EPILOGUE: FOUR OF US

Colby

I BROUGHT my family in a open park here in Brooklyn, New York City. Katatapos lang doctor's conference na dinaluhan ko kanina kasama si Erian. Sinama ko ang aking pamilya para makapagbakasyon na rin kami dito sa New York. We've been busy all day of our lives and forget to relax. Fourth birthday din ni Rafael at naisipan naming imbis na maghanda ay ito na lamang gawin.

"Woah!" tili Rafael nang ilabas ni Kriselle ang cake. The design matches our son's favorite character - the we bare bears. Nagsasayaw ang anak namin at humanap pa ako ng paraan para mahipan niya ang kandila. "We Bare Bears!"

"Yes, love, that's your favorite. Happy birthday!" Kriselle said, kissing our son on his lips.

"Daddy needs a kiss too," I demanded to my wife, but I received a frown instead of a kiss. Rafael walks toward me and kisses me on both of my cheeks. "You're growing so fast, buddy. Happy birthday!"

"I want the bear cake!" turo ni Rafael sa cake na para bang gusto na niya kumain.

"Anong sabi ni Lola Irene nang sabihin mo na walang birthday party?" tanong ni Kriselle matapos subuan si Rafael. Pinaupo lang niya muna ang anak namin para hindi makaranas ng indigestion.

"Nagtatampo. But I received an email that she still wanted to give Rafael a party."

"We just have to let her then,"

"Most probably because we can never win to her." Umisod ako palapit sa asawa ko at hinawakan ang kamay niya. I teasingly planted a kiss on the back of it, which made her smile. "I love you, Kris."

"You've told that already a while ago before we reach this place,"

"Why are you so grumpy, wife?" Lakas-loob kong tanong kay Kriselle.

"Because you're annoying," she simply replied but in her humble voice. Ang bilis magpalit ng mood talaga at naghihinala na ako dahil hindi naman ito ang unang beses na nagsungit siya.

Kriselle got annoyed when I'm still on my pajamas a while ago. Nagsabi kasi ako na maaga ang meeting pero nasa parehong hotel kung saan kami tumutuloy ang venue, medyo binagalan ko ang kilos. She outraged upon smelling her favorite perfume of mine. Ang odd pero kinolekta ko lang lahat ng ito sa isipan ko na nadadagdagan nang nadadagdagan.

"Easy, okay? I'm sorry." Hinalikan ko ulit ang kamay niya bago pa kami pagitnaan ni Rafael.

"Baby! I want a baby brother!"

Nagulat ako sa sinigaw ng anak ko bigla. I eyed Kriselle and she dodge my stare like always. Tumayo sa harap ko si Rafael at inulit-ulit ang wish niya. I have to stopped him before her mom got annoyed again. May kailangan ako gawin para naman mawala ang inis ng asawa ko sa akin.

Agad ko kinuha ang cellphone at nagpadala ng text message kay Erian. I need his help on this one again.

Pagkatapos namin kumain, nagsabi si Kriselle na babalik na sa hotel dahil masama ang pakiramdam niya. Bigla akong naawa at nag-alangan na ituloy ang plano ko kaso sayang naman effort ni Erian. Itutuloy ko pa rin ito para gumaan ang mood ni Kriselle.

"I will meet Erian here. Mauna na kayong umakyat dalawa ni Rafael," sabi ko pero hindi ko binigay kay Kriselle ang mga gamit na dala namin kanina.

"I'll take those in our suite, babe,"

"Ako na dito. Akyat na kayo at magpahinga." I kissed my wife on her forehead and tossled my son's hair. "I love you both,"

"I love you too," my wife finally answered back, then smiled at me.

"Love you, Daddy! Mwa!" I laughed and answered my son's flying kiss. Kumaway pa ako sa kanila bago pinadalhan ng text message si Erian. Nagkita kami sa ibang panig ng hotel lobby at bitbit ko ang mga dala-dala namin kanina sa park.

"What's wrong with your wife?" tanong ni Erian nang magkita kami. "I texted her asking where are you and he replied this," pinakita sa akin ni Erian ang reply ni Kriselle sa kanya.

I tried to conceal a laugh, but in the end, I failed.

"It's not her. It's your Godson. Raf was holding Kriselle's phone a while ago, and he's watching We Bare Bears."

"Your son and his obsession with bears."

"Kaya nga pupunta kami museum na puro bears para kay Rafael." Inabutan ko siya ng isang daang dolyar, bayad sa binili niyang pastries na paborito ni Kriselle. Ito lang ang naisip ko na makakagaan sa pakiramdam niya dahil matakaw ang asawa ko na hindi ko sinabi kailanman sa kanya. "Thanks for this, pal. Wife's have been grumpy since we left NAIA and I don't know the reason though I have hunches."

"Maybe she's pregnant. Try to remember what gives her joy so you won't bother me again,"

"Hindi mo naman ako matatanggihan kahit anong gawin mo, Erian."

"Marupok pa rin ako sayo, Doc," binatukan ko siya at nagpaalam na babalikan ko na ang aking mag-ina sa suite.

Saglit lang ako nahiwalay sa kanila pero miss na miss ko na agad sila. Pagpasok ko sa suite namin, agad ko nakita si Rafael na nakaupo sa tabi ng natutulog ko na asawa. He was reading a book which we bought a while ago about bears. Sinabihan ko siya na huwag maingay saka kinalong at dinala sa may sofa. Kinandong ko ang anak ko at pareho namin binasa ang libro.

