CHAPTER TWENTY-NINE | TAKE THE INITIATIVES

Kriselle

HALOS malula ako sa mga pagkain na nasa harapan ko ngayon na in-order lahat ni Lola Irene. Nakakatakam iyong iba pero hindi ko naman kayang ubusin itong lahat ng mag-isa lang ako.

Bakit kasi kaming dalawa lang narito?

Dali-dali akong pumunta sa restaurant na malapit sa OCG nang makatanggap ako ng text message galing kay Lola Irene mismo. Gusto niya raw ako makita at binalaan pa ako na huwag sabihin kay Colby. Kinailangan ko tuloy magsinungaling sa boyfriend ko na may lunch meeting kami sa office.

"Kain na." Malumanay na sabi sa akin ni Lola Irene. "Damihan nitong gulay nang magkalaman ka naman ng konti. You're an engineer, Kriselle. Sobrang stressful ng trabaho mo kaya kailangan mo kumain."

I get her already. Napapayatan pa rin siya sa akin pero kahit anong gawin kong pagkain, hindi talaga ako nataba. Hindi na lang ako kumibo at nag-umpisang kumain.

"Napag-usapan niyo na ba ni Colby ang kasal?" tanong pa ni Lola Irene.

"H-hindi pa po." Hindi makapaniwalang napabuntong-hininga si Lola.

Wala naman talaga kami napapag-usapan pa ni Colby. At second thought, kailangan na ba? Bago pa lang kami pero sabi nga ng mga kaibigan ko wala sa tagal ng relasyon ang lahat. Alam ko naman sa sarili ko na si Colby na talaga at sapat ng patunay iyong ilang buwan na lumipas. Sa kabila ng abala naming mga schedule, nagawa namin ni Colby na bumalik sa Boracay, may road trip at kumain kung saan-saan.

Sa mga pagkakataon na iyon, once lang sumagi sa usapan namin ang kasal. Noong may naabutan kaming kinakasal sa simbahan na binisita namin sa Batangas. Pangarap ko doon maikasal dahil doon ako bininyagan at personal na kakilala ni Mama ang kuraparoko doon. I even studied there too. Hindi lang halata pero catholic school graduate ako.

"Hindi na kayo bumabata at gusto ko rin naman abutan pa ang magiging anak niyo." Ang advance naman ni Lola. Ni-wala pa nga kami ni Colby sa ibang level. We're still on the wholesome level. Hanggang yakap, halik at holding hands palang kami kahit madalas na akong matulog sa unit ni Colby. We shared the same, but nothing more happened.

"Darating din po tayo doon,"

"You must take the initiatives, Kriselle. Kung hihintayin mo ang apo, mabubulok ka."

"Ho?"

"Provoke him or do anything to tease my grandson. Ikaw na bahalang mag-adlib basta unahan mo na."

Tuloy-tuloy lang akong kumain at hindi na nagawang sagutin pa si Lola Irene. Gusto niya na unahan ko na ang apo niya?

Aba'y paano?

I'm new to this. Si Colby kaya ang pinaka-matinong nakarelasyon ko. I cannot cosider the others as a relationship because it's just a date. Habang nakain sumagi sa isipan ko ang sinabi noon ni Diego tungkol sa kahinaan ko. How am I going to take initiatives when I don't know where to start?

Kahit yata ilang santo o mga banal ang tawagin ko walang makakatulong sa akin.

Nakaka-pressure naman ito!

Kailangan ba talaga na gawin ito?

Pwede bang hindi or call a friend?

Bawal ang call a friend, lalo lang ako maaawa sa sarili ko. Lord, help me!

***

NAUWI sa indigestion ang ginawa kong pagpilit na kainin iyong mga in-order ni Lola Irene. Hindi ko na mabilang sa kamay kung ilang beses ako bumalik sa banyo para sumuka o 'di kaya ay magbawas. Hindi na ako bumalik sa opisina nang makaramdam ako ng sakit. Dumiretso uwi na ako sa apartment at itutulog ko lang sana kaso papasok palang ako dali-dali na ako agad tumungo sa banyo para sumuka. Imbis na banyo lang lilinisin ko, buong apartment na tuloy kaya hindi ko rin nagawang magpahinga.

Hinang-hina na ako kaya pati cellphone ay hindi ko na mahawakang ng maigi. Kanina pa iyon ring ng ring at hindi ko masagot-sagot dahil sa pangangatog ng aking kamay. Sumasabay pa ang pagkirot ng gitnang bahagi ng aking tiyan. Malamig na ang pawis ko at kahit hindi ko tingnan ang sarili ko sa salamin alam ko na maputlang-maputla na ako. Kulang na nga lang ay yakapin ko ang lavatory kakasuka.

