CHAPTER THIRTY-FOUR | LOVE
Colby
"PRACTICE SAFE DISTANCE lalo kapag truck nasa unahan mo. Alam mo na kung nasaan ang gas at break, ha."
Pangatlong beses ko na binilinan si Kriselle tungkol sa pagmamaneho. Alam ko na marunong siya mag-drive pero noong huling beses na hayaan ko siya ay muntik pa kami mapa-away sa daan. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon na hahayaan ko na naman siya mag-drive. May lakad sila ni Lola at isang charity event iyon sa labas ng Metro Manila. Kaya naman lalo ako natatakot dahil freeway ang daraanan niya.
"Alam mo ba'ng nakakarindi ka na?" I chose not to answer that. Nakakarindi naman talaga lalo kapag paulit-ulit pero inaalala ko lang ang safety niya. "Kaya ko naman mag-drive, babe. Huwag mo ako masyado alalahanin."
"How would I do that? As far as I could remember, we're married, Mrs. Levezque." Ngumiti siya at iyon lang naging tugon niya sa dami ng sinabi ko. "Take my advice, okay? Be careful. Bumalik ka sa akin ng buo at walang bangas."
"Yes, sir!" I cupped her face and gently caressed it. Hindi ko inasahan ang pagtingkayad niya saka paghalik sa labi ko. "I love you. Uwian mo ako ng chicken wings mamaya."
"Chicken wings?"
"May bagong product sila Lito at nagpa-reserve na ako sa kanila." Muli niya akong hinalikan sa labi bago tumungo sa driver side ng isa naming sasakyan. Sinundan ko siya at ako na nagbukas ng pintuan noon. "Mag-ingat ka rin sa pagpasok mo sa ospital. Kumain ka on time. And I'll have Dr. Quervas to watch over you."
"Stop tormenting that guy. Halos itulak na nga tayo dahil sa inggit."
Kriselle chuckled. "Nirereto ko siya sa kaibigan ko, ayaw naman niya." Inalalayan ko makapasok si Kriselle loob ng sasakyan. "Help me building up my friend Beauty to him. They're a perfect match, babe."
"You knew Erian, babe. May gusto siyang iba pero hindi pa niya sinasabi sa akin."
Kung malihim ako, mas malihim ang isang iyon. Kahit mag-drama ako sa harap niya, hindi niya sasabihin sa akin kung sino ang babaeng nagugustuhan. Pero malakas ang kutob ko na nasa ospital iyon at nakakasama namin lagi.
"Fine. I'll trust God in his case," Ako naman ang natawa. Hopeless case na kapag pinasa-Diyos na ang lahat. I give my wife one last kiss before I let her drive away. Hinintay ko na tuluyan siya makalabas ng gate bago ako sumakay sa sarili kong sasakyan at umalis na rin. Palabas na ako ng village nang tumawag si Kriselle na agad ko naman sinagot. Nilagay ko siya sa speaker mode. "Have you check if I unplug my hair curler?"
My wife and her anxiety every time we leave the house.
"I already did. Drive safely and stop using your phone."
"Naka-earphone po ako,"
"I love you."
And she said, she love me too before ending our call. Nagtuloy-tuloy na ako sa pagmamaneho papuntang ospital. Turn over ng bagong PET/CT Scan room ngayon at hindi ko iyong puwedeng ma-miss. Ginabi na ako ng uwi noong nakaraan dahil sa mga last minute repair na mabuti at naayos din agad. I personally thanked Engr. Ortega for being hands on the project.
To think that he's also a family man yet most of his time was consumed by work. Nagpaumanhin ako sa kanya matapos ilang hassle na pareho namin naranasan. I want my time after work will be exclusive to my wife and my future child if God bless us soon. Dalawang araw na ang lumipas mula nang makabalik kami mula sa higit dalawang buwang bakasyon namin sa iba't-ibang bansa sa Europe at Africa. Nakakapanibago at parang gusto pa ng katawan ko na magbakasyon kaming mag-asawa.
Half past eight when I reached the hospital. Pinasadahan ko ng hagod ang aking buhok nang makababa sa sasakyan.
"Welcome back, Doc!" Magiliw na bati sa akin ng gwardya. Ngumiti ako at inabutan siya ng isang paper bag mula sa mga dala kong pasalubong para sa lahat. Hindi ko sila pwede kalimutan at naglaan kami ni Kriselle ng isang araw para mamili nito.
"Hindi ko nadala kahapon nang magpunta ako dito,"
"Salamat, Doc! Matutuwa si Misis nito," aniya saka paulit-ulit na nagpasalamat. Nagpaalam ako sa kanya at tuloy-tuloy na lumakad papasok ng hospital.
"Dr. Levezque, welcome back. Maraming naghihintay na papel sa opisina mo." Bungad sa akin ni Doria saka inabot ang kape ko.
"I know but I'll visit my patient first and roam around, okay?" Inabutan ko rin siya ng paper bag bago tuluyan na umalis. Alam naman niya kung saan ako hahanapin. Basta kapag sinabi ko na iikot ako bago magtrabaho sa aking opisina.
