CHAPTER TWENTY-EIGHT | GIRLFRIEND
Colby
TODAY, Kriselle and I will have our booster shot for vaccine we got months ago. We agreed to meet in front of the hospital. Hindi dito sa St. Jude gaganapin ang citywide vaccination pero dahil may ilang pasyente akong kinausap kanina, dito na lang kami nagkasundo na magkita. Galing din siya sa OCG ngayon para magpasa ng liquidation forms at reimbursement. Kailangan niya raw ang pera dahil may mga parcel na namang darating sa unit ko. Little did she know, I already received all the boxes and paid for it earlier.
"Babe!" sigaw na nagpalingon sa akin. There I saw Kriselle running towards my spot. Muntik pa nga siya madapa kaya imbis na hintaying makalapit sa akin ay sinalubong ko na lang. "Naghintay ka ba ng matagal? Ang tagal i-release ng reimbursement ko kaya natagalan ako."
Lumuhod ako sa harap niya para i-check ang kanyang paa na bahagyang na-sprain.
"I think you should check your ankles first."
She's a klutz.
May mga pagkakataon na bigla na lang siya matitisod kahit walang nakaharang na bato. Madalas bumangga sa kanto ang tuhod at hita niya kaya laging may pasa. Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala kapag naiiwan ko siya mag-isa dito. Back and forth ako sa ibang bansa ngayon dahil sa research na kailangan ko i-represent personally. Sa katunayan nga'y kababalik ko lang kahapon at ngayon lang kami nagkitang dalawa.
"Hindi naman masakit." Tumayo ako at agad na niyakap siya. "Is there a problem?"
"No. I just want you to be careful always." Lagi kong bilin iyon kay Kriselle kaso hindi talaga inaasahan ang aksidente. Gaya na lamang noong naaksidente siya sa ginagawang bahay ko. Hindi siya pinabalik ni Engr. Ortega doon at lagi lang nasa opisina itong girlfriend ko. Minsan napunta dito sa ospital para mag-sub sa dalawang bagong engineer na namamahala sa mga minor works dito.
Bahagya siya lumayo at tiningala ako. "Yes, Dad," she giggles while I groaned. Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi saka pinatakan ng halik ang tungki ng kanyang ilong. Napapikit siya saka ngumiti pagkatapos. "May dumating na bang delivery para sa akin?"
"Yeah, nasa unit na at bayad ko na rin."
"Teka, nandito pambayad na mga iyon." Tuluyan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at may kinuhang sobre sa loob ng bag. "Here."
"It's okay,"
"No. Accept that. Hindi kita pagbabayarin para sa mga luho ko."
One thing I like with my girlfriend, she never made me pay for things she called wants. Kapag kakain, minsan ako magbabayad, minsan siya o 'di kaya ay hati kami. Despite my busy schedule everyday, I make sure to check on her always. Kriselle's job is as stressful as my job here in the hospital. Noong isang araw lang ay nagbreakdown siya dahil sa stress.
Mabuti na lang at magkasama kaming dalawa ng mangyari iyon at nagawa ko siyang pakalmahin. Siniguro ko na maramdaman niya na lagi lang akong nasa kanyang tabi kahit na anong mangyari. Sinisingit ko ang mga two-day trip na kaming dalawa lang para ma-relax siya. Minsan simpleng movie marathon lang sa unit ko o sa apartment niya solve na. Hindi ko rin siya ginugutom kapag magkasama kami. And I make sure what she's eating were healthy.
"Fine. I'll pamper you next time."
"Will look forward to that, Doctor."
***
KANINA ko pa tinitingnan ang hawak ko na maliit na kahitang naglalaman ng singsing na balak ko ibigay kay Kriselle. I know it's too early for this but we've knew each other for a long time, and I think that's enough. Enough for me to give this ring and ask her to be part my of my life forever. Binili ko ito sa Hawaii kahapon at balak ko na sana ibigay kanina nang magkasama kami magpa-vaccine kaso nanghina ang loob ko. Baka kasi hindi pa siya handa at ayoko namang mapilitan lang siya.
Nalipat ang atensyon ko nang sunod-sunod mag-vibrate ang aking cellphone. Binitawan ko ang hawak na ring box at tiningnan kung kanino galing ang text message. Nabakasan ng pag-aalala ang aking mukha ng mabasa ang text message ni Kriselle. Side effect ng booster shot ang lagnat at pananakit ng katawan na siyang iniinda ng girlfriend ko. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang coat pati na singsing saka lumabas ng aking opisina.
"Dr. Levezque, I need you to sign this." Pigil ni Doria sa akin saka pinakita ang dalawang folder.
"Is this all the budget needed for the research team?" tanong ko habang binabasa ang laman ng folder.
