Thymine
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata, sa una'y nanlalabo pa ang mga ito pero hindi kalaunan ay lumilinaw na. Pinakiramdaman ko ang paligid at mabuti na lang wala na akong nararamdaman na panganib.
"Umalis na ba siya? Wala na ba rito si Kamatayan?" mahinang bulong ko sa isipan.
Nararamdaman kong may tumatapik sa pisngi pisngi ko. Paulit-ulit ito at gusto yata akong gisingin. Sandali, sino ba siya? Ayoko pang buksan ang mga mata ko kahit hindi ko na nararamdaman si Kamatayan.
"Thymine, gumising ka na. Kanina pa kita hinihintay. Ayos ka lang ba? May masakit sa iyo?" rinig kong tanong ng kung sino sa akin habang patuloy pa rin sa pagtapik.
Tumigil din sìya nang mapansing gumalaw ako at unti-unting nagmulat ng mga mata. Ikinusot ko muna at pilit na iniaayos ang aking paningin, mukhang napahaba yata ang tulog ko dahil sa nasaksihan kagabi.
"R-Rhian?" nagtatakang tanong ko nang siya agad ang bumungad sa akin.
Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at wala pa rin itong ipinagkaiba gaya noong nakita ko kagabi. Maraming nakapalibot sa akin subalit tanging si Rhian lang ang nakikita ko, sa kanya napako ang paningin ko.
Ngumiti siya sa akin na tila sobrang natutuwa na makita ako. Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito na naman siya? Hindi niya ako kamag-anak para mag-alala nang sobra.
"Oo, ako ito, si Rhian. Masaya ako dahil ligtas ka, pinag-alala mo ako, Thymine. Kailangan mo ba ng tulong? Sabihin mo lang, tutulungan kita. Akong bahala sa iyo," nag-aalalang tanong niya sa akin.
Akmang tatayo ako subalit naalala ko ang ginawa ni Kamatayan at muling nanumbalik ang takot ko. Bigla ring sumagi sa isipan ko ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Rhian. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.
"H-Hindi ko kailangan ng tulong mula sa inyo..." mahinang bulong ko.
Nag-aalala niya akong tinignan sa mata. Hindi ko na alam ang totoo. Hindi ko siya kayang tignan sa mata. Hindi ko alam kung totoo ba ang ipinapakita niya o pagpapanggap lang.
"Bakit? May problema ka? Namumutla ka, naaalala mo na naman ba siya? Tumingin ka sa akin, Thymine. Magiging maayos din ang lahat. Ipinapangako ko 'yan," pagpapalakas ng loob na sabi niya sa akin.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit kapag kaharap ko si Rhian, nanghihina ako? Pakiramdam ko, pinagtatawanan na nila ako sa isipan nila. Gusto kong paniwalaaan ang mga ipinapakita niya pero dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan?
"Ano ka ba, hindi mo kailangang mahiya sa akin. Thymine, makinig ka. P'wede mo akong ituring na ate mo. Nakahanda akong mahalin at ipagtanggol ka. Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa iyo 'yon?" paninigurado niyang sambit.
Thymine, ano bang problema mo? Bakit ka ba nagpapakita ng kahinaan sa kanila? Bakit ba ang hina mo? Tumayo ka naman sa sariling paa, masyado kang mahinhin. Hindi ganyan ang isang lalaki. Umayos ka!
"Rhian, hindi mo na ako kailangang intindihin pa. Maayos na ang kalagayan ko, umalis na tayo. Kung gusto mo akong tulungan, huwag mo na ulit akong iwan na mag-isa. At isa pa, itigil mo na ang masyadong drama," mariing giit ko at akmang tatayo nang pigilan niya.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Bakit ba ako lagi ang nilalapitan niya? Ayokong umasa. Kagabi, pinanghawakan ko ang mga sinasabi niya pero hindi siya dumating para iligtas ako.
"Hindi mo kailangang mailang sa akin. Mas matanda naman ako sa iyo. Ituring mo akong nakakatandang kapatid, hindi kita pababayaan. Nag-alala talaga ako sa iyo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nasaktan ka," sambit niya sa akin at hinawakan pa ang mga kamay ko.
Thymine, mag-isip ka. Hindi p'wedeng wala kang sasabihin, nakakahiya. Maraming nanonood sa inyo, huwag mong ilagay sa kahihiyan ang sarili mo. Nakakainis!
"Ilang taon ka na ba? Saka bakit ka ba laging nag-aalala sa akin? Hindi ko kailanman hinangad na protektahan nino man. Hindi ko kailangan ng tulong. Lumaki ako na sarili ko lang ang kakampi," mariing giit ko at biglang tumayo nang hindi siya pinapansin.
Hindi nakatakas sa mata ko ang mapanghusgang tingin ng mga kasama ko. Sa paraan ng tingin nila sa amin, alam kong hindi ito maganda. Kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa isipan nila.
"Tapos na ang palabas, umalis na tayo rito. Hindi naman kayo naaawa sa mga kasamahan natin na pinatay ni Kamatayan. Wala ring nagtanong sa inyo kung maayos ba ako. Naengkwentro ko si Kamatayan pero wala kayong pakialam," muling giit ko sa kanila at akmang lalabas ng palikuran subalit hinatak ni Rhian ang braso ko.
Ano bang problema niya? Bakit ba siya laging ganito? Bakit pilit siyang pumapasok sa buhay ko kahit hindi ko sinasabi? Ano bang mayroon sa akin at ganito ka, Rhian.
