Thymine
Malapit ng kumagat ang dilim at nakakaramdam na ako ng kaunting kaba. Hindi ko mapigilan ang sarili na isipin na babalik si Kamatayan. Siya kasi ang unang pumapasok sa isip ko.
"Ano ba, Thymine? Wala si Kamatayan. Hindi siya magpapakita sa iyo. Umayos ka nga," pagpapakalma ko sa sarili
Kanina pa ako nakatayo rito sa tabi ng hagdan subalit wala pa ring Rhian na dumarating. Hindi ko alam kung natagalan ba siyang maligo o sinadya niya akong iwanan dito.
"Rhian, nasaan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito. Iniwan mo na ba ako para mamatay sa kamay ni Kamatayan? Nasaan ka na ba?" mahinang bulong ko sa sarili.
Hindi ko alam kung anong mga posibleng mangyari sa akin ngayong gabi kung wala si Rhian sa tabi ko. Hindi pa ako masyadong pamilyar. Kinakabahan ako na baka sa isang maling galaw, mamatay ako.
"Hindi ito nakakatuwa. Rhian, nasaan ka ba? Iniwan mo ba talaga ako? Anong gagawin ko ngayon? Rhian, nasaan ka?" natatarantang bulong ko habang pabalik-balik na naglalakad sa labas ng palikuran.
Nagsisimula na ring magsi-alisan ang mga kasamahan ko na tapos ng gumamit sa palikuran. Naisip kong sumabay na sa kanila pero ayoko namang basta na lang umalis at hindi tumupad sa usapan namin ni Rhian. Baka mamaya, nahuli lang siya.
"Nahuli lang siya. Darating siya. Babalikan ka niya, Thymine. Poprotektahan ka niya sa panganib, hindi ba? Magtiwala ka sa kanya," pagkukumbinsi ko sa sarili.
May lumapit sa akin na isang babae at nagtataka ako niya tinanong. Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay mababakas kong nag-aalala siya.
"Hindi ka ba pupunta sa silid mo? Delikado na kapag kumagat ang dilim, baka mapahamak ka. Sumabay ka na sa amin, hindi na ligtas dito mamaya. Kung gusto mong makaligtas, hindi rito ang lugar na dapat mong pagtaguan," suhesyon niya sa akin.
Nagdadalawang-isip ako kung sasama ba o hindi. Mukha naman silang mababait. Palubog na rin ang araw, ilang minuto na lang at tiyak na kakagat na ang dilim.
Ngumiti ako sa kanya,"Salamat na lang, may hinihintay pa kasi ako. Mauna na kayo, susunod na lang ako. Salamat sa pag-aalala," nakangiting sagot ko sa kanya.
Tuluyan na nga silang umalis at naiwan ako ritong nag-iisa. Medyo mahamog na rin siguro sa labas at magiging malamok na mamaya.
"Nakita mo na, Rhian? Kaya kong sumunod sa usapan. Hihintayin kita rito kahit na anong mangyari. Sinusumpa 'yan,"
Matiyaga pa rin akong naghihintay at umaasa na babalik si Rhian. Kinakabahan na ako, ayokong makitang muli si Kamatayan. Sa lugar na ito, walang kasiguraduhan kung anong magiging kapalaran ko.
"Rhian, nasaan ka na?" muling bulong ko at patuloy pa rin sa pagbalik-balik sa labas ng palikuran.
Tuluyan na ngang kumagat ang dilim at wala pa ring Rhian na dumarating. Nagsisimula na akong kabahan, hindi ko na alam ang gagawin. Paano kung biglang sumulpot si Kamatayan sa harapan ko? Hindi ko alam ang gagawin.
"Tang ina!" wala sa sariling sigaw ko.
Narinig kong parang may sumipa sa pintuan ng unang palapag at malakas ang pagkakasipa rito kaya maaaring nasira na ang pintuan. Hindi ko sigurado kung ano ang bagay na 'yon pero ito ang naging dahilan nang biglaang paglakas ng pagtibok ng puso ko.
Agad kong binuksan ang pintuan ng palikuran at do'n ko naisipang magtago. Sinigurado kong nakasara ito at taimtim na nagdarasal na isang sulok.
"Rhian, natatakot ako. Nasaan ka na ba?" kinakabahang bulong ko.
Naririnig ko ang mahihinang yabag at paminsan-minsan ay tila ba may sumasayad sa kahoy na isang bakal. Pamilyar ako sa tunog na 'yon. Narinig ko ito kagabi. Hindi ako p'wedeng magkamali.
"Tang ina," mahinang bulalas ko.
Paikot ang pagkakagawa sa bawat palapag na siyang maihahalintulad sa mga gusali ng kumpanya. Matatagalan pa siya bago makarating sa kinaroroonan ko at may pagkakataon pa akong tumakas. Pero paano ko gagawin 'yon kung hindi ko maigalaw nang maayos ang katawan ko?
"A-Ayoko na..." mahinang bulong ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili at sunud-sunod na malalakas na pagtibok ng puso ang naririnig ko. Namumuo na ang butil ng mga pawis ko at hindi ko mapigilan na salakayin ng matinding kaba.
