang. Wala pa si Kamatayan. Hindi ko pa nararamdaman ang presensya niya. Ligtas pa tayo sa ngayon kaya huwag kang masyadong kabahan. Sasabihan kita kapag hindi na tayo ligtas at kapag nangyari iyon, mabilis tayong tatakbo para makatakas," naniniguradong sabi ni Rhian.
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad at wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta. May tiwala naman ako kay Rhian at alam kong hindi niya ako ipapahamak. Sa dami ng mga nagawa niya para sa akin, sigurado akong hindi niya ako hahayaan na maging biktima ni Kamatayan ngayon.
"Nakakainis talaga si Wince. Siya ang dahilan kung bakit tayo napalabas sa silid. Sana talaga mahuli siya ni Kamatayan. Hindi sana natin ito kailangang maranasan kung hindi niya tayo pinag-initan. Hindi ko talaga siya maunawaan kahit na akong gawin kong pag-iintindi," pambabasag ko sa katahimikan.
Pahamak siya! Nananahimik kami tapos bigla siyang manlalaglag? Kung ilaglag ko kaya siya sa bintana? Nakakainis! Hindi tuloy namin alam kung saan kami pupunta at magtatago ngayon para makaligtas. Ipinagtatanggol niya ba si Trench kaya ginawa niya sa amin iyon? Nakakainis!
"Hindi ka ba nagagalit sa kaniya? Parang kanina niya pa gustong mag-away kayo. Gumagawa siya ng eskandalo para pansinin mo siya. Nakakainis siya! Ang buong akala ko pa naman ay kaibigan talaga ang turing niya sa iyo," naiinis ko pang sabi sa kaniya.
Maayos na sana kaming nagpapahinga sa silid na iyon pero hinadlangan niya ang lahat. Nagsisisi tuloy ako na naging mabait ang pakikitungo ko kanina sa kaniya. Kung alam ko lang na gagawin niya ito, hindi na sana ako nagkuwento sa kaniya tungkol sa mga nangyayari sa akin.
"Hayaan mo na siya. Wala na naman tayong magagawa dahil pinagkaisahan nila tayo. May nahanap na akong silid na p'wede nating pagtaguan," mariing giit ni Rhian at bahagya kaming tumigil sa paglalakad para siguraduhin na walang ibang nakasunod sa amin.
Nasa ikalawang palapag kami ngayon at kasalukuyang tinatahak ang madilim na mga pasilyo. Paminsan-minsan ay may mga naglalaglagan pang gamit na siyang nagpapakaba sa akin. Hindi ko talaga kakayanin na magtagal sa rito kung hindi ko kasama si Rhian. Grabe ang matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Walang tigil sa malalakas na pagkabog ang puso ko.
"Malapit na ba tayo sa silid na sinasabi mo? Rhian, kinakabahan na talaga ako. Bilisan na natin ang paglalakad para mas madaling makarating sa pagtataguan natin ngayong gabi. Hindi ko na alam kung makakatagal pa ako rito," natatarantang sambit ko.
Kanina pa kami nagpapaikot-ikot sa buong lugar at sa bawat ingay na nagagawa ng mga yabag namin ay hindi maiwasang kumawala ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Maraming mga naglalaro sa isipan ko na kung ano-anong elemento at naiisip ko na nakakasalubong lang namin ito at hindi nakikita dahil sa dilim.
"R-Rhian, malapit na ba? Bakit parang mas kinakabahan ako ngayon? Hindi mo naman nararamdaman siguro si Kamatayan, ano? Pakiramdam ko ay trumiple ang kaba sa dibdib ko ngayon. Mamamatay na yata ako rito," nababahalang sabi ko at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit kay Rhian.
Nakakainis na buhay talaga 'to! Bakit para mas lalong nakakadagdag ng kaba ang lamig ng simoy ng hangin? Bakit parang nagkakaisa ang lahat para takutin ako? Nakakainis naman ito, paano na lang ako? Hiyang-hiya na ako sa ginagawa ko kay Rhian. Mahina na ang loob at matatakutin pa. Sira na ang imahe ko sa kaniya.
"Halika na, nandito na tayo. Mabuti naman at wala pang kamatayan na umaaligid. Magmadali ka na dahil kanina ko pa nakikita na takot na takot ka. Sobrang higpit nang pagkakahawak mo sa akin," pagbibiro pa na sabi ni Rhian.
