Chapter 10

Marahan kong pinunasan ang pawis sa aking noo. Alas-dos na ng hapon at sobrang tirik ng araw. Natutuyo na ang pawis ko sa aking likuran. Pakiramdam ko tuloy magkakasakit ako.

Ang hirap magtanim ng palay lalo na't sobrang init. Masakit sa balat.

Sumulyap ako sa isang malaking puno. Ang mga dahon nitong malalago ang nagsisilbing lilim sa matirik na araw. May maliit na kubo sa gilid nito at isang mahabang upuan na sadyang ipinagawa para sa mga magsasaka.

Ngumuso ako at inis na nag-iwas ng tingin. Nandon si sungit. May kasama siyang magandang babae. Matangkad at maputi. Para siyang model. Nagsasalita ito. May sinasabi kay Airol. Tumatawa pa ito na para bang nakakatawa ang pinagsasabi niya.

Tsk. Hindi naman tumatawa si sungit kaya malamang hindi naman nakakatawa ang sinasabi nito. Papansin lang.

Inis akong umismid. Panay ang irap ko sa mga palay. Natigilan lang ako ng may marinig akong mahinang tumatawa sa aking likuran.

Kunot-noong nilingon ko ito. "Anong nakakatawa?"

"Ikaw!" Ngising sabi ni kuya Szeto. Huminto ito sa pagtatanim ng palay at nakapamaywang na humarap sa akin.

Inirapan ko siya kaya lalo siyang tumawa. Nakuha no'n ang atensyon ng lahat. Nataranta ako nang makitang sa gawi na namin ni Kuya Szeto nakatingin si Airol pati iyong babae na kasama niya.

"T-tumahimik ka nga! Nakakainis ka! Takaw atensyon." Buraot na sabi ko.

"What? Nakakatawa kasi ang mukha mo kapag nagseselos." Nanunuyang sabi niya.

Namutla ako. "H-hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos, ah?! Tsk. Pauso ka."

"Ang taray naman. Weh? Di ka nagseselos? Hindi mo ba mahal ang asawa mo?" Mapang-uyam na tanong niya.

Naumid ang dila ko. Napipikon na ako sa kanya pero hindi ako makasagot. Mahal? Bakit ko naman mamahalin ang masungit na iyon. Bukod pa don hindi ako ang asawa niya. Inirapan ko si Kuya Szeto kaya tumawa na naman siya.

"Kung gano'n...." pagputol niya sa kanyang sasabihin. "Date with me." Nakangising usal niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Napa-antras ako sa gulat. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Bumuka ang labi ko para sana magsalita pero naiwan itong nakabukas nang may tumikhim sa aking likuran.

Nanlamig ako. Ang mga tuhod ko ay nanlambot. Para bang ano mang oras ay bibigay ito sa sobrang mangangatog nito.

Tila bumagal ang bawat paggalaw ng bagay sa pagharap ko sa gawi sa aking likuran.

Unang bumungad sa akin ang malapat na dibdib. Kumibot ang aking mata sa dahan-dahan na pag-angat ng aking mukha sa mukha ng taong nasa aking harapan na ngayon.

Ang madilin na itsura nito ang bumungad sa akin. Ang pag-igting ng kanyang panga na tanda ng kanyang pagkainis. Hindi ito sa akin nakatingin kundi kay Kuya Szeto. Matalim niya itong tinititigan.

Napasinghap lang ako ng magbaba ito ng ulo at doon nagtama ang aming paningin. Hindi ako makahinga. Nahigit ko na ito. Tila napako na ako sa kinatatayuan. Tila tinakasan na ako ng diwa at maging ang boses ko ay iniwan na ako.

"Whose gonna date you, Szeto?" Mariin na sabi ni Airol.

Nangatal ang aking labi. Marahas akong lumunok sa galit nitong boses.

Nagkibit balikat si Kuya Szeto. "Baka 'yong asawa mo?" Mapang-uyam na sabi nito.

Mas lalong dumagundong ang kaba sa aking dibdib. Ang mainit na sikat ng araw kanina ay nawala na. Malakas na umihip ang hangin kasabay ng pagdilim ng kapaligiran. Ang namumuong tensyon sa pagitan ni Kuya Szeto at Airol ay hindi ko alam kung para saan.

Nagbaba ang aking paningin sa mga kamao ni Airol na kumuyom ng mahigpit.

"Back off." Ma-autoridad na sabi nito.

Dalawang salita na nakapagpalabi kay Kuya Szeto. He even pouted. Nagtaas ito ng dalawang kamay na para bang sumusuko na siya.

"Haist! Oo na. Oo na pinsan. Lalayas na nga ako dito. Grabe! Di talaga ako welcome dito."

Huh? Pinsan? Magpinsan sila?

Walang sabi-sabing umalis si Kuya Szeto. Hanggang sa makaalis ito, nakasunod lamang sa kanya ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi makita.

Lumunok ako. Kaming dalawa na lang ni Airol ang natitira. Nandito pa rin ako sa harapan niya at nakayuko. Nakagat ko ng mariin ang labi. Mariin na pinipisil ang aking kamay. Kinakabahan ako sa presensya niya.

"A-ano... t-tuloy ko na ang trabaho ko..."

"No need. Fix yourself. Uuwi na tayo." Madiin na sabi niya.

Natigilan at nag-angat ng ulo pero ang papalayong bulto na lang niya ang naabutan ko.

Katulad ng sabi ni Airol, inayos ko ang aking sarili. Hinugasan ko ang mga kamay at paa na may putik. Nang makuntentong malinis na ako saka ko siya pinuntahan. Natigilan ako ng mag-isa na lamang siya at wala na ang babaeng kasama niya kanina.

Nakasandal siya sa malaking puno at nakapikit. Napatitig ako sa kanya. Napakapayapa ng kanyang itsura ngayon.

Kapag nakapikit siya. Para siyang isang anghel na hindi makabasag pinggan. Pero kapag nakabukas naman ang mata niya. Iyong mukha niya parang pinagsakloban ng impyerno.

Ngumuso ako at umirap. Ang gwapo niya sa part na 'yan kapag nakapikit siya. Ang amo talaga ng mukha.

Tumikhim ako. Napadilat siya at mabilis na nilingon ako. Sabi na, impyerno na naman ang mukha niya.

"Done?" Tumango ako sa kanya. "Lets go, baka mahuli tayo."

Huh? Akala ko ba uuwi na kami?