CHAPTER TWENTY-ONE | DATE

Kriselle

HINDI ko maiwasang mamangha matapos ko makapasok sa loob ng condo ni Colby. May kalakihan kumpara sa mga high rise condominium na ginagawa ng OCG ngayon. It was like two unit combined to make two rooms if I'm not mistaken. Infairness, maayos siya sa bahay na hindi ko tulad at sobrang lapit pala nito sa ospital. Para siguro mabilis lang siya makapunta kahit hindi na kailangan ng sasakyan.

"Do you want to order, or I'll cook?" tanong ni Colby sa akin.

Kanina pa niya ako pinapakain nang pinapakain. Para bang gusto niya na bawiin ko iyong lakas ko sa paraan na alam niyang makakabuti sa akin. Pulos healthy food ang in-order ko pero sa presentation ng mga pagkain na kinain namin kanina, 'di iyon halatang healthy. Napalakas tuloy ang kain na hindi nakakaramdam ni-katiting na guilt.

"I'm still full from what we ate before we left the hospital." Naupo ako sa couch at niyakap iyong isa sa mga throw pillow. "I'll be fine in here. Magpahinga ka na, Doc."

"Are you sure? I'll order something still. Incase you get hungry in the middle of the night." Iyong pagiging concern niya'y unti-unti na nagkakaroon na ng epekto sa akin. Dapat ko na bang paniwalaan talaga si Dr. Quervas? Baka kapag kung kailan paniwalang-paniwala na ako, saka pa niya sasabihing confuse lang siya at hindi naman talaga sigurado. "You can use my room. I'll just use my study for a while."

"Huh?" Kumunot ang noo ni Colby. Hindi ako nakikinig sa kanya dahil may iba akong iniisip. "Ano nga ulit sabi mo? Hindi ko narinig."

"I said, you can use my room. Sa study na lang ako matutulog,"

"Ah... pwede naman ako dito na lang. Baka hindi ako makatulog sa kwarto mo."

Iba pa nga rin ang pakiramdam ko hanggang ngayon bukod sa maraming iniisip itong utak ko. Ang sabi ni Colby, i-che-check daw iyong apartment ko ngayon. Kung ano 'man ang makita roon, sigurado na iyon yung tila nakamansid sa akin lagi.

"I'll make you a lavender tea. Iyon ang alam ko na nakaka-relax at maaari kang makatulog agad."

"Why are you doing all of this?" Hindi ko na maiwasang itanong sa kanya. Nakakataka kasi masyado. Hindi naman niya sinagot iyong panliligaw ko noon kaya kataka-taka na ganito ang pakitungo niya sa akin ngayon. Lihim kong kiniling ang aking ulo. "Hindi mo na kailangang sagutin. Matutulog na ako."

Basta akong humiga at iyong hinubad na jacket ang ginamit ko na kumot. Mariin akong pumikit para makita ni Colby na tulog na talaga ako at hindi na siya magsalita pa. Ang narinig ko na lang ay pagbuntong-hininga niya at inabangan ko pa na umalis siya bago ko sinilip. Temporary lang naman ito at kapag naayos na ang apartment ko'y pwede ba akong bumalik doon. Eager din ako malaman kung bakit may pakiramdam ako na may nanonood sa akin.

Kaso sabi ni Colby at delikado daw kung doon pa ako matutulog ngayong gabi kaya inampon niya ako. Kaso naman misleading itong treatment niya. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na huwag siya maging mabait sa akin para hindi ako ma-fall ay ginawa ko na. Tinatakasan ako ng tapang kapag kaharap ko na siya at nakakalimutan ko ang mga sasabihin. Paano ba ang gagawin ko?

Ugh, I hate this kind of feeling!

I CAN'T HELP but to smile when Leroy - a guy I met online asked me on a date today. Bigla akong na-excite kaso nawala din ng maalala kong wala pala akong sa apartment ko. I'm still here at Colby's condominium unit and today's my second day here. Nag-aalmusal ako kasabay ni Colby ngayon at tingin ko'y napapansin na rin niya ang pag-ngiti-ngiti ko habang nakatuon ang buong atensyon sa aking cellphone. Akala ko isang araw lang ako dito pero hindi gano'n ang nangyari. Pakiramdam ko, na-scam ako ni Colby at tinanan na talaga niya ako.

Asa naman ako agad! Baka nagkakawang-gawa siya dahil mag-isa lang naman ako sa buhay. Hindi ko pa rin kinakausap si Papa kahit ilang beses na ako nakatanggap ng text galing sa kanya. I answered none of those text messages from him. Saka ko na lang siya kakausapin kahit mas pinatatagal ko'y mas tumitindi ang sakit.

"Come with me tonight, Kriselle."

Nag-angat ako nang tingin at binalingan si Colby.

"Where?"

