CHAPTER NINETEEN: LIVE KISS

Kriselle

SWIPE LEFT.

Left.

Ayoko nito masyadong buff.

Blue eyes swipe right.

I slouched while browsing on the dating application I recently downloaded. Syempre kailangan ko i-flex ang bagong haircut ko courtesy of my friend, Autumn. Talented lahat ng kaibigan ko at iyong isa ay nag-a-apply pa na sa superhero. Saka sila rin ang nagsabi sa akin na mag-download ako nitong application ulit kahit dito ko nakilala si Diego.

So far, hindi pa naman ako na-i-scam. Marami lang ako na-encounter na manyakol at walang pakundangan mag-send ng anes nila. Kung pwedeng mag-ipon at gawing slide show iyong iba't-ibang variation ay ginawa ko na. Tingin ko rin kailangan ko magpatak ng holy water sa mata dahil masyadong na naging makasalanan para sa araw na 'to. May iba na pulos bagets at binabago lang edad nila na 'di ko naman pinapatos.

Ayoko ng bagets. Gusto ko iyong mas matanda sa akin kahit nakikini-kinita ko na ako iyong magiging pasaway niyang jowa. I don't want to be caged nor to relocate. Mahal ko ang Pilipinas at hinding-hindi ako aalis dito.

"Nakiki-wifi ka lang dito sa ospital, Kriselle. Bakit hindi ka na lang umuwi?" Hinayon ko ang tingin ko kay Hera ngunit agad din nabaling kay Lucille na lumapit sa akin para magpakalong.

"Hindi kaya. See? Bibili kami ni Lucille ng chocolates sa labas," sabi ko pagkakalong sa bata. Lucille giggled and pointed out the door. Ibig sabihin noon ay umalis na raw kaming dalawa. "ibabalik ko din anak mo mamaya Sean."

"Kapag iyan lumaking spoiled brat talaga..." nahinto sa pagsasalita si Sean.

"Mana malamang sa inyong dalawa." Pamimilosopo ko at muling nagpaalam na.

Pumayag naman si Sheena na bilhan ko ng chocolates si Lucille kaya sapat na iyon para umalis kaming dalawa. Nagshe-share sa iisang kwarto si Hera at Sean ngayon dahil masyadong marami iyong casualties ng aksidente kahapon. Isang dahilan kaya ako ang nagpapirma kaninang umaga at ma-witness ang pakikipaglandian ni Colby sa jowa niya. Kapag naalala ko iyong eksena kanina ay hindi ko maiwasang mainis.

Iyong bagong engineer ang pumalit sa akin pagka-pirma ko dahil utos ni Sean na mag-focus ako sa Rizal project. Mas malaki kasi iyon at dalawa pa kaya hilong talilong din ako kung minsan.

"Okay... what shall we buy pretty Lucille?" tanong ko sa kasama kong bata nang marating namin iyong convenience store sa malapit.

"I want Chuckie and a bread, Ninang."

Binuhat ko siya at pinakita iyong mga tinapay. "Choose which bread you want to buy. Isa lang para hindi sumakit si tummy mo."

"I want that one po," tinuro niya iyong cheese bread na apatan sa isang balot. "I'll eat only two, promise!"

"Okay sige. Promise iyan, ha? Baka kasi magalit si Mommy sa atin," tumawa si Lucille at hinalikan pa ang ilong ko bago nagpababa. Ang sweet talaga ng isang ito at binisita niya rin ako noong naka-home quarantine ako. Kinuha ko ang tinuro niyang tinapay pati na ang inumin. Kumuha din ako ng isang bote ng inumin at chips na ngangatain ko sa biyahe. "Let's go now Lucille," tawag ko sa inaanak ko pero hindi siya lumapit.

May pinupulot siyang mga nalaglag na tinapay at binalik iyon sa shelves. Parang hindi ito anak ni Sean. Masyadong mabait at mapagkawang-gawa.

"Done!" Tumakbo palapit sa akin si Lucille at kumapit sa kamay ko. Kumakanta-kanta pa siya habang naglalakad kami papunta sa counter.

"Kris!" Hinayon ko ang tingin sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makitang si Dr. Quervas iyon ngunit napalis nang masino ko naman iyong kasunod niya. "I thought you'll handle the project here again."

"Nagpadala ng bagong engineer si Sean. Balik Rizal na ako bukas," sabi ko.

"Hello, little miss! What's your name?" Baling ni Dr. Quervas kay Lucille.

"Lucile po." Nagtago si Lucille sa likod ko pagkasagot kay Dr. Quervas. Pinayuko niya at may binulong sa tainga ko. "He's creepy, Ninang."

