CHAPTER TWENTY | JEALOUS
Colby
HINDI MAALIS ang ngiti sa aking labi habang paulit-ulit ko pinapanood iyong kiss clip namin ni Kriselle noong nakaraan basketball match na pareho namin dinaluhan. It was a set-up date courtesy of my best friend who admitted that he's only testing if I will make a move when pisses. The kiss clip went viral again but this time Lola Irene didn't turned it down. Sinabi ko na ako na ang bahala pero iba pa rin ang mother's instinct talaga kaya narito siya sa opisina ko ngayon, matalim akong tinititigan.
"Who is that girl, Colby? Sabihin mo o ipapahanap ko siya kay Edwyn?"
I groaned.
Heto na naman si Lola, umaarte na gaya sa mga napapanood niyang pelikula at drama. Hindi 'man lang maging supportive sa akin kahit na malabong pumasa sa taste niya si Kriselle. But it doesn't matter to me at all. Hindi naman kailangang i-prove ni Kriselle ang sarili niya kahit kanino. And if Lola Irene loves me, she'll love her. Hindi agad-agad pero alam ko na susubukan naman niya.
"Do you want me to get married, right? The girl in the video is the one I want to marry. Not now, but soon."
"Are you insane, apo? Hindi ba't siya iyong babae sa nag-viral mo na video noon? Let me her first."
Doon ako tumayo at ibinulsa ang aking cellphone saka kinuha ang lab gown ko. Lola Irene took down the said video months ago. Matalas lang talaga ang memorya niya kaya tandang-tanda niya ang mukha ni Kriselle. Isang dahilan kaya hindi sila maaaring magkita pa sa ngayon. I know my Lola Irene well and she's protective of me. Ako na lang nag-iisa niyang kapamilya kaya naman lahat gagawin niya para sa akin. Gaya ng pag-protektang ginawa niya noong tuluyan niyang kinuha ang responsibilidad sa pagpapalaki sa akin pagkamatay ng mga magulang ko.
"Soon, 'La. You'll meet her soon."
Nagpaalam na ako sa kanya at inumpisahan na ang pagta-trabaho ko. I met the nurses and the residents to make rounds. Inuna namin puntahan iyong casualities sa naging aksidente dito noong nakaraan.
"Increase the medicine dosage if needed and dress all of his wounds properly to avoid infections." Bilin ko sa kasama kong resident na agad naman niya sinulat sa notes na hawak. Kinuha ng nurse ang vitals ng pasyente at in-update ang chart na siyang i-endorse sa mga residente dito.
Ngumiti ako sa pasyente saka marahang tinapik ang kanyang balikat. Alam ko na masyado na naantala ang kita nila kaya naman ginagawa ko ang lahat upang mapanagot ang platform provider. Hindi pwedeng ganito lalo na sa mga empleyado na bread winner. I will do everything to fasten the process so it could lessen the burden on their shoulders.
Sinunod ko puntahan iyong kwarto ni Engr. Ortega at Engr. Leviste.
"Daddy, I want to play now." Iyon ang narinig ko na sabi ng anak ni Engr. Ortega nang pumasok kami. Una kong tiningnan si Engr. Leviste at unti-unti na siyang nakaka-recover. "I want to see Mama-Ninang na lang po,"
Mama-Ninang...
"She's working, darling. We'll invite her home later if you want." Suhestyon ni Engr. Ortega.
"Malakas na gayuma yata pinakain ni Kriselle sa anak mo, Sean," komento naman ni Engr. Leviste.
Pareho silang pagaling na kaya pinayagan ko na sila umuwi ngayong araw. Itong si Engr. Ortega ay ka-meeting ko pa mamaya para sa update ng project dito na siyang may hawak. Proxy lang naman si Kriselle dahil sa Rizal na ito naka-destino ngayon.
"Honey, tell them why you love Ninang Kriselle." If I'm not mistaken, that one who spoke was Engr. Ortega's wife.
