CHAPTER 25 Kidnapped
"Thanks doc." Nakangiting nagpasalamat ako sa OB-
gyene na tumingin saakin.
"Welcome. Basta stay healthy at eat healthy food such as vegetables and fruits. Iwas na lang sa stress at matulog ng sapat para maging healthy ang baby mo, okay?" Bilin nito kaya tumango ako.
After kasi noong humingi ako ng Avocado shake na pink iba iba na ang gusto kong kainin kaya halos mabaliw na si Primo kakahanap ng mga gusto ko. Nawe-weirdan na nga ito pati na rin ako. Tapos tuwing umaga sumsuka ako pero tubig lang Ang lumalabas, na morning sickness pala ang tawag. Tapos paibaiba rin ang mood ko. Kaya madalas na magaway silang dalawa.
Kaya ang sabi ng best friend ko magpatingin daw ako sa doctor baka daw buntis ako dahil ganun daw yun and my best friend is right. I'm pregnant with King Primo's Baby.
Ano kayang reaction niya pag nalaman niya.
Mabuti pa isu-surprise ko nalang ito. Dahil nagaway sila kanina. Na aaminin kong kasalanan ko. Kasi naman alas-tres palang ng madaling araw naghahanap na ako ng carbonara at take note ha hindi lang simpleng carbonara ang gusto ni baby gusto ko ng carbonara na pansit canon. Oh don't judge parang masarap naman eh.
Kaya ayun puyat ito tapos ang sama makatingin saakin.
Napanguso ako. Binuntis niya ko tapos mag rereklamo eh abnormal din naman ang baby namin katulad niya. Hehehe peace tayo anak.
So, I decided na mag-grocery para magluto ng favorite kare-kare ng mahal ko para bati na kami.
Nagpara ako ng taxi at sinabi kung saan siya pupunta.
Pagkarating ko sa supermarket. Papasok na sana ako ng biglang may humarang na black van sa harap ko at hinablot na lang ako. Sinubukan kong pumalag pero malakas ito. Hindi ko rin makita ang mukha ng apat na lalaki dahil Naka mask sila.
Ang huling naalala ko nalang may itinakip sila saaking bibig at nagdilim na lahat.
Pagmulat ko ng aking mga mata. Nakita kong nasa loob ako ng isang lumang warehouse. Sinubukan kong kalasin ang tali sa mga kamay ko pero hindi ki matanggal. Nakatali rin ang mga paa ki at buong katawan ko sa upuan. Nakabusal din ang mga bibig ko kaya ungol lang ang lumabas kapag sinubukan konh sumigaw para humingi ng tulong.
"Uhmmm."
Pero napaigtad aki ng bumakas ang pinto ng warehouse at pumasok ang mga lalaki na hindi ko kilala. Nilukob ng kaba ang buong sistema ko.
Mga armadong lalaki ang pumasok. Mukha pang adik at nakakakilabot ang pagtitig nila saskin.
"Oh hi mis beytiful." Sabi nung mukhang adik na malagkit ang titig.
Manyak.
Tinignan ko ito ng masama.
Ngumisi ito saka tinanggal ang busal ng bibig ko.
"Ang ganda mo naman pala. Kaya lang mamatay ka na." Iling iling na sabi nito.
"Alam kong maganda ako at hindi pa ako mamatay. Baka ikaw."
Nagtawanan ang mga ito. "Sino ba ang nakatali saatin at sino ang may hawak ng baril? Diba kami at Ikaw naman ang nakatali." Obvious naman tanga rin eh.
"Pag nalaman to ng boyfriend ko patay kayo." Banta ko.
Napangisi ito. I swear, nakakainis ang ngisi niya. Lalo itong nagmukhang adik.
"Sino? Si King Primo? Tsk! Tsk! Tsk! Hindi niya alam kung nasaan ka. At bago pa niya malaman siguradong malamig na bangkay kana." Anito saka tumawa. Nagsitawanan sila na natigil lang ng bumukas muli ang pinto at pumasok ang isang babae.
Wait-- teka siya yung babae sa Mall. Yung nabangga ko. Siya ang mastermind?
Naglakad ito papalapit saakin. At ang masabi ko lang parang wala na itong itatago pa. Sobrang liit ng damit niya. Labas na yata ang singit. Black dress ito na sobrang liit. At labas ang cleavage. Dapat yata hindi na siya nagdamit eh.
"Oh Hi. Ayeshana right?" Nakangising sabi nito.
Napairap ako. "Oo bakit?" Masungit na sagot ko .
At mukhang hindi nito nagustuhan dahil sinampal niya ko. Aray ko ha.
"Bitch!"
Dahil sa pagkakasampal nito saakin ng three hundred sixty degree nagdugo ang ilong ko. At Hindi ko napigilang hindi mapaiyak. Ang sakit kaya.
Pero buti nalang hindi sa tiyan ko baka mapano pa ang baby ko.
"Tsk. Sampal lang yun umiyak kana. Hindi naman sinabi ng Alejares na yun na mahina pala ang type niya."
Tinignan ko ito ng masama. "Ano bang kasalanan ko sayo at ginagawa mo to? Hindi naman kita kilala."
"Ikaw hindi pero yang boyfriend mo. Oo."
Si Primo? Hindi ko alam na may kilala pala itong naglalakad na Octopus. Haist.
"Ano namang ginawa sayo ni Primo? Isa ka ba sa naging flings niya?"
Nagtaas ang isang kilay nito. "Hindi."
"Hindi naman pala eh. Anong inaarte mo diyan?"
Tumalim ang tingin nito at sinabunutan ako para mapatingala sko. Ouch ang sakit sa leeg.
Nanlilisik ang mga mata nito. " Ako hindi pero Ang kapatid ko Oo."
Huh Kapatid?
"K-kapatid?" Arrghh Ang sakit ng anit ko.
Pabalibag niya binitawan ang buhok ko saka binunot ng baril at itinutok saakin kaya namutla ako.
Natatakot na talaga ako. Ayaw ko pa ng mamatay. Paano si Primo at ang baby ko?
"Si Dianna Geronimo." Nanlaki mga mata niya. Dianna--teka yung nasa article. May kapatid pala ito.
"-- Dahil sa demonyong Primo na yun. Nawala saakin ang lahat. Ang Daddy ko at ang kapatid ko pati na ang pera ng buong angkan namin." Puno ng hinnanakit na sabi nito.
"Yun ang dahilan mo kaya mo ko papatayin? Wala naman akong kinalaman doon."
Tumawa ito. "Wala nga. Pero kapag namatay ka. Masasaktan ang demonyo dahil ikaw ang kahinaan niya. Gusto kong maranasan niyang mawalan ng pinakamamahal." Sabi nito.
Napaiyak na ako nang ikasa nito ang baril na nakatutok saakin.
"Magkita na lang kayo ng demonyo mong boyfriend sa impyerno." Sabi nito at ipinutok ang baril ng tatlong beses.
Naramdaman ko ang sakit ng pagtama ng mga bala sa katawan ko. Isa sa tiyan, dibdib at leeg.
Nagsuka narin ako ng dugo at bago magdilim ang paningin ko.
Narinig kong bumukas ulit ang pinto ng warehouse at sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko.
Oh please God save my baby.