CHAPTER EIGHTEEN | SHE'S EVERYWHERE

Colby

BAKIT KO BA SINABI IYON? Para akong nawala sa wisyo nang makita ko si Kriselle. She asked for my help too and then gave me a book. Natuon ang atensyon ko sa librong binigay niya. Brand new iyon at halatang kaka-deliver lang din.

Hindi na kasi inabala pa ni Kriselle ang sarili niya na alisin iyong waybill na may kumpletong address niya. Mukhang nataranta din siya. I can still clearly remember Kriselle's face a while ago. Bagay sa kanya ang bagong look niya. Kriselle looks divine in her short hair. May highlights iyon na kapag natatamaan ng araw o ilaw lumalabas. I must say that Kriselle looks younger now. She looks exactly the girl whom I secretly love eight years ago.

Binukas ko iyong package at tumambad iyong handwritten letter na nakasama sa libro. Kumunot ang noo ko at akto na sanang bubuksan ngunit naudlot nang biglang pumasok si Erian sa opisina ko.

"Col, why did you transfer a patient without notifying me first?" tanong niya sa akin.

"I have a meeting today. She's your patient back when we were still inside the facility," tugon ko at niligpit na iyong libro saka ipinasok sa drawer.

"Kailan mo pa inuna ang meeting kaysa sa pasyente?"

"Ngayon lang,"

"What's wrong with you exactly? Ang weird kahit noong nasa New York pa tayo. Kung sino-sino ang nilalapitan mo doon tapos ngayon ito namang pagpapasa ng pasyente ang gagawin mo.

Halos mabaliw na nga ako sa New York. Every turn of my head, Kriselle is there. She's everywhere I went and turned too. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang nangyari na para bang bawat makita ko o makasalamuha ay nagpapaalala sa kanya.

Lihim ko kiniling ang aking ulo. I forced myself to focus on what Lola Irene told me to do. Find a woman to marry and start my own family.

"Lola told me that I should find a woman I can marry and have a family with. Magagawa ko iyon kung wala akong trabaho kaya pinasa ko sayo para mapuntahan ko iyong mga blind date schedule niya."

"Blind date?!"

"You heard it right, Erian. May tinatapos lang ako na report at aalis na rin ako."

"Sigurado ka na hahayaan mo ako na hawakan siya? What if I court her? Okay lang din? Sabagay pupunta ka nga sa blind date kaya pwede ko na siyang ligawan." Hindi ako kumibo. Ni-hindi ko rin siya tiningnan sa kanyang mga mata. "I'll take that as yes then,"

Umalis si Erian pagkasabi noon at naiwan ako na hindi makapaniwala sa huling binitawan niyang salita.

Seryoso siya?

What the hell you're going to do fucker?

Napukaw ang atensyon ko dahil sa pagtunog ng aking cellphone. It's my blind date reminder set by Mercy. Siya ang supporter ni Lola sa pag-setup sa akin kung kani-kanino. Today I am going to date the only daughter of J Group - the largest pharmaceutical company in the country. Malaking asset kung tutuusin nila para sa ospital ngunit ayoko na idamay pa ang lugar na ito sa lahat ng date na papasukin ko.

Today that woman will meet the other version of myself - the one whose primary goal is to live in other people's dreams.

It's sucks, damn!

PIGIL NA PIGIL ako sa sarili na silipin ang aking cellphone na kanina tunog nang tunog. Whatever is happening now, I know it's something that I have to deal with inside my hospital's emergency room. Luminga ako sa paligid at sinuri ang mga taong aking natapunan ng tingin. Wala naman kasing TV sa restaurant na kinaroroonan ko at hinihintay ko na lang rin si Jestina na matapos kumain.

We had an awkward meeting but the next couple of hours, I managed to jive her energy. Hindi si Jestina ang ang klase ng babae na madali pakisamahan. Iba ang vibe niya. Sa unang tingin ay nakaka-intimidate siya pero nang makausap ko na, unti-unti na akong nakasabay sa trip niya.

"The citizen needs their Superman, I guess?" sambit ni Jestina sa akin.

"I think there's an accident that happened somewhere." Tumango-tango si Jestina saka ngumiti. "I enjoyed having a meal with you and your stories, too, Jes."