"Babe?" Nag-angat ako nang tingin ngunit hindi ko nagawang masino pa ang nagsalita dahil nag-umpisa na dumilim ang paligid.

"Dehydration, and indigestion. She maybe eat too fast or too much earlier. Since nausea is one of symptoms of it, that led her to be dehyrated." Iyon ang narinig ko na sabi ng doktor nang magising ako sa loob na naman ng emergency room. Fated na talaga ako sa lugar na ito at dito talaga ako napapadpad lagi.

"Thank you, Doc Wilbert." Magpapanggap pa sana akong tulog kaso huli na ang lahat dahil nakita na akong gising ni Colby. "Where did you exactly go? I've read a message from Lola on your messages."

Dahan-dahan akong bahagyang bumangon at inalalayan naman niya ako. "N-nagkita kami kaninang lunch. S-sabi niya huwag ko sabihin sayo kaya n-nagsinungaling ako kanina..."

"Do you know that dehydration can kill you?" Umiling ako. Huminga lang siya nang malalim at hindi na muling nagsalita. Kapag pinili niya na manahimik, alam ko na galit siya. Gano'n si Colby at nakakatakot kapag tahimik siya.

Mukhang mawawalan pa yata ako ng boyfriend. Lord, huwag po, please?

Hanggang sa makauwi kami sa condo unit niya ay tahimik pa rin siya. Nakabawi na ako ng lakas pero masakit pa rin ang tiyan ko. Pinayuhan ako ng doktor na unti-unti lang sa pagkain at nguyain ko raw ng maigi para hindi na maulit. Hindi kasama sa payo niya paano kakausapin ang jowang napaka-tahimik. Tahimik ko na lang din hiniga sa kama ang nararamdaman ko.

Ito ang consequence ng pagsisinungaling ko sa kanya at kailangan ko harapin ito. I texted my friends while lying in our bed. Maging sila at concern na natatawa sa inabot ko. Wala na daw silang nabalitaan na kakaiba sa akin kung 'di lagi ako sa ospital. Bakit hindi ko raw subukan na magpalit na ng career dahil mas lamang naman nasa ospital ako?

Biglang sumagi sa isipan ko iyong sinabi ulit ni Diego.

You cannot satisfy my needs, and you have to learn that to be able to get a boyfriend.

I get a boyfriend now without learning how to satisfy a man's need. Bakit ba ako affected sa sinabi ng kupal na Diego na iyon? Colby is far different from him, and my boyfriend has no carnal desire to fill in.

Or maybe he has?

I shouldn't listen to that germs!

***

SINAMA ako ni Colby sa isang party ng kakilala niyang member ng hospital board. Kumuha ako ng fruit wine mula sa dumaang server na may bitbit noon. Unti-unti ang ginawa kong pag-inom habang nagmamansid ako sa paligid. Hindi naman ako maka-relate dahil pulos negosyante at doktor ang narito ngayon.

"Hi! You must be Dr. Levezque's fiancé, right? Miss Kriselle?" tanong ng magiliw na tinig na pumukaw sa akin.

Ito ang unang pagkakataon na may nag-approach sa akin dahil given na hindi nila ako kilala. Colby introduced me to Director Limon - the host of this party as his girlfriend. Then, someone snatched him from me. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabalik sa akin.

"Uhm, girlfriend, not fiancé." I corrected the doll-looking woman in front of me.

She giggled.

"Other girls will simply admit that they're his fiancé, but you're different." Kumunot ang noo ko. Kasalanan na ba ang maging honest ngayon sa mundong ito? "I am Olesya Limon, eldest niece of Director Limon, and I used to date Colby." Umarko ang isang kilay ko. Used to... Past tense na. So, bakit kailangan pa i-bring up. "We went out several times but the last one was not with him. I had a date with Dr. Quervas, his best friend."

"I see..." Nilagok ko ang laman ng basong hawak saka kumuha naman ng dalawang baso ng champagne sa dumaan ulit na server. "Excuse me. I'll go outside to catch some fresh air." Paalam ko saka nilagok ang laman ng isang baso na hawak. Basta ko na lang iniwan iyon walang laman na baso sa gilid ng punch table saka lumakad na palabas. May namataan akong bote ng Moët at dinala iyon sa aking paglabas.

