Chapter 47 - Bully

Xena

Nagulat ako nang mapagbuksan ko si Cloud ng pinto, nakangisi na kumaway pa ito sa akin.

Ano na naman ang ginagawa nito rito? At bakit ba tila naiirita na kaagad ako sa ngisi nito?

Tinaasan ko ito ng kilay bago binitiwan ang seradura ng pinto at iniwan ito roon upang ito na ang magsara pagkapasok nito. "Wala ka bang tinatrabaho?" tanong ko.

Halata kasing hindi ito pupunta sa opisina sa pormahan nito na naka-cargo shorts, polo na pang-hawaiian na mukhang sadyang hindi nito isinara ang ilang butones sa gawing taas at tinernuhan pa ng white sneaker shoes.

Ang fresh nitong tingnan.

Pero saan kaya ang lakad nitong sira-ulong ito pagkatapos akong pestehin muna?

"Wala pa namang masyado," sagot nito.

Tumuloy ako sa sofa at patamad na umupo roon. "Hindi ka ba hinahanap sa opisina?"

"Hindi, nag-file ako ng leave for 7 days."

Naks. Sana all. May susuwelduhin kahit hindi pumasok ng pitong araw, na reminder sa akin na kailangan ko na palang maghanap ng trabaho, medyo humahaba na rin ang bakasyon ko.

Tiningnan ko ito na nakatayo pa rin sa mismong pintuan. Mukhang wala itong balak na magtagal, mukhang hindi ako pepestehin at mukhang kay tino-tino.

Well, sana nga talaga. Kaso, itong hilatsang 'to? Ang hirap magtiwala.

"E, 'yong Mama mo hindi ka ba hinahanap?"

Humilig ito sa pinto habang nakamasid sa akin bago tumaas ang gilid ng labi. "Mama? Wala naman akong mama."

Kumunot kaagad ang noo ko.

Anong pinagsasasabi nito? Ginagago na naman ba ako nito? E, kadalas nga nitong kausap ang ina nito sa telepono kapag magkasama kami, tapos recently lang noong naglibot kami sa mall, pagkatapos naming kumain ay saktong may tumawag dito kaya niyaya na ako nito para maihatid at umuwi na rin ito dahil hinahanap na raw siya at pinapauwi na?

Ano 'yon multo? O gawa-gawa lang nito 'yon? Acting lang 'yong mga times na may kausap ito?

Kung gano'n ay ang galing nito dahil napapaniwala ako nito sa lahat ng pagkakataon na ginagawa nito iyon.

Napakapang-best actor talaga ng kautuan nitong taglay at mga alam.

Hays. Ang sarap saktan at sakalin.

"Ba't ganyan ang hitsura mo?" natatawang tanong pa nito.

Bored ko itong tiningnan. "Bakit? Talagang nakapagtanong ka pa e, 'no? Siyempre nag-iisip ako. Itinatanong ko sa sarili ko kung kulang ka ba talaga sa aruga sa takbo ng utak mo."

"Masyado naman 'to sa kulang sa aruga," reklamo nito.

"Ah, mas malamang kulang ka sa pag-iisip dahil kung anu-anong kalakohan ang nalalaman mo para lokohin ako at pag-trip-an. Wala raw mama, pati Mama mo sinasama mo sa mga kautuan mo."

Lumabi ito na parang nasaktan. "Ganyan ba talaga ang pagkakakilala mo sa akin? Manloloko? At niloloko lang kita? Ouch, ha? Masakit 'yon. Tumagos sa puso ko," turan nitong madrama at may halo pa talagang acting na hindi ko alam kung masusuka ba ako.

Nandidiri ko tuloy itong tiningnan dahil sa mga pinagsasasabi at ginagawa nito.

"Ano 'yang tingin na 'yan? Nagsasabi ako ng totoo, Lexy," usisa pa nito.

Duda ko itong tiningnan. "Totoo? Tae mo. Ang dami mong alam na kautuan."

"Kanina manloloko, ngayon naman kautuan. Masyado kang mapanghusgang babae ka."

'Di kaya panghuhusga 'yon, totoo kaya 'yon.

I rolled my eyes. "Lol. Paano ako maniniwala sa iyo? Kilalang-kilala ko ang mga galawan at hilatsa mo, Ulap."

Pumalatak ito. "Ayaw talaga akong paniwalaan. Totoo ang sinasabi ko," pilit pa nito.

"Totoo? Sige nga, pahiram nga ng telepono mo."

Hind nakaligtas sa paningin ko ang tila pagkislap lalo ng katuwaan sa mata nito.

Inilahad ko ang kamay ko. "Kapag ako may nakitang text o tawag ng Mama mo riyan, sasamain ka talaga sa akin. Makakakita ka ng maraming stars, how about that?" malakas ang loob na hamon ko.