"Really?" Gulat na sambit ni Jestina sa akin. "But we both like someone else. Just tell it straight to Chairman's face that you like this girl who played a big role in your life."

"I cannot hurt my Lola Irene,"

"She'll understand it, believe me. Ang gusto lang naman niya ay mag-asawa ka. That's it! Marry the girl then introduced her to Chairman."

"Are you suggesting bypassing my grandmother?"

"I'm suggesting that you shouldn't live in other people's dreams. My Lincoln is always saying that to me." Ngumiti at muling napabaling ang aking tingin sa cellphone. "Go now, Superman. Invite me to your wedding soon."

"I probably will. Thank you, Jes." Tumayo ako at hinalikan siya sa kanyang pisngi bago umalis.

Habang naglalakad, binasa ko ang mga messages na pumasok at nakita ko na iyong aksidente ay nangyari mismo sa ospital. Isang outside platform ang bumagsak na malapit sa improvise office ng OCG. Bigla ko naalala si Kriselle. I immediately called her number but she didn't answer my call. Naka-ilang tawag ako pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Damn Kriselle, where are you?

Dali-dali ko kinuha ang susi sa valet attendant saka sumakay na sa sasakyan ko. Halos paliparin ko na iyon pabalik sa ospital.

"What's the situation there, Dr. Flores?" tanong ko matapos ma-contact ang assitant doctor ng emergency room. Siya lang available na natawagan ko sa ilang pagsubok ko na tawagan si Erian at iyong iba pang mga doktor. "Make sure that every patient will be attended. Have you checked - no nevermind. Papunta na ako diyan."

Hindi puwede na naka-focus ako sa isang pasyente lang. Kinabahan 'man ay kailangan ko pa rin gawin ang aking trabaho. Hiniling ko na walang masamang nangyari kay Kriselle. Kaya naman mas binilisan ko ang pagpapatakbo ng aking sasakyan hanggang sa makarating na ako sa ospital. I immediately parked my car inside the basement parking lot.

Halos takbuhin ko na ang elevator at hindi na nga inayos ang pagkaka-park. Inalis ko ang suot na coat pati na ang vest saka tinupi ang manggas hanggang sa aking siko.

"Dr. Levezque -"

"I know. Set a meeting with the platform provider including the contruction companies and the safety officer after I attended the patients." Inabot ko kay Doria ang hinubad ko na coat at vest saka kinuha ang aking lab gown. Hindi ko na siya nahintay na magsalita ulit dahil tumakbo na ako papuntang emergency room.

Mananagot sa akin ang nagpabaya kaya nangyari ang aksidente na 'to. Iniisip ko palang ang komento ng mga directors, lalo akong naiinis.

Damn everything and especially them!

MATAMA ko inalis ang suot na surgical masks at bouffant cap nang makalabas ako sa operating room. Nasalubong ko si Erian na kalalabas lang din sa kabilang operating room.

"How's your date?" tanong niya sa akin.

"With the patients? Quite well and challenging."

Tumawa si Erian matapos marinig ang sagot ko. "You ditch your date again and go back here?"

"She allowed me. Superman needs to save the world."

"Humanda ka na naman kay Madam niyan,"

Hindi iyon ang focus ko ngayon. Maayos na ulit sa emergency room at lahat ay nagamot na.

"Do you have the list of casualties?"

"You're looking for Engr. Bonifacio?" Hindi ako kumibo. "I already dropped her off before the accident occurred. Only Engr. Ortega and Engr. Leviste got hurt. And there she is!"

Hinayon ko ang tingin ko sa babaeng humahangos papasok ng emergency room. Sa pagkaka-alam ko ay hindi pa nalilipat ang dalawang kasama niyang engineer na nasa emergency room pa. Medyo nakahinga ako nang malalim nang makita siya dahil buong oras ko sa operasyon ay siya ang aking iniisip. Kahit kanina sa blind date ko, si Kriselle pa rin ang laman ng isipan ko na madaling napansin ni Jestina.

"I'll be in my office." Mahina kong sabi saka lumakad na papunta sa aking opisina.

Bukas pa mangyayari ang meeting at maya-maya na ako uuwi kapag nakapagpalipas na ako ng pagod. Masyadong critical iyong na-operahan ko kaya damang-dama ko ang pagod.

