Chapter 13
MALIA RAQUEL SIENTO
Malungkot na tinitigan ko ang likuran ni Airol na papasok sa malaking pintuan ng Mansyon. Ni hindi man lang ako nito magawang lingunin.
Naiinis na umupo ako sa pangalawang baitang ng hagdan. Nakakainis lang na sa tirik ng araw iiwan niya akong nandirito lamang.
Asik na tumingala ako. All right, malilim naman sa pwesto ko pero kahit na. Nakakainis pa rin. Sana hindi na lang niya ako isinama dito kung iiwan lang rin niya ako dito.
I took a deep breathe. Lumipas ang mga minuto, nakaramdam ako ng pagkainip. Panay ang silip ko sa malaking pintuan. Panay din ang paglakad paroon at parito ko.
Wala bang tao dito? Bakit wala man lang lumalabas dito na katulong o bantay? Huling lumabas dito iyong Manong na nginitian ako.
Napakatagal naman ni sungit. Ang sabi niya saglit lang siya. Nakakainis naman.
Sa pagtitig ko sa main door, biglang may pumasok na ideya sa isipan ko. Hindi naman sinabi ni sungit na hindi ako pwedeng maglibot lamang dito sa labas. Tutal mukhang matatagalan pa naman siya, why not kung maglibot ako? Hindi naman ako papasok sa loob right? Sabi niya hindi ako papasok sa loob pero wala naman siyang sinabi na bawal maglibot sa labas at dito lang ako dapat sa labas. Sa labas pa rin naman ako.
Mapanuya akong ngumisi na akala mo ang malaking pintuan ang kalaban ko.
Mula sa hagdan nagtungo ako sa malaking fountain nila. May white pegasus sa gitna nito at may lumalabas na tubig mula sa nakabukas na bibig ng kabayo. Napakaganda nito. Ang ganda ng pigura ng pegasus lalo na ang magarbong pakpak na nakabukas at parang lilipad siya sa porma niya. Sa kintab nito, lalo pa siyang nagniningning dahil sa sinag araw. Ang ganda talaga niya.
Naglibot pa ako hanggang sa mapadpad ako sa isang mini garden sa likurang bahagi ng Mansyon. Pero imbis na sa mga halaman at bulaklak ako matuon, mas napansin ko ang lalaking nakaupo sa isang may table set sa gilid.
Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya. Nakatalikod kasi siya sa akin. Basta ang alam ko, kung ano man ang ginagawa niya, inis na inis ito.
"Damn! Paano nga kasi ito ulit?"
Bahagya akong lumapit sa kanya at sinilip kung ano ang ginagawa niya. Bahagya akong natawa sa kung ano ang ginagawa niya. Sa lamesa may laruan na kotse. Hawak hawak naman nito ang controller. At base sa observation ko, hindi niya alam kung paano iyon gamitin. Alam ko ang bagay na iyon, new edition iyon ng laruan at talaga namang napakamahal! May gano'n si Aerus. Binili ni Kuya Dirk.
"I know how to do it!" Nakataas ang kanang kamay na sabi ko pa.
Hindi ko sinasadyang lumakas ang boses ko kaya halos mapatalon ito sa gulat.
Lumingon siya sa akin. Nalukot ang mukha niya. Natigilan ako. Kahit ganyan ang mukha niya gwapo pa rin siya. Kamag-anak ba ito ni sungit? Lahat ba sila magaganda ang lahi? Ang galing naman! Sa amin kasi magaganda rin ang lahi namin. May naligaw lang na isa. Bahagya akong natawa. Si kuya dirk kasi mukhang unggoy.
Halos mapahagikhik ako nang tawa. Kung hindi lang tumikhim ang lalaki, hindi ako titigil. Umayos ako ng tayo at tumikhim.
Ang seryuso naman ng lalaking 'to. Parang si sungit.
"Alam ko kung paano 'yan pagaganahin." Ulit ko pa.
