Chapter 14: Allergies

Nagulat na lamang si Saviour ng tinawagan siya ng kuya ni Kath na si Alistaire dahil sa sinugod raw ang nobya nito sa hospital because of allergy reaction. Nagmadali naman niyang tinungo ang hospital na binanggit ni Alistaire. Naabutan niya sa labas ng kwarto ni Kath ang mag-asawang Ramirez at agad na nag-angat ng tingin sa kanya. Bigla naman siyang nilapitan ni Mr. Ramirez at matalim na titig ang pinukol nito sa kanya. Mabilis naman lumapit si Alistaire at Mrs. Ramirez sa kanila at pumagitna.

"A-anong nangyari po kay Kath?" Naguguluhang tanong ni Seb.

"You do know what you've done with my daughter!?" Galit na tonong wika ni Mr. Ramirez.

"Honey! Calm down," pigil ni Mrs. Ramirez sa asawa sabay hagod sa balikat nito.

"Dad, walang kasalanan si Sav. sa nangyari kay Kathy." Depensa naman ni Alistaire kay Seb.

"Kaya nga! Wala siyang alam, because he didn't find ways to knew more on Kathalina! Alam mo bang kamuntik mo ng malagay sa panganib ang buhay ng unica hija ko? Well! Wala ka nga talagang alam dahil hindi mo inalam ang mga bagay na pwede at hindi pwede kay Kathy."

Galit na turan ni Mr. Ramirez kay Seb. Natahimik naman ang binata at napayuko na lamang sa kahihiyan.

"Hon! Stop it! You sounds sarcastic and disrespectful." Saway ni Mrs. Ramirez.

Nagpakawala naman ng mabigat na paghinga si Mr. Ramirez at bumalik sa pag-upo sa bench. Sinundan naman siya ng asawa at tinabihan sa pag-upo. Habang si Alistaire at Seb nakatayo lamang sa tabi.

"A-anong nangyari?" Seb asked, magkaedad lamang si Seb at Alistaire kaya medyo naiilang si Seb na tawaging kuya si Alistaire.

"She had allergy reaction Sav,"

Sagot ni Alistaire sabay tapik sa balikat nito.

"Allergy? Paano? And kailan pa? Sa ano?"

Seb looked confused.

"Hindi kaba sinabihan ni Kath?" Nagtatakang tanong ni Alistaire.

"No! She didn't tell me anything."

Sagot ni Seb. Alistaire sighed sabay napahilamos sa kanyang palad.

"Bawal siya sa mga itlog at chicken Sav, may gastrointestinal tract siya and her allergy caused it." Paliwanag ni Alistaire. Napaawang naman ang labi ni Seb at napasuklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Wala siyang alam na may allergies pala ang nobya at hindi siya sinabihan nito. Kaya pala ganun nalang katindi ang galit ng daddy nito sa kanya. He felt guilty of what has happen to her girlfriend kaya hindi na siya umimik at napabuntong hininga na lamang. Ilang sandali lang at lumabas na ang doctor mula sa silid na kinaroroonan ni Kath. Nagsitayuan naman ang mga magulang ng dalaga at kinausap ang doctor.

"Kumusta na si Kathalina doc.?"

Agad na tanong ni Mr. Ramirez.

"He's fine now Mr. Ramirez, I already gave her pain reliever para kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng kanyang tiyan."

Turan ng doctor.

"Thank god!" Sambit ni Mrs. Ramirez na sinabayan pa ng kanilang pagbuntong hininga na para bang nabunutan sila ng tinik sa lalamunan.

"Pwede naba kaming pumasok doc.?"

Tanong ni Mrs. Ramirez.

"Sure madam, huwag niyo lang po siya istress para hindi po ma-trigger yung nararamdaman niya." Paalala ng doctor.

"Sige salamat doc." Matipunong turan ni Mrs. Ramirez.

Nagpaalam naman agad ang doctor sa kanila at napasulyap pa ito kay Seb bago sila tuluyang lagpasan. Naunang pumasok ang mag-asawang Ramirez samantalang si Seb at Alistaire ay naiwan sa labas. Tinapik siya ni Alistaire sa balikat dahilan para mapatingin siya rito.

"Let's go inside," Aya ni Alistaire kay Seb.

"Sige mauna kana Staire, baka uminit pa ang ulo ng daddy mo at ako pa ang maging dahilan sa stress ni Kath." Malungkot na sagot ni Seb.

Hindi na pinilit ni Alistaire si Seb kaya pumasok itong mag-isa. Napasulyap na lamang si Seb sa maliit na siwang ng pinto at nagpasyang umalis ng hospital. Gustong-gusto niyang makita ang kalagayan ng nobya pero dahil sa sinabi ng doctor at ng daddy ni Kath ay napaurong siya. Kaya hindi na niya pinilit ang sarili na magpakita sa nobya, isa pa siya din naman ang dahilan kung bakit nagkasakit ito.

-----