CHAPTER TWENTY-FIVE | BLACKOUT

Kriselle

KUNG MAY DAPAT akong iwasan sa buhay ko na ito, iyon ay ang pag-inom ng alak. Ilang beses ko na ba sinabi na hinding-hindi na ako iinom pero lagi ako nauuwi sa pag-inom ng alak at the end of the day? Hindi talaga effective ang mantra kapag may pinagdadaanan sa buhay. Drinking was my only escape though it's not healthy.

Sa sobrang kalasingan ko nang nagdaang gabi, natagpusan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa kama ni Colby at t-shirt niya lang ang suot! I was lying beside him, hugging his pillow comfortably. Wala akong ibang maalala kung 'di iyong pag-inom ko nang marami nang nagdaang gabi. Wala rin naman akong mararamdaman na kakaiba sa katawan ko kaya imposible na may nangyari sa amin. Baka meron nga tapos sobrang manhid ko lang.

"Hala!" sigaw ko na pumukaw sa atensyon ng mga kasama ko sa opisina.

"Ano'ng hinahala mo dyan, Engr. Kriselle Bonifacio?" tanong sa akin ni Hera saka pabagsak na nilapag ang paracetamol na binili niya. Dumaing kasi ako na masakit ang ulo ko kanina nang pumasok kaya lumabas siya para ikuha ako ng gamot sa infirmary. "Hindi ka umuwi kagabi. Saan ka na naman natulog?"

Agad ko siya hinila papunta sa pantry kung saan walang tao kung kaming dalawa lang. Sinilip ko pa kung may papasok ba dito para kumuha ng tubig bago nilapitan ulit si Hera.

"I have a question,"

"Bakit ka bumubulong? Tayong dalawa lang narito ngayon,"

"Eh, kasi may tatanong ako.."

"Ano?" Hindi ko alam paano sisimulan pero si Hera lang makakasagot nito at nakakahiya naman kung kay Sean ko tatanungin. Saka lalaki iyon at lalaki din tingin niya sa akin dahil sa lakas ko raw uminom. Magbabagong buhay na talaga ako! "Aba, napakatagal naman ng itatanong mo Kriselle."

"Sandali kasi! Huwag mo ako i-pressure!"

"Saan ka muna natulog kagabi?"

"Sa unit ni Colby," mahina kong sagot pero narinig naman ni Hera kaya malakas siyang suminghap. "Bago mo ako i-judge, uunahan na kita. Wala akong maalala miski na ano maliban sa nag-inom ako sa kariderya. Kahit pilitin ko wala talaga."

Bakas na bakas sa mukha ni Hera ang confusion matapos marinig ang paliwanag ko. Para bang hindi siya naniniwala na wala akong maalala miski na ano. Hindi ko rin alam kung posible ba iyong ma-mental blackout na lang ako basta. Nag-search ako online at kalimitan daw ay dahil sa stress at anxiety. I've experienced those lately because of my father and the confusing feelings that I have for Colby.

Baka iyon nga ang dahilan. Pero sino ba ang niloko ko kung 'di sarili ko lang naman. Para sa marami, escape lang iyong sabihin na walang maalala matapos magpakalango sa alak. Pakiramdam ko ay kailangan ko kausapin si Colby dahil doktor siya at maiintindihan niya ako agad.

"I think kulang ka na naman sa pahinga, Kris. Sobrang dami nangyari sayo lately at alam ko na mahirap iyon i-proseso lahat." Nilapitan ako ni Hera saka marahang tinapik ang aking balikat. Iyong kaninang confusing looks niya'y napalitan ng pag-aalala. Hindi kasi talaga ako okay noong mga nakaraang araw. "Huwag mo na pilitin kung wala ka talaga maalala. You know where to go when needed,"

"Is non-painful sex possible?"

"Other says, yes. Depende sa may-ari ng katawan ang sakit na mararamdaman." Humalukipkip si Hera sa harap ko. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"Paano kung mali ako? Eh 'di parang assuming ko naman 'non..."

"Tangek, hindi ka naman niya i-ja-judge, I think."

Mabait si Colby. Seryoso madalas pero may pagkakataon na malakas ang trip niya. Hindi naman kami magiging parang aso't pusa kung 'di ako nakaranas ng kalakasan ng kanyang trip. Lately, ibang version na niya ang lagi ko kaharap at minsan ay kausap. Maybe because he's trying to prove that he is serious about his feelings for me.

Ako lang iyong takot na sumugal dahil nasanay na laging wala at rejection ang meron. Kaya noong subukan niya lumapit, ako naman ang umatras palayo sa kanya.

Ang confusing!

Pakiramdam ko talaga ay magkakasakit ako ulit. Oras na ba para gamitin ko nang maaga ang leave ko? Papayagan kaya ako?

Walang masama kung susubukan.

