Chapter 13: cuddled
Matagal ng gusto ni Seb na matubos ang kanilang malawak na lupain sa probinsya dahil sa malaking kawalan ito ng pamumuhay sa kanilang mag-anak. Maaring maging importer ang kanilang mga tanim dahil sa sagana sila sa mga gulay, prutas at alagang hayop. Kaya siya nagtatrabaho araw at gabi dahil nagbaba kasakali siyang makuha niya ang perang pang tubos sa kanilang lupain. Pero sa ilang taon niyang pagtatrabaho hindi niya mabuo-buo ang pera, hangang sa tubo nalang parati ang kanyang nababayaran sa pinagsanlaan ng lupa nila and now, si Cookie lang pala ang makakapagbigay sa kanya nun. Alam niyang hinding-hindi niya matutumbasan ang kabutihan ng kanyang kaibigan. Hindi naman kasi porke't binigyan siya ng libre ni Cookie ay hindi na niya ito susuklian kaya hangang sa kaya niya gagawa at gagawa siya ng paraan para mabayaran ang binigay nitong pera sa kanya.
Madaling umuwi si Seb sa bahay at tinawagan ang kanyang mga magulang. Tinugunan niya ang mga ito na uuwi siya para asikasuhin ang lupa nila, nakapagpaalam naman rin siya sa kanyang boss na si Cookie na uuwi na muna siya at magleleave ng ilang araw at pumayag naman si Cookie. Magpapahinga na sana si Seb ng maalala niya ang nobya, saka palang niya napansin na kanina pa siya hindi nakakatanggap ng text messages at calls mula sa dalaga. Kaya kinuha niya ang phone at tinawagan si Kath. Nakailang tawag pa ito bago sinagot ng kasintahan nito ang kanyang call.
"Hey hon, kumusta? Bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin?" Nagtataka at nag-aalala niyang tanong. Hindi naman agad sumagot si Kath sa halip narinig nalang niya ang pagbuntong hininga nito.
"Hon are you okay? May problema ba tayo?"
Puno ng pag-aalalang tanong ni Seb sa kanya.
"Im just tired Seb, magpapahinga lang ako mahal ko."
Tanging sagot ng dalaga sabay baba ng tawag. Naiwan namang tulala si Seb at hindi makapaniwala sa ginawa ng kasintahan. Nagbabalak pa sana siyang pumasok ng bar ngunit hindi nalang niya tinuloy sa halip nagbihis ito at tinungo ang tahanan ng kanyang kasintahan. Pinagbuksan naman siya ng gate ng katulong ng pamilya Ramirez at pinapasok. Iginiya siya nito papuntang hardin kung nasaan ang swimming pool ng mga Ramirez. Napako naman agad ang mga mata niya kay Kath na nakalublob sa pool at ngayon ay umahon na. Nagtama naman agad ang kanilang mata dahilan para maghatid ng kakaibang sensasyon kay Seb. Kahit kailan Kathalina never fails to awaken his manhood. Ngayon pa na umahon na si Kath mula sa pool kung saan kitang-kita ang kasexy-sexihan ng dalaga. Hindi niya maiwas ang titig niya rito dahil palagi siya pinapasabik ni Kath. Napansin naman agad siya ni Kath at nginitian.
"What are you doing here mahal ko? Wala ka bang work?" Kath asked habang papalapit sa binata. Napalunok na lamang si Seb saka napatikhim at napaupo. Lumapad naman ang ngiti ni Kath saka kumandong sa mga hita ni Seb na basang-basa.
"Am I seductive hon?"
She showed her signature smile na abot hangang tenga ang ngiti at labas ang magagandang ngipin. Nakatitig lang si Saviour sa kanya at napailing na nakangiti.
"Kathy, basa na ako."
Tanging nasabi ni Seb. Napatingin si Kath sa hita niya kung saan nabasa nga niya ang cargo pants nito. Madali siyang tumayo at umupo sa tabing upuan ni Seb.
"Sorry hon," Ani Kath,
"It's fine hon," Nakangiting sagot ni Seb.
"So anong ginagawa mo rito mahal ko?"
Kath asked,
"Bawal naba kitang dalawin hon? Hindi naba ako pwedeng makita ka?"
Seb asked frowning, Kath sweetly smiled saka inabot ang kamay ng nobyo.