Humanap ako ng mauupuan para makainom ako ng solo na walang asungot na magyayabang na naka-date niya ang boyfriend ko. Maganda siya oo pero wala akong pakialam kung nagdate sila ni Colby. Masyado siyang feeling. Akala ba niya papatulan ko ang pagyayabang niya? Kung nasa ibang party lang kami baka nanabunot na ako.

"The party is inside, not here, babe." Lumingon ako at nakita ko si Colby na naglalakad palapit sa puwesto ko.

"I prefer to party here alone."

"Mind if I join you?"

Umiling ako. "You don't belong here. Go back inside, that's where your world is." Nagsalin na ako ng champagne sa baso at inino iyon. Kapareho lang naman ito ng ibang sparkling wine na may 12% alcohol content at mababa ang alcohol tolerance ko talaga. "Are you still mad at me?"

"Why would I?" I smiled and then shook my head several times. Nahilo pa ako dahil sa pinagagawa ko. Pangatlong baso ko palang ito pero tinamaan na ako agad. "Let's go home now, Kriselle."

***

PAGPASOK namin ni Colby sa unit niya, agad pinapalupot ang dalawang braso ko sa kanyang leeg. I didn't waste time and make a move. I kissed Colby on his lips, which made him held the back of my neck, raking my hair as he continue to deepened our kiss. Gano'n lang kadali na agawin sa akin pangunguna na halikan siya. Sa bawat galaw ng kanyang labi sa ibabaw ng akin ay ang nakakalasing na sensasyon na nagdudulot sa akin nang mainit na pakiramdam. I felt his other hand on my side, gently pinching it as he pulled me closer, caging my small body to his embrace.

Hindi ito ang pagkakataon na nagsalo kami ganito kainit na halik. I remember the first time back in Boracay when he carried and pressed me against the wall. I followed Lola Irene's advice to take the initiative, but a voice at the back of my mind said this wasn't right.

Why did I keep trying to be someone who isn't me?

Huminto ako sa paghalik kay Colby at mabilis na tumungo sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Tinuon ko ang dalawang kamay sa countertop matapos lagukin ang sinalin ko na tubig sa baso. Sunod-sunod ang malalim kong paghinga dahilan upang hindi ko na mamalayan ang paglapit ni Colby. Napasandig na lang ang ulo ko sa dibdib niya nang yakapin niya ako mula sa likuran.

"I'm sorry," I said, shutting my eyes close a bit. Hindi ko dapat ininom iyong champagne na iyon. Nangako ako na 'di na iinom at kagagaling lang ng tiyan ko. "Nadala ako sa sinabi ni Lola Irene na unahan ka. Nakalimutan ko na iba ka pala sa mga lalaking nakilala ko. And those words from that germs about me stuck on my head. I'm starting to feel that I may not be enough to you."

"It's okay. I'll cook something to eat. Para may laman ang tiyan at hindi sumakit ulit."

He didn't say anything about confession I made. Hindi ba siya galit at feeling ko lang talaga iyon? Okay naman kami pero para sa akin hindi dahil alam ko na matinding kasalanan iyong pagsisinungaling sa kanya. White lies are still a lie that I shouldn't told him in the first place. Iniintindi lang niya kaya siya ganito at nadadagdagan iyong iniisip ko na baka hindi kami bagay dalawa.

"Whatever is in your head right now, take it away. You're more than enough to me, Kriselle. You don't need to take the initiative to provoke me. Wala na akong magagawa sa payo ni Lola sayo at aminado naman ako na mabagal nga ako kumilos. Plano ko na din talaga ito gawin at kumukuha lang ako ng tamang tiyempo."

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinihit ako paharap sa kanya. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka dahan-dahan na lumuhod sa'king harapan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa at alam ko na hindi ito dala ng kalasingan.

I am not imagining things right now!

Indeed, Colby is down on one knee, looking intently into my eyes while holding my hand.

Sapat na ito para isipin na ito na nga iyong hinihintay ko. Hindi ko naman pala kailangang ipilit dahil matagal na niyang plano. Paano niya nagawang itago sa akin na hindi ko 'man lang napapansin?

Pinaglapat ko ang aking mga labi at inabangan na itanong niya ang pinaka-importanteng tanong na matagal ko na gusto sagutin. Sa pelikula ko lang ito napapanood at hindi naman pala kailangan lagi public proposal. Pwede naman pala na kaming dalawa at wala na kung ano-ano pang magarbong dekorasyon. Sandali niya binitawan ang kamay ko. I watched Colby as he pulled out the ring box on his coat inside pocket.

He opened the ring box and then looked intently into my eyes.

"Kriselle, will you marry me?"