"Good morning, Doc!" Bati ng bawat masalubong ko sa hallway. Binati ko rin sila pabalik saka duniretso sa nurse reception kung saan naabutan ko si Erian.
"Tapos na ang bakasyon?" tanong ni Erian sa akin.
"Kahapon pa tapos. Handa na ba lahat para sa turn over?" tanong ko pagkalapag ng mga paper bag sa harap ng mga nurse. "Pasalubong namin ni Kriselle."
"Nasaan ang akin?" tanong pa ulit ni Erian imbis na sagutin ang tanong ko tungkol sa turn over mamaya.
"Nasa bahay. Ikaw na daw kumuha sabi ni Kriselle." Iyon talaga sinabi ni Kriselle kaya itong mga dala ko lang ang hinanda niya kanina. Malapit lang sa bahay ang ni Erian kaya pinapupunta na lang siya ni Kriselle. Mas close na silang dalawa ngayon kaysa sa amin. "Bakit nga ba gusto ka lagi imbitahan ng asawa ko?"
"Ask her. Masama na ang kutob ko una palang, Colby."
Naiiling akong lumakad at sinundan naman niya. Tumungo kami sa emergency room para tingnan ang sitwasyon doon bago mag-umpisa sa daily rounds namin sa iba't-ibang ward. Doon naabutan namin ang mag-asawang biktima ng traffic accident na agad ko dinaluhan.
"Doc, u-unahin mo ang asawa ko. Buntis siya kaya siya ang gamutin niyo huwag muna ako." Napatingin ako sa kabilang kama at doon ko nakita ang asawa niya na unconscious. "Pakiusap po, Doc. Iligtas mo ang asawa at anak ko."
"Dr. Quervas is attending your family," sabi ko saka binalingan ang mga nurse. Pinagtulungan namin siya ilipat mula sa emergency bed papunta sa kabilang kama. "Book an OR and call the Anesthesiology and Gynecology on his wife."
"I haven't told her how much I love them both," umiiyak na sambit ng pasyente.
Tila may punyal na tumatarak sa puso ko pagkarinig noon. I remember my parents who were also a victims of a traffic accident. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang sarili ko na umiiyak sa batang duguan rin. Ang iyak niya ang pumailanglang sa buong emergency room at hindi ko maiwasang alalahanin ang nakaraan.
"Doc?" pukaw na sambit sa akin ni Nurse Eva.
Binalingan ko ang lalaking pasyente matapos ikondisyon ang sarili. "Masasabi mo iyan sa kanila, huwag ka mag-alala. I want you to coorperate with me as I operate you."
Inutusan ko na ang mga kasama kong nurse at doktor na ihatid siya sa OR. Halos kasunod lang namin ang kama ng asawa ng biktima habang ang batang kasama nila inaalo ng ibang nurse na naiwan. Agad akong tumungo sa changing room at nagpalit ng scrubs uniform ko. I placed my wedding band inside my locker beside the locket necklace that I received from Kriselle on our wedding day. Kinuha ko iyon at tiningnan ang picture namin ni Kriselle sa loob.
I haven't told her how much I love them both...
Binalik ko iyon sa loob ng locker at dinampot ang aking cellphone. Nagpadala ako ng text message kay Kriselle na nagsasabing pupuntahan ko siya after work. My patient's words hit me hard and I badly want to save them. I realized that saying I love my wife once isn't enough. I have to tell and appreciate her while I still have a chance. Huminga ako ng malalim bago tuloy-tuloy na lumabas at lumakad papuntang OR.
***
PASADO alas otso na nang matapos ko lahat ang gawain sa ospital kasama na ang turn over ng PET/CT Scan room project. Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ng mga pasyenteng biktima ng traffic accident kanina. Under observation pa sila pero nasa ligtas na sila sa anumang panganib. Nalaman ko na natahi na ang sugat sa ulo ng batang anak nila na pinrotektahan ng asawa babae nang bumangga sila sa kasunod na sasakyan. Sumilip ako sa salaming siwang ng pintuan at nakita ko na may kasama na silang kamag-anak sa loob. Kausap iyon ng bata na kanina'y umiiyak sa ER.
She's smiling now while talking to her parents. Hindi ko maiwasang mapangiti din. Nalipat sa cellphone ko ang aking atensyon. I received a text message from my wife saying that she's outside now. Hindi na ako nagreply at dali-dali lang tumakbo palabas ng ospital. Agad ko siya nakita na nakatayo malapit sa hospital fountain sa gilid ng statue ni St. Jude.
"Babe..." tawag ko sa aking asawa. Lumingon siya saka ngumiti at pinakita sa akin ang hawak na chicken box. Agad ako lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"You missed me that much? Nagkita naman tayo bago ako umalis kaninang umaga." Natatawa niyang tanong sa akin.