Ito ba ang sinasabi ng babaeng nakausap ko kanina sa silid ng mga panauhin? Kakayanin ko bang makaligtas ngayon gabi na wala si Rhian tabi ko? Nakakainis! Kahit na walang magsabi, alam kong mapapahamak ako ngayon.
"R-Rhian, tulungan mo ako..." muling bulong ko at sa pagkakataong ito ay niyakap ang sarili.
Lumalakas pa lalo ang mga yabag na naririnig ko at sa palagay ko ay malapit na siya sa pinagtataguan ko. Lumalakas na rin ang kabog ng dibdib ko at parang maluluha na ako sa takot. Hindi ko kayang makaharap siya ngayon.
"H-Hindi niya ako p'wedeng makita. Kailangan mong magtago, Thymine," pagkukumbinsi ko sa sarili at buong lakas na tumayo.
Pumasok na ako sa isa pang silid sa loob ng palikuran, kung saan nagbibihis ng damit. Dito muna ako magtatago para hindi madaling makita. Kung sakaling pumasok siya, hindi niya agad malalaman na narito ako.
Muling humina ang mga yabag kaya pansamantalang napayapa ang puso ko at pakiramdam ko ay kumalma ako nang kaunti. Mabuti na lang at panandalian itong mawala dahil baka sa matinding kaba ako mamatay at hindi sa kamay ni Kamatayan.
Muli na naman akong sinalakay ng matinding kaba nang biglang bumukas ang pintuan ng palikuran at may pumasok. Muling nagsara ang pintuan kaya halos kapusin ako ng hininga.
"Tang ina..." kinakabahang bulong ko.
Napatakip na lang ako ng bibig at mas lalong sumiksik sa sulok. Paano nabuksan ang pintuan ng palikuran gayong isinara ko naman ito? Hindi ako p'wedeng magkamali, sinigurado kong nakasara ito.
Nagtataka ako kung bakit ibang yabag ang naririnig ko at wala ring sumasayad sa pader na isang bakal. Bagkus, mahihinang ungol ang naririnig ko. Sandali, ano bang nangyayari? Bakit ganito ang naririnig ko.
"Hmm.. isagad mo pa, bilisan mo. Ang sarap, sige 'yan ang gawin mo. Ohhh, sige pa. Bilisan mo ng kaunti, ohhh ang sarap. Malapit na ako, kaunting bilis pa. Ohhh, sige lang. Hawakan mo ako, idiin mo pa," nagmamakaawang pakiusap ng isang babae.
Dahan-dahan akong sumilip at binuksan ng kaunti ang pintuan ng pinagtataguan ko. Halos magulantang ako sa nakikita, may dalawang nagtatalik sa loob ng palikurang ito. Hindi ko ito inaasahan. Hindi sumagi sa isip ko na makakakita ng ganito sa gitna ng paghahanap ni Kamatayan ng papatayin.
"Ganyan ba? Gusto mo ba nito? Ididiin ko pa, masarap ba? Ohh, bakit ba ang sikip mo? Akin ka lang, hindi ka lilngon sa iba. Ako lang ang may karapatang umangkin sa iyo. Sa akin lang 'tong katawan mo. Tang ina, malapit na rin ako. Ohh! Ang sarap!" magkakasunod na ulos ang pinapakawalan ng binata habang binabayo ang babae.
Nakahawak ang babae sa sampayan bilang pangsuporta sa kanya at may mahihinang ungol na lumalabas sa bibig nito. Pang-ibabang saplot lang ang nakatanggal sa kanila at nakahawak ang binata sa bawyang ng babae habang bumabayo.
Bakit dito pa nila naisipang magtalik? Hindi ba nila alintana ang bagsik na hatid ni Kamatayan? Ano bang mayroon sa mga tao rito? Bakit sila ganyan kumilos? Inuuna pa nila ang tawag ng laman kaysa sa kaligtasan.
Bumalik na lang ako sa pagkakatago at muling isinara ang pintuan, hahayaan ko na lang sila diyan mag-angkinan. Hindi pa ako nakakasigurado na ligtas na sa labas kaya mananahimik muna ako rito.
Napapikit na lang ako habang nakasandal sa isang sulok nang biglang may sumipa sa pintuan ng palikuran at may pumasok. Naramdaman kong bahagyang natigilan ang dalawang nagtatalik, bigla akong kinabahan sa nangyayari. Sino ba ang pumasok?
"K-Kamatayan?" hindi makapaniwalang tanong ng binata.
Hindi ko man nakikita ang itsura nila subalit batid ko na nangangatog na sila sa kaba. Alam ko rin na sa mga oras na ito ay may ngising nakakaloko sa labi ni Kamatayan. Hindi ako p'wedeng magkamali. Tang ina! Ito na ang kinatatakukan kong mangyari. Nandito na siya.
"Ako nga. Ako si Kamatayan. Lahat ng tutugisin ko ay tiyak na may paglalagyan," nakakalokong sabi niya at wala sa sariling pumitik ako at pinigilan ang paghinga.