CHAPTER TWENTY-THREE | FIGHT THE FEELINGS
Kriselle
SA TUWING napag-iisa ako, lagi ko iniisip iyong halik na pinagsaluhan namin ni Colby noong nakaraan. Hindi talaga siya mawaglit sa isip ko kahit na anong gawin ko o miski kahit saan ko ibaling ang atensyon. The worst was I could imagine us in every movies I've seen with my friends. Kaya ayokong manood ng may kissing scene na palabas kahit maganda pa ang palabas. Iba ang epekto nito noong una at ikalawang beses niya akong halikan kasi ako ang nag-initiate, Diyos na mahabaging!
"Engr..." Hindi ko pinansin ang tawag sa akin. I unconsciously touched my lips, and I could still feel his lips on them. Why do I have to feel this way? "Engr. Bonifacio."
Dalawang magkasunod na palakpak ang gumising sa akin at laking gulat ko nang makitang si Architect Ortega pala ang nasa harapan ko. Katabi niya si Architect Dominguez at Engr. Dominguez na pareho natatawa.
"Sorry, Architect, may iniisip lang po." Hingi ko ng paumanhin na siyang dahilan ng pag-iling niya.
"Ayos ka lang ba? Saka bakit wala pa si Sean? Sinabi ko na sa kanyang iwan na kay Hera ang St. Jude para makadalo sa meeting natin." Mahabang salita ni Architect na pare-pareho naman naming hindi nasagot. Hindi ko naman jowa ang kapatid niya kaya malay ko ba sa schedule 'non.
"Papasok na daw ng village, Architect," sabi naman ni Engr. Dominguez.
Huminga nang malalim si Architect Ortega na para bang hindi na nasanay sa kapatid niyang laging late. Isa lang naman ang dahilan kaya kami naritong lahat. Nagpatawag ng meeting owner nitong gagawin na project kalapit ng isa pang ongoing project dito sa Rizal. Gabi na nang i-send ni Sean iyong scope ng meeting kaya ngayon ko palang babasahin. Aktong bubuklatin ko palang iyong project brief nang dumating na iyong may-ari kaya pinagpaliban ko muna ang pagtingin.
"Full force pa ang buong OCG dito ngayon, ah. Ito ba ang pinakamalaking project niyo?" Narinig ko na tanong ng may-ari na kinagulat ko pa nang masino. Siya ang Lola ni Colby at si Colby mismo itong kasama niya! Dali-dali ko binalikan ang project brief at Casa Levezque nga ang nakasulat na project name. Talagang iba maglaro ang tadhana para sa akin!
"Hindi na po kayo iba sa OCG, Madam. Lahat ng projects namin ngayong taon ay kayo ang may bigay."
Nagtawanan sila pero hindi ako natutuwa na nasa isang lugar na naman kami ni Colby. Nagpapasalamat nga ako na nasa Rizal ako kaso mukhang dito pa sa sa bahay niya ako ililipat ulit.
"Mabuti at napilit ko ang apo na simulan na ito. May balak na siya mag-asawa kaya siguro pumayag na pero hindi ko pa kilala kung sino ang babae."
Napaubo ako na kumuha sa atensyon ng lahat sandali bago sila nagpatuloy sa pag-uusap. I saw a lopsided grin on Colby's lips. Hindi naman sa assumera ako pero bakit iyon ang dating ng ngiti niyang mapang-asar? Hindi porket nahalikan niya ako ay aasta na siyang pa-cool. I still initiate the act, and I'm not proud of it! Mabuti at lagi ko bitbit ang water flask ko para hindi nanunuyo ang aking lalamunan.
"Masyado kang halata," sambit ni Sean sa akin kaya siniko ko siya. Kararating lang tapos mang-aasar na naman. Ang sarap din nila pagbuhulin ni Engr. Dominguez talaga at nakakairita. "Easy ka lang, hindi ka naman dito unless mag-request siya."
Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Hangga't kaya kong umiwas, gagawin ko. Takte talaga, kung alam ko na lang na magiging ganito, hindi ko na sana siya hinalikan!
Focus muna tayo sa trabaho. Trabaho muna, Kriselle!
Overall renovation, iyon ang gagawin dito sa Casa Levezque na lumang bahay ng mga magulang ni Colby. Matagal na hindi nabisita at natirhan kaya napuno na ng alikabok saka anay iyong ibang bahagi.
"I'll have a friend who will take all the old furnitures. Magagawan pa raw ng paraan iyong iba para konti na lang din ang bibilhin na gamit ni Colby. The grand piano will stay. It belongs to his mom and I'll have someone to have it for a while."
"Are you planning to have a big family, Doc?" tanong ni Architect Dominguez kay Colby.
"Yeah. Five children will do, four boys and one girl."
Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni Colby. Feeling naman niya sa magiging asawa ay inahing baboy. Mahirap manganak at dapat alam niya iyon dahil lagi siya sa ospital. Tinuon ko ang tingin ko sa malaking kwadro na siyang makikita pag-akyat ng hagdan. It was a wedding photo of Colby's parents.
Sobrang ganda ni Dra. Levezque at tama nga ang mga narinig ko dahil kamukha nga ni Colby ang tatay niya. His mom's wedding dress was classy and elegant looking. Bagay na bagay sa maputi niyang balat at maamong mukha.
"Let's go check the rooms upstairs, Kriselle." Pag-aya sa akin ni Sean at agad naman ako sumunod sa kanya. "Dahan-dahan ka, marupok na iyong ibang parte ng sahig."
"Mas okay kung sementado na iyong sahig kaysa sa kahoy na mabilis rumupok."
"It's ideal but Dr. Levezque want it wooden flooring. Memories of his childhood, I guess." Susunod na dapat ako kay Sean ngunit may mali akong natapakan kaya nabuslot ako na gumawa ng ingay. "Kriselle!"
"A-aray..." daing ko saka pinilit ko na tumayo.
"Kriselle, are you okay?" tanong ni Sean saka naglahad ng kamay upang tulungan ako tumayo ngunit hindi ko iyon maabot.
"What happened?" Narinig ko na tanong na alam kong galing kay Colby. They were talking about how did this happened which I cannot process now because of the pain I felt on my leg. Sana tinulungan muna nila akong makatayo bago nag-chikahan. Lapitin talaga ako ng aksidente at tingin ko kailangan ko na magsuot ng mga talisman kahit labag sa pinaniniwalaan ko. "I cannot pulled it out and we'll have to wait for the EMS." Colby said while checking on my wound. May malaking kahoy na bumaon sa binti ko na siyang hindi pa niya pwedeng hugutin agad-agad.
Nakita ko kung paano itupi pataas ni Colby ang manggas ng suot niyang dress shirt pagkahubad sa coat. He able to lift me up with the help of Sean. Iningatan niyang huwag masaling ang binti ko para hindi gaano bumaon ang kahoy doon.
"Lapitin ka talaga ng aksidente, Kriselle. Gamit na gamit mo ang insurance mo." Naiinis na sambit ni Sean sa akin. Lagi na lang siya stress kapag na-aksidente ako o nalalagay sa peligro ang sarili. "Sa office ka na lang kaya at gumawa ng costing saka mag-attend sa online bidding."
"Grabe ka naman! Namali lang ako ng tapak." Nagtalo pa kami ni Sean ngunit hindi noon naibsan ang sakit.
"I changed my mind on the wooden floor, Engr, Architect. Masyadong lampa ang titira kaya concrete at tiled flooring na lang."
Hindi naman ako ang tinutukoy niya 'di ba? At hindi ako lampa!
***
MASAKIT ang ulo ko nang magising at agad na sumalubong ang maputing kisame ng aparment ko. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako. Alam ko lang ay nakatulog ako matapos i-sedate sa ospital at narito na ako sa apartment ng magising. Dahan-dahan ako bumangon at naramdaman ko pa ang pagkirot ng aking binti. Nakita ko na may benda iyon at may mga unan sa paligid.
"Sa wakas gising ka na," anang tinig na aking narinig. Bahagya ako nagulat nang makita si Colby na may bitbit na pakete ng cool patch. Natuon ang atensyon ko sa palangga na may katabing alcohol, yelo at bimpo. Nasa tabi noon ang first aid kit ko halatang kagagamit lang. "Do not move so it won't hurt."
"Why are you here? Anong nangyari sa ospital saka paano ako nakauwi?"
"Engr. Ortega brought you home and I followed. May susi ako, bigay ng land lady mo sa akin noong nakaraan." Umupo siya sa dulo ng kama at masuyong nilagyan ng cool patch ang aking noo. "Nilagnat ka kanina at mabilis din naman bumaba kaya hindi na kita binalik sa ospital. That patch and these medicines will help you to feel better. Naghanda rin ako ng makakain mo bago uminom ng gamot."
"S-salamat. Kaya ko na mag-isa. Pwede ka na umuwi."
"There you go again, acting like you don't need anyone else in your life. How many times do you have to act like this? How long will you going to fight the feelings?" Hindi ako nakakibo agad at 'di rin naman niya dinugtungan ang sasabihin pa. "I'm sorry. I shouldn't force you. Aalis na ako, nandyan na mga kaibigan mo."
Magkakasunod na pumasok sa kwarto ko sina Hera, Autumn at Beauty matapos lumabas ni Colby. He called my friends to be with me so I won't be alone. Seryoso ba talaga siya? Dapat gusto ko ang nangyayari pero bakit ko patuloy na nilalabanan ang nararamdaman ko. Am I that afraid?