"A family friend will celebrate her daughter's 18th birthday tonight. Busy si Lola kaya ikaw na lang isasama ko."

"What about your girlfriend?"

"You mean yourself?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ayan na naman siya sa mga banat niyang double meaning na kung marupok ay mapapakapit talaga. Nasa gitna ako ng hindi marupok at sobrang rupok.

"The pancake hassler, I mean!"

"Ah, si Jes? She's not my girlfriend."

Maniniwala ba ako? Echoserong lalaki talaga ito. Ang sweet-sweet nga nila noon! Kumukulo na naman ang dugo ko kasi naalala ko iyon. Puro pahaging kulang naman sa gawa.

"I have a date tonight," sabi ko.

"With whom?"

"Secret. Hindi ko sasabihin." I stuck out my tongue and stood up.

Dinala ko iyong kape ko sa veranda para masagot ko ang tawag ni Leroy. Mas makakausap ko itong Briton na 'to ng maayos dito sa veranda. Baka ito na si Mr. Right pero hindi pa rin ako willing ma-relocate. Ayoko muna makipag-deal sa mga kung ano-anong pahaging ni Colby ngayong araw. Maigi nga't nakapag-day off ako ngayon kahit Sabado.

"Kriselle." Sumimangot ako nang marinig na tinawag ako ni Colby.

Ano ba ang problema niya?

Lumabas siya sa veranda at kinuha ang cellphone sa akin. Pinilit ko iyon inagawa ngunit dinala lang kami ng pagpipilit ko sa awkward na posisyon. Colby jailed me on the railing while he's checking up my phone. Hindi tuloy ako makagalaw at natagpuan ko na lang ang sarili ko na inaamoy siya.

"He's a swindler, babe."

"Huh?" Nagulantang ako nang marinig ang sinabi ni Colby. "Swindler? Paano mo -"

"I know he's kind, and he's after your money. You cannot trust anyone you met online."

Pinalayo ko siya sa akin at kinuha ang cellphone sa kanya. "Ang judgemental mo naman! Doktor kaya siya at nag-aral sa Harvard saka may doctorate degree sa Oxford... sandali nga..."

"Sounds familiar with the achievements?"

"Copy paste yung achievement galing sa Linkedn mo!"

"Nakaka-touch naman at binibisita mo ang Linkedn profile ko."

"Twice lang!"

"I appreciate it still." Ngumiti siya saka marahan tinapik ang ulo ko. "I told you I'm into you. Why can't you accept it?"

"Huwag ka nga manloko diyan."

"I'm not fooling you,"

"Sige nga kung hindi, kailan ka nagkagusto sa akin?"

"From the beginning."

Natigilan ako bigla. Ano ba'ng klaseng sagot iyon? "Kailan iyon?"

"From the beginning." Ngumiti siya sa akin. "I'm heading out to pick up my suit. Samahan mo ako. Mag-ayos ka na at tayo na lang mag-date."

Magdi-date kami? As in a date?!

COLBY AND I head out to pick up his suit in a high end clothing store in BGC. Naisipan ko rin na bumili dahil isasama niya ako sa party na pupuntahan ngayong gabi. Ayoko naman ulitin ang damit ko kahit may sentimental value iyong sinuot ko noong nakaraan.

Ano bang sentimental value, Kriselle?

I tried my best to take that away from my brain and focus my full attention in choosing clothes. Huminga ako nang malalim at tiningnan iyong mga damit na nasa aking harapan. I have to choose something pretty yet affordable. Kaya ko naman dalhin ang damit kahit simple lang at marami na nga akong nabili online. Doon ako mas addict at hindi ko na nga mabilang iyong dumating na parcel sa condo ni Colby kahapon at ngayong araw.

"You have another box of parcels arrived today,"

Nagliwanag ang mga mata ko bigla. "Oh my God! Dumating na iyong order ko na sapatos."

"Balak mo ba'ng gawing bodega ang unit ko?"

"Pwede naman kasi akong umuwi, ayaw mo lang pumayag."

"Because it's not safe there."

"Huwag ka na magalit. Kung ayaw mo ako pauwiin, magtiis ka sa mga packages ko, okay? Okay!" Kinuha ko iyong dress saka pinakita sa kanya. "I'll fit this one first. Hawakan mo ito."

Binigay ko sa kanya ang bag at cellphone ko saka dire-diretsong pumasok sa fitting room. Mabilis ko sinukat ang damit at paglabas ko'y tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Dati naman akong small size pero masama ang pakiramdam ko sa damit na 'to.

"Bagay sayo," komento ni Colby na nakatayo sa likod at nakasukbit sa balikat niya ang bag ko.

"Kaya lang parang hindi maganda ang feeling ko sa damit na 'to." Binalingan ko iyong sales staff. "Do you have medium size of this dress?"