"Yes, Doc. You have a meeting with the board tomorrow morning and a site visit for the new St. Jude Heart Center in the afternoon." Tumango-tango ako at tinapos na ang pagpirma. "You seem in a hurry, Doc..."
"Yeah, my girlfriend is sick. Its vaccine's side effect and I need to go home now." Binalik ko sa kanya ang folders. "Text me if there will changes in tomorrow's schedule." Ngumiti si Doria na pinagtaka ko. "What?"
"It's kinda refreshing to see you going home early because of someone else. Finally, may nagpapauwi na rin sayo sa bahay ngayon."
"I think this is the one, so wish me luck."
"Good luck, Doc!" Kinaway ko ang kamay ko bilang paalam sa kay Doria. Tuloy-tuloy ako lumakad hanggang sa makarating ako sa nakatanggap ulit ako ng message kay Kriselle.
From: Babe
May ipis sa unit mo. Hindi ako makapasok.
From: Babe
Bili ka pares mami kay Ate, please?
From: Babe
Seryoso yung ipis nanadya. Nasa labas naman siya ngayon.
I can't help but to laughed. My girlfriend is really extraordinary. Nagpadala ako ng reply sa kanya at sinunod ko ang utos niya na bumili ng pares mami. Dumaan ako sa karinderya na lagi namin kinakainan para bumili noon. Pagkatapos ay umuwi at bandang kalagitnaan na nang biglang bumuhos ang ulan. Hindi na talaga ma-predict ang panahon ngayon at bumigat ang traffic kaya medyo natagalan ako. Hindi ko rin maiwasang mamangha na nahulaan ni Kris na masarap kumain ng pares mami ngayon kahit wala pa sensyales ng ulan kanina.
Pagdating ko ay nakabukas ang pintuan ng unit at nakita ko si Kriselle na nagwawalis. Agad ko siya nilapitan at kinuha mula sa kanya ang walis.
"Nakaka-stress yung ipis! Pakiramdam ko lalo tumaas lagnat ko." Agad ko sinapo ang noo niya at totoo nga na mainit siya.
"Magpapa-pest control na lang ako sa susunod na araw,"
"Sosyal ng mga ipis niyo dito ha,"
"Ewan ko sayo," sumimangot siya pero napalis ng yakapin ko na nang mahigpit. "Let's get inside so can eat before taking your meds."
"Swerte ko talaga at doktor ang boyfriend ko." Umabrisete siya sa akin saka maluwang na ngumiti.
"May sakit na lahat lahat, makulit ka pa rin."
"I love you."
"I love you more."
***
"WHAT'S that?" tanong ni Kriselle nang bigla lang niya iharang ang ulo sa screen ng laptop ko. Napahinto ako sa pagtingin sa design na pinadala ni Architect Dominguez sa akin. Para iyon sa gagawing rooftop pool ng bahay na aking pina-re-renovate. Agad ko tinakpan ang mga mata niya dahil sobrang lapit ng mukha niya sa screen. "Wala ako makita!"
Pumiglas siya at umayos na ng upo. She really knows how to get my attention. Iyong simpleng pagpapansin lang niya makukuha na niya agad ang atensyon ko sa tuwing may ginagawa. Palibhasa magaan na ang pakiramdam niya matapos makainom ng gamot. May cool fever patch pa akong nilagay sa noo niya.
"It's a pool design sent by Architect Dominguez."
"Ang taray naman ng bahay mo, may rooftop pool. Hindi pang pamilya." Kumunot ang ulo ko. Mabilis naman nakahalata ang girlfriend ko at umayos siya nang upo para makapagpaliwanag. "Isipin mo kasi, sa rooftop yung pool tapos maliligo yung magiging anak mo. Hindi ba dapat mas maganda kung nasa baba tas tanaw sa resting area dito sa bandang likod?"
She has a point. Delikado nga kapag nasa taas lalo na sa mga bata.
"It's a family house, not a bachelor's pad." Dagdag pa niya na may punto din. Kaya ko nga pina-renovate ang bahay ng mga magulang ko ay para gawing family house. Because I planned to settledown not long ago. Natatakot lang ako mag-propose ngayon dahil baka mabilisan si Kriselle.
"I'll take that advise from my engineer girlfriend." Isinara ko ang laptop at binalingan siya saka sinapo ang leeg. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"I'm okay now. Kaya lang siguro tumaas ang lagnat ay dahil doon sa ipis."
"You already killed it, babe. Move on now."
"Pakiramdam ko may buong pamilya yun dito."
