CHAPTER THIRTY-FIVE | LOVE QUARANTINED
Kriselle
TUWANG-TUWA ako habang inaayos ang ginawang closet ni Sean para magiging anak ko. Nasunod kung paano ko ginuhit ang built-in cabinet at pati ang kulay na aking gusto. Kahapon ko pa dapat aayusin kaya lang sabi ni Colby huwag muna dahil amoy pintura pa. Baka makasama sa amin ng baby kapag nakalanghap ng amoy noon. Inumpisahan ko i-hanger ang maliliit na damit ni Rafael.
Yes, we're having a boy and we just found out about the gender few weeks ago. Hindi na kami nag-gender reveal party at pinili na maghanda para sa pagdating ni Rafael. Lahat excited na lalo na ako. Kaya nga narito na ako nag-aayos ng mga gamit ng first baby namin.
"Bigay 'to ni Ninang Hera sayo, love." I said, as I caressed my tummy.
Nasa gilid ko na naman siya ngayon na paboritong lugar na niya. Kanina pa siya malikot at marahil naramdaman niya rin ang excitement ko sa pag-aayos ng mga gamit. Any day this week, pwede na ako manganak at nakahanda naman na ang mga gamit namin sa ospital. Lahat may pangalan na para kapag inabot ni Colby sa nurse na magpapaligo, hindi na maipagpapalit sa gamit ng iba. We're prepared for the worst case scenario because I'm will not deliver Rafael at his Dad's hospital.
Colby decided to deliver my baby nearby or avail of the home delivery service of Jose Rizal Memorial Hospital. Kakilala naman ni Colby ang director pati na ang midwife na magpapa-anak sa akin. We already secure a private room there, too, and it's because of the connection that my husband has.
"Pang limang ayos mo na 'yan, babe," untag ni Colby sa akin.
"Dalawa pa lang naman saka may bagong damit si Raf. Look at this, galing kay Hera."
Naupo si Colby sa tabi ko at inisa-isa ang mga damit ni Raf. "Mas malaki pa closet niya kaysa sa atin." Hindi ko maiwasang matawa pero totoo naman dahil 'di pa nalabas, isang katutak na ang mga damit. "You're still not in labor?"
"Hindi pa. Hindi pa yata ready lumabas si Rafael."
Muli ko hinagod ang aking tiyan dahilan para gumalaw ulit ang anak namin. Rafael kick and it slightly hurt me. Lalo siya na-excite nang marinig ang boses ni Colby. Nakikinikinita ko na magiging Daddy's boy ang isang 'to dahil soft aura ni Colby pero masungit pa rin siya sa iba lalo na sa asawa ni Papa na lagi na yata narito sa bahay. Ayaw ng asawa ko na ma-stress ako kaya gumawa siya ng paraan na hindi kinokonsulta sa akin.
And that is when he talked with Papa the other day.
Bold move, yes, but he only did what's best for me and our baby. Gano'n siya ka-hands on sa akin simula nang malaman namin ang magandang balita. It wasn't an easy pregnancy. Buong journey namin ay umikot sa ospital dahil sa bleeding na naranasan ko noong unang tatlong buwan. The second semester was not that easy too because I bled again. It's a series of bed rest for me the whole nine months.
Dito lang ako sa loob ng kwarto. Lalakad ako pero minimal lang at hindi rin ako pwede magpabalik-balik sa hagdan. Colby hired a nanny to help us at home and prepared for the arrival of Rafael.
"Hey Raf, do not be shy to come out, okay? Para hindi na mahirapan si Mommy."
"It's okay, babe."
"See how kind your Mom is? I have to protect both of you so no one will ever hurt the two of you. That's my job now."
Hindi ko maiwasang kiligin at lagi niya talaga sinasabi na napaka-selfless ko lalo na ngayon na magiging nanay na. Isang karakter ko na mahal na mahal niya nang sobra-sobra.
