Read at your own risk!
Third Person
Sunud-sunod na sigaw ang naririnig ni Thymine ngayon at nagmamakaawa ang dalawa niyang kasamahan na huwag silang patayin. Pilit na nanlalaban ang mga ito, subalit wala silang panama sa lakas ni Kamatayan. Hindi nila ito kayang labanan.
Mas lalo sumisiksik sa sulok si Thymine at natatakot na siya sa mga nangyayari sa labas ng pinagtataguan niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya bang makaharap si Kamatayan.
Pawis na pawis na siya at walang tigil sa sunud-sunod na mabilis na pagtibok ang kanyang puso. Kinakabahan na siya, hindi na niya alam ang susunod na mangyayari. Walang kasiguraduhan ang sitwasyon niya ngayon.
Sunud-sunod na pagsaksak ang ginawa ni Kamatayan at bahagyang tumigil ang mga sigaw na naririnig mula sa dalawa. Tila hindi makapaniwala ang mga ito sa nangyayari.
May tumatagis sa labas, subalit anong magagawa ni Thymine? Hindi naman niya p'wedeng isugal ang sarili niyang buhay. Isa pa, hindi niya rin alam kung magiging ligtas siya.
"Pinatay mo siya! Pinatay mo ang lalaking mahal ko. Napakasama mo! Yuan, gumising ka. Pakiusap, gumising ka. Pakinggan mo 'ko, kailangan mong lumaban. P-Pakiusap!" nagsusumamong sigaw ng babae.
Naghihingalo na ang lalaki dahil sa mga tinamo niyang saksak dahil sa bawat atake ni Kamatayan ay ipinansasalag niya ang kanyang sarili para hindi masaktan ang dalaga. Hindi niya hahayaang mapahamak ito. Hindi na baleng siya ang masaktan, huwag lang ito.
Muling humalakhak si Kamatayan. Hindi pa siya tuluyang nasisiyahan sa ginagawa. Gusto niya pang gawing brutal ang pagpatay. Ito ang paraan niya at walang p'wedeng makapigil sa kanya.
"Hindi mo dapat siya kaawaan dahil mamamatay ka rin na naman. Pareho kayo ng patutunguhan. Ikaw, nakahanda ka na ba?" nakakalokong tanong niya at biglang iwinasiwas ang kanyang hawak na itak at inihampas sa dalaga.
Nagtangka pa itong manlaban at ginagamit na pansalag ang sampayan. Bakas ang determinasyon sa mga mata nito at hindi siya basta papayag na mamatay. Kailangan niyang lumaban. Ito ang pinanghahawakan niya.
Mas lalong ngumisi nang nakakaloko si Kamatayan. Ito ang gusto niyang makita. Ang mga nagmamakaawang mukha ng mga ito ang siyang bumubuhay sa dugo niya. Tuwing nahihirapan sila, para itong isang magandang musika sa tainga ni Kamatayan.
"Sige lang, lumaban ka. Hindi na rin naman magtatagal ang buhay mo. Mamamatay ka na at hindi mo ito matatakasan!" nanggigigil nitong sambit at agad na hinatak ang buhok ng dalaga.
Para siyang nababaliw at ito ang paraan niya para ilabas ang nararamdaman. Nangigigil siya habang pinagmamasdan ang umiiyak na dalaga. Hindi niya alintana kung anong mararamdaman ng mga ito, ang mahalaga sa kanya ay makita silang nasasaktan.
"T-Tama na, pakiusap. A-Ayoko na..." nanghihinang sabi ng dalaga.
Mas lalo namang hinigpitan ni Kamatayan ang pagkakahatak sa buhok ng dalawa at nasisiyahan na siya sa mga nakikita niya. Ito ang mga bagay na gusto niyang gawin araw-araw.
Nagkalat na ang dugo sa paligid at binabalot ng pulang likido ang nakikita sa buong sulok ng palikuran. Nagsisimulang maamoy ni Thymine ang masangsang na amoy subalit pinigilan niya ang sariling humikbi.
Inihagis ni Kamatayan ang dalaga at tumama ito sa pader. Naging madali naman ito dahil nanghihina na rin ang dalaga. Wala na siyang lakas para lumaban. Kahit anong gawin niya, wala siyang laban kay Kamatayan.
