CHAPTER TWENTY-TWO | IN DENIAL
Colby
"DR. LEVEZQUE!" Nahinto ang aktong pag-alis namin ni Kriselle nang marinig ko na may tumawag sa akin. Agad akong lumingon at gano'n din si Kriselle. Pareho kaming na-surpresa nang makita si Ms. Lopez kasama ang debutante pati na si Mr. Mercado na ilang dipa lamang layo sa amin. Napatingin ako kay Kriselle at mas mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Are you going home without greeting us first? Where is Madam Levezque?"
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Lola got caught up with her schedule today. I attended this party on her behalf, but we need to leave. My girl is not feeling well." I know it's rude to go away without greeting the celebrant, and Lola might scold me, but it's not essential to me. Mas importante sa akin si Kriselle at ang maka-alis dito ngayon ang kailangan namin gawin.
"Anyway, this is our daughter Eden and my partner, Dennis. Sayang at wala si Madam dito ngayon para sana makumusta namin personal na maimbitahan sa aming kasal." Nakita ko na sinilip ni Ms. Lopez si Kriselle. "Is she the daughter of J Group? The one who is bethrode to you... I forgot the name..."
"No. This Engr. Kriselle Bonifacio, the one that I'm courting." Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Kriselle at alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. "We have to go now. We're sorry about this, Ms. Lopez. My girl's health matters the most to me."
Ngumiti si Ms. Lopez gano'n rin ang anak nitong si Eden. "You talk like your Dad, Dr. Levezque. He's very affectionate especially to your mom."
"Yes he is." Hindi ko na maitatanggi iyon lalo't nakita ko kung magmahal ang aking mga magulang kahit saglit lamang.
"Colby..." mahinang tawag sa akin ni Kriselle.
"We really have to go, Ms. Lopez, Mr. Mercado, Eden." Binati ko ang celebrant bago muling nagpaalam sa kanila. Hindi na nila ako pinigilan pa at tuloy-tuloy na kaming umalis ni Kriselle. Hindi ako sigurado kung anong klaseng balita ang makakarating kay Lola pero hindi na importante iyon. Aware naman na siya na may iba akong gusto na pakasalan at makasama habang buhay. "I'm sorry about that, Kriselle. I tried my best not to get you hurt but I guess -"
"It's okay, Colby." Tiningnan niya ako sa pilit na ngumiti. "Let's go home now." Nauna siyang pumasok sa sasakyan at sumunod na lang ako sa kanya.
Buong biyahe ay tahimik lang si Kriselle at wala naman akong ibang magawa kung 'di igalang ang pananahimik niya. Tinuon ko ang aking atensyon sa daan at bigla na lang sumagi sa isipan ko ang mga paborito niyang pagkain. May mabibili pa kaya ako noon sa ganitong oras? Kinuha ko ang akin cellphone pero may bumawi noon agad sa kamay ko.
"Do not text while driving. Gusto ko pa mabuhay at mag-asawa."
"Sorry, but don't worry because I will marry you soon. Ayaw kitang madaliin at maghihintay ako sayo, Kriselle."
Umirap siya at tinuon na ang mga mata sa labas. "Why me? The pancake hassler is way more gorgeous than me."
"Because you are you, Kriselle. I don't think I need deep-rooted reasons for liking... no loving you."
"Baka naaawa ka lang sa akin,"
"I'm not, and please stop being in denial."
Tumingin siya sa akin bigla. May nasabi ba akong mali? Totoo namang siya at ako pa lang iyong sigurado sa aking nararamdaman. Siya lang iyong gusto ko mahalin at naiintindihan ko na naman ang pagiging in denial niya. Dumaan din ako doon pero hindi ko siya pagseselosin. I will never hurt my girl nor make her cry.
"Hindi na ako sigurado kung gusto ba kita o hindi na. Baka dala lang ng lungkot iyon kaya kita kinulit." Hindi ako nakakibo agad. I didn't expected that hear from her. "Babalik na ako sa apartment ko bukas. Safe naman ako doon at kilala ko mga kapitbahay ko."
Iyon lang at hindi na kami nagkibuan ulit dalawa hanggang sa makarating kami sa unit ko.
I'm not sure if it is a rejection. Ang hirap malaman kaya hinayaan ko na lang muna siya na gawin. Alam ko na malungkot siya dahil sa nalaman at maging ako nama'y hindi rin makapaniwala. Who would've thought that her father, Dennis Mercado, has another family aside from them? Kailan pa sila nito pinaglilihiman?
Gusto ko rin malaman, ngunit paano?