Inalalayan ako ni Colby nang tumayo ako para dalhin ang mga damit ni Rafael pabalik sa closet. Tinulungan ako ni Colby ayusin iyon at nang matapos ay inaya niya ako pumunta sa living room namin sa second floor. He prepared me fruit ice cream which he learned online. Nahawa na siya sa akin kakanood ng kung ano-ano online idagdag pa ang sabay namin panonood ng Kdrama.
"Magpapalit na yata ng profession ang Dad mo, Raf. Hindi na siya doktor ngayon, tiga-gawa na ng fruit ice cream." Hindi na rin ako engineer ngayon. Na-mi-miss na nga ako ng mga ka-trabaho ko pero nangako naman ako na babalik ako at kasama ko na ang minime namin ni Colby.
"I am thinking about that too,"
"Hoy! Hindi pwede, stick ka lang sa pagiging doktor, asawa ko at tatay ni Raf." He laughed loudly.
Napuno noon ang living room na kinaroroonan naming dalawa. Madali nga ang buhay ko dahil doktor siya at masasabi ko na nabawasan ang kabang nararamdaman ko. Some people say, I should expect more hardship when delivering a baby for the first time. Pero marami din nagsabi na may napapa-anak na madali lang. I hope and pray everyday that I'll deliver Raf easily.
"Tumawag pala ang Papa mo,"
"Anong sabi niya?"
"Tinanong kung nanganak ka na at kung pwede niya ba raw makita saka mahawakan ang apo niya."
"Pwede naman basta hindi kasama si Zara. He can bring my sister too."
"I knew you would say that. Ayan din sinabi ko sa kanya,"
Kilala talaga ako ng asawa ko at pati takbo ng utak ko'y alam niya. Simula nga lang noong nabuntis ako, may pagkakataon na 'di niya ma-gets. Madalas pa siyang naiinis kaysa sa akin na tingin ko'y bunga ng paglaktaw ko sa kanya. Nailipat ko sa kanya ang mood swings ko at konting cravings. May pagkakataon din na nakunan siya ng picture ni Erian na natutulog sa opisina niya.
Naawa ako sa kanya sa part na iyon dahil hindi talaga makatrabaho ng maayos. But knowing his job as my husband, it's okay with him. Para daw hindi ako mahirapan at ayos lang na siya na ang pumasan ng kahit kalahati.
"Naisip ko lang, kung nandito siguro si Mama at parents mo, tuwang-tuwa ang mga 'yon."
"It will be a different story, babe. Hindi tayo magkakakilala at hindi mo ako ililigtas."
May point siya.
Everything that happened between us was orchested by God. Hindi naman ako pupunta dapat sa rooftop ng ospital kung saan naroon din siya. Hindi ko lang kinaya ang rebelasyon ng doktor tungkol sa kakahinatnan ni Mama noon. I walked out without knowing where I would go that time. Basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na binabagtas ang daan papunta sa rooftop.
There I saw a hopeless man with a bleeding hand. Malapit siya sa railing at nahulaan ko agad ang gagawin niya. Wala akong plano na magpakabayani at kusa lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang binitawan ko kay Colby - mga salitang bumago sa buhay niya maging sa aking buhay. Agad ako nagdesisyon na kilalanin siya at sundan para maiwasan na ulitin ang naudlot na gawain. May nakapagsabi kasi sa akin na maaaring maulit iyon kung hindi gagabayan ng tama.
May pinagdadaanan din ako noon pero pinili ko na bantayan siya habang inaalagaan si Mama. Ang stress, anxiety at grief ang dahilan kung bakit nawala si Colby nang pansamantala sa aking alaala. Napasama ang memory niya sa nga na-block ng utak ko kaya matagal bago ko na-recognize kung sino siya talaga sa buhay ko. I don't want to experience that again.
Not in this life with him.
God made our paths cross again and brought us to an isolated facility. It's the start of our love quarantined that continuously grows as time goes by and even being apart from each other.
Binitawan ko ang hawak na pagkain saka sinapo ang magkabilang pisngi ng aking asawa. I want to look closely so I will never forget his face. Ngumiti ako saka kinintalan ng magaan na halik ang labi niya.