I TRIED MY LUCK today in submitting my leave form to Sean here at St. Jude. Sinadya ko pa talaga siya rito para lang magpaalam pero bago ako napunta dito ay kinita ko muna si Erian. I asked him too many questions earlier about personal life and work-related anxieties. Sa kanya talaga akong lumapit imbis na kay Colby dahil nahihiya ako. He confirmed that the blackout I experienced was because of my anxieties. Nagpatong-patong na raw ang stress at anxieties ko kaya in-advise niya na humingi ako ng pahinga.

"How long will you be gone?" tanong ni Sean sa akin.

"One month?" Hindi ako sigurado talaga saka wala pa nga ako pupuntahan na nakaka-relax. "I haven't decide where should I go to relax. Parang ayaw ng utak pero gusto ng katawan ko ng pahinga."

"If vacation will improve your mental health, then go. I approved this already. Just let us where will you go para hindi kami masyadong mag-alala sayo."

"Hindi na ako baby, Sean."

"You're still a sister to me, Kriselle. Hindi mo maalis sa akin na mag-alala sayo lalo't nakikita ko na nagkakaganyan ka."

"Baka kailangan ko lang talaga magpahinga at magpakalayo-layo,"

"Huwag sobrang layo. Doon ka lang sa madali ka hanapin. Clumsy ka pa naman,"

"Hoy! Nagkamali lang ako ng tapak noon."

"Sinabihan kita na mag-ingat at marupok kaso mas marupok ka pala kaysa sa kahoy lalo na pagdating sa may-ari ng bahay."

Bwisit na lalaki ito! Kailangan talaga aasarin pa ako pagkatapos payagan ang request ko. Inismiran ko siya matapos niya pirmahan ang leave form ko. Kinuha ko iyon agad para ma-file at masimulan ko na ang bakasyon.

Pagkatapos namin mag-usap ni Sean, umalis na ako para bumalik sa opisina. Habang naglalakad panay ang pag-scroll ko ng lugar na pwedeng puntahan. Nahahati ang puso't isip ko kung sa ibang bansa ba o dito lang muna sa Pilipinas. Kung sa ibang bansa, London ako pupunta pero kung dito lang sa Pilipinas, Cebu o 'di kaya naman ay sa Boracay Island para malapit sa dagat. Sa sobrang abala ko, hindi ko na namalayang may nabangga na pala ako. Humaling na humaling ako sa mga magagandang picture na nakikita ko.

"I'm sorry..." I said, bowing my head and then walking again.

"Are you that busy to ignore me?" tanong ng pamilyar na tinig. Mula sa pag-scroll ay nag-angat ako ng tingin upang masiguro na mali ang hinala ko at nagkamali nga ako. Ang buong akala ko'y ibang tao iyon pala ay siya pa rin.

Si Colby pa rin na iniiwasan ko nga kaso pinaglalapit talaga kami ng tadhana.

"S-sorry hindi ko napansin,"

"You visited Erian instead of me."

"Ah, may tinanong lang naman ako sa kanya. Sige, alis na ako. Baka masaraduhan ako ng opisina."

Hangga't kayang umiwas gagawin ko talaga pero hanggang kailan naman kaya. Masyado ko inaalagaan itong takot na baka sa huli ay lumaki nang hindi ko namamalayan.

Ano ba ang dapat ko gawin?

Hindi ko talaga sigurado kung susugal na ba ako o huwag muna dahil sa takot na baka masaktan ako sa bandang huli. Alam ko na hindi gagawin ni Colby pero natatakot pa rin ako...

Hindi ko na talaga alam!

NATULOY ang bakasyon ko at dito sa Boracay ko naisipang magpunta. Alam ng mga kaibigan ko at maging ni Sean kung nasaan ako. Kaya heto ako at prenteng nakaupo at painom-inom lang ng juice habang nakatingin sa magandang view na nasa aking harapan. Ang sarap pala ng ganitong klase ng bakasyon na walang ibang iniisip kung 'di ano'ng pagkain ang susubukan ko sa lunch ar dinner. I've searched for seafood resto here before I left my hotel room and I found one.

Susubukan ko na lang mamaya na puntahan kung hindi ako makakatulog dito sa sun bleacher na kinauupuan ko. And I doubt that. Namimigat na ang talukap ng mga mata ko at wala ako naging tulog dahil sa pag-aabang ng seat sale. May pera naman ako kaso pinili ko pa rin ang mura. Pati sarili ko ay tinitipid ko na.

Dapat focus ako sa self ko ngayon kaya mamaya na ako matutulog.

Kaya tumayo ako saka pinalis ang antok at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko iyong resto na na-search ko kanina. Nagulat ako sa haba ng pila kahit malapit palang maglunch.

Mga anong oras naman kaya ako makakain nito?

Tumingkayad ako at nang makita ko iyong staff na lumabas at tumawag ng mag-isa lang kaya agad akong nagvolunteer. Mocking all the other customers who came to eat by pair. Kahit masakit tanggapin na loner ako tapos ang mga kasabay ko ay by pair lahat.