***
MATAPOS ang mga rebelasyon, tinuloy nga ni Kriselle ang pag-alis sa unit ko. Tinaon niya noong umalis ako para sa conference meeting namin ni Erian sa Hawaii. Isang linggo ako nawala at wala akong balita sa kanya. Ngayon nakabalik na ako ay isa-isa ko nilalagay sa aking sasakyan ang mga parcel ni Kriselle na dumating noong wala ako.
"Boss, ang dami nitong order ng girlfriend mo. Ka-close ko na iyong nagdedeliver kasi halos araw-araw siya dito." Kwento ng receptionist na katulong ko paglalagay ng parcel ni Kriselle sa sasakyan.
"Shopping is her mental therapy, Kuya." But with these parcels, I think Kriselle needs to visit a real therapist. Dito yata sa pagbili ng kung ano-ano nabuhos ang stress niya. "Salamat, Kuya. Ito pang-merienda niyo dyan," sabi ko saka inabutan sila ng isang libong piso bago umalis.
I maneuvered my car out of the condominium entrance. Hindi ako sigurado kung natanggap ba ni Kriselle ang text ko na pupuntahan ko siya. Wala kasi akong nakuhang reply galing sa kanya matapos ko ipadala ang picture ng mga order niya. Nakakapanibago kasi wala siya sa unit at kahit saglit lang siya tumira kasama ko, tumatak na ang ingay niya sa bawat sulok noon. Hindi ko pa nakita sa ospital dahil nasa Rizal na ang bago niyang project.
"God, I miss her..." sambit ko habang nagmamaneho.
Malapit na mag-alas otso ng gabi at medyo traffic na mula BGC hanggang QC. Kaya naman natagalan ako kahit sa skyway pa ako dumaan para lang mapabilis ang biyahe. Rush hour kasi at uwian ng mga galing sa trabaho. Naka-leave ako ngayon hanggang bukas at nilaan ko talaga ang leave ko para kay Kriselle. Hindi dahil gano'n ang sinabi niya sa akin noong nakaraan ay hihinto na ako.
I still want her. I badly want her.
Patuloy ko siya inisip hanggang sa makarating ako sa kanyang apartment. I pulled my car on the side walk and put it on hazard mode. Kailangan ko ibukas iyong para makapasok ang sasakyan ko sa loob at hindi maging sagabal sa daan. Bumaba ako sa sasakyan at binukas ang gate ng apartment ni Kriselle saka minaneobra na iyong BMW ko palikod para madali makuha iyong mga parcels. I turned off my engine and get down again.
"Boyfriend ka ba ni Engr?" tanong na pumukaw sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit siya sa akin. Basta napansin ko na lang na naiwan ko pala nakabukas iyong gate. "Ibigay mo naman ito sa kanya. Kalilipat lang namin at pasasalamat ko kasi ginawan niya ako shelves sa bahay."
"Salamat po," sambit ko sa ginang.
"Mayaman ka siguro. Ang ganda nitong kotse mo at - medical frontliner ka?"
"Opo. Isa po akong doktor."
"Echosera talaga si Engr. Sabi niya wala siyang boyfriend at madalas pa nga makitulog sa bahay kasi hindi siya mapalagay sa loob nyan."
"Sinabi niya po ba kung bakit?"
"Nabanggit lang niya na may pakiramdam siya na may nakatingin sa kanya. Wala ka bang susi? Pwede natin kausapin iyong land lady para humingi ng spare. Nalimutan ka siguro bigyan ni Engr."
Isinara ko ang aking sasakyan at nagpati-anod naman ako sa friendly na kapitbahay ni Kriselle. Kailangan ko alamin kung ano meron sa bahay niya ngayon din. Sabi ng pinag-linis ko, wala naman sila nakitang unusual kaya nagkampante ako nang sabihin niya uuwi siya. Kaso bigla na lang akong may malalaman na ganito pagpunta ko rito.
Pagkakuha ko ng susi, iniwan na ako ng kapitbahay ni Kriselle at siniyasat ko na ang kabuuan ng apartment. Iniwan ko nakabukas ang pintuan para alam niya agad na may tao sa loob. Sa kakalibot ko, hindi ko napansin iyong lamp na natabig ko at nagkalat sa sahig ang nabasag na mga piraso. Kumunot ang noo ko nang makita iyong maliit na camera sa cover at kung hindi ako nagkakamali, spy cam ito.
"Colby? What is that?" Tumingin ako kay Kriselle habang hawak iyong camera. "Iyan yung pakiramdam ko na nakamansid sa akin!"