"I want to see a real bear, Daddy."

"We will see one tomorrow," I said, fixing his hair. Namana ni Rafael ang buhok ko na bagsak saka manipis. Our son has his mother's eyes and joyous attitude. May pagkakataon lang talaga na ganito at wala sa mood si Misis. "Aren't you hungry, buddy?"

"I am but Mommy is still sleeping,"

"What do you want to eat?"

"I want fried chicken."

Inabot ko ang telepono sa suite at nag-request ng menu na agad naman na-deliver ng staff. Kinuha na rin niya ang order namin pati na ang request ng anak ko. Pagka-alis ng staff, nagising si Kriselle at agad na hinanap si Rafael pero masyadong busy sa TV ang anak namin.

Nilapitan ko si Kriselle na kakagising lang saka inabot sa kanya ang isang box ng paborito niyang donut. As expected, she is happy to see those and I got a kiss as reward.

"Who bought this?" tanong ni Kriselle sa akin.

"Erian. I owe him a favor again," Kriselle kissed me again, and it was more passionate. "Should we put him to sleep?"

"Mamaya pagkakain niya," natatawang sambit ng asawa ko. Mas madali nga patulugin si Rafael kapag nabusog. "Can you get me a robe, please?"

Agad akong tumayo at tinungo ang banyo. Binukas ko ang ilaw at imbis na sa bathrobe ako mapatingin ay sa naiwang pregnancy test kit dumapo ang aking tingin.

So my hunches were correct?

"Surprise! It's four of us now, Colby!"

***

"SURPRISE! It's four of us now, Colby!"

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman ngayon. Gulat na may halong saya nang makita ko ang pregnancy test kit. It was planted there even before I arrived back here. Ito ang rason ng lahat ng pagsusungit sa akin ni Kriselle mula pa sa airport hanggang dito sa New York.

"Am I having a baby brother or a sister? I want a baby brother then a sister." Narinig ko na tumawa si Kriselle matapos marinig ang request ni Rafael. "Are you okay, Daddy?"

Kriselle gently pulled our son closer to her and planted a kiss on his cheeks. "We don't know the gender yet, but you'll love your sibling, right?"

"Of course, I'll be a good older brother, Mommy." Nilapitan ko ang mag-ina ko at niyakap sila nang mahigpit saka hinalikan ang kanilang pisngi. "I love you, Mommy, Daddy!"

Mas humigpit ang yakap ko sa kanilang dalawa at pagkatapos ay pinag-usapan namin ang tungkol sa pagbubuntis ng asawa ko.

Kinagabihan, nanatili kaming gising mag-asawa kahit tulog na si Rafael sa kabilang kama. I am gently rubbing my wife's tummy. Hindi ako agad pinaniwalaan ang suspetsa ko dahil doktor ako at mas mainam na may kaukulang pag-aaral sa lahat ng bagay.

"Alam mo ba na inisip ko na baka nanawa ka na sa akin kaya lagi mo ako inaaway," sabi ko kay Kriselle habang patuloy na hinihimas ang tiyan niya.

"Why would I feel that? Naiinis ako sayo pero kapag wala ka na, naiiyak ako at hindi ko lang pinapahalata sayo. Pasensya ka na ngayon ko lang sinabi kasi naging indenial ako noong una."

Umayos ako nang upo matapos marinig ang sinabi ni Kriselle sa akin. Hindi ko napapansin na may pinagdadaanan na pala siya na gaya nang sinabi sa akin. Masyado talaga kami naging abala dalawa sa kanya-kanyang career namin.

"I'm sorry if you feel that way. I'm sorry if I'm being absent when you need my help."

"I thought it's all in my head and I don't want to bother you. Ang dami mo na iniisip tungkol sa hospital, sa mga negosyo ng Lola at kay Lola Irene mismo dahil nagkasakit siya."

"But you know that you're my priority, right?"

"I know, and it's because you love me. You love Rafael and me; that's why rest is an expensive word now to you."

"Hindi na ngayon at lagi mo tatandaan na lagi lang ako narito para sayo, kay Rafael at sa panibagong miyembro ng pamilya natin na parating. Lalakas si Lola kapag nalaman ito,"

"She knows,"

"What?" Kriselle chuckled. I understand why Lola has a lot more advice for her than I. Hindi na ako kinausap kahit ako ang guest speaker ng conference. "You're getting in this, babe,"

"Akala ko nga mabibisto mo agad." Niyakap ako ng aking asawa at paulit-ulit na hinalikan sa pisngi. "Last na ba ito?"

Umiling ako bilang tugon sa kanya.

"Two more," I said, waving my two fingers in front of her.

Umangil si Kriselle pero bandang huli ay pumayag din dahil gusto niya ng anak na babae. Nagtawanan kaming dalawa habang pinag-uusapan si Rafael at ang paparating naming anak. I actually don't care whatever the gender is as long as the baby's healthy, that what's matter the most. Iyon lang ang pinaka-mahalaga sa akin, malusog at masaya ang aking pamilya. Ito ang bagay na hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit anong bagay na kaya ibigay sa akin ng mundo.