Nagbaba ang paningin nito sa controller at muling ibinalik sa akin ang paningin. Gano'n pa rin ang mukha nito, seryuso.
Wala siyang sinabi, tumayo lang siya at inabot sa akin ang controller. Ipinakita ko sa kanya kung paano iyon ginagamit. Kung saan pipindutin ang on sa controller at saan pipindutin sa laruang kotse ang on. Medyo hindi kasi pansin ang pindutan ng mga ito. Flat lang kasi ito at kakulay pa ng laruan.
Sinubukan kong paandarin at iyon, gumana siya. Nakangiting tumunghay ako sa lalaki.
"That's it!"
"Damn!" Humagod ito sa kanyang buhok. "Iyon lang pala 'yon. Nakakabaliw. Akala ko sira ang nabili ko. Muntik ko pang sirain lalo."
Ngingiting tumitig lang ako sa kanya. "Para kanino ba 'yan? Sa anak mo?"
Ngumisi ito. "Yeah! Para sa anak ko."
Tumango ako. "Magugustuhan niya 'yan."
"I hope so... teka, ba't mo pala alam 'yon? Wala naman kayong anak ni Airol. Alangan naman bilhan ni Airol ng ganito si Airisha."
Natawa ako sa kanya. Bigla ko kasing naalala ang batang 'yon. "May ganyan kasi ang anak ng kuya ko. Binilhan niya ng ganyan kaya alam ko."
Natigilan 'to. "Kuya? May kapatid ka?" Nagtatakang sabi niya.
Mabilis akong umiling. "Wala. I mean 'yong pinsan ko. Iyong anak ni kuya Dirk Crycer, basta."
Mas lalo itong nagtaka na hindi ko naman alam kung bakit. Napaisip pa ito.
"Crycer? You mean Dirk Crycer Mio? Pinsan mo?"
"Yeah? You know him?" Alanganin na sabi ko.
Matagal ako nitong tinitigan. Naniningkit pa ang kanyang mata sa akin. Naasiwa ako lalo na nang tumawa niya ng bahagya.
"Wierd..."
Huh? Magtatanong sana ako nang mapahinto kami sa nagsalita.
"Liara."
Nanlaki ang mga mata ko nang pagkaharap ko, ang matalim at nakamamatay natitig ang ibinibigay sa akin ni sungit. Madiin ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Namutla ako. Sa mga tingin niya, para siyang nagbabanda na isang maling galaw ko lang, tigok na ako.
"S-sungit!"
Natutop ko ang bibig. Hindi ko mapigilang isigaw iyon. Saglit itong natigilan pero bumalik ulit sa dati ang itsura nito. Parang galit.
"Di ba sabi ko huwag kang aalis doon?" Inis na turan nito.
"K-kasi, ano-" nanginginig na sabi ko pero mabilis niya ring pinutol.
"Shut up!"
Suminghap ako sa gulat ng hilain niya ako papalapit sa kanya. Malakas ang kabog ng puso ko. Mas lalo pa itong dumudoble dahil hawak niya ako. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Ni hindi ko magawang makakilos. Naginginig ang mga binti ko. How could he do this to me?
Marahas niya akong hinila paalis pero tumigil siya kaya napatigil rin ako.
"Something different in her, you notice?"
Naguguluhang nilingon ko ang lalaki pero kay sungit naman siya nakatitig. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila. Nakangisi ang lalaki habang panay ang iling. Si sungit naman, may pagtataka sa mukha.
Ano pa kaya ako? Wala akong maintindihan.
"Secret."
Iyon ang sinabi ng lalaki bago ito umalis. Naiwan kami ni sungit na nakatanaw sa kanya na papaalis na.
Natahimik kami ni Airol. Napatingin lang ako sa kanya nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pahigpit iyon ng pahigpit at pasakit ng pasakit na rin ang hawak niya.
"A-airol?"
Natauhan ito at napatingin sa akin. Umismid siya at walang kibo na hinila ako paalis sa lugar na iyon.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