"I love you."
"I love you more,"
***
UMAGA PALANG ay sunod-sunod na ang naramdaman ko na pagkirot ng tiyan. Lola Irene put a hot compress towel on my back to ease slightly the pain. I've done a lot of position in every corner of my private room to enduce the labor pain. Hindi ko sukat akalain na magiging ganito kasakit ang mararanasan. I'm still on labor when my friends arrived.
Tinulungan nila si Colby na asikasuhin ako hanggang sa dumating ang oras ng aking panganganak. Everybody except Colby were asked to go out of the room. Kami lang natira at inutusan ako ng midwife na umire na.
"Remember what I taught you, babe," bulong ni Colby sa akin na ginawa ko naman.
"I'm doing it!" sigaw ko pero kulang pa rin.
I was asked to push harder. I repeatedly did until I heard a loud cry from Rafael. Sandali akong pumikit at napaluha nang ilapit na sa akin ang anak namin ni Colby. The nurse placed Rafael on top of my chest so I could embrace him and feel my heartbeat. Colby and I named him after our favorite angel - St. Rafael the Archangel. It means divine healing.
Iyon ang hatid sa amin ni Rafael, paghilom ng mga sugat ng kahapon. When he showed us his smile, my heart is at peace. Naramdaman ko na niyakap kami Colby saka hinalikan niya ang gilid ng aking ulo. Paulit-ulit niya sinambit ang mga salitang 'salamat' at 'mahal na mahal niya kaming dalawa.'
Dahil nanghihina pa ako, agad akong nakatulog matapos padedehin si Rafael at nang magising ay malinis na sa kwarto namin. I am alone with Raf who's sleeping beside me. Marahan akong bumangon para tingnan nang mas malapitan si Raf. Sobrang gwapo ng anak ko para lang akong nakatingin sa baby version ni Colby. Binundol ng kaba ang aking dibdib nang umingit si Raf at nalukot ang kanyang mukha.
Pilit ko inalala kung ano ba ang dapat gawin mula sa mga natutunan ko sa birthing class. Mas lumapit ako sa kanya kahit nakakaramdam ng kirot at pananakit ng katawan. Dahan-dahan ko siyang binuhat saka nilapit sa aking dibdib. Bumalik sa payapang aura ang mukha ni Raf nang makalapit sa akin at halatang ang sarap-sarap ng tulog niya. Sa gano'n ayos kami naabutan ni Colby na agad namang lumapit sa aming dalawa.
"Bumili ako ng pagkain mo sa labas. Alam ko naman na ayaw mo ng pagkain sa ospital," aniya saka inayos ang suot ko na hospital dress.
Hindi napansin na nakalas pala ang strap noon. Itinali niya iyon saka inayos ang aking buhok na alam ko namang gulo-gulo pa. Kahit hindi ako mag-request ng salamin, alam ko kung ano itsura ko.
"Umalis na si Lola Irene? Nakita na ba niya si Raf?"
"Kanina pa sila umalis ni Mercy. Nakita na nila at panay nga pagngiti niya sa kanila. Napaluha tuloy si Lola."
"Why?"
"She remember when she first held me in her arms." Ngumiti ako saka sinipat ulit si Raf. "He has your eyes."
"Yung ilong sayo nakuha." Marahan ko hinaplos ang maliit na mukha ng anak namin. "Ang gwapo niya. Akala ko stick to one ako, hindi pala. I'm sorry, babe,"
"It's okay. Ako pa rin naman ang number one," Hinalikan niya ang pisngi ko saka kinuha mula sa akin si Raf. Doktor ang asawa ko kaya sanay na sanay siya paghawak ng mga bagong panganak na sanggol. "Hindi ako makapaniwala na darating araw na ito na anak ko na ang kakalungin ko. It's like a dream come true for me. For both of us."
It is indeed a dream come true. Colby and I are now entering a new chapter of our lives. That is being a parent to Rafael.
