CHAPTER TWENTY-SEVEN | BOYFRIEND

Kriselle

"HI, Ms. Kriselle! Table for one po ba? Bakante iyong favorite spot mo po sa loob." Iyon ang bungad na salita sa akin si Vivian nang makalapit ako sa puwesto niya. "Blooming tayo ngayon, ma'am. Iyan ba epekto ng hangin sa Boracay?"

Ngumiti ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat. Lagi ako mag-isa kapag pupunta dito sa Carlito's kaya meron na akong sariling spot sa restaurant na 'to. Sobrang espesyal ng treatment ng may-ari nito sa akin dahil magmula noong nag viral ang video ng pambibigwas ko, mas dumami ang customer nila. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari ang lahat. Meron pa nga silang dish na nakapangalan sa akin bilang representative ng samahan ng mga pinaasa at nambigwas.

"We're not going to take her spot tonight. I already made a reservation under my name, Colby Levezque." Singit ni Colby saka inakbayan ako. Gulat na gulat si Vivian pagkarinig sa sinabi ni Colby at ilang beses pa nagsalit-salit ang tingin sa aming dalawa.

"Hindi na ako loner ngayon, Vivi!" Tili ko at parang bata kaming nagtatalon dalawa sa harap ni Colby. Nakalimutan ko talaga na kasama ko siya at hindi ko nagawang pigilan ang aking sarili. "Okay. Papasukin mo na kami."

Iyon nga ang ginawa ni Vivian. She opened the door for us but before I could enter, Colby stopped me and held my hand. Nagpatiuna siya sa pagpasok at nakasunod lang ako sa kaniya habang nakatingin sa magkahugpo naming mga kamay. Hindi ko maiwasang kiligin dahil ito ang unang beses na may naka-holding hands ako. Lahat ng mga naging karelasyon ko'y hindi man lang umabot sa ganito.

Lagi akong naiiwan, umaasa at nasasaktan. Ngayon nag-iba na ang ihip ng hangin dahil may isang tulad ni Colby na dumating sa buhay ko.

"Woah!"

Hindi ko maiwasang mamangha habang nililibot ang aking tingin sa open lounge ng Carlito's. Natatanaw ko lang ito mula sa favorite spot ko dati at iniinggit ang sarili ko sa mga magkapares na nakikita. Ngayon narito na ako at may kapares na rin.

Nilapitan ko iyong silya at aktong hihilahin ngunit pinigil ako ni Colby. "Let me," he said, pulling a chair for me. Pilitin ko 'man itago ang kilig, nahahalata pa rin talaga. Dahan-dahan ako naupo at inusod iyon ni Colby ng bahagya palapit sa lamesa. "You good look in your dress." Bulong niya na lalong nagpatindi sa kilig na aking nararamdaman.

"Thank you!" He smiled and I did too. Binili ko talaga itong dress na ito para ngayong gabi. Installment ang bayad syempre kasi naubos ko na monthly allowance ko sa mga online delivery na naman. Tapos gumastos pa ako sa Boracay kahit saglit lang ako doon. "I'm still on my work leave. Bumalik lang ako nang Manila para sa mga parcel ko na dumating kanina."

Nakita ko ang pag-awang ng mga labi ni Colby ngunit hindi noon nabawasan ang kagwapuhan niya.

"So, it's not because of me?"

"Syempre dahil din sayo. Inuna ko lang iyong mga parcel ko na dumating." Kitang-kita ko ang pagbakas ng hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ni Colby matapos ko sabihin ang mga salitang binitawan. Ginagap ko ang kamay niya at masuyong hinawakan iyon. "Mas mahal kita kaysa sa mga box, don't worry."

"I'm way more handsome and capable in other things than those boxes." Totoo naman. Hindi ko na siya kinontra at napatunayan ko naman iyon noong nasa Boracay kami saka kanina. His kisses are so damn addicting!

Hindi naman ito ang unang date namin dalawa. We had bunch of it back in Boracay. Siguro unang date as an official couple dahil hindi pa namin alam kung ano kami noon. Pag-alis niya, ginugol ko ang mga araw ko sa pag-iisip kung tama ba na sumugal ako at kanina na-trigger ako nang may kausap siyang babae na may inabot na namang pagkain pagbalik ko kanina. Kahit hindi ako naka-duty, inagaw ko sa engineer na in-charge ang pagpapapirma para ipaalam kay Colby na bumalik ako. Parang pusa si Colby, mabait sa nagbibigay sa kanya ng pagkain.

"Alam mo bang para kang pusa? Mabait ka sa mga nagbibigay ng pagkain sayo."

Tumawa siya at tinanggap lang ang paghahalintulad ko sa kanya sa pusa. "That's my fellow doctor. Nagdadala talaga siya ng pagkain lagi para sa amin."

"Bakit special food box yung sayo?"

"Because I'm the hospital director/president?"