"Aw. Ang brutal masyado. Pero paano naman kung wala kang makita? Ano naman ang kapalit?" naghahamon din na tanong nito sa akin, pilit na itinatago ang ngisi.

Napatitig ako rito. Bakit parang confident na confident ito sa sinasabi at kung makikipag-deal man ako sa hamon nito ay mukhang matatalo lang ako.

Napalunok ako.

Bawiin ko na lang kaya 'yong hamon ko? Mukhang delicades yata ako, kung matalo ako, baka kung anong kabugukan pa ang hingin nitong kapalit.

"Ano na?" untag na tanong pa nito.

Nakakabwiset ang tono.

Kaasar.

Umirap ako. "Nevermind," pag-back-out ko.

Pumalatak ito. "Kahina ng loob. Takot ka, 'no?"

Sus. Sino ba ang hindi matatakot e sira-ulo ito at kung anu-anong kagaguhan ang laman ng utak.

Sumimangot ako.

"Ayaw pa kasing maniwala na wala nga akong mama."

Pinandilatan ko ito.

Hindi kasi nakakatuwa na sabihin nito nang paulit-ulit na wala itong ina, gayong mayro'n naman talaga at nanggagago lang.

"What? Hindi ka pa rin naniniwala?" usisa nito na halatang nagpipigil lang ng tawa.

Napakawalanghiya rin nito talaga minsan, e.

"Gagoids ka. Walang maniniwala sa iyo. Saka tigilan mo nga. Hindi magandang biro," inis kong sabi.

Tumawa pa ito. "Alin ba? Naiinis ka na naman, lalo ka tuloy gumaganda."

Binola pa ako. Akala naman nito ay uto-uto ako.

Pumalatak ako upang patigilin ito sa kalokohan.

"Pati ro'n hindi ka naniniwala? Bahala ka nga."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Lol. H'wag ako."

"Nagsasabi nga kasi ako ng totoo. Ba't ba ayaw mo kasing maniwala sa mga sinasabi ko, na maganda ka at wala akong mama?"

Inirapan ko ito.

"Ang ganda mong mang-irap. Isa pa nga," hiling nito na halatang nang-aasar.

Sumimangot ako.

Ano ako uto-uto? Bakit ko naman ito susundin?

Tumawa ito nang naaaliw. "Pero seryoso, wala talaga akong mama."

Seryoso? Bugok talaga. Paano kong seseryosohin e tumatawa pa ito.

Inirapan ko ulit ito.

"Irap pa more, pero totoo nga kasi, wala talaga akong mama," pilit pa rin nito.

Sinamaan ko ulit ito ng tingin dahil ayaw pa ring magtigil.

"Pruweba ba ang gusto mo? Teka nga," tanong nito bago inilabas ang telepono at nagdudutdot doon.

Kumunot ang noo ko nang itapat nito ang gadget sa tenga nito.

"Watch and listen," nakakalokong sabi pa nito.

Ano na namang kagaguhan ang gagawin nito?

"Hello. Nasaan ka po?" umpisa nito.

Sino ba ang kausap nito?

"Puwede mo po bang patunayan 'yong sinasabi ko? Puntahan ninyo po ako at may hindi kasi naniniwala rito na wala akong mama, e."

Nanlaki ang mata ko.

Teka, ako ba ang tinutukoy nito? Tsk. Taeng lalaki na 'to!

Nakita ko ang pagngisi nito.

Umayos ako ng upo at patuloy itong inoobserbahan.

Malay ko ba kung may kausap nga ito.

Malamang ay nanloloko na naman ito. Hobby naman na nito iyon, e.

Humalukipkip ako at tinaasan ito ng kilay. "Duh. Para kang tanga, wala ka namang kausap, e. 'Di mo ako maloloko," pang-aalaska ko.

Lalo itong ngumisi nang nakakaloko bago nito inalis sa pagkakatapat sa tenga ang telepono at biglang ini-loudspeaker iyon.

Napatitig ako sa hawak nito na parang may magic na nagaganap nang makarinig maya-maya ng boses babae nga na nagsasalita.

"Hello? Hello? Andiyan ka pa ba? Anong ibig mong sabihin at saan kita pupuntahan? Okay ka lang ba?"

Nanlaki ang mata ko.

"Ayos lang ako, My."

My? As in mommy?

Mommy nito ang kausap nito?

Argh. Nakakahiya! Tunay talaga itong may semplang!

"Ano na nga 'yong sinasabi mo kanina? Hindi ko masyadong naintindihan. Nasa biyahe kami. Saan ka namin pupuntahan ng Daddy mo at bakit?" usisa ng kausap nito.

Pinandilatan ko ito dahil hindi maalis-alis sa mukha nito ang nakakabwiset na ekspresyon.