***
Six months later.
HINDI madali maging magulang lalo kapag may sakit ang anak o may nararamdaman. Gaya ngayon na hindi pa rin ako mapakali kahit tumigil na sa pag-iyak si Rafael. He got a slight fever due the diaper rashes he contained the other day. Galing na kami sa derma at niresetahan kami ng pamahid saka paracetamol para sa lagnat niya. Iniwasan ko muna gumamit ng pre-packed wet wipes panlinis kay Raf.
"Let me handle him so can rest a bit, babe," ani Colby saka kinuha sa akin si Raf. Naupo sila sa couch at naglaro. Ngumingiti na ang anak namin pero may iritableng pakiramdam pa rin. Naupo ako sa tabi nila at sinandal ang likod sa back rest ng couch.
Nakakapagod maging ina pero may punto na nakakaramdam ako ng fulfilment. Nawawala din naman ang pagod lalo kapag nakikita ko na ngumingiti ang anak namin.
"Sabi ni Doc, alisin muna natin ang acidic food sa diet niya,"
"I'll prepare non-acidic food then. Sinat na lang meron siya at dahil na lang sa rashes kaya iritable pa rin." Tumango ako saka tumayo at niligpit ang mga kalat namin ni Rafael. "Ako na diyan. Magpahinga ka muna, babe."
"Hindi rin ako basta-basta makakatulog kapag ganyan siya."
"Magkakasakit ka sa ginagawa mo." Malalim ako huminga saka itinabi na lang ang mga kalat at tinawag si Mildred. Muli ako naupo sa couch at inangat ang mga binti ko saka niyakap. "Hey, what's wrong?"
Umiling lang ako. Basta na lang ako tumayo at tuloy-tuloy na lumakad palabas sa veranda. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Rafael. Pakiramdaman ko ay napabayaan ko siya kaya nagkasakit. Natigil ang paninisi ko sa aking sarili nang maramdaman ang mainit na yakap ni Colby mula sa aking likuran.
"You're blaming yourself again," aniya na tuluyang nagpaluha sa akin. "stop blaming yourself, hmm? Just so you know, you doing a good job a wife to me and a mother to Rafael." Pinaharap niya ako sa kanya saka pinahiran ang luhang naglandas sa aking magkabilang pisngi. "Do not be feel worthless. No one is at fault and again, you're doing a great job, Kriselle."
Yumakap ako sa kanya nang mahigpit at inalo naman niya ako sa pamamagitan nang marahang paghagod sa aking likod.
Lumipas ang mga araw at patuloy na umiigi ang pakiramdam ni Rafael. Wala nang lagnat at unti-unti na humihilom ang rashes niya. Mabait talaga ang Diyos at hindi niya kami pinababayaan sa araw-araw. Hiniling ko ito sa Kanya at pinangako ko na aalagaan at mamahalin buong buhay ko. Kagaya ng paghiling ko na nawa'y makatagpo ako ng magmamahal sa akin kahit may pagkakataon na nagkukulang ako.
"Ayan na si Daddy!" Tili ko na dahilan ng paghagikgik ni Rafael. Colby crawled towards us and then he lay his head on my lap. Kinuha niya si Rafael at inupo sa kanyang dibdib.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo kanina bago ako lumapit."
"Inisip ko lang na mabait pa rin si God sa akin. Biruin mo binigay ka Niya tapos may Rafael pa. All my life I've been searching for the right man then you happened. Our love quarantined happened and it became a way to know you you once again."
"You're the best quarantined days of my life, Kriselle. He redirected my path towards you,"
Yumukod ako at hinalikan siya sa kanyang labi. Sandali lang dahil tumili si Rafael saka tumawa ulit. Ang hihilingin ko na lang ay panatilihin silang ligtas palagi. It was a selfless prayer. Colby taught me how to love someone without being afraid to loose it someday. And if second life do exists, I still choose to break a quarantine protocol to be able find him as my right love quarantined.
-Wakas-