"Who?" Tinuro ni Lucille ang tinutukoy niya at pareho kaming natawa ni Dr. Quervas. Hindi na ako nakapagsalita dahil kailangan ko na magbayad. Nilagay ko sa counter ang mga bibilhin saka binuhat na si Lucille.

"Kaninong anak?" tanong ni Dr. Quervas sa akin.

"Kay Sean," tugon ko at inabot na iyong inumin kay Lucille. "Sige una na kaming dalawa. Ibabalik ko pa ito sa magulang niya."

"Do you have free days, Kris?"

"Hmm, Sunday pero minsan pumapasok na rin ako."

"You have to have day offs. Kakalabas mo lang sa ospital tapos inaabuso mo na agad ang katawan." Ngumiti ako. "I'm serious, Engr. Bonifacio and I want you to free your Sunday. Let's go on a date."

HANGGANG SA MGA oras na ito iniisip ko pa rin iyong alok sa akin ni Dr. Quervas. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya o trip niya lang ako. Wala naman kasi kaming pagkakataon na magkasama at kilala ko lang siya bilang kaibigang doktor ni Colby. He even volunteered to drop me home again. Siya rin iyong naghatid sa akin kahapon pero nang malaman ko ang iyong tungkol sa aksidente, kahit naka-pajama ay sumugod ako sa ospital.

"This is just an experiment, Kriselle." Pag-amin ni Dr. Quervas na siyang pumukaw sa aking atensyon. Maang akong napatingin sa kanya at tama iyong una kong hinala na trip niya lang ako. "Pero bago ka magalit, hayaan mo muna akong magpaliwanag."

Hindi ko na tinuloy iyong balak ko na pagtalak sa kanya at hinayaan siyang isalaysay ang dahilan kaya naisip na ayain sa isang date.

"I want to pissed Colby. Napaka-torpe ng isang iyon kaya kailangan ko siya inisin sa pamamagitan nito. Hindi ko na nga mabilang sa kamay kung ilang beses niya ako pinukol ng masamang tingin ngayong araw."

"Adik ka ba, Doc? May jowa iyon kaya bakit ako pa ginamit mong pang-inis sa kanya?"

"Hindi lang halata pero in love na sayo ang lokong iyon."

In love? Si Colby? Sa akin?

Dapat ba ako magtatalon sa tuwa? Pero may girlfriend nga siya. Ang complicated naman kung ako gusto niya tapos nakikipag-date sa iba. Sabi siya nang sabi na huwag mag-settle sa mga lalaking mapaglaro, siya pala itong mahilig din sa laro.

"Imposible."

"It's not my story to tell, but I'm sure that he's into you. Kailangan lang siya inisin at kalapagin para kumilos."

"Seryoso ba iyan? Malapit na ako mainis sa inyo. Nambibigwas ako, Doc."

Tumawa si Dr. Quervas. "Easy!" Inirapan ko siya at binaling sa labas ang aking tingin.

"Ano'ng gagawin natin?"

"You'll pretend that you're enjoying our time together. Magseselos iyon malamang."

"Sure ka ba? Magkaibigan kaya kayo?"

"He's a kind of friend who strongly abide our bro code. Aalma iyon malamang. Hindi pa sa ngayon pero malapit na at sigurado ako doon."

"Ang imposible naman." Hindi ko talaga magawang mapaniwalaan itong naririnig ko. "Misleading ang mga galaw mula noon hanggang ngayon."

"So you knew him? Naaalala mo na?" Tumango ako bilang sagot. "Nako, marami kang dapat malaman pero siya na ang bahalang magsabi."

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang magsabi?"

"Basta kapag nagsabi na siya, makinig ka lang muna. Huwag ka kokontra para hindi kayo magtalo."

Tinandaan ko iyong bilin ni Dr. Quervas at hanggang pag-uwi ay iyong mga sinabi niya ang nasa isip ko. Hindi na nawaglit pa kahit piliin ko na itulog lahat. Ang hirap din pala pero pumayag ako sa set-up na gustong mangyari ni Dr. Quervas. Kaya naman sa susunod na linggo ay may date ako at kailangan ko problemahin ang aking susuotin!

SUNDAY CAME and here I am ransacking my closet. Wala akong mahanap na isusuot at dahil sa sobrang busy ko'y hindi ko nagawang bumili. Tiningnan ko iyong damit na sinuot ko noong inindian ako ni Diego. May bad memories pero iyon lang ang maayos ko na damit. Kinuha ko iyon at sinuot na saka inayos ko na ang aking sarili.

"Sa susunod, linggo-linggo dapat nag-she-shave ng binti at kili-kili, Kriselle." Natataranta na ako dahil mukhang ma-le-late ako sa date namin ni Dr. Quervas. Sinabi ko pa 'man din na huwag na niya ako sunduin dahil malapit lang naman sa apartment ko iyong Araneta Colosseum. "Kailangan na natin magmadali. Nako talaga, kapag sanay nang wala, ganito lagi ang eksena natin self!"

