Chapter 12: Cheque

Unang nagising si Seb kaya agad nitong inasikaso ang agahan nila ng kanyang nobya. Napuyat niya ito at pinagod ng husto kaya nararapat lang na alagaan niya ang kasintahan. He cherish every single moment they shared last night at hinding-hindi niya 'yon malilimutan. Hindi lang 'yon kasabikan para sa laman kundi tunay na pagmamahalan ang nangyari sa kanila kagabi. Napangiti na lamang siya habang binabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa kanila kagabi at kahit sa isipan lang ay kaagad na nabubuhay ni Kath ang pagka lalaki niya.

Nagpatuloy si Seb sa kanyang nilulutong agahan habang napapa-isip. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na hindi niya ka-level ang nobya kung kaya't magkaiba ang panlasa nila pagdating sa pagkain, kaya't sinadya niyang bumili ng bacon at hotdog para sa dalaga. Bahagya siyang napaigtad at napangiti ng maramdaman ang braso ni Kath mula sa likuran niya at madaling yumakap.

"Good morning hon," Mahinang bati ni Kath, napahinto naman si Seb sa pagluluto at hinarap ang nobya saka iniangat ang ulo nito.

"Good morning hon, kumusta ang tulog? Gusto mo na mag-agahan?" Saviour sweetly asked. Kath softly smiled at him saka sinubsob ang mukha nito sa dibdib niya.

"Uom-- gutom na ako hon," She softly answered, nginitian naman siya ng binata saka hinalikan ang bunbunan ng nito. Giniya niya ito paupo sa dining area saka bumalik sa pagluluto.

"Hon, paano pala tayo nakauwi rito sa bahay mo?" Nakapa-ngalumbabang tanong ni Kath kay Seb. Napangiti naman si Seb at hinarap muli ang nobya.

"Inuwi kita rito hon,"

"Using my car hon?" Kath asked habang pilit na minumulat ang mga mata. Bumalik naman sa pagluluto si Seb.

"Yes hon," Maikling sagot ni Seb.

"Napaisip lang ako hon, may experience ka pala sa pagmamaneho?" Kath asked in her soft tone na tila ayaw siyang i-offend.

"Natuto ako sa kaibigan ko hon,"

Simpleng sagot ni Seb.

Hindi naman na umimik si Kath at saktong-sakto dahil natapos na si Seb sa pagluluto ng kanilang agahan. Nagsimula na silang mag-agahan ni Kath at bawat kagat ni Kath ay napapapikit ito at napapangiti ng malapad.

"Hon, bakit ganyan ang ngiti mo?"

Nagtatakang tanong ni Seb sa kanyang nobya. As usual Kath show her signature smile to Seb.

"First time kong makakain ng luto ng nobyo ko hon," Pag-amin nito. Napangiti naman si Seb sa pagiging honest ni Kath.

"Hon it's just a bacon and hotdog which is easy to cook." Ani Seb sabay subo, bahagyang inilapit ni Kath ang mukha nito sa mukha ni Seb at ngumisi muli.

"Simple nga lang siya pero nalalasahan ko naman ang buong pagmamahal sa niluto mo Seb," Sabay subo ng kanyang hotdog, napailing na lamang si Seb at nagpatuloy sa pag-kain habang si Kath ay malapad lamang siyang nginitian.

"Hon gusto mo pahiramin kita ng kotse?"

Biglang wika ni Kath, napahinto naman si Seb sa pag-nguya at napatingin sa nobya.

"Hon, ayokong nagbibigay ka ng mga bagay na pag-aari mo. At saka okay na ako sa pagko-commute." Pilit na ngumiti si Seb sa kanyang kasintahan kahit medyo offended siya sa sinabi nito. Alam naman niya hindi 'yon offensive para sa nobya kasi masyadong showy si Kath pagdating sa kanyang feelings, but for him medyo nasaktan siya at the same time nahihiya na rin.

"Bakit hon?"

Agad na nawala ang magandang ngiti ni Kath at napalitan agad ito ng pagkadismaya.

"Hon listen, masarap sa pakiramdam na makuha mo ang mga bagay na gusto mo sa sariling sikap."

