CHAPTER TWENTY-FOUR | DRUNK
Colby
"LAHAT ng iyan ininom po ni Engr. Buti at naabutan kita sa ospital, Doc, kung 'di baka sa labas na naman iyan matulog." Napatingin ako kay Lito - anak ng tindera sa karinderya na kinakainan namin ni Kriselle. Ano ang ibig niya sabihin sa labas na naman matutulog? "Hindi kasi first time ni Engr. malasing at buti na lang lagi ka niya kasama." Pagtutuloy ni Lito saka inabot na sa akin ang gamit ni Kriselle.
"Laging naiiwan ang batang iyan. Ang mga kaibigan niya may kanya-kanya ng katuwang sa buhay. Siya na lang ang naiwan." Dagdag naman ni Aling Iska - may-ari ng karinderya at nanay ni Lito.
Sabi ko sa sarili ko, titigilan ko na ang lahat ng mga kinalaman kay Kriselle pero iba talaga ang tama ko sa kanya. Kahit mas importante kay Kriselle na alagaan ang takot niya kaysa sumugal at ibigay ang tiwala sa akin. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya natatakot. All her life she's dealing everything all alone. Nasanay na siyang wala kaya mahirap i-proseso sa kanya ang lahat kapag meron ng dumating. Maybe I came too strong and too much to handle for her.
Malalim akong bumuntong-hininga bago nagpatuloy kay Lito na alalayan siya papunta sa aking sasakyan.
"H-hikaw, p-pinag-aaral ka, m-mag-aral ka, okay?" singhal ni Kriselle kay Lito saka kinutusan sa ulo. Bumitaw si Lito at gumewang ito. Mabuti at hawak ko si Kriselle kaya imbis na tumimbuwang sa kalsada ay sa dibdib ko siya sumandig. "This chest... I know this..."
Kumunot ang noo ko ng tumawa si Kriselle.
"That's impossible, Kriselle. H-hindi iyon pupunta para sunduin ka kaya gumising ka." Nagulat ako nang dalawang beses niya tampalin ang magkabilang pisngi. "Aray..." Daing niya saka umiyak ng malakas.
I thought I saw the worst before but I was wrong. Mukhang ngayon ko palang makikita ang worst side ng lasing na version ni Kriselle.
Aktong niyang tatampalin ulit ang sarili ngunit pinigil ko na at masuyong hinaplos ang namumulang mga pisngi. Nagtama ang aming mga mata at kitang-kita ko ang lungkot na nababakas sa mga mata ni Kriselle. Hindi ko tuloy napaghandaan ang paghalik niya sa akin sa labi ko. Hindi ako agad nakahuma at titig na titig lang ako sa nakapikit niyang anyo. Agad ko pinigilan ang aking sarili na tugunin dahil mali na samantalahin ko ang kanyang kalasingan.
When she stopped from kissing me, our eyes met once again. Nanatili akong naka-alalay sa kanya incase na mabuwal siya.
"I... like..." Hindi na niya nagawang ituloy dahil bigla siyang pinanawan ng ulirat sa bisig ko.
"Tulog na?" tanong ni Lito sa akin. Sinipat ko si Kriselle at pinakinggan ang mahina niyang paghilik. "Grabe! Ipagdadasal ko talaga magiging boyfriend niyan."
Naiiling akong nagpatulong uli na ipasok sa sasakyan si Kriselle. I inclined the seat and put her seatbelt before driving away. Iniwanan ko rin ng tip iyong mag-ina at binayaran ang mga na-order ni Kriselle na alak. Ibang klase siya talaga. Isang case, siya lang ang umubos ng lahat. Kahit yata beterano sa inuman ay matatalo ng isang ito sa sobrang galing uminom ng alak.
Muli akong huminga ng malalim. Panaka-naka ko tinitingnan si Kriselle habang nagmamaneho sa kahabaan ng EDSA. As usual, traffic na naman sa bawat kanto na daanan ko dahil Biyernes ngayon. Lahat ay nasa biyahe pauwi o 'di kaya naman'y nasa mga nights clubs. Napaling ang atensyon ko sa cellphone ko na tumutunog. Agad ko iyon sinagot nang makitang si Erian ang natawag.
"Did you see her? Please say that my kindness resulted in something nice and acceptable, Colby."
Si Erian ang dumalo sa date na dapat ako ang dadalo. Magkasama kami ng lumapit sa akin si Lito at sinabi nga na nasa karinderya si Kriselle ngayon. Bilang isang mabuting kaibigan, sinalo niya ang lahat para lamang mapuntahan ko si Kriselle. Hindi ko rin naman gusto pumunta sa date na siyang pinuntahan ni Erian at napilitan lang ako dahil nagsakit-sakitan na naman si Lola. Lola Irene couldn't accept the fact that I like Kriselle so she continuously set me up to different elite women in the society.