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at sinipat kung maayos ba aking make up at buhok. Good thing na maikli lamang buhok ko kaya madaling ayusin. Konting suklay tapos hair serum at vitamins para malagyan ko ng style ay ayos na. Mukha na ako ulit tao kahit minsan sa isang taon lang ako maging ganito.

"Let's do this kahit pagpapanggap lang para patunayan sa akin na gusto ako ng torpeng Colby na iyon."

Sinabi ko sa kanya na ako na manliligaw kaso ayaw niya. Ayan tuloy, kailangan pa gawin ito para lang kumilos siya.

Mas binilisan ko ang kilos nang makita ko iyong oras. Basta ko na lang tinalikuran ang ginulo ko na damitan at mamaya na lang aayusin pag-uwi. Kung makikita ito ni Mama, malamang napagalitan na ako. Pero nagmamadali kasi ako kaya sorry na lang muna.

Wala na akong lingon likod na ginawa pagka-lock ko sa pintuan at dali-dali akong lumakad papunta sa Araneta. Sa loob na kami magkikita ni Dr. Quervas at first time ko manonood ng live na basketball game. Binigay sa akin kahapon ni Dr. Quervas iyong ticket ko para hindi na daw kami maghihintayan pa. Wais at mukhang alam niya na ma-le-late ako. Soothsayer ba si Dr. Quervas?

Hay Kriselle, kailangan na magmadali!

Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating na ako sa red gate. Agad ko pina-scan sa guard ang ticket ko at tuloy-tuloy na pumasok. May nagbebenta naman ng snack sa loob kada time out at end ng quarter. Doon na lang siguro kami bibili.

"242... 243... 244 - Colby?"

KAPWA kami hindi makapaniwala ni Colby sa nangyari. It was a complete set-up courtesy by Dr. Quervas. Iyong ticket pala niya'y binigay kay Colby dahil may importante itong lakad. Late na nang mabasa ko iyong text niya na may halong pang-aasar pa.

"Are you disappointed that it was me, not Erian?" tanong ni Colby sa akin.

"Huh? Hindi ah! Ayos lang naman saka nagtext siya na importante iyong lakad niya."

"Is that the dress you were wearing when -"

"Huwag mo na ipaalala pa. Wala na kasi akong masuot na ibang damit."

"You still look beautiful even in your simplest clothes."

Hindi ko masyadong narinig at nagsimulang maghiyawan ang mga tao kahit naka-time out para sa first half ng laro. Nagulat na lang ako nang makita na sa aming dalawa ni Colby nakatutok ang camera.

"What does it mean?" Luminga-linga ako sa paligid at maging ang katabi namin sa amin din nakatingin.

"It means I have to kiss you,"

"Luh -"

Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko nang sapuin ni Colby ang aking pisngi at lumapat ang labi niya sa labi ko. Dalawang beses ako kumurap at tila laksa-laksang alaala ang bumalik sa aking isipan ng mga oras na ito. I'm felt the same feeling from the past when he kissed after saying my long list of complains. Dinig na dinig ko ang hiyawan ng lahat at hindi ko maiwasang mapalunok nang maalis ang nakalapat niyang labi sa akin. I unconsciously touched my chest and feel my heartbeat.

Bakit may ganito?

Hindi na ako tuloy nakapag-focus sa basketball. Iniisip ko pa rin iyong paghalik sa akin ni Colby at iyon lang natakbo sa utak, hindi na ang laro. Hanggang sa matapos ang game at makalabas kami ni Colby ay hindi pa rin ako nakibo. Wala ako sa sarili ko na napa-talungko na lang at niyakap ang aking tuhod.

"What are you doing?"

"Huwag mo ako kausapin!"

"Bakit ka nasagot?"

"Nagtatanong ka kaya!" Pag-angat ko nang tingin ay tumingala ako sa kanya at iyong paghalik pa rin niya sa akin ang bumalik sa isipan ko. "Go away, Doc."

"Stand up there. Ihahatid na kita sa inyo."

"I can go home alone." Kahit nakayuko ako ay kitang-kita ko ang mga sapatos niya kaya alam ko na nakatayo siya sa aking harapan.

"Stand up now, or I'll carry you to my car."

Doon ako napatayo agad. "Nasaan ang sasakyan mo?" Tinuro naman niya agad at inunahan ko na siyang lumakad palapit doon. Nakakainis naman! Nag-e-emote pa ako at masyado siyang pabida.

Kapatid ba siya ni Jollibee?

I was kissed by Colby in the crowd of thousands and in front of a live camera! Pwede bang utusan ko na bumuka ang lupa at magpalamon na lang ako?