Tila walang kaluluwa akong nahiga ulit sa kama at tumitig lang sa kisame kahit panay na ang pagku-kwento-han ng mga kaibigan ko. May tinatanong sila pero pinili ko na huwag sagutin ang kanilang mga tanong. Hindi ko alam paano aalisin itong takot sa dibdib ko na nabuo matapos ko malaman ang tungkol sa affair ni Papa. Na pwede pala mangyari iyon nang hindi ko nalalaman.
Why does Mama have to protect him always? Was all the good memories that we have together were all for a show? That he didn't actually love us? Gusto ko masagot ang mga tanong na ito ngunit may takot sa puso ko. Baka hindi pa ngayon ang tamang panahon para hanapan ko ng sagot ang lahat ng tanong na meron ako.
Kailan naman kaya iyon?
***
LUMIPAS ANG MGA araw at napansin ko pagbabago sa pakitungo sa akin ni Colby. Bumalik ako sa ospital para ipatingin iyong sugat ko at mag-sub kay Hera dahil may lakad ang kaibigan ko. Mapapansin agad ang pagiging malamig niya at propesyonal sa trabaho. Gaya ng utos ni Sean, sa opisina lang ako lagi at kapag ganitong kailangan mag-sub sa mga engineer lang lalabas. Hindi ako pwedeng tumanggi lalo't pati si Architect Ortega ay sinangayunan ang utos ni Sean.
I somehow wished that Colby remained affectionate with me. Unfair 'man pakinggan pero sinabi niya na gusto niya ako at ito ang unang beses na may nagkagusto sa akin. Bakit ko ba kasi inuna ang takot?
Nasa huli talaga ang pagsisi...
"Hindi pala si Ms. Jestina makakatuluyan ni Dr. Levezque," narinig ko na bulungan sa payment area.
"Ah oo nga. Nakakagulat na iyong pamangkin ni Director Limon ang pakakasalan niya." Segunda pa ng isa.
"Totoong engaged na sila o hindi pa? Noon kasing kay Ms. Jestina, parang laro lang."
"Ayan ang hindi ko sigurado pero nalabas-labas na iyong dalawa. May picture nga ako, teka hanapin ko lang." Nakita ko na hinugot ng nurse ang cellphone sa bulsa at nag-scroll ng nag-scroll. "Here. Ang sweet kaya nilang dalawa." Dahan-dahan ako lumapit upang tingnan iyong picture at bahagya ako nagulat na totoo nga ang tsismis!
How dare he smile at her like that? Hindi ba niya alam na ang illegal ng ngiti niya?
"Ma'am, ito na po lahat ng babayaran niyo." Napatingin sa akin iyong dalawang babae na nagdala sa akin ng tsismis. Caught in the act ako kaya nag-peace sign na lang ako sa kanila. Agad ako lumapit sa counter at muntik na ako panawan ng ulirat nang makita ang aking babayaran.
Nanginginig akong nag abot ng credit card sa nagbigay sa akin ng bill. Kailangan ko na talaga ugaliin ang pag-iingat lalo at wala naman mag-aalaga sa akin.
Meron na dapat kaso tinaboy at ngayon may dine-date na namang iba.
Napatingin ako sa bracelet ko na pula. That's when I remember the faint red strings Mama showed me before in my dreams. Maniniwala ba ako doon gayong pulos palpak naman ang pinapasok ko. Malalim akong napabuntong-hininga matapos tanggapin ang resibo at credit card ko. Agad ko iyong pinasok sa bag ko at nagtuloy-tuloy na ako sa paglakad palabas ng ospital.
Dinala ako ng paglalakad ko sa karinderya na kinainan namin ni Colby noon at dahil kilala na ako dito, hindi ko na kinailangan pa mag-effort na mag-order. They served me beer and chicken bucket which I ate all by myself. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siya pero inuuna ko ang takot na baka matulad ako kay Mama. Katulad niya ako magmahal kaya pulos sakit na lang ang aking nararanasan.
"Mukhang may pinagdadaanan ka, Engr." Pukaw sa akin ng anak ng tiga-bantay nitong kinaroroonan ko. "Daanan mo lang, Engr. Huwag na huwag ka tatambay para hindi masaktan." Matalim ko siyang tiningnan at on cue ay nakatanggap siya ng pagbatok mula sa kanyang nanay.
"Naninira ka na naman ng momentum ni Engr. Doon ka nga at lubayan mo siya." Humingi ng paumanhin sa akin ang nanay ni Lito at iniwan na nila akong dalawa. Tinuloy ko lang ang pag-inom hanggang sa tumalungko na ako sa lamesa dahil sobrang kalasingan.
Mamaya na lang ako siguro uuwi sa bahay...