Natatawa akong umiling. Sinabi niya sa akin kanina na baka balikan daw siya ng ipis dahil napatay niya ang kamag-anak nito. Hindi ko alam kung epekto pa rin ng vaccine ang hallucinations niya. Wala talagang dull moment kapag kasama ko si Kriselle at hangga't kaya isingit, isisingit niya ang mga jokes niyang korny. At dahil mahal ko siya, kahit hindi nakakatuwa sa iba, sa akin iba ang dating noon. Ganito yata talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao.
You'll laugh even at her craziest jokes.
"Nagtext si Papa, babe. Gusto niya ako makausap."
Hindi ako agad nakakibo. Months have already passed since the confrontation scene they have in my office happened. Mula noon, hindi ko alam kung nagka-usap na ba sila bago itong invitation sa kanya ngayon. "Do you want me to go with you?"
Naalala ko bigla ang mga schedule ko na binanggit ni Doria. Board meeting at site visit iyon na parehong hindi pwedeng ma-miss.
"No. You have a work and I think I can face him now. Hindi ko nga alam kung iiyak ba ako o hindi. But, don't worry. Malaki na ako kaya ko na iyon mag-isa."
Ginagap ko ang kanyang kamay masuyo iyon pinisil. "Tandaan mo, hindi mo kailangan buuin ang nasirang relasyon kahit nagpatawad ka na. Some relationship are meant not to mend after forgiveness, Kriselle."
Ngumiti siya saka niyakap ako. I witnessed how ill fated Kriselle's relationship with her Dad. Huli na nang malaman ng girlfriend ko ang tungkol sa affair, sa remarriage at sa kapatid niya. I said what I've said because I know how soft hearted my girl is. Kaya niya magpatawad at hangga't kaya niya, bubuuin niya iyong relasyon. At ayoko naman na ubusin niya ang kanyang sarili.
Hangga't kasama niya, hinding-hindi na siya masasaktan ulit.
***
HINDI maganda ang outcome board meeting at mainit ang ulo ko mula pa kanina na nadala ko hanggang dito sa site ng heart center. Sinama ko si Erian para kapag may ibang tanong, siya na ang sasagot. Ongoing ang construction at nasa 20% na ang nagagawa. Nabigyan naman ako ng update tungkol sa machine at hospital tools na gagamitin sa nasabing center. Lahat, ayon kay Doria at na-order na. Nakapag-release na rin ng paunang bayad mula sa nalikom ko na pera sa research ko.
"Talagang may hidden agenda sa ospital si Director Moldez. Kailangan mapatalsik na ang isang iyon bago pa niya sirain at gawing negosyo ang ospital." Mahabang sabi sa akin ni Erian.
"I found an embezzlement scam under his name. Kumukuha lang ako ng tiyempo na mailabas iyon." Nakuyom ko ang aking kamao.
"Hindi ka 'man lang humingi ng tulong sa akin," anang tinig na pumukaw sa amin pareho ni Erian. It was Lola Irene with her secretary. "Edwyn has a copy of the embezlled funds. Ilalabas ko iyon sa susunod na meeting. Hindi ako naimbitahan sa meeting ngayon at naiinis ako."
"They thought you resigned already,"
"Matanda lang ang maagang nag-re-resign." Hindi ko na iyon pwedeng kontrahin pa. At age of seventy, she's still witty, smart and has a good memory. Walang nakakatakas sa kanya miski na ang kaliitliitang detalye. "Let's have a dinner this weekend. Isama mo yung keychain mo para may katulong ako magluto."
"It's Kriselle, 'La. That's her name."
"Kasing cute pa rin siya ng keychain lalo kapag magkatabi kayo."
I heard Erian laugh aloud. Keychain talaga ang tawag ni Lola kay Kriselle pero na-impress siya sa pagiging cowboy ng girlfriend ko. Noong magsama-sama kami sa charity work noong nakaraan, naipakita ni Kriselle ang nakaka-aliw niyang ugali. She sang and dance in front of the elderly after doing the laundry with Mercy. Hindi maganda ang boses niya pero tuwang-tuwa ang mga matatanda sa kanya.
Noong kumain pa kaming lahat ay game na game siyang nagkamay. Maging si Mercy at hangang-hanga kay Kriselle. Over plus points na agad sa isang araw palang na nakasama niya ang pamilya ko. Kabado pa siya ng lagay na iyon na parang hindi rin dahil sa sobrang entertainment na binigay niya sa lahat.
"Nagpropose ka na, Col?" tanong ni Erian sa akin.
"No, not yet." Mabilis ko na sagot.
"At bakit hindi pa? Gamitin mo iyong heirloom ng tatay mo sa bahay." Hindi ko inasahan ang na sasabihin ni Lola iyon. Ibig bang sabihin ay... "Hindi siya mahirap magustuhan. She knows you well, and even your fears. So, keep her, Colby..."