Chapter 24 Proposal
"Ano bang pakulo to love.? May papiring piring kapa eh." Natatawang sabi ko habang inalalayan ako ni Primo.
It's been one month ng sabihin nitong mahal niya ako.
Masaya sila sa mga nagdaang araw. Puno ng love at make love hehehe mahilig kasi.
"Surprise kasi babylove. After this I want the answer yes huh?"
Huh? " Bakit naman kita sasabihan ng yes?" Takang tanong ko.
Primo chuckled. "Basta." Anito saka binatawan siya.
Akmang tanggalin ko na yung blindfold ng halikan niya ako ng mabilis at hinawakanang kamay ko para pigilan ako.
"Opss. Huwag muna."
Napanguso ako. "Daming Arte." Reklamo ko.
Natawa siya at saka naramdaman kon umalis siya sa tabi ko.
Iniwan talaga niya 'ko. Hinayupak.
"Primo!" Tawag ko.
"Primo isa!"
Pero wala parin.
Nagumpisa na akong mainis.
"Primo isa ipapakain kita kay bumblebee!" Inis na sigaw ko.
Pero wala parin hindi pa rin siya sumagot. Ito ba ? Ganito ba ang niya surprise saakin? Iniwan siya bwisit!
Dahil nakaramdam ako ng inis. Tinanggal ko ang blindfold. Kumurap ako para makapag-adjust.
Nagtaka ako ng makita ang isang malaking screen sa gitna ng garden.
Mag mo-movie marathon lang pala sila! Palatak ko sa isip ko
Napaigtad ako ng biglang tumunog yung speaker sa tabi ng screen.
(Can't help falling in love by Elves Presley)
Tapos biglang nagflash sa screen yung mga pictures ko. May stolen, may magkasama sila ni Primo.
Pagkatapos. Biglang nagliwanag ang paligid dahil sabay sabay na sumindi ang mga ilaw na nakapalibot pala sa buong hardin.
Umawang ang labi ko ng makita ko sa gilid ang best friend ko at ang pamilya ni Primo. Lahat ng mga nakilala ko noon. May hawak silang white paper. Sinasabing 'Say yes'
"Ayeshana Crusader." Napabaling ulit ako sa may screen ng marinig ang boses ng lalaking mahal ko.
Napakagwapo nito sa suot nitong Sky Blue na three pieces suit. Parang itinerno sa sky blue dress niya above the knee.
May hawak itong pumpon ng bulaklak sa kaliwang kamay.
Ngumisi ito bago nagalakd papalapit saakin.
Ilang dangkal na lang ang layo nila.
"Ano to?" Naguguluhang tanong ko.
"Ayeshana, mula ng minahal kita. Nagbago ako. Binago mo ko ng hindi mo alam. Pinatunayan? mong ang isang lalaki ay nararapat na lumuhod para sa isang babae. Na kahit anong manyari kahit ang isang katulad kong kasing taas ng hari ay kailangan din pala ng reyna. At ngayon luluhod ako muli sa harap mo." Anito po pagkatapos ay lumuhod gamit ang isang tuhod at inabot saakin yung bulaklak.
Napaiyak na ako. Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang plano niya. Sa English lang ako kulang kulang.
Inilabas niya ang isang velvet box? ng kulay violet at tumingala saakin at ngumiti.
Malabot ang itsura niya. Binuksan niya ang velvet box kaya nakita ko ang isang singsing na puno ng diamond. Hugis crown ang design nito at agaw pansin ang mga diamonds nito na kumikinang sa gabi. Sigurado akong mahal yun!
"Babylove look at the screen and answer my heart." Sabi niya na sinunod ko.
Lalong bumuhos ang luha ko.
Fifteen letter and five words ending with a question mark.
Will You Be My Wife?
"Will you?" Napatingin ako sa kaniya saka kagat labing tumango.
"Yes! Yes!" Nakangiting sabi ko..
Nanlaki ang mga mata ni Primo at nagliwanag pa lalo ang mukha. Mabilis itong tumayo at niyakap ako kapagkuwan isinuot saakin ang singsing.
"I love you." Sabi niya bago sinakop ang mga labi ko
Napangiti ako at saka tinugon ang masarap niyang halik.
Narinig ko ang palakpakan ng mga saksi sa isa sa pinakamasayang araw sa buhay nila.
"Whoa! Ikaw na Aya! haba ng hair!" Sigaw na tukso ni Mivanna.
"Congrats Bro!"
"Congrats son!"
Bati ng mga ito kaya wala ng sasaya pa saakin. Dahil tanggap ng mga ito ang isang katulad ko.
Isang aliping napakaganda charot
-
Nakangiti akong pinagmamasdan si Primo. Ang aliwalas ng mukha nito at nakayakap siya sa hubad kong katawan.
Nakangiti lang ako pinagmamasdan siya. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na totoo lahat ng to. Who would thought, na isang kagaya ko lang pala mahuhulog ang isang Primo Alejares.
Hinalikan ko ang pisngi niya pagkatapos ay ang ilong niya pababa sa mga labi niya.
"Hmm. Babylove tulog ka pa." Ungol niya habang nakapikit. Pagod na pagod ilang rounds din yun. Hehehe
Ngumuso ako saka pinitik ang ilong niya kaya dumilat na siya ng tuluyan at hinalikan ako sa mga labi.
"Your so naughty."
"May gusto akong kainin love."
Tumaas ang isang kilay niya. "4:00 in the morning palang." Nagtatakang tanong niya.
Napasimangot ako saka kumalas sa yakap niya at umupo sa kama. Nagcross arm pa 'ko.
"Ayaw mo kong pakain." Nagtatampong sabi ko.
Yumakap siua mula sa likod ko saka ipinatanong ang baba sa balikat ko.
"Huwag ng magtampo ang baby ko. What do you want? Ibibigay ko ang lahat." Malambing na sabi niya.
Napangiti aki saka sumagot. "Gusto ko ng Avocado na shake. Yung kulay pink ha." Request niya. Hmm mukhang masarap yun.
"What?"
"Avocado shake na pink." Ulit niya.
"Pero babylove may ganun ba?" Takang tanong niya.
"Aba Malay ko! Hanapan mo ko. Ang sabi mo kahit ano ibibigay mo saakin. Tapos yun lang hindi mo pa maibigay." Galit na sabi ko.
Nakakainis naman kasi. Gusto na ko yun eh.
"Woah. Wait babylove don't be mad. I'll try to find that kind of shake kung meron man." Anito saka iling iling na tumayo at nagbihis.
Nagliwanag ulit ang mukha ko saka masayang lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa buong mukha.
"Thank you! Thank you! I love you!" Masayang sabi ko. Excited ako hehehe.
Abot tainga ang ngiti ko habang nakatingin sa kaniya habang na nakakunot ang noo at tinitignan niya ako ng 'parang namaligno look'.
Sinapat pa niya ang noo ko. " Are you sick? Kanina masungit ka tapos naging masaya tapos naging excited ka na lang bigla. Okay ka lang ba?"
Tumango ako saka ngumiti pa ng mas malapad. "Yung request ko ha. Paki bilis."
"Pano kung wala akong mahanap? I mean sa tingin ko hindi nag eexist yun babylove."
Tinignan ko ito ng matalim. At ibig ko kayang matawa dahil napalunok ito. Hahaha King? Primo found his match and that's me.
"Kapag hindi mo ko nahanapan. Wala ka ng sexy time." Sabi ko sabay walk out papunta sa banyo.
Napailing nalang ako ng marinig ang malutong na mura niya.
He's hot everytime he cursed. I giggled in that thoughts.