"Rooting for promotion?" Nagkibit-balikat si Colby at hindi naman ako nagtanong pa regarding doon. It was a baseless jealousy and I should stop doing that. Kung paiiralin ko iyong baseless jealousy, hindi kami tatagal kapag ganito ako. His job is to talk to different people regardless the gender as the hospital director.

"You seemed too close to everyone here, Kris."

"Ah. Regular kasi nila at simula noong magviral iyong video ng pambibigwas ko sayo, dumami customer nila. They even made a dish inspired by me."

"Really?" Colby opened the menu and I pointed out where my dish is. "Pinaasa, nambigwas." He laughed. Imbis mainis ako, nakitawa lang din ako kanya. "Bestsellers nila 'to?"

"Yes. Lagi iyan ang hinahanap dito."

"Good evening!" Pukaw na bati sa aming dalawa ni Chef Rolly. "These are not on the menu but I want you two to taste it first." Nilapag ni Chef Rolly sa harap namin ang dalawang set ng appetizers. Inunahan ko na si Colby at tinikman na iyon agad. "She has a big appetite, Doc. Are you ready for that?" Kilala din si Colby dito dahil madalas na dito mag-kainan ang mga kapwa niya nagta-trabaho sa St. Jude.

"I am born ready, Chef," tugon ni Colby.

Hindi ko sila masyadong inintindi at kumain lang ako na kinatuwa naman ni Chef.

"Na-inspire si Papa sa pag glow up, Engr. Hindi ka na pinaasa at nambigwas ngayon." Singit ni Ian isa sa mga anak ni Chef Rolly na namamahala dito. "It's been a while, Doc. Who would've thought that you two will end up together."

"Syempre pinilit ko. Crush ko na siya noon pa, nagka-amnesia lang ako bigla." I said while chewing the sample appetizers that supposed to be for Colby and I. Nagitla ako nang pahiran ni Colby ang gilid ng labi ko gamit ang tissue. "Sorry ang kalat."

"Matagal ka nang makalat." Sinimangutan ko si Ian na kinatawa naman ni Chef at Colby.

"But she's beautiful in every way," ani Colby at kinilig naman ako dahil doon.

I gained wild reactions from the two men in front of us. In an instant, nakaisip si Chef ng ipapangalan sa dish na pinatikim niya sa amin. Iniwan niya kami agad at kinuha naman ni Ian ang order namin. Colby ordered the two dish inspired by me and I go for a pasta dish. Muli kaming naiwan dalawa at nag-usap tungkol sa kung ano-anong bagay na sumagi sa aming isipan.

***

MAAGA ako sinundo ni Colby sa apartment ko at may pupuntahan daw kaming dalawa. He told me to dressed up like I always do whenever we're going out. Tumatak sa isip ko na kailangan lagi akong presentable kapag kasama ko si Colby dahil kilala siyang tao. Sa dami ba naman ng research at kamakailan lamang ay narinig ko na professor na tawag sa kanya ng ibang katrabaho. Ang bigatin niya at idagdag pa ang pagiging sobrang yaman nila.

"Where are we going? Bakit wala na akong makitang buildings, Colby?" tanong ko at nararamdaman ko ang pagiging bumpy ng daan.

"Mountain hiking, babe."

"Mountain what?"

"Hiking. We'll go on hiking today."

"Hala! Hindi appropriate ang suot ko. Naka-high heels at dress kaya ako!"

"I got you covered, babe—boy scout ang boyfriend mo. We'll visit a shelter above the hill with Lola. May medical mission ako doon."

"Ang sabi mo mag-ayos ako at may pupuntahan tayo."

"Yes, I did. May pupuntahan nga tayong dalawa. You'll assist me there because we're a great team when together." Sumimangot ako. Nag-effort ako magpaganda tapos masasayang lang pala! "Babe, you don't need to impress me always. Lagi kang maganda sa paningin ko at hinding-hindi iyon magbabago. I want you to be just you. The bubbliest version of you which I love the most."

Hinampas ko ang braso niya pilit tinago ang kilig. Tinuro niya sa akin ang paper bag na naglalaman ng damit pamalit ko at sapatos na gagamitin. Pagdating namin sa destinasyon, agad ako nagpalit ng sapatos bago sumabak sa mahabang akyatan. Seryoso palang nasa tuktok nga ng burol iyong shelter. I'm wondering how his Lola get there on top.

"Inakyat ito ng Lola mo? Ilang taon na ba ang Lola mo?"

"Seventy years old."

"No way!" Mas nakakaramdam ako ng pananakit ng kasukasuan kaysa sa Lola niya. I realized that I'm in a bad shape since I went out of the hospital. "Sandali, babe. Time out muna napapagod na ako."

"Do you want me to carry you there?"

"Hoy masyado kang ganap diyan! Kaya ko naman saka konti na lang..." Yata? Napalunok ako nang makitang tatlong hagdan pa bago iyong platform ng shelter.