Kinagat naman nito ang labi dahil hindi na talaga nito maitago pa kung gaano nito pinagsusumikapan na pigilin ang pagtawa.

"Hello? Maayos ka lang ba talaga, 'nak? Cloud?" untag dito ng kausap.

Nakita ko ang paglunok nito na pigil pa rin ang pagtawa. "Ayos lang po ako, Mommy," sagot nito na talagang idiniin at inilakas pa ang huling salita.

Dmn this guy. Ipinapamukha talaga at sinasabi ko na nga ba.

"Nasaan ka ba kasing bata ka?"

"Nandito po ako sa kaibigan ko ngayon," tugon nito.

"Sinong kaibigan?"

Nahigit ko ang paghinga ko.

"Uh, si Lexy po."

Hala, sinabi pa talaga ang pangalan ko.

"Lexy? 'Yong kaibigan mong babae noong college na madalas na maikuwento dati?"

Naikukwento ako nito?

"WHAT THE FUCK?" I mouthed.

Ngumisi lamang ang hinayupak na sira-ulo.

"Yes po, Mommy. Siya nga po. Naaalala mo pa pala."

"Kailan mo maipapakilala sa amin? Curious ako sa kanya dahil sa mga kuwento mo noon, hindi ko pa siya nakikita at nakikilala nang personal hanggang ngayon."

At ano naman ang ikinukuwento nito sa ina nito?

"Soon. Kaso baka mahiya sa inyo, e. Baka matakot, takot pa naman 'to sa tao."

Abnormal talaga. Kung anu-ano ang sinasabi nito.

"Nililigawan mo na ba?"

Muntik na akong masamid ng sarili kong laway pagkarinig sa tanong ng ina nito.

"Uh, hindi po. Friendzone ako mula pa noon, Mommy. 'Di ba, Lexy?" pagsasali nito sa akin sa usapan.

Punyemas talagang lalaking 'to, puro kalokohan ang alam.

Narinig ko ang pagtawa ng ginang sa kabilang linya.

"Naka-loudspeaker pala? By the way, hello, Lexy."

"Ah... h-hello po. Ingat po sa biyahe," malakas ang boses na sagot ko kahit na nahihiya dahil malayo sa puwesto ko si Cloud.

Tae kasi 'tong lalaki na 'to.

Sumimangot ako.

Tumawa na naman ang ina nito. "Mukhang tama ka nga, mahiyain. Mas gusto ko siyang makilala sa personal."

Napangiwi ako ngunit inayos ko kaagad ang ekspresyon ko nang mahuli ako ni Cloud.

Bumaling na ito sa teleponong hawak at tinanggal na ang pagkaka-loudspeaker kaya hindi ko na naririnig ang sinasabi ng Mommy nito.

"Natakot lalo sa mga sinasabi ninyo, Mommy."

Napalabi ako.

Hindi nagtagal ay mukhang may ibinilin pa rito ang ina nito kaya puro okay at yes po ang sagot nito bago natapos ang tawag.

Bumaling na ulit ito sa akin kapagkwan. "O, ano ka? Naniniwala ka na ngayon na wala akong mama? Mommy lang kasi ang mayro'n ako," nakakairitang paliwanag nito na akala mo ay hindi ako marunong umintindi.

Hambalusin ko kaya ito ng upuan?

Sa asar ko ay dinampot ko ang throw pillow at ibinato iyon dito, pero dahil malayo ang puwesto nito mula sa akin ay hindi man lang umabot dito ang unan kaya tumawa lang ito.

Lalo tuloy akong naasar.

Ang sarap nitong sapukin.

"'Yon na rin 'yon. Napakaarte mo lang kasi," asik ko.

"Magkaiba 'yon."

Umirap ako. "Ang arte mo. Gano'n na rin 'yon."

"Hindi nga, magkaiba kaya," pilit nito.

Pumalatak ako. "Ina ang pinag-uusapan natin pero niliteral mong masyado. Malamang wala ka ngang mama dahil mommy ang tawag mo. Kapilosopo at kaarte mo, alam mo 'yon?" asar kong wika.

"Maarte? Grabe ka talaga sa kakisigan ko. Huwag mo namang i-murder."

"LOL. Nasa'n ang kakisigan? Paki-display nga. H'wag mo nga akong pinaglololoko."

"'Di naman kita niloloko, ah. Grabe ka. Wala akong lahing manloloko. FYI lang... dahil ako nga ang naloloko, e. At masakit 'yon. Masakit 'yon para sa akin, alam mo ba 'yon?"

Hays. Napakadami nitong alam at ang drama pa.

"Hindi. Hindi ko alam. Bwiset ka. Magtigil ka na nga. Ang sakit mo sa ulo."

Ngumisi itong muli. "Ulo ba talaga? O baka naman puso ang masakit?"