"Let's bring this to the police station. Sino nagbigay nito?" Nakita ko na napatingin siya sa kasama na agad ding tumakbo. I immediately run towards him until I caught him with help of some bystanders outside. Pinigilan ko ang sarili ko na saktan siya dahil ayokong mabahiran ng dugo niyang marumi ang aking kamay. I chose to kick him as revenge to what he'd done to Kriselle. "Sa susunod pipili ka ng pahahabulin bago ka tumakbo." hingal na hingal kong sabi saka tumawag ako ng mga pulis.
***
"BAKIT KA nagpunta sa apartment ko?" tanong ni Kriselle noong pauwi na kaming dalawa sa apartment niya.
Nakapag-file na kami ng kaso at umalis rin matapos sabihin na marami na nagpa-blotter na kapareho ng kaso ni Kriselle. Modus pala iyon at dahil mabait si Kriselle, naisahan siya ng engineer na naghatid sa kanya pauwi. Isang bagay na kinaka-frustrate ko. How dare she invite a thug in? Kung wala pala ako baka may nagawa na sa kanya ang lalaking iyon. Hindi ko lang siya ma-sermon-an dahil alam ko naman na natatakot pa rin siya.
"Hinatid ko ang mga parcels mo. Maraming dumating noong wala ako at may naiwan kang gamit sa kwarto ko."
"Ah.. okay. Salamat pala, ha. Makakatulog na ako nang mahimbing sa apartment ngayon."
"Why are you with him?"
"Hinatid niya ako at makiki-ihi lang sana kaso siya pala may pakana noong spy cam na nasa lamp shade."
"I told you not to trust someone easily."
"Sorry." Himalang hindi niya ako kinontra ngayon. Ano kaya nakain ng isang ito? Binalewala ko iyon at isa-isa ng binaba mula sa sasakyan ang mga parcel niya at tinulungan siya ipasok iyon sa loob. I also gave her what she left in my room. "Can you stay here? Ano kasi... natatakot pa rin ako."
I opened my arms to invite her in. Hindi naman siya nag-atubili na yumakap sa akin nang mahigpit. Siya iyong laman ng isip ko buong linggo habang nasa Hawaii ako. Si Kriselle ang dahilan kaya parang gusto ko na hilahin ang mga araw para makauwi na ako sa kanya. Alam ko na may pag-aalinlangan pa siyang nararamdaman ngayon pero narito lamang ako sa kanyang tabi upang alisin iyon.
"I missed you, Kriselle." Bulong ko saka pinatakan ko ng magaan na halik ang tuktok ng kanyang ulo. Mula sa kanyang likod, umangat ang aking kamay saka masuyong sinapo ang magkabila niyang pisngi. "I know that there's still uncertainties in your head right now. Gusto ko lang malaman mo na handa ko iyon palisin."
Matagal ko na itong gusto sabihin sa kanya ngunit bago pa 'man ako makapagsalita ay naunahan na niya. Lagi kasi siyang nagmamadali na animo'y may ibang pupuntahan na hindi ako kasama. I know it's her strategy to stay away from me because of uncertainty and being in denial.
Pinagdikit ko ang aming mga noo saka pinatakan ng magaan na halik ang kanyang ilong pati na ang mga mata. Dahan-dahan ko pinahiran ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. Alam ko na hindi ako basta makukuntento lang sa ganito pero ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang lahat. I need to stop and do not let my feelings overpower my mind. Kailangan ko mag-set ng limitation lalo't wala pang namamagitan sa amin kahit isa lang ang aming damdamin. Sigurado ako doon at kahit hindi siya magsalita ay alam ko saka nakikita ko sa kanyang mga mata.
"We need to stop right now," I said.
Bahagya akong lumayo sa kanya dahilan para magtama ang aming mga mata. Akto akong bibitaw na ngunit bigla na lang niya hinila pababa ang kwelyo ng suot ko na polo hanggang sa magtagpo ang aming mga labi. My brows furrowed as her lips touched mine. Sandali akong hindi nakahuma dahil sa ginawa niya ngunit agad din naman ako nakabawi. Sa umpisa ay tinatantya ko pa pero nang lumaon ay nagpa-ubaya na ako.
I immediately wrapped my arms around the small of her waist. I pulled her closer and take the lead which she follows. Madali lang siya matuto at hindi naman ito ang unang beses na nahalikan ko siya. Sa bawat pag galaw ng aking labi'y kanyang sinusundan at nang pareho kami huminto, kapwa kami hingal na hingal.
"Kriselle..."
"This is wrong..."