Nakita niya kasi lahat kung paano ko daluhan si Kriselle noong maaksidente sa lumang bahay ng mga magulang ko. Gaya ng sabi ni Jestina, masyadong simple si Kriselle sa mga mata ni Lola na isang dahilan kaya tutol ito. Kahit hindi niya ako paaminin, alam ko na alam na niya ang balak ko gawin kaya uunahan na niya ako. Kaso nalimutan niya yatang matalino ang apo niya at may kaibigan ako na gaya ni Erian.
"I'm with her now. Tulog siya dala ng kalasingan." Kwento ko saka hinila pataas iyong kumot na binalot ko sa kalahating katawan ni Kriselle. "Thanks, Erian. I owe you twice, right?"
"Once na lang basta ayusin mo na iyan at huwag na pakawalan. Walong taon na love story niyo. Kung 'di kayo nuknukan ng mga pakipot, may anak na sana kayong dalawa."
"Siraulo."
"Alam ko na matagal kang natigang kaya huwag ka manamantala ng kalasingan."
"Kumusta si Olesya?" Pag-iiba ko sa usapan namin.
Kapag kasi pinatulan ko siya, lalayo ng lalayo ang usapan naming dalawa. Curious din ako sa pamangkin ni Director Limon pero hindi ko kaya na magmahal ng iba. Masyado akong in love sa kasama ko ngayon at pareho na naming nakita ang highs saka lows ng isa't-isa. We both there for each other. It's safe to proclaim that Kriselle has been the great turning point of my life.
"She's fine and well breed. Boring lang kausap kasi conyo pero alam niyang hindi ako ikaw."
"How?"
"Kilala ka niya at si Kriselle. Nakita na niya daw kayo sa isang party."
"I think I have to meet her some other time,"
"Let's drink tonight."
"Hintayin mo na lang ako unit ko. Ihahatid ko lang si Kriselle." Pumayag naman si Erian at nagbilin pa na bumili ako ng beer saka makakain. Palibhasa may access siya sa unit ko kaya madali lang sa kanya makapasok doon. Naiiling akong inayos ang cellphone saka tinuon na ang mga mata sa daan. "Napaka-traffic!" I exclaimed while looking at the billboard in front.
"Mama..." Narinig ko na sabi ni Kriselle. Mukhang nanaginip na naman siya. Ganyan din noong nilagnat siya matapos masugatan. "Mama..." ulit pa niya kaya naman pinili ko na hawakan ang kanyang kamay gaya ng palagi niya ginagawa sa tuwing mananaginip ako.
"Don't dream, Kris. Come back to me," sambit ko habang hawak ang kanyang mga kamay. "Stay with me forever."
***
PAGKATAPOS KO mag-rounds, dumiretso na ako sa aking opisina para tapusin iyong mga naiwan ko na paper works. Ngunit isang 'di inaasahan na bisita ang naabutan ko sa loob. I didn't expect him to visit me without prior notice. Maybe he did advise Doria but I sometimes mixed up my schedule due some emergencies. Mas priority ko ang mga pasyente at si Kriselle ngayon.
"Mr. Mercado, what brings you here?" sambit ko saka binati siya bago naupo sa aking swivel chair.
"It's about my daughter,"
"Eden? What about her?"
"No, not Eden. It's Kriselle, my other daughter."
Hindi na ako dapat nagulat pero ganito yata talaga ang pagkakataon. He refused to claimed Kriselle as his daughter before. Now, he's here in front of me saying that she's his daughter. Akala nakalimutan na niya ang lahat sa kanila ni Kriselle bilang malapit na siya ikasal kay Ms. Lopez. We received the invitation and Lola Irene decided to go with me of course.
"Can you not bring her to my wedding?"
"I have no plan of hurting your daughter, Mr. Mercado. I cannot afford to do it."
"I know. You're known to be a good man." Huminga ng malalim si Mr. Mercado bago muling nagsalita. "I never became a good father to Kriselle. Siguro mabibilang sa kamay kung ilang beses kami nagkasamang dalawa. Palagi ako sa abroad at doon ko nakilala si Shirley. It was a forbidden affair which I continue doing that caused Kriselle's mom's life. I asked for annulment before she passed suddenly -"
"You killed my mom?" Naalarma ako nang makita si Kriselle na bigla na lang pumasok sa opisina ko. "Pwede mo namang siyang hiwalayan kapag gumaling na siya pero bakit pinili mo noong nahihirapan siya! Buong buhay niya dito sa lupa, wala na siyang ginawa kung 'di patawarin ka at alam mo pati sa kabilang buhay iyon ang gusto niya ipabatid sayo. That she already forgiven you!"
"Kriselle..." tawag ko at tumingin sa akin si Kriselle.