"Mama-Ninang loves me, feeds me, and dance with me. She's pretty too. All my Ninangs are pretty and I love them but I love Mama-Ninang the most." Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. "Mom, he's creepy."
"Who?"
"Him!"
Ako?
Akala ko pa namang kwela itong bata na 'to. Tinuruan ba siya ni Kriselle? The kid's mom, stop her from pointing me. Hinawan nito ang kamay ng bata na ginamit pang-turo sa akin. I smiled as a sign that I'm cool. Baka nga nakatakot ko talaga ang batang ito.
"He's nice. He heal Daddy and Ninang Hera's wounds kaya." Pagtatanggol sa akin ng asawa ni Engr. Ortega.
"Lucille, ask mo si Dr. Levezque kung single pa siya. Your Ninang Kriselle has been so lonely. You want her to be like your Mommy, right?" Udyok ni Engr. Leviste pero ngumiti lang si Lucille. Nagtago siya sa gilid ni Engr. Ortega nang lumapit ako sa pwesto nilang mag-anak.
Kwela din nitong best friend ni Kriselle na hindi malaman kung aling apelyido ba ang gagamitin. Hindi katulad ni Kriselle iyong maiden name ng nanay niya ang gamit. When Engr. Leviste's parent came, we didn't recognized them because the info's she wrote was for a dummy name. Siya si Engr. Clemente sa mata ng lahat pero sa totoong buhay ay Leviste talaga ang kanyang apelyido. Malamang may tinataguan na tanging si Kriselle lang ang makakasagot.
"You both have to comeback next week so we can finally remove the casts. Magrereseta ako ng mga gamot at ipapa-abot ko na lang sa nurse." I smiled at them and then bade my goodbyes.
Marami pa ako iikutin pero pagkalabas ko sa kwarto'y niresetahan ko muna iyong dalawa bago muling nagpatuloy sa pag-ikot. Nang matapos ang rounds, ako na lang mag-isa ang nag-ikot sa kabuuan nitong ospital. Bawat makasalubong ko'y binabati ako at gano'n din ako sa kanila.
"Colby!" tawag sa akin pero hindi ako huminto sa paglakad.
"How can I help?" tanong ko agad nang makasabay na si Erian sa akin.
"Have you seen the list of doctors forwarded in our emails?"
"No, not yet? Is she there? Mataas naman ang offer ko sa kanya para dito magtrabaho gaya ng sinabi mo."
"I didn't see her name on the list. But I hope she'll accept your offer." Tumingin ako kay Erian ngunit hindi pa rin humihinto sa paglakad. "I need your approval to renovate our cafeteria. Tapos hindi nasusunod iyong gusto mo na puro healthy food lang iseserve. We need to hire bunch of nutritionist now."
"I hired two last week. I'd ask Doria if they accepted it."
"Dr. Levezque." Muling tawag sa pangalan ko. Hindi pa rin ako huminto ngunit bahagya ko binagalan para maka-abot iyong tumawag sa akin. "Pwede po magpapirma?"
"Autograph?" I joked.
"Opo." Ngumiti ako inabot iyong folder ng OCG engineer. Siya siguro iyong sinasabi na bagong engineer dito. "We have a meeting po with Engr. Ortega and Engr. Bonifacio later for the updates of the project. On time pa rin po tayo hanggang base on the calendar na sinend po namin."
"All right. We'll see you later, then. Please tell Engr. Bonifacio that to include the changes in vinyl flooring and led door on the updates." Tumang iyong engineer at binalik ko na sa kanya ang folder. Erian and I walked towards the hospital lobby. "Let's change this advertisement here. This time, we will not use my face. Iyong bagong doctor na medyo sikat sa social media. Graduate na ako sa TV guestings ngayon since may kapalit na ako."
Tumango lang si Erian sa sinabi ko. Matagal na akong mukha nitong ospital at ngayon ay gusto ko namang maging anonymous na hospital director. Pina-graduate ko na ang sarili ko sa mga TV guesting at upon request na lang ang lahat.
