Chapter 11
AIROL JAN MONTEREALEZ
"Dito ka lang,"
Natigilan siya. Umismid ako. Walang lingon na ipinagpatuloy ko ang paglalakad papasok sa loob ng Mansyon. Iniwan ko siya sa ibaba. May limang baitang kasi ng hagdan ang kailangan mong akyatin bago makarating sa main door ng Mansyon. Hindi naman niya kailangan na pumasok. Hindi naman siya welcome dito.
Sa West Hacienda Masyon kami nina lolo. Pinapapunta niya ako dito. Hindi ko naman kailangan na magtaka pa. Panigurado ako na alam na niya ang nangyare sa ubas na pananim sa aking mga nasasakupan.
Mariin kong naikuyom ang mga kamao. Sermon ang abot ko kay Lolo.
Nagtatakang napatitig ako kay Mang pedring na nasa bukana ng pintuan. Panay ang haba ng leeg nito na parang may hinahanap.
"Mang Pedring, anong ginagawa niyo dito?"
Si Mang Pedring ang isa sa katiwala sa Mansyon ni Euthace- sa North Mancion. Nakakapagtakang nandito ito. O baka naman nandito si Euthace kaya siya nagawi dito?
Lumingon ito sa akin. Kuminang ang mga mata nito. Tipong nakahanap siya ng magsasalba sa kanya. Lumapit siya sa akin.
"Señorito Airol, buti at nakita ko ho kayo. Kanina pa ako tumatawag pero wala hong nasagot."
"Bakit ho?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
Nagkamot siya ng ulo. "Kasi ho kaaalis lang ni Señorito sa kanyang Mansyon ng dumating ho ang isang sulat para sa kanya. Dito ho kasi ang tungo ni Señorito Euthace kaya dito ako dumaretso para iabot sa kanya. Importante daw po ang sulat na ito."
Iniabot niya ang sulat sa akin. Kaagad ko naman itong tinanggap.
"Sige ho, salamat. Ako na po ang magbibigay sa kanya."
"Salamat po Señorito. Uuna na po ako."
Tinanguan ko siya. Tinanguan niya rin ako bago siya umalis.
Napatitig ako sa sobrang hawak ko. Para saan naman kaya ito? Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa loob.
"Hello? Is there anyone here?" Malakas na sigaw ko.
Huminto ako nang makarating sa bungad ng sala. Umuwang ang labi ko sa gulat pagkakita sa isang babae na may buhat buhat na batang babae.
Nanlaki ang mga mata nito at agad na ibinaba ang batang karga para takbuhin ako at yakapin ng mahigpit." Kuya Airol, I miss you!"
"My princess is here. How are you?"
Siya si Isza. Ang nag-iisang pinsan namin na babae.
"I'm fine!" kumalas ito sa akin at hinila palapit sa bata. "Ylona, he is your tito Airol, and kuya she is my daughter. The one I mention..."
Lumuhod ako para magpantay kami ni Ylona. Nakangiting ginulo ko ang buhok niya. "Hello, baby Ylona."
Ngumiti si Ylona at niyakap ako. "Hello po!"
"W-wait!" parang tanga na pinaghiwalay kami ni Euthace sa pagkakayakap ni Ylona at yamot na nagsalita. "Bakit gano'n? Pag sa'yo..." turo niya sa akin. "Formal, pero pagdating sa akin." turo nito sa kanyang sarili. "Parang dyan lang sa kanto ang pagpapakilala?"
Matalim na tinitigan ni Euthace si Isza.
"Ba't parang may discrimination na nangyayare dito? I can sue you for that princess!"
Natawa kaming lahat sa tinuran ni Euthace. That was epic. "He's the good one though?" turo niya sa akin na siyang ikinalaglag ng panga ni Euthace.
Tumayo ako ng tuwid at marahang tinap ang balikat ni Euthace na parang kinucomfort siya. "Better luck next time bro, and by the way, nakita ko si Mang Pedring. May sulat siyang ipinapaabot sa'yo." Iwinagayway ko ito sa harap ng kanyang mukha. "Its for you, Euthace."
Agad nitong kinuha ang sobre at binuksan, kalaunay sunod sunod ang mura nito ng mabasa ang laman na sulat noon.
"Fucking idiot, tinutoo niya nga..."
Kaagad na kumunot ang noo namin ni Isza at nakibasa din kami. Napamaang ako sa nabasa at napatitig sa pangalan ng nagdemanda kay Euthace.
Rexter demand Euthace for a slander and malicious mischief.
"Anong meron sa inyo ni Rexter?" Nagtatakang tanong ko.
Isa si Rexter sa mga kaibigan namin. Isa na siyang lawyer ngayon. Pito kaming magkakaibigan. Bukod sa tatlo ko pang pinsan na sina Euthace, Szeto, at Acerlon, kasama sa grupo namin sina Rexter, Crycer, at Yahiro Rael.
"He's the father." Nginuso ni Euthace ang bibig nito kay Ylona.
Nanlaki ang mata ko at napatitig kay Isza. Nag-iwas ito ng tingin kaya naningkit ang mga mata ko sa kanya.
Damn! Paano nangyare 'yon? Hindi naman magkakilala ang mga ito. Matagal ng nasa ibang bansa sina Isza kasama sina Tito at Tita. Kaya nga halos hindi na namin ito makilala nang magpakita ito ilang taon na.
"Fuck that idiot. He is really smitten!" Nag-aalburadong usal ni Euthace.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya kinasuhan at bakit parang dawit si Isza doon. Gayon pa man, masarap asarin si Euthace ngayon.