"Sa ayaw at sa gusto mo, ipagtatanggol kita. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo, ipinapangako ko 'yan. Hindi na muling mangyayari ang kapabayaan ko kagabi. Isinusumpa ko iyan, Thymine," determinado niyang sambit.
Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Masyado na naming nakuha ang atensyon ng lahat. Nakakahiya. Hindi ko alam kung anong iniisip nila. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot na baka ako ang maging kahinaan ni Rhian.
"Iligtas mo ako hanggang gusto mo, hindi ko 'yan tatanawin na utang na loob. Desisyon mo 'yan, hindi kita pipigilan. Pero sinabi ko na sa iyo na hindi na kailangan," mariin kong giit at buong lakas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Tuluyan akong lumabas sa loob ng palikuran at hindi na nag-abalang lingunin pa sila. Wala na akong pakialam kung napahiya man si Rhian, mas nakakahiya ang ginagawa niya para sa akin. Ayokong tuluyang umasa na lagi siyang narito. Ayokong maulit ang nangyari kagabi.
Palagi na lang niya akong tinutulungan, nakakainis na. Nagmumukha na akong mahina, nagiging katawa-tawa na ako sa harapan ng mga kasamahan ko. Simula ngayong ay iiwas na ako kay Rhian, masyado na niya akong tinutulungan kahit na hindi na kailangan.
"Tama ang naging desisyon mo, Thymine. Hindi sa lahat ng oras kailangan mo ng tulong. Hindi ba kagabi kailangan mo ng saklolo, pero nasaan siya? Tama lang iyan," pagkukumbinsi ko sa sarili.
Inis na pumasok ako sa isa sa mga silid dito sa ikalawang palapag. Hindi naman nakasara ang pintuan kaya basta na lang akong pumasok at isinara iyon. Gusto kong matahimik. Ayokong marinig ang mga bulung-bulungan nila.
"Hanggang dito ba naman? Hindi ba sila natatakot na mahuli at patayin ni Kamatayan?" naiinis na bulong ko sa sarili.
Napapikit na lang ako at naiyukom ang aking palad nang makarinig ng mahihinang ungol galing sa kama. Hindi ko na alam kung saan ang ligtas na lugar sa bagay na ito.
May nakalagay kasing aparador pagbukas mo ng pintuan at kinakailangan mong umikot para makita ang kama. Tang inang buhay 'to, bakit ba ang daming umuungol? Tigang na tigang ba sila?
"Ohhh, bilisan mo pa. Sige lang, ipagpatuloy mo diyan. Ohh, huwag kang hihinto. Ang sarap, sige bilisan mo pa. Idiin mo, isagad mo. Ang sarap, sige bilisan mo pa," wala sa sariling sabi ng babae at tila nawawala na siya sa wisyo.
Sinilip ko sila at ang babae, sarap na sarap habang naka-ibabaw sa lalaki. Sinasabayan nito ang pagbayo ng lalaki at paminsan-minsan ay tinutusok ang kaselanan niya gamit ang mga daliri. Kinikilabutan ako sa kanila.
Halata rin na nasasarapan ang lalaki at inaarko pa nito ang katawan ng babae. Hubo't hubad ang dalawa at hindi man lamang nila namalayan na nandito ako.
"Ano pa ba ang mga misteryo sa bahay na ito nang mapaghandaan ko?" nagtatakang tanong ko sa sarili.
Inis kong sinipa ang aparador at nananitili pa rin nakakubli, bahala sila kung matatakot sa ginawa ko. Hindi man lamang sila marunong lumugar. May namatay sa mga kasama namin pero nagpapakasarap sila rito.
Bahagyang natigilan ang dalawa at naudlot ang ginagawa nilang milagro. Agad na inalis ng babae ang pagkalalaki ng katalik niya at umalis sa kandungan nito. Halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"Sino 'yan? May iba pa bang tao rito?" nagtatakang tanong ng babae at nagpalinga-linga sa paligid.
Akmang lalabas na ako at magpapakita sa kanila subalit may biglang nagtakip ng bibig ko. Unti-unti ako nitong hinila palabas ng silid na 'yon.
Sinusubukan kong magpumiglas subalit malakas siya, hindi ko magawang maalis ang kamay niya. Bigla akong sinalakay ng matinding kaba dahil wala akong ideya kung sino siya.
"B-Bitaw!" nahihirapang sigaw ko.
Saka niya lang ako binitawan nang makalayo na kami sa silid. Inis ko siyang tinignan, halos malagutan na ako ng hininga dahil sa ginawa niya. Tuluyan akong nainis nang makilala siya.
"Ano bang problema mo, Trench? Umiiwas na ako sa iyo, bakit ka pa lumalapit? Hindi ba ito ang gusto mo? Bakit mo ako pinapakialaman?" naiinis kong sambit sa kanya.
Hindi niya pinansin ang mga pagrereklamo ko at seryoso niya pa rin akong tinitignan . Nagpakawala muna siya ng malalim na bumuntong-hininga bago sumagot.
"Kailangan mong mag-ingat, ikaw ang papatayin mamayang gabi. Maghanda ka kung gusto mo pang mabuhay," mahinang bulong niya at sa pagkakataong ito ay bahagya akong natigilan.
Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ko at sinasalakay na ako ng matinding kaba. Imposible! Walang kasiguraduhan ang sinasabi niya. Hindi ako mamamatay. Ayoko pang mamatay!