Pinihit na niya ang pintuan at saka ako inanyayahang pumasok sa loob. Sa wakas at nakarating na rin kami. May silid na kami na pagtataguan. Walang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang kaya sigurado na wala nang makakapagpaalis sa amin.
"Hindi naman ako ganoon natakot kanina. Guni-guni mo lang yata iyon. Maayos naman ang pakiramdam ko at hindi ako kinakabahan," mariing giit ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit sinabi ko pa iyon kahit na alam ko namang nakita niyang sobrang natatakot ako kanina. Natural na sa akin ang maging matatakutin kaya malakas ang pakiramdam ko na naiintindihan ito ni Rhian at hindi niya ako hinihusgahan.
"Mabuti na lang talaga at walang Kamatayan sa paligid. Makakahinga ako ng mal- "
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa nakita ko. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas at sobra akong pinagpapawisan. Pagkabukas ni Rhian ng ilaw ay tumambad sa akin ang nakangising si Kamatayan. Natigilan ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ako makapag-isip nang maayos. Totoo ba na siya ang nasa harapan ko ngayon?
"T-Tang ina! K-Kamatayan?" natatakot na sambit ko at halos takbuhin ko na ang pintuan palabas.
Nababaliw na ako. Bakit ayaw bumukas ng pintuan? Tang ina talaga! Gusto ko pang mabuhay. Iligtas niyo naman ako sa kapahamakan. Bakit nakatayo lang si Rhian? Hindi ba siya natatakot sa posibleng gawin nito sa amin? Akala ko ba ililigtas niya ako? Nasaan na ang pangako niya?
"R-Rhian, tara na at tumakbo. I-Iligtas natin ang mga sarili. A-Ano pa bang hinihintay mo?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lamang siya nakakaramdam ng takot ngayon. Paano niya nagagawang maging kalmado sa mga oras na ito? Akmang sisipain ko na ang pintuan subalit bigla akong pinigilan ni Rhian. Sa ginawa niya ay do'n lang pumasok sa isipan ko na ako lang ang halos magwala sa takot.
Natatawa niya akong tinnignan at pinagmamasdan ang naging reaksyon ko. Tang ina! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba naging mas matatakutin ako ngayon? Wala na yata akong mukhang maihaharap kay Rhian dahil sa nangyari ngayon.
"Thymine, kumalma ka. Hindi si Kamatayan ang nakita mo. Isa lang 'yong rebulto na nangisi. Hindi ko akalain na ganiyan ka pala katakot sa kaniya. Halos mamatay ka na sa sobrang takot at pagkataranta," natatawang sambit niya sa akin.
Halos mamula na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Juskong buhay naman talaga, kalalaking tao pero matatakutin. Hindi ko na ito matatagalan pa. Sobrang nahihiya na akong humarap sa kaniya at hindi ko siya matitigan nang diretso sa mata. Sana kainin na lang ako ng lupa ngayon.
"Gano'n ba? Pasensya ka na, hindi ko naman kasi alam na rebulto lang 'yon. Ikatlong gabi ko pa lang sa bahay na 'to kaya hindi pa ako gaanong sanay sa mga bagay. Alam mo naman na sobrang matatakutin ko. Kalimutan mo na lang ang mga nakita mo ngayon," paghingi ko ng dispensa.
Kung ibang tao lang siguro si Rhian ay mas lalo akong mahihiya. Mabuti na lang talaga na mabait sa akin si Rhian at alam kong mapagkakatiwalaan siya. Sobrang dami ko nang kahinaan na naipakita sa kaniya at alam na niya rin kung gaano ako kahinang tao. Kilala na niya ang buong katauhan ko kahit kailan lang kami nagkakilala.
"Ano ka ba, wala lang iyon. Naiintindihan naman kita at ganiyan din ako noong una. Sobrang takot ako sa lugar na ito at wala akong ibang mapuntahan. Hindi ko na nga maalala pa kung kailan ba nawala ang takot ko sa bahay ni Kamatayan," pagkukuwento niya sa akin.
Halos pareho kami nang pinagdaraanan sa buhay kaya madali sa amin ang intindihin ang isa't isa. Alam namin kung gaano kahirap ang maiwang nag-iisa sa kawlaan at hindi mo alam kung kanino ka hihingi ng tulong. Mabuti na nga lang at narito siya palagi para samahan at tulungan ako.