Mapanuya akong ngumisi kay Euthace. "And life sucks when it comes to you Mr. Governor."
Binuntunan ko pa ito ng tawa. Natawa rin si Isza habang si Ylona naman ay nagtataka kung bakit kami natawa.
Muli kong ginulo ang buhok ni Ylona bago magpaalam sa kanila na aalis na muna ako. Kailangan ko ng makausap si Lolo.
Ang sabi ni Euthace kausap daw nito si Acerlon sa loob ng office niya dito sa Mansyon. Doon na ako dumaretso. Tamang-tama ang paglabas ni Ace sa office ni Lolo. Ayoko din kasi na may kasama kapag kausap ko siya.
"Pinatawag ka ni Lolo?" Nakangising sabi nito.
Umismid ako at hindi siya pinansin. Kumatok muna ako ng tatlong katok bago ako pumasok.
"Lo?"
Seryuso ang mukha nito. Nakaupo sa kanyang swivel chair habang magkasaklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.
"Take a seat Grandson,"
Tinanguan ko siya. Humugot ako ng malalim na hininga bago siya sinunod.
"Bakit niyo ho ako pinatawag? Is there any problem?"
"Ako pa ba ang tatanungin mo niyan, Airol?"
Natigilan ako. Bayolente akong lumunok sa matalim na titig na kanyang iginagawad sa akin. Tumikhim ako.
"Tungkol sa-"
"Nabalitaan ko ang nangyayare sa ilang hektarya sa mga ubasan mo. Do you want me to punish your cousin then?"
Umigting ang panga ko. Mahigpit kong inaikuyom ang mga kamao sa aking hita.
Kahit noon pa ganito siya. Kahit kami ang may kasalanan, si Euthace palagi ang kanyang pinarurusahan. I can't understand. Whats the point of that? Kami ang may kasalanan, kami ang may gawa no'n pero bakit si Euthace palagi ang nakakareceived ng parusang dapat sa amin ibigay. Hindi naman hawak ni Euthace ang pag-iisip namin para hindi kami makagawa ng mali.
He's been our protector. Never siyang nagreklamo. Wala kang maririnig sa kanya. But- I never really know who is the real Euthace.
Understand the part na si Euthace dapat ang mamahala sa lahat dahil siya naman ang panganay na Apo sa aming lima pero mali naman na kaunting kebot namin at maging mali ito, si Euthace ang nagsasuffer.
"No need, Lo. Ginawan ko na ng paraan."
Tumango siya. "Siguraduhin mo Airol. Ayokong may ilang porsyente ng Isla ang mamamatay dahil sa kapabayaan mo."
kumurap ako. Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang nararamdaman ko.
Minsan kasi hindi ko mapigilan na magtanim ng sama ng loob sa kanya. Pakiramdam ko kasi may favoritism siya. Hindi ko rin naman alam ang takbo ng pag-iisip niya. Ni hindi ko rin alam kung anong klase ang pakikitungo niya sa iba ko pang pinsan. Kapag magkakasama naman kaming lahat ok naman. Pero kapag kasama ko si Lolo ng kami lang, parang nag-iiba siya. I really don't know kung same kaming magpipinsan ng nararamdaman kapag kasama din nila ng sarilinan si Lolo.
"Yeah, Lo. Aalis na po ako."
Tumango siya. Yumuko muna ako bago umalis.
Pagkalabas ko ng office malakas akong bumuntong-hininga. Pakiramdam ko kanina, hindi ako humihinga.
Umiling ako. Noon pa man takot na ako kay Lolo pero never naman niya kaming sinaktan physically, maliban kay Euthace. Bagay na hindi ko alam kung bakit.
Matagal akong napatitig sa hallway bago matauhan at sinimulang maglakad palabas ng Mansyon. Ang mabagal kong lakad ay unti-unting bumilis.
Lagpas isang oras na akong nandito. Sigurado akong naiinip na ang babaeng iyon. Tsk. Ano naman kung mainip siya. Wala akong pakialam.
Nalukot ang mukha ko ng hindi ko siya makita sa labas. Inis ko siyang hinanap hanggang sa makarating ako sa mini garden sa likurang gawi ng Mansyon. Nakita ko ang bulto ng kanyang likuran. Akmang tatawagin ko siya ng masulyapan ko si Ace na nakangiti habang may sinasabi kay Liara. Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya. Masyado iyong mahina. Pero base sa mukha niya, natutuwa siya sa kanyang pinagsasabi.
Nagdilim ang paningin ko at mabilis silang nilapitan.
Hindi ko gusto ang ngiting ipinapakita sa mukha ni Ace. I know may iba siyang mahal pero ewan ko ba. Hindi ko gusto ang klase ng mukha na mayroon siya ngayon sa harapan ni Liara.
"Liara." Madiin at may pagbabantang tawag ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at parang may ginawang kasalan.
"S-sungit!"
Natigilan ako. Kunot-noong tinitigan siya. Lumunok ako sa mabilis na pagkabog sa aking dibdib.
What the fuck?
That endearment she used to call me.
"Di ba sabi ko huwag kang aalis doon?" Hindi ko maiwasang mangatal ang labi.
Naiinis ako sa hindi ko alam na dahilan.
"K-kasi, ano-"
"Shut up!"
Hinigit ko siya papalapit sa akin. Dinig ko ang malakas niyang singhap. Hinila ko siya paalis pero napatigil din dahil sa sinabi ni Ace.
"Something different in her, you notice?"
Naguguluhang nilingon ko siya. Nakangisi na ito ngayon at umiiling.
"Secret." Nagkibit-balikat ito at kinindatan ako bago iniwan kami- ako na naguguluhan sa sinabi niya.