Pagpasok ko sa opisina, agad akong naupo at iidlip na sana ngunit nakatanggap ako ng tawag mula kay Jestina.

"Hello, Superman! How's your night?"

"Cruel and tiring."

"Aww. Hahatiran kita ng almusal bukas. Don't worry; I know how to cook. I'll meet you at the hospital lobby."

"Okay, but for what?"

"Hmm, gusto lang kita i-treat saka magkaibigan naman tayo 'di ba?"

"Do you mean to ask something in return?" Jestina groaned in the other line. Mukhang tama ako at may kailangan talaga siya sa akin. "What is it? Maybe I can resolve it and help you out."

"Lincoln is in the hospital right now. He's one of the engineer who got hurt a while ago. Gusto ko siyang bisitahin at kailangan ko ng tulong mo."

Nalaman ko kay Jestina na may sumusunod sa kanya para magbigay ng report sa kanyang tatay. Kaya naman kailangan naming umarteng nagkakamabutihan ngunit sa likod ay tinutulungan ko sila ni Lincoln. Napasandal ako sa silyang kinauupuan ko.

"Okay fine. I want pancakes, slices of bacon, and coffee."

"Copy that, Doc. Thank you so much!"

THE MORNING CAME, and I met Jestina in the lobby. Dalawang oras lang tulog ko at kailangan ko na talaga ng kape. Luckily Jestina prepared breakfast for me. It shocked me because it's a lot, and I have to share some with the nurses.

"Dine-date po kayo ni Doc?" tanong ni Nurse Angela kay Jestina.

Jestina looked at me like she was going to eat me. "You can say that. He's a nice guy. Gentleman pa." I was about to eat but halted when someone put a bunch of folders in front of me.

"I'm sorry to interrupt your breakfast, Dr. Levezque, but I need you to sign this so we can proceed to work," Kriselle said to me.

Binati siya ng mga nurse na kasama namin ni Jestina saka inalok na kumain.

"Woah! Is there a feast? These look yummy, Jes!" Exxagerated na sabi ni Erian nang sumingit siya at naupo katabi ni Nurse Angela. "Do you want some, Kris? You haven't eaten yet. I thought another engineer would come to replace Engr. Ortega today."

"Colby requested that to me. Hobby ko magluto kaya ginawa ko na siya ng breakfast." Damn! Jestina is a good actress. Kailangan ko siya sabayan para umalis na iyong nakamansid sa amin.

"No one but only me is available right now. This is temporary. I got transferred to our site in Rizal."

"Are you trying to get sick again?" Bigla kong tanong saka hinayon ang tingin ko kay Kriselle. Binuklat ko ang mga folder at isa-isa iyong pinirmahan bago binalik kay Kriselle. "Don't get sick and stay away from those platforms."

Nagpatuloy ako pagkain pagkatapos iyon. But halted again when I received a text message from Jestina.

From: Jestina Javier

Siya ba iyon? She's pretty but too basic.

From: Jestina Javier

Do not be too obvious. Hold my hand. Let's see how she will react.

Ginawa ko inutos ni Jestina at padabog na umalis si Kriselle bitbit ang mga pinirmahan ko. Tumayo si Erian at mabilis siya sinundan. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jestina sa aking tabi.

"Selosa pala siya," bulong niya sa akin

"Let's not do that again."

"Then court her. Baka maunahan ka ni Erian."

"We have boys code. What is mine; is mine alone. I don't mean to share with what's mine."

"Quite possessive, huh?" I sheepishly smiled at her. "Grant my favor now, Dr. Levezque."

"Fine. Let's go now."

Nagpaalam kami kay Nurse Angela at tinawag iyong ibang nurse na kumain din. Binitbit lang ni Jestina iyong isang bag na naglalaman ng para kay Lincoln. Giniya ko siya palabas ng cafeteria saka magkasabay kaming lumakad papunta na sa sa aking opisina. Mula doon ay pumasok kami sa isang fire exit na tanging doctor at hospital staff lang ang nakakapasok. Dead na para sa sumusunod sa amin.

"Thank you, Col!" Niyakap ako ni Jestina nang makapasok sa kwarto ni Lincoln. "Get your girl now."

Tinanguan ko si Lincoln at muling binalingan si Jestina.

"Yes, I will."