Tumama ang ulo ng dalaga sa pader kaya bahagyang nagdugo ito. Nahihirapan na siyang tumayo at nakakaramdam na rin ng pagkahilo. Pakiramdam niya, nalalapit na ang katapusan niya.
Mas lalong nasisiyahan sa nangyayari si Kamatayan at mas lalong bumibilis ang galaw nito. Nilapitan niya ang babae at paulit-ulit na inumpog sa pader hanggang sa tuluyang magdugo ang ulo nito. Sa bawat hampas, kakaibang ngisi ang pinapakawalan niya sa labi.
Hindi pa siya nakuntento, pinagtataga niya rin ang mga binti ng dalaga. Bahagya niya ring hinawa ang kaselanan nito at itinigil niya lang ng tuluyang mahati at bumulwak ang dugo. Tuluyan nang nabuhay ang dugo niya. Gusto niya pang gawin itong brutal.
Hindi na humihinga ang dalaga subalit hindi niya ito alintana. Hindi pa siya tapos sa kanyang ginagawa. Paulit-ulit niyang tinaga ang mga braso nito hanggang sa tuluyang maputol at rumagasa ang masaganang dugo. Nagtalsikan na rin ito sa damit niya pero hindi ito naging sagabal.
Pinagtataga niya rin ang tiyan nito at hindi pa rin siya nakukuntento sa nakikita niya. Halos hindi na makilala ang dalaga dahil sa dugo na kumalat sa buo niyang katawan. Kung susuriing mabuti, tila pinag-eksperimentuhan ang katawan nito.
Hindi pa rin nakuntento si Kamatayan sa nakikita niya. Ang bangkay naman ng lalaki ang pinag-interesan niya. Wala itong suot na pang-ibabang saplot kaya hindi na mahihirapan si Kamatayan sa gagawin niya. Iniisip niya pa lang, mas lalo siyang napapangisi.
Hinawakan niya ang ari ng binata at agad na pinutol gamit ang kanyang hawak na matalim na itak. Matagumpay niya itong nagawa at bumulusok ang rumaragasang dugo sa pagkalalaki ng binata.
Binitbit niya ang putol na ari ng binata kahit na may pumapatak pang dugo. Ibinuka niya ang bibig ng dalaga at walang pagdadalawang-isip na inilagay ito sa bibig ng dalaga. Sa puntong ito, tuluyang lumabas ang nakakalokong ngisi sa labi niya.
Pinilit niya itong magkasya subalit dahil sa laki, kinailangan niya pa itong hatiin sa dalawa. May iilan pa itong buhok subalit hindi na siya nag-abalang alisin at basta na lang ipinasok sa bibig ng dalaga. Gusto na niyang makita ang magiging resulta ng kanyang obra.
Pinutol niya rin ang kanang braso at kaliwang binti ng binata. Hindi pa siya nakuntento, dinukot niya rin ang nakatirik na mga mata ng binata at agad itong ipinasok sa bibig nito.
Nasisiyahan na siya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Sa ginagawa niya, unti-unting nakukumpleto ang gabi niya.
Napangiti na lang si Kamatayan at ipinunas ang kanyang duguang itak sa nakasampay na pang-ibabang saplot sa sampayan. Tapos na siya.
Matapos itong ipinunas ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng palikuran na tila walang kababalaghan na nangyari. Hindi niya man lamang inalala ang dalawang bangkay na pinatay niya.
Samantala, halos hindi na makagalaw si Thymine sa kanyang puwesto. Nanginginig siya sa takot at nakatulala sa kawalan. Hindi niya inaasahan ang mga nangyari. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakasaksi ng ganitong klase ng krimen.
Hindi na niya alam ang gagawin at may iilang butil na rin ng luha ang naglalandas sa kanyang pisngi. Kahit na hindi niya nakita ang mga nangyari, naramdaman at napakinggang niya ito. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait.
Sa huling pagkakataon ay naisip niya si Rhian at hindi siya nito nailigtas ngayong gabi. Hindi nito natupad ang pangako sa kanya. Niyakap na lang niya ang sarili bago tuluyang dalawin ng antok.