"How sweet Seb,"
"At saka nag-aalala ako sayo hon, you act so strange this day hon. Hindi mo ako tinext at tinawagan ngayong araw, is there something wrong?" Seryosong tanong ni Seb sa nobya. Napabuntong hininga naman si Kath at yumuko.
"May problema kasi yung kaibigan ko na si Samara tapos may problema din sa isa naming store kaya hindi ko nagawang magtext at magcall. Napagod din ako sa paggawa ng financial report." Sagot ni Kath. Kaagad naman hinaplos-haplos ni Seb ang kamay ni Kath at hinalikan ito saka tumitig sa dalaga.
"Sorry kung masyado akong worried sayo hon, akala ko kasi may kung anong nangyari sayo kaya hindi ko mapigilan ang mag-aalala, akala ko kasi nanlalamig kana sakin kasi hindi kita mapaglaanan ng oras." Paliwanag niya kay Kath. Ngumiti naman ito at pinisil ang kamay ni Saviour.
"Hon! Naiinitindihan kita kaya huwag mo ako masyadong alalahanin okay?"
Ngiting sagot ni Kath. Gumanti rin siya ng ngiti sa dalaga.
Isang ngiti lang ni Kath ay nawawala na agad ang pagod niya. Kaya mahal na mahal niya ang dalaga simula ng unang pagkikita palang nila.
-----
Dahil sa walang trabaho si Saviour ay niyaya niya ang kasintahan na mamasyal sila at kumain sa labas.
"Saan mo gustong kumain?"
Seb asked.
"Kahit saan hon,"
Kath smiled sweetly.
"Pero hon hindi ko afford ang mamahaling pagkain, im --"
"Okay lang 'yon mahal ko, ang mahalaga sa'kin kasama kita."
She widely smiled. Dinampian naman siya ng halik ni Seb kahit nasa tabi sila ng daanan.
"Alam mo hon kinikilig ako,"
Natatawang marahan na komento ni Kath. Napatawa naman si Seb saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng nobya.
"Kahit ako hon kinikilig rin sa'yo."
Sabay kindat kay Kath. Kilig na kilig naman si Kath na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Napatawa naman si Seb sa nobya and they both chuckled.
Ito ang gustong relasyon ni Kathalina and she finally found the man that can make her happy even in a simple thing and a single moment. Nahagilap ni Seb ang isang bakanteng upuan sa may tabing-dagat kaya giniya niya si Kath rito at pinaupo. Saka bumili ng streetfoods at drinks nilang magkasintahan at dinala sa kanyang nobya sabay tabi ng upo rito.
"Ano yan hon?"
Sabay turo ni Kath sa isang baso.
"Kwek-kwek mahal ko."
Ngiting sagot ni Seb. Napangiti naman si Kath at kinuha ang pagkain saka sinubo. Napaawang naman ang labi ni Seb at napailing na napangiti na lamang.
"Hon baka mabulunan ka,"
Turan ni Seb. Umiling naman si Kath at nagpatuloy sa pagkain.
"Hindi kapa ba nakakain niyan?"
Tanong ng binata sa nobya sabay subo rin sa kanyang pagkain na Kwek-kwek. Ngumuya muna si Kath bago sumagot ng may malapad na ngiti.
"Hindi pa, pero nakikita ko sila Sam, Thali at Tracy na kumakain niyan."
Sagot nito sa nobyo, Seb frowned.
"Sino naman yon sila hon?"
"Mga bestfriends ko hon, si Thalia, Samara, Tracy, Stella at Serenity."
Ngiting sagot ni Kath.
"Bakit hindi ko sila nakikita? At never mo talaga silang nabanggit sa akin hon."
Turan ni Seb na may tono ng pagtatampo saka sabay ubos ng kanyang pagkain.
"Tampo agad Seb,?"
Ngiting panunukso ng dalaga.
"Hindi naman, medyo nakakailang lang kasi wala ako masyadong alam sa nobya ko."
He answered. Napabuntong hininga si Kath saka ininom ang kanyang softdrink.
"Sige, magtanong ka hon. Sasagutin ko, but first sasagutin ko muna ang tanong mo kanina 'bout my friends." She sweetly smiled. Nakinig naman si Saviour sa kanyang kasintahan habang nagpatuloy sa pagkain.
-----------
Follow for more updates
Vote if you like the chapter
And share sa may gusto :)