Hindi bale, Kriselle. Look at the silver lining now. Nasa loob na ako kahit kadarating ko palang.

"Here's the menu, ma'am." Magiliw na sambit sa akin ng staff. Binuklat ko iyon at namili ako ng kakainin ko na agad ko naman sinabi sa staff. Pagkatapos ko mag-order, saka ko palang napansin na may katabi pala ako dito sa single spot ng restaurant. Nasa side niya ang mga utensils kaya wala akong choice kung 'di istorbohin siya sa kanyang pagkain.

"Uhm, excuse me," sabi ko at literal akong napanganga nang masino ang katabi ko. "Colby? Anong ginagawa -"

"What do you need?" tanong niya sa akin. He's back from being cold as if we barely know each other.

"T-the utensils," I said,

Hindi siya kumibo at inabot lang iyon sa akin. Nakita ko na kaka-serve lang ng pagkain niya kaya aking napagtanto na kararating lang din niya dito. Is he here for vacation or work? Hindi naman sa 'di allowed ang mga doktor na magbakasyon, sadyang nakakataka lang na narito din siya kung nasaan ako. I'm not thinking that he followed me here.

That's impossible, Kriselle, and you deserve his cold treatment.

Stop thinking for a while, Kriselle. Bakasyon nga ito. Bakasyon!

KAHIT anong gawin kong pagwawaksi ay lagi na lang nauuwi sa pag-isip tungkol kay Colby. Kaya pagkatapos kumain, bumalik na ako sa hotel at bawat daanan ko ay iyon rin ang dinadaanan ni Colby. Pati sa elevator ay sabay kaming dalawa kaya pakiramdam ko ay sinusundan niya talaga ako. Pangit ba kung kokomprontahin ko siya? Pati floor kung nasaan ang hotel suite ko ay doon din siya bumaba na sobrang weird na maituturing. Kaya hinarap ko siya at laking gulat ko nang makita na akto niyang bubuksan iyong kabilang suite.

"You stay there?" tanong ko at gulat na gulat pa rin.

"Am I not allowed to stay here?" Balik-tanong niya na hindi ko naman agad nasagot. "I'm not following you, if that's what you're thinking, Kriselle." Tuluyan na niyang binukas ang pintuan at aktong papasok ngunit nahinto nang magtanong ako.

"Galit ka ba sa akin?"

"No. I'm just setting lines between us since you choose to nurse your fear than to trust me." Ang sakit naman 'non! Real talk kung real talk din talaga itong lalaki na 'to. Ang hirap kasi bitawan ng takot. I heard nothing aside from the sound of his suite door lock. Binukas na niya ang pintuan saka pumasok sa loob. Naalarma ako at dali-dali ko hinarang ang paa ko para hindi iyon sumara. Napaigik ako nang tumama ang hamba ng pinto sa gilid ng tuhod ko.

Metal pa yata ito pero hindi na bale dahil kailangan naming mag-usap dalawa.

"Hey, are you crazy? Gusto mo ba talaga malumpo?" Iyong binti na pinangharang ko ay yung may sugat pa.

"Hindi at oo, masakit siya kaya papasukin mo na ako."

"You're evading my privacy, Kriselle."

Hindi ako nakinig sa kanya at nilusot ko talaga ang katawan ko para makapasok. Wala na nagawa si Colby kung panoorin na dahan-dahan sumara ang pintuan.

"I'm sorry kung natakot ako. Hindi ko naman ginusto na alagaan itong takot. Alam mo yung sanay ka na laging bigo kaya noong sabihin mo na seryoso ka ay ang tumatak sa isip ko, niloloko-loko lang ako nito. Kasi gano'n iyong ibang lalaki pero hindi ko gine-general. I know that there's you who doesn't know how to hurt a woman."

Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"I know that you care for me. Lagi ka nandyan kapag kailangan ko ng sponge. Tama ka naging in denial ako kasi nga nagsunod-sunod ang kabiguan ko. Kaya ako narito kasi noong nakaraan ay nakaranas ako ng mental blackout. Wala ako maalala maliban sa alam ko na lasing ako."

Hindi ko alam kung tama ba na tanungin sa kanya kahit pa alam ko na tatawanan lang niya ako. Kailangan ko talaga malaman kung ano nangyari sa aming dalawa noong gabi na 'yon. May nangyari ba talaga? I badly searched for the answer on my heart but I can't find it. Para bang kailangan na sa isip ko manggaling dahil ang utak naman ang nagbibigay ng utos sa lahat ng organs para makaramdam.

"Do you really experienced blackout?" Tumango ako bilang sagot. Mahirap paniwalaan pero iyon talaga ang nangyari at si Colby lang makakasagot ng mga katanungan ko. "Why didn't you tell me?"

"I got chicken." Dahan-dahan ako yumuko upang hindi masalubong ang kanyang tingin. Nakakalunod kasi masyado at ayoko naman tuluyang malunod sa mga titig niya. Rinig na rinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.

"I'll help you to remember then,"