"Tell me if you change your mind,"

Pinisil niya magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay dahilan para mapanguso ko. He planted a soft quick kiss on it which made me blush a bit. Lagi niya ginagawa iyon at tuwang-tuwa siya sa matambok kong pisngi.

"Kiss me properly, Doc," I said while he was still pinching my cheeks altogether.

Pinatakan niya ng halik ang labi ko na para bang nanadya siya. Pasabik masyado ang isang ito. "Later, I will. Not here, not when elders are around."

"Hoy iba ang iniisip ko!" Tumawa siya ng malakas at inaya na akong umakyat ulit. Magkahawak kamay kami hanggang sa makarating kami sa shelter na mismo. Sinulubong kami ng isang pamilyar na lalaki na nakita ko sa Boracay. "Do you know that man, babe? Sinusundan niya ako noong nasa Boracay ako."

"Who? Si Edwyn? Loyal secretary siya ni Lola."

"Minamanmanan ako ng Lola mo? Ayaw ba niya sa akin?"

"She'll love you, promise." Kung nagawa akong magustuhan ng mga batang pasyente ni Colby, tingin ko ay magugustuhan din ako ng Lola niya. That's the goal: To be liked by dearly to Colby.

Agad ako nagpalit ng damit para magkomportable ako kumilos buong maghapon. Itinali ko rin pataas ang buhok ko na kinulot ko pa kanina at nag-alis ng make up. Nagkasya na ako sa pulbos, konting tint sa labi at nagtira ako ng ilang hibla ng buhok sa gilid ng tainga ko. Kasyang-kasya sa akin iyong leggings at ang shirt naman ay may kalakihan ng konti. I have to fold the sleeves of it and let the hem down.

Para hindi makitang nakabakat iyong panty ko na masyadong takaw pansin kung sakali. Mahirap na at pulos matatanda pa ang kasama ko. I have to score a good points today and impress a bit Colby's grandmother.

Kaya ko ito!

Sana.

Kabado akong lumapit sa pwesto ni Colby at katabi niya si Mrs. Levezque saka isang dalaga na awtomatikong ngumiti sa akin. Neutral naman ang reaksyon ni Mrs. Levezque.

"Babe, this is my Lola, Irene Levezque, and my sister, Mercedes Levezque." Pakilala ni Colby sa lola at kapatid niya.

"Ang baho naman ng pakilala mo sa akin, Kuya. Pwede namang hindi buong pangalan!" Kontra ni Mercedes. "Call me Mercy. May lahi ka ba? Para kang manika."

"Parang keychain ng Kuya mo," komento ni Mrs. Levezque na kinabagsak ng balikat ko.

"Si Lola talaga feeling komidyante. Mabait ang Lola namin, palabas niya lang iyang pagiging mataray."

Ngumiti ako at nagpakilala na rin sa kanilang dalawa.

"May experience ka sa charity works?" Diretsahang tanong sa ako ni Mrs. Levezque. Umiling ako at iyon naman talaga ang totoo. Puro lang ako trabaho sa construction site namin.

"Sanay po ako sa mabibigat na gawain. I once mixed a cement in one of our site." Pagyayabang ko na totoo naman nangyari. Batak talaga ako sa OCG at gano'n ako na-train ni Sean regardless sa gender ko. Kaya walang nakakapang-bully sa akin miski na sino.

Namangha si Mercy sa kwento ko at bahagya naging malambot ang ekspresyon sa mukha ng Lola ni Colby. Nang ayain nito si Mercy na pumasok sa loob, pinasunod niya kami agad sa kanya at nabawas ng bahagya ang aking nararamdaman kaba.

"You did that, babe?" tanong ni Colby na hindi ko naman agad nasagot. Agad akong napatalungko at gumuhit ng kung ano-ano sa lupa para kalmahin ang aking sarili. "You okay?" Yumukod siya gaya noong ginawa noong nakawan niya ako ng halik eight years ago.

"Para akong tinakasan ng sampung kaluluwa ko. Tingnan mo nanginginig ang kamay ko pati binti." He laughed. "Tumawa ka pa diyan!"

"Hindi ko sukat akalain na nagmamason pala ang girlfriend ko. Kaya pala ang lakas mo mambigwas."

"Hindi ka nakakatulong!"

"What do you want me to do?" Hindi ako kumibo at ngumuso lang na siyang sign para halikan niya ako sa aking labi. Kaiba sa mga pinagsaluhan naming halik at sandaling dampi lang ay nagawa ko maglakbay sa ibang dimensyon kasama siya. "I love you, Kriselle."

"I love you, too,"

Hinila ko ang kwelyo ng suot niyang polo shirt pababa hanggang sa magtapo ulit ang aming mga labi. Sa pagkakataon na 'to wala na akong pakialam sa mga nakapaligid sa aming dalawa...