"Engr. heto na iyong pinabibili mong binatog." Pareho kaming napalingon ni Erian nang marinig ang salita na iyon.
Hindi pa rin nagbabago ang paborito niya. Saan nakakabili noon? I have to find that vendor so I can give her daily.
"Are you going to court her now?" tanong ni Erian.
"Yes. How about you?"
"Effective pala. Anyways, I won't compete to you. Maganda iyan nakilos ka na kasi mukhang may pumipila na." Hinayon ko ang tingin ko sa tinutukoy ni Erian at napataas ang isang kilay ko nang makita ang closeness ni Kriselle at iyong nag-abot sa kanya ng binatog.
He wasn't working here base on her uniform. Saan naman niya kaya nakilala ang kupal na 'to? Napatingin ako kay Erian dahil baka pakana niya iyon.
"Wala akong kinalaman diyan. Kinalampag lang kita pero ito mukhang natural occurances na."
Was she trying to make me jealous?
Damn!
MATAMA KONG TINITINGNAN si Kriselle na tila ba may pinagtataguang kung sino. Maliliit ang kanyang hakbang at dahil sa kanya ay nahinto ako sa paglakad. Masyadong abala sa lobby kaya bihira lang iyong lumingon para sipatin siya ngunit iyong atensyon ko'y kuhang-kuha niya. I shook my head and then start walking towards her spot and gently pulled her inside a secluded area.
"Thanks God it's you," she said, leaning her forehead on my chest, "akala ko hindi ko na siya matatakasan."
"Who?" tanong ko.
"Iyong engineer sa kabilang company."
"The one who gave you food?"
"Oo pero hindi ko kinakain. Baka mamaya may gayuma." Tumaas ang isang kilay ko. "May daan ba dito papuntang parking? If wala, can I stay here for a while?"
"Wala at hindi ka pwede dito. Stock room ito. Let's go to my office." Marahan ko siya hinila palabas gamit iyong kabilang pintuan para hindi na kami lalabas sa lobby. Malapit lang iyong second door ng storage sa opisina ko at pagpasok namin ay tumambad ang tila horror movie na mga papeles. Mariin akong napappikit at matamang hinubad ang suot ko na lab gown. "Kumain ka na? Iniinom mo ba vitamins mo?"
"Hindi pa ako nakain, Dad. Opo nainom ako vitamins ko." I shook my head again. "Hoy, walang meaning ito. Magtatago lang dito."
"This means a lot to me. Ginaganahan ako magpirma nitong mga ito."
"Gala ka ng gala sa ospital kaya ayan tambak na mga papels mo."
"I prefer walking than sitting around, signing these papers the whole day." Hindi siya kumibo at matama ko lang siyang pinagmasdan. "What do you want to eat?"
"You,"
"Me?"
"Ikaw na bahala kako. Libre mo naman kasi." I chuckled. Kinuha ko ang cellphone ko nag-order na ako ng pagkain via online application. "Nakakaloka siya talaga. Gusto ko na bumalik sa Rizal."
"Don't leave me here."
"Ayoko dito, may stalker."
"Is that me?" Umiling siya. Kumunot ang noo ko at unti-unti ay nakuha ko na ang gusto niyang sabihin. It was about the guy who gave her food. "You mean sinusundan ka niya pauwi?" Dahan-dahan siya tumango bilang tugon sa aking tanong. Kung gayon ay hindi siya safe sa apartment niya.
"Ang creepy ng pakiramdam ko sa bahay ngayon na para bang may naka-mansid sa akin sa loob ng aparment ko."
"Stay in my condo for today. Ipapa-check ko iyong apartment mo."
"Hala huwag na. Sinabi ko lang naman saka baka mamaya tamang hinala lang ako."
"I insist, Kriselle. Stay in my condo, and please don't make me jealous again because I am already into you. I'm into you, and I am concerned about you..."