Aba't! Ang bully!

"Ulap!" sigaw ko na.

Napakapeste kasi nito.

"Masyado ka namang intense agad diyan. Sige na, ulo na. Sige na lang. Ikaw na ang tama."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Gagoids ka po hundred times."

Tumawa ito nang malakas.

Ang sarap bunutin ng ngala-ngala nito para matigil na ito.

"Init ng ulo mo. Pero..." hirit nito na pabitin pa.

Hays. Hindi na naubos ang kakulitan nito.

"Ano na naman?" paasik kong tanong.

"Hindi mo ba ako yayayaing pumasok? Kanina pa kasi ako nangangawit dito, as you can see."

Napahawak ako sa ulo ko, gusto yatang manakit talaga dahil sa mga pinagsasasabi nito. "Bwiset ka. Akala ko trip mo lang talagang tumayo at mangawit. Akala ko feeling hero ka riyan, nagpapakamartir. Gusto na nga kitang barilin kanina pa."

"Yayain mo naman kasi ako kahit na pabalat bunga lang. Nahihiya kasi akong pumasok na hindi niyayaya, e. Hindi ko naman kasi bahay. Alam mo na, hindi kasi ako bastos na tao, saka feeling ko hindi ako welcome kapag gano'n... you know," maarteng litanya nito.

Abnormal talaga itong tunay. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isipan, na puro kalokohan na lang yata ang alam at laman.

"Kung anu-ano ang sinasabi at nalalaman mo. Ang dami mo pang kaartehan. Pumasok ka na nga rito. Kapag hindi ka pa pumasok, ihuhulog kita sa hagdan," banta ko.

Kumilos naman ito kaagad at pumasok bago isinarado ang pintuan. "Ihuhulog? Hindi ka naman nagdadaan sa hagdan. Patawa ka."

"Hindi nga. Hindi pa. Ngayon ko pa lang balak, para lang maihulog ka."

"Brutal mo naman. Ganyan ba ang napapala ng mga walang trabaho?" mayabang na usisa nito.

"Hindi. Ganito ako sa mga taong pinepeste ako dahil mukhang walang matrabaho at magawa sa buhay," balik ko.

Nanlaki ang mata nito at itinuro pa ako. "Hoy, may trabaho ako. Natapos ko na, kaya nga nag-file na ako ng leave. Ikaw nga riyan ang walang trabaho, e."

Tinaasan ko ito ng kilay. "O? E, ano naman? Ano ang ipinaglalaban mo?"

Pumalatak ito. "Wala naman. Ang sa akin lang... baka naman... baka kasi gusto mong trabahuhin na lang natin ang isa't isa?"

Natigilan ako, nanlaki ang mata ko sa tinuran nito at nabitin ang paghinga ko.

Napagtanto ko na lang na ginagago na naman ako nito nang makita ko na namumula na ito kakapigil ng tawa.

Kaasar talaga. Trip na trip ako nitong pestehin.

Sinamaan ko ito ng tingin kapagkwan.

Tumawa naman ito nang malakas, 'yong tipo ba na parang ikamamatay nito kung hindi man nito mailalabas 'yong hangin sa katawan nito.

Hinampas ko ito ng unan nang 'di na ako makatiis, pero katulad na nang inaasahan ko ay hindi pa rin ito tumigil kakatawa.

Napakatae talaga ng ugali.

Hinayaan ko na lang ito at itinuon ang mata sa TV dahil mukhang bukas pa naman ito matatapos sa pagtawa.

Bahala na ito. Titigil din naman 'yan kapag nawalan na ng hangin, 'yon nga lang... deads na ito 'pag nagkataon.

"Lexy," tawag nito matapos ang karumal-dumal na pagtawang ginawa.

Sa halip na pansinin ay itinuon ko lamang ang mata ko sa harapan at diretsong tiningnan ang palabas sa TV kahit na wala naman akong naiintindihan.

Manigas ka riyan, bugok!

"Sorry na," maamong sabi nito.

Hindi ako kumibo.

Lumapit ito at hinawakan ang pisngi ko, biglang iniharap ang mukha ko mismo rito.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na inilalapit nito ang mukha sa akin at halos maduling na ako sa pagtitig dito.

Napagtanto ko na manggagago na naman ito dahil sa tumaas ang sulok ng labi nito, kaya bago pa ito matapos sa binabalak ay sinupalpal ko na ang mukha nito.

Hindi ako nagkamali nang tumawa na naman ito.

Hays. Sinasabi ko na nga talaga.

Niyakap pa ako nito habang tumatawa at nang tumigil kalaunan ay hingal na hingal.

Pinag-trip-an, pinagtawanan tapos yayakapin? Kainis. 'Yon na lang ba ang papel ko sa buhay ng mga abnormal na tao sa paligid ko?