Turan ni Saviour sa kanyang kasintahan. Natahimik naman si Kath at nagpatuloy sa pagkain. Alam ni Seb na dismayado ang nobya sa kanyang mga sinabi ngunit ito ang prinsipyo niya kaya hinayaan nalang niyang manaig ang katahimikan sa pagitan nila.

----

Pagkahatid ni Kath kay Seb ay dumiretso naman agad ang dalaga sa kanilang bahay para magbihis dahil nakaligo na ito sa bahay ng nobyo. Pagkarating niya sa opisina ay naabutan niya si Alistaire na nakaupo sa kanyang visitors chair. Agad siyang lumapit rito at umupo sa kanyang swivel chair.

"What are you doing here kuya?"

May bahid ng pagsusungit niyang tanong sa kanyang nakakatandang kapatid. Ngumisi naman si Alistaire at sinandal ang likod sa kanyang upuan na para bang may ihihirit na naman na pang-aasar sa bunso nito.

"Galing kaba sa bahay ng nobyo mo? Talaga bunso, patay na patay ka sa isang mahirap na lalaking yun?" May bahid ng panunudyo na wika ni Alistaire kay Kath. Agad naman sumimangot ang dalaga at tinaasan ng isang kilay si Alistaire.

"Ano naman ngayon kuya kung patay na patay ako sa nobyo ko? Is there any wrong with that!?" Naiinis niyang turan sa pang-iinsulto nito kay Seb.

"Wala naman. Gusto lang kitang inisin."

Sabay bitaw ng mapanudyong tawa ni Alistaire. Saka nilapag sa mesa ang isang folder at tumayo.

"What's that?" Pagtataray na tanong ni Kath.

"Do me a financial report on that sis, diba yan ang bago mong trabaho ngayon?"

Nakangising wika ni Alistaire. Napabuntong hininga naman si Kath at kinalma ang sarili. Nasa trabaho siya kaya dapat magfocus siya sa kanyang trabaho at i-set a side ang personal life niya.

"Sa anong financial report yan?"

Tanong ni Kath sabay buklat sa folder.

"Sa isa nating store sa mall."

Seryosong sagot ni Alistaire.

"Bakit? May problema ba sa store natin sa mall?" Sa kakamasid niya sa folder ay napako ang tingin niya sa amount.

"See? Now do me a financial report about the cash flows of the store." Pagkasabi nito ay lumabas na ito sa opisina ng kanyang kapatid.

Napabuntong hininga muli si Kath at nag-umpisa na sa kanyang trabaho.

------

Maghapon na abala si Saviour sa coffee shop kaya hindi niya namalayan na out na pala niya. Buti nalang at tinawag siya ni Cookie para ibigay ang kanyang sahod.

"Balak mo bang magtrabaho araw-gabi Sav?"

Tanong ni Cookie kay Saviour. Napatawa ng marahan si Seb at napatingin sa kanyang kaibigan slash boss.

"Kung kaya lang ng katawan ko bro. Gagawin ko para sa pamilya ko." Nakangiting sagot ni Seb. Napailing naman si Cookie sabay abot ng isang paycheck rito.

"You deserve it bro."

Nakangiting wika ni Cookie sa kanya. Inabot naman ni Seb ang paycheck sabay nanlaki ang mata ng makita ang laman ng paycheck.

"Ano 'to bro?--ba-kit-?"

"You deserve it Saviour, kailangan mong magsimula para sa sarili mo. I heard na gusto mo nang tubusin ang lupa niyo to start a bussiness for your family diba? Yan na Sav."

Nakangiting wika ni Cookie.

"Pero bro.--hindi kita--"

"You don't have to pay it Sav. Pero kung iinsist mo saka mo na ako bayaran kapag napagtagumpayan mo na ang mga plano mo."

Wika ni Cookie. Hindi makapaniwala si Seb sa mga sinabi ng kanyang boss na kaibigan rin niya kaya napabuntong hininga na lamang siya at napailing.

"Thank you bro. Sobrang salamat."

Tanging nasambit nito. Tumayo naman agad si Cookie saka tinapik ang balikat ni Seb.

"Para na rin yan sa magiging asawa mo na si Kathalina Ramirez bro. Kailangan mo nang umpisahan na patunayan sa pamilya niya na deserving ka para sa anak nila."

Ani Cookie sabay kindat rito, napangiting napailing na lamang si Seb sabay tayo.