"Ayan lang po ma'am ang available." Napanguso ako matapos marinig iyon. "Bagay nga po sa inyo at ang ganda po ng hugis ng katawan niyo."

Pilit akong napatawa. Hindi pa ako nahinga masikip na paano kapag huminga na ako? Parang ayoko na bilhin ang damit na ito.

"We'll buy this one." Deklara ni Colby saka inabot na ang kanyang credit card na itim.

"Huy, may pambayad naman ako."

"Consider that as my gift to you." Kumindat pa siya sa akin at tuluyan na akong walang nagawa kung 'di sundin siya. Ang galante lang niya para bilhan ako ng damit para ngayong araw. "Let's go home first to fix all your parcel waiting at the reception."

"Limang box lang naman iyon."

"It's still a lot." Nahimigan ko ang pagrereklamo sa kanyang tinig pero sigurado naman ako na biro lang. Colby have to endure my online shopping addiction if he likes me from the beginning.

HINDI MAIPINTA ang mukha ni Colby habang buhat niya iyong dumating ko na order. From five it became nine boxes of parcel. Ang bilis magdatingan ng mga pinag-o-order ko ngayon kumpara noong nasa Quezon City pa ako. Isang factor siguro na malapit sa delivery hub itong unit ni Colby kaya ako lagi ang nauuna. Pinili ko na tumahimik para hindi siya mapikon sa akin kahit sinabi ko naman na pwede na akong umuwi.

"Kaninong kamag-anak iyong pupuntahan natin ngayon?"

"Lopez. Kaibigan iyong mga magulang at inaanak sa kasal ni Lola iyong nanay ng celebrant."

"Kaya ikaw ang pupunta kasi busy ang lola mo?"

"Exactly, and I need a date, and that's you, Kriselle."

"Sigurado ka ba talaga na gusto mo ako? Echosero ka rin minsan. Ang linaw-linaw kaya noon na ayaw mo sa akin."

"Nagkaroon lang ako ng reservations. Ayoko na i-lead ka tapos hindi ako sigurado. Kailangan pa umeksena ni Erian para magising ako sa katotoohanan."

Hindi ako nakakibo agad. Kanina nag-date kami at iyon yung klase ng date na matagal ko ng pangarap. Kahit sa karinderya ko piniling kumain, naging espesyal pa rin kasi siya ang kasama ko. Gaya noong kumain kaming dalawa ng chicken and beer. Mga bagay na hindi naman pinadama sa akin ng mga dati kong naka-date at naka-relasyon.

"So, ngayon sure ka na?"

"Yes,"

"Talaga?"

"How do you want me to prove it to you?" Pinaglapat ko ang aking mga labi at pinili na huwag na lang magsalita. "I won't rush you, Kriselle. Gusto ko lang na ligtas ka kaya ayoko na pauwiin ka sa apartment mo. You're safe here as long as you're with me."

Dapat masaya ako kapag ganito na may nagkakagusto sa akin na lalaki pero bakit iba ang pakiramdam ko? Hanggang sa party ay dala-dala ko ang mga sinabi ni Colby kaya hindi ko rin nagawang mag-focus sa program. Alam ko lang na kasama sa eighteen roses si Colby pero hindi ko narinig ang pangalan ng debutante at mga magulang nito kanina. Sinubukan ko mag-focus at gano'n na lang gulat ko nang marinig ang tinawag na pangalan ng tatay ng debutante.

Dennis Mercado.

Hinayon ko ang tingin sa stage at hindi nga ako nililinlang ng mga mata ko. Si Papa iyon na kasalukuyang nagbibigay ng birthday message sa debutante. He addressed the debutante as her only daughter. Then, what about me?

"Kriselle..." Isang masuyong paghawak sa aking balikat ang pumukaw sa aking atensyon. That touch made me face the owner of the hand. It's none other than Colby himself. "I'm sorry."

"I-It's o-okay..."

"Of course, it's not. Stop pretending, and let's get out of here."

Marahan niya ako hinila palapit sa kanya. Ginaya palabas ng venue pero dinig ko pa rin ang boses ni Papa na garalgal dahil naiiyak din sa mensahe niya sa anak. Sa anak na hindi ko alam na existing na pala. She was eighteen and I lost Mama eight years ago. Buhay pa si Mama at alam niya ang tungkol dito na hindi ko nalaman.

Bakit naman ang unfair ng pagkakataon sa akin?

Akala ko lang pala alam ko na ang lahat. Pero nagkamali ako. Nagkamali ako pati na sa pagkilala sa aking tatay. I almost believed his text messages that he wasn't prepared the time when Mom had a cancer. Matagal na niyang niloloko si Mama at pinili na patawarin pa rin siya.

How cruel can the world be for Mom and me?

Damn this day! Ugh...