"Sobra. May separation anxiety na yata ako sayo,"
"Tss! Mabuti at naka-reply ako at hindi ka na nagpunta pa sa Bulacan. Ano ba'ng nangyari at bigla mo ako gusto makita?"
Bahagya ko siya nilayo sa akin at sinalubong ang kanyang mga mata. "I want to tell you personally how much I love you. I will cherish you for the rest of my life here on Earth." Muli ko siyang niyakap nang mahigpit pagkasabi ko ng mga salitang binitawan.
"Mahal na mahal din kita, Dr. Levezque!" she answered with a broad smile on her face when I slightly parted our bodies.
***
NATIGIL ako sa pagta-type nang tabihan ako ni Kriselle sa couch. Agad niya sinandig ang ulo sa braso ko at kapansin-pansin rin na hindi pa nakabihis. Naalala ko na may usapan sila ni Lola na pupunta sa isang charity auction ngayon. Pero sa ayos niya, mukhang hindi iyon tuloy at nasisiguro ko na may dahilan. Nilayo ko sa akin ang laptop at tuluyan siya kinabig payakap.
"Aren't you going to join Lola in her charity works today?" tanong ko sa kanya.
"Nagsabi ako na masama ang pakiramdam ko at sabihin ko raw sayo na ipatingin ako sa doktor." Sinapo ko ang kanyang noo. Wala naman siya lagnat kaya naisip ko na baka napagod lang siya dahil sa sunod-sunod na araw na bumibiyahe.
"I'll ask Erian to come over and check on you. Napagod na ang katawan mo sa pagbiyahe biyahe niyo nitong nakaraan." Agad niya ako hinalikan sa pisngi at aktong tatayo ngunit napabalik siya sa pagkakaupo. "Are you okay?"
"Yeah, nahilo lang -" Hindi na niya natapos ang sasabihin matapos bigla na lang mawalan ng malay tao. Maagap ko siya nasalo at naalarma ako.
"Kriselle?"
Binuhat ko siya at dali-daling dinala sa pinakamalapit na ospital sa amin. Pagdating namin, agad siya inasikaso at nilapatan ng paunang lunas. I talked to the attending doctor immediately after meeting him. Sumailalim sa iba't-ibang test si Kriselle at nang matapos ay hinintay ko na lamang ang resulta noon kasabag ng paghihintay ko na magising siya.
I received a call from Lola asking in what hospital did I brought my wife. Sinabi ko sa kanya ang address at nagsabi na pupunta sila dito ngayon. Duda na ako na dala lang ito ng simpleng pagod. I told the attending doctor that she rarely complain about muscle pain and back ache. Madalas niya rin ireklamo ang nararamdaman na discomfort sa dibdib.
Pinaghabi-habi ko iyon kasama ng napapansin ko na madalas niyang pag-ihi, sakit ng ulo at paiba-iba ng mood. One conclusion comes to my head but I cannot just jump to it. I have to wait for the results to confirm my hunches. Pagkatapos ng tawag, muli ko binalingan ang asawa ko na gising na. Nilapitan ko siya at inalalayan na makaayos ng upo.
"I am fated to be at the hospital's emergency room always," she joke but it didn't made me laugh nor smile. "Sorry..." Nag-peace sign siya saka yumuko para iwasan ang tingin ko.
"Hinihintay lang natin ang resulta ng mga test na ginawa sayo kanina," sabi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"I still feel dizzy,"
Tinabihan ko siya saka inakbayan. She lay her head on my chest. Sandali niya pinikit ang mga mata at sa pagdilat ay siyang lapit ng doktor kasama ang isang nurse sa amin.
"You might still feel dizzy so I advice you take a rest, Mrs. Levezque. Na-i-stress ka ba lately?" Panimula ng doktor na kausap namin.
"Hindi naman,"
"Ano'ng hindi ka dyan? Do not believe her, Doc." Ngumiti ang doktor pati na ang nurse sa amin.
"Paki-iwasan na ma-stress ka misis. Base sa resulta ng test na ginawa namin, anim na linggo ka ng buntis," Kahit may hinala na ako ay nagulat pa rin ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kriselle saka parehong ngumiti sa isa't-isa. "We will ask you to come back when you reach your eight weeks for ultrasound. You have to be extra careful because you're on your early pregnancy stage." Pagtutuloy ng doktor bago nagpaalam at iwan kami.
"Buntis ako, babe?" Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. "Seryoso ba?"
I cupped my wife's face caressed it gently. Pinahiran ko ang luha sa gilid ng mga mata niya na nagbabadyang tumulo. It is a natural given emotion to a pregnant woman like my wife. Kahit ako'y hindi rin makapaniwala sa nalamang balita. Tama ang hula ko at magkaka-anak na kami.
Nalipat sa tiyan niya ang kamay ko at masuyong hinaplos. Ginagap din ni Kriselle ang kamay kong nakasapo sa kanyang tiyan. "Tatlo na tayo sa team ngayon, babe." Muli ko sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Iingatan ko kayong dalawa, pangako." I whispered then kissed her nose, eyes and lips.