"Aaminin ko na sa iyo, Rhian. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakaligtas sa lugar na ito kung hindi kita kasama. Kahit na habang buhay pa akong magpasalamat sa iyo kapagnakalabas tayo rito ay handa akong gawin iyon. Makabawi man lang ako sa mga ginagawa mo sa akin," bulalas ko sa kaniya.
Ngayon lang kami nakapag-usap nang ganito na kami lang at walang ibang sagabal. Ngayon ko lang din nasabi kay Rhian nang harapan kung gaano ako nagpapasalamat sa mga itinutulong niya sa akin. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam.
"Umupo muna tayo sa kama. Alam ko rin na gutom ka na. Sa pagkakatanda ko, may pagkaing nakaimbak sa silid na 'to. Sandali lang, hahanapin ko muna. Magpahinga ka muna riyan," nakangiting sambit ni Rhian at kaagad na pumunta sa isang aparador.
Hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito. Kung sabagay, ilang silid pa lang ang nakikita kong p'wedeng pagtaguan tuwing gabi nang hindi napapansin ni Kamatayan. Sa tingin ko naman ay magiging ligtas kami ngayong gabi.
"Huwag mo na lang pansinin pa sina Wince at Trench dahil sadyang ganoon lang sila. Hayaan mo dahil kapag nahimasmasan na ang mga iyon, p'wede mo na ulit silang kausapin. Basta tandaan mo na huwag kang masyadong magtitiwala dahil kaya ka nilang traydorin ano mang oras nila gustuhin," biglaang sabi ni Rhian.
Inabutan niya ako ng inumin sa isang baso at dahil sa uhaw ay basta ko na lang itong nilagok. Kumuha rin si Rhian ng baso at nagsalin ng sarili niyang inumin. Hindi ko na namamalayan na ilang oras na rin pala noong huli akong gutom. Masyadong maraming nangyari kaya hindi na ito sumasagi sa isipan ko.
"Bakit ang init sa silid na 'to? May elesi naming gumagana sa itaas. Rhian, ayos lang ba sa iyo na maghubad ako ng pang-itaas na damit? Pawis na pawis na ako. Hindi ko alam na sobrang init pala sa loob ng kuwartong ito," pagpapaalam ko sa kaniya.
Masyadong nakapokus ang isipan ko kay Kamatayan kaya siguro ako nagkakaganito. Kahit sino namang maging nakatakda na biktima niya ay kakabahan din at mawawala sa sarili. Pero malakas ang pakiramdam ko na magiging ligtas na ako ngayon. May silid na kami na pinagtataguan kaya hindi kami basta makikita o mahahanap ni Kamatayan.
Agad naman niya akong nginitian. "Sige lang. Kung komportable kang walang pang-itaas na damit, magtanggal ka. Ayos lang sa akin at walang problema. Gawin mo kung anong gusto mo," sambit niya sa akin.
Tama lang ang espasyo ng silid na 'to. Kaunti lang din ang mga gamit at tanging nag-iisang aparador lang ang naririto. Dito kumuha si Rhian ng baso at inumin namin kanina. Sa tingin ko ay sapat na ito para pagtaguan namin ngayon. Magiging ligtas kami rito.
Kaagad na akong nagtanggal ng pang-itaas na damit at pasalampak na humiga sa kama. Wala na akong pakialam kung patpatin ang katawan ko, ang mahalaga ay maging presko ang pakiramdam ko. Si Rhian lang naman ang kasama ko rito sa loob kaya walang magiging problema.
"Mukhang ang daming nangyari sa iyo ngayong araw. Hayaan mo dahil mararanasan mo ulit ito bukas. Makakaligtas ka ngayong gabi kaya huwag ka nang mag-alala pa. Tago ang kuwartong ito kaya ligtas tayo," muling sabi sa akin ni Rhian.
Sa wakas ay hindi na ako gaanong kinakabahan ngayon. Alam kong magiging ligtas ako dahil magkasama kami ni Rhian at walang iwanan. Hindi niya ako pababayaan na mapahamak. Pakiramdam ko isa ako sa pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo.
"Ito ang buhay. Grabe, napagod ako simula kanina. Nakailang beses din pala tayong nakipaghabulan kay Kamatayan. Hindi ko inaasahan na magtatagal ako sa lugar na ito. Akala ko noong una ay panaginip lang ang lahat at babalik ako sa dati pero nagkamali ako," sambit ko kay Rhian.
Nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa kama, habang ang mga paa ko naman ay nakatayo sa dulo nito. Ngayon lang ako nakaramdam na ligtas ako sa ano mang panganib na nakapalingid sa akin. Makakapagpahinga na rin ako nang maayos sa wakas nang sa gayon ay may sapat na lakas para lumaban bukas.
"Thymine, bakit ang payat mo? Kitang-kita ko na ang mga buto mo. Hindi ka naman nagugutom dito, ano? Hindi ko akalain na ganiyan ka pala kapayat," natatawang sambit ni Rhian.
Kaagad itong lumapit sa akin at bahagyang hinawakan ang dibdib kong halos labas na ang mga buto. Ano ba naman 'yan, nahihiya na ulit tuloy ako sa kaniya. Halatang hindi ako 'yong tipo nang taong magugustuhan niya.
"Wala naman akong magagawa dahil ganiyan na iyan. Wala akong oras na magpalaki ng katawan dahil sobrang abala ko sa paaralan. Minsan na nga lang din ako makapag-ayos ng sarili ko. Hayaan mo, aayusin ko iyan paglabas natin sa lugar na uto," determinadong sabi ko sa kaniya.
Ang lambot ng kamay ni Rhian. Ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya. Ngayon lang ako nahawakan ng isang babae sa dibdib at ang pakiramdam ay para nang nasa langit. Kahit na halos buto na ang mahawakan niya ay ayos lang. Ano ba naman itong tumatakbo sa isipan ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na ginawa ni Rhian. Inihilig niya ang kanyang ulo at bahagayang nilalawayan ang dibdib ko. Sinisipsip niya rin paminsan-minsan ang utong ko na halos bumuhay sa aking kaselanan. Tang ina! Ano bang nangyayari? Bakit parang sobrang init na?
"Rhian, anong ginagawa mo? Itigil mo na 'yan dahil baka kung saan pa mapunta ang ginagawa mo. Matulog na tayo at magpahinga. Tama na iyang ginagawa mo sa dibdib ko," pag-aawat ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin ngayon. Pakiramdam ko ay nawawala ako sa katinuna at walang ideya sa kung anong mga nangyayari. Gusto kong palayuin si Rhian dahil mas lalong nag-iinit ang pakiramdam ko kapag nasa tabi ko siya. Hindi ko na alam kung ano bang nangyayari sa akin.
"R-Rhian, p'wede bang lumayo ka muna nang kaunti? Hindi ako makagalaw nang maayos. Nahihirapan akong makahing sa puwesto natin ngayon," mariing sabi ko sa kaniya.
Pilit kong iniaalis ang ulo niya sa dibdib ko subalit nagmamatigas siya. Patuloy pa rin siya sa paghaplos ng aking dibdib at nasisira nito ang pagiging kalmado ko. Mas lalo akong nawawala sa sarili dahil sa ginagawa niya. Natatakot ako na baka kung saan mapunta ang lahat.
"R-Rhian, pakiusap lang, lumayo ka muna kahit sandali. Hindi ko na talaga kayang pigilan pa. Umusog ka muna," muling sabi ko sa kaniya.
Hindi na normal ang paghinga ko dahil sa magkakasunod na malalakas na pagtibok ng puso ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag matapos alisin ni Rhian ang ulo niya sa dibdib ko. Nag-angat siya ng tingin at hinawakan ang aking leeg. Tang ina! Ano bang nangyayari sa amin? Bakit aparang pareho kaming nawawala sa sarili?
"Thymine, bakit ang guwapo mo sa paningin ko? Pakiramdam ko, malambot 'yang mga labi mo. Hayaan mo akong lasapin at papakin 'yan. Sigurado akong masarap 'yan," nakangiting sabi ni Rhian.
Tuluyan na itong pumatong sa ibabaw ko at halos matulala ako sa ginagawa niya. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng distansya ng mga mukha namin. Nag-iinit na ako at anumang sandali ay baka saan pa ito mapunta. Hindi ko na kayang pigilan pa. Nahihirapan akong pigilan dahil gusto ng katawan ko ang ginagawa ni Rhian.
"Thymine, pasayahin mo ako ngayong gabi. Sisiguraduhin ko na masisiyahan ka rin," nakangiti nitong sabi bago tuluyang maglapat ang mga labi naming dalawa.
Tang ina! Bahala na kung saan ito mapunta.