That stare stopped me from stopping her to say all her rants. Matagal niyang kinimkim ito na mag-isa at alam ko na umasa siya na magkakasundo silang mag-ama. Alam ko rin na handa na niya itong patawarin at muling tanggapin kaya lang kung ano ano ang nangyayari kagaya ngayon. I want her to let go but to be able to do that she have to talk to him.
"All my fears came to you!" Those were the last words Kriselle uttered then left.
Sandaling hindi ko mamalayan ang dapat kong gawin bago naisipang sundan si Kriselle palabas ng ospital. Wala akong ideya kung saan siya pupunta. Patuloy ko lang siya sinundan hanggang sa makarating kami sa malawak na open carpark nitong ospital. Kriselle stopped running and from where I stand I'm see her shoulders continuously shakes. Isa lang ang ibig sabihin noon, naiyak pa rin siya kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nilapitan na siya saka niyakap.
Alam ko na sobra-sobra pa ito sa kanya. Gusto ko lang maipadama sa kanya na narito ako sa kanyang tabi. Na hindi ko siya iiwan at hindi na niya kailangan harapin ang lahat ng mag isa.
As long as I'm beside her, she will never be lonely anymore...
***
"AKIN 'YAN!" sigaw ni Kriselle sa akin nang bawiin ko sa kamay niya iyong bote ng alak at baso. Nakakarami na naman siya at ayoko na masanay siyang ganito. "Hindi ako makakatulog pag 'di umiinom. Ngayon lang, please Doc." Pinaglapat niya ang dalawang kamay at parang bata na nagmamakaawa sa akin. Pero mas pinili ko na huwag siya pagbigyan. "Ang damot! Hmp!"
Umirap siya at matamang nilipon na ang mga gamit saka tumayo ngunit dahil sa tama ng alak nabubuwal-buwal pa siya.
"Careful," I said, holding her arm immediately.
Ngumiti siya saka tinuturo-turo ako. "Pa-fall ka talaga. Hindi mo ako mabibiktima. Not anymore!"
Nag-umpisa siya lumakad ngunit hindi pa 'man nakakalayo ay bumuwal na at naupo sa konkretong kalsada. Nahigit ko ang aking paghinga habang matama siyang pinapanood. I paid for all the bottle she down tonight and follow her like a bodyguard. Kitang-kita ko kung paano siya gumapang para lang makatayo ulit. I decided to go after Kriselle and carried her on my shoulder.
"Hey, ibaba mo ako! Sisigaw talaga ako! Ah, nahihilo ako!" Inignora ko ang sinabi niya at patuloy lamang lumakad hanggang sa maiuwi ko na siya sa unit ko. Sumisigaw na nga siya. Para saan pa ang pagbabanta kung nauna na niya iyon gawin? Binaba ko siya pagpasok sa loob unit at dali-dali naman siya lumayo sa akin. "Na-nasusuka ako,"
Infairness to her, she still knows where my comfort room is. Talagang hinintay niya na makapasok sa banyo bago dumuwal dahil alam na malinis ako sa bahay. Ibig sabihin lang nito, alam niyang nasa unit ko siya at alam niya rin ako ang kanyang kasama. Naiiling akong tumungo sa kusina at binukas ang fridge para kumuha ng bottled water. Napabilis ang kilos ko nang marinig na bumukas iyong videt.
What the hell?!
"Kriselle, what are you doing?"
"Nililinis ko lang..." Marahas ako napabuga ng hangin at mariing pumikit sandali. "Galit ka ba? Sorry na..." aniya saka umiyak na parang bata.
"I'm not mad. Bitiwan mo na iyan," pakiusap ko sa kanya saka binawi na iyong videt at binalik sa lagayan. Kumuha ako ng tuwalya at iyon ang binalot sa kanyapara hindi lamigin. Dinala ko siya sa living room at pinaupo sa couch. Daig ko pa talaga ang may alagang bata ngayon at hindi ko alam kung training na ba ito ni Lord.
"Aray! Huwag ka kaya manabunot." Reklamo niya sa akin nang lipunin ko ang buhok niya saka itali. Pinalis niya ang kamay ko at siya na ang nagtuloy noon. Nilapitan ko ang closet saka kumuha ng tshirt na inabot sa kanya. "Talikod ka, Doc." Utos niya na sinunod ko na naman. "Huwag ka sisilip!"
"Hindi ako sisilip kaya bilisan mo na."
"Okay na!" Binato niya sa akin ang tuwalya at nagkalat sa sahig ang hinubad niyang damit. Naiiling lang ako na niligpit iyon saka tinupi ng maayos. "Thank you, Colby, kasi lagi ka nandyan sa tabi ko. Kung pwedeng sa akin na lang, kaso hindi pwede..."
Pinikit niya ang mga mata matapos sabihin iyon.
"I'm yours, Kriselle. Don't worry."