CHAPTER SEVENTEEN | TRYING MOMENTS
Kriselle
MAHIGPIT akong napakapit sa upuang kinauupuan ko nang akmang ididikit na ni Autumn iyong gunting sa aking buhok. Mariin din ako pumikit kaya umani lang ako ng pambabatok mula sa kanya.
"Aray naman! Kagagaling ko lang sa sakit tapos namimisikal ka na." Inis akong umayos ng upo saka huminga nang malalim. Narinig ko ang pagtawa nina Hera at Beauty na nanonood lang sa amin ni Autumn.
Binisita nila ako matapos ko lumabas sa ospital at sinamahan dito sa apartment ko. Sasamahan daw nila akong mag home-quarantine at talagang nag-request pa sila ng leave sa trabaho para lang samahan ako. It's strange especially to Hera. Siya kasi ang kapalit ko sa PET/CT scan room project sa ospital pero sinabi niyang si Sean na ang may hawak hanggang sa matapos iyon.
"Ang OA mo kasi. Konting bawas na lang gawin natin tapos lagyan ng treatment para mawala yung dryness," wika ni Autumn sa akin.
"Eh kasi parang ayoko i-let go ng buhok ko. Saka sigurado ba kayo na sasamahan niyo ako dito sa loob ng bahay."
Doon lumapit sa amin si Hera at Beauty. Nakigulo sila sa aming dalawa at pinakita sa akin ang mga inspiration na maaaring pamarisan ng maikling buhok na pinlano ko kaso bigla naman akong natakot. Masyadong maraming memories iyong buhok ko.
"Kung 'di mo i-le-let go, magiging stagnant ka lang sa nakaraan. Hihinto ka na sa pag-grow." Makahulugang sambit ni Beauty sa akin. "Narito kami kasi muntik mo na kaming iwang tatlo. Grabe ka manakot literal kaming napadasal tatlo para lang huwag ka muna sumama kay Tita."
Matindi nga iyong pinagdaanan ko at hindi ko sukat akalain na makaka-survive ako. Akala ko din talaga ay sasama na ako kay Mama. We were together in my dream. Iyon na lang at ang bilin niya na hindi ko nagagawa ang naalala ko ngayon. Iyong iba ay malabo na at hindi ko sigurado kung nangyari ba talaga.
Ayoko naman kasi panghawakan iyon lalo na 'yung may kinalaman kay Dr. Levezque. I saw him praying while holding my hand. Kaya nga tinanong ko si Colby kung hinawakan ba niya ang kamay ko lagi pero tumanggi ang loko. Idagdag pa iyong sagot niya na pinili ko na huwag pakinggan kasi alam ko na masasaktan ako bandang huli. In love siya sa iba at kung sino 'man iyong Angel na tinutukoy niya, ang swerte ng babaeng iyon!
I'm keeping the page I torn from his book. Sa sobrang tindi ng frustration ko, may nasulat ako sa libro na hindi ko na mabawi kaya pinilas ko na lang. Hindi pa niya napapansin kaya wala pa akong natatanggap na pagbabanta. Ang importante kasi sa kanya ng libro na iyon tapos pinilasan ko lang. Hindi bale, ibibili ko na lang siya kahit nang mag-check ako online ay sobrang mahal. Itataya ko iyong hazard pay na matatanggap ko mula sa OCG para sa librong iyon.
"Check your account, girl. Nagsend na ng ayuda si Papa Sean," ani Hera sa akin.
"Ay weh? Ang bilis naman yata ng processing ngayon." Hindi ako makapaniwala. Kailangan ko pala maging kritikal para bumilis ang processing nila. Isa lang ang ibig sabihin nito, kailangan ko na bilhin iyong libro. "Go na, Autumn. I-chop mo na ang buhok ko." Inabot ko iyong laptop ko pagkasabi noon saka pinuntahan iyong website kung saan ko nakita ang libro.
The book will be my last gift to him. Tapos itutuloy-tuloy ko na ang pag-move forward. I have to take this seriously, even if I'm still in the midst of trying moments.
"Ano'ng bibilhin?" tanong sa akin ni Beauty.
"Itong libro. May pagbibigyan ako kasi binaboy ko iyong copy niya niyan."
"The Doctor again?" Si Hera na higit na kaka-alam ng lahat. Sinabi ko sa kanya lahat pati na iyong karupukan ko nitong nagdaan na fourteen days sa ospital. "Sean saved you already. Bakit pa mag-e-effort ka sa taong ayaw naman sayo, Kriselle?"
"Kasi nga sinira ko iyong libro niya kaya papalitan ko,"
"Deserved niya iyon."
"Wala namang ginawang masama sa akin iyong tao."
"Siya kaya ang may kasalanan kaya nasa na-quarantine ka."
"Ako may sala 'non. Ako iyong pasaway na nagkamali ng floor na pinasok at nadamay siya dahil sa akin. Biruin niyo eight years ago, nagkita na kami at siya iyong lalaking humalik sa akin noon. The one that I saved,"
"Siya iyon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Hera.
Maging si Beauty at Autumn ay hindi makapaniwala sa rebelasyon ko. Napa-kwento tuloy ako nang wala sa oras. Isang dahilan kaya hindi ko na namalayang tapos na pala si Autumn na i-chop ang buhok. Nakuha niya ang desire length ko pati na style. Nilagyan niya rin ng bangs na naka-layer para hindi ako magmukhang si Dora the Explorer.
Pagkatapos ako gupitan, nagligpit na kami para sa pictorial. Kailangan ko raw magpalit ng profile para malaman ng mundo na maganda ako at single. Desidido din silang tatlo na hanapan ako ng jowa. Sinunod ko lang sila hanggang sa ma-satisfied at magdesisyon kung ano ang gagamitin na agad ko namang pinalit sa luma kong profile picture.
Segundo palang lumipas pagka-upload ko ay marami na agad nag-like at comments. Ngunit isa lang sa mga liker ang nakakuha ng aking atensyon. It was him!
Dr. Colby Levezque liked my profile picture!
Sa sobrang excitement ko ay agad ko na-click ang profile niya. Sinabi sa akin ni Dr. Quervas na nasa New York sila para sa isang conference. Kung hindi ako nagkakamali ay madaling araw ngayon sa New York kaya kataka-taka na gising pa ang doktor. Nag-refresh ako nang manawa na ako kakatingin sa mga magagandang views na pulos post ni Dr. Levezque. Pagtingin ko sa likes ay wala na ang pangalan niya pero nanatili ang angry emoji react niya sa dalawang comments.
What's with him?
"Huy, tama na muna ang cellphone. Nood na tayo," sita sa akin ni Hera. Tumingin ako sa kanila at kanya-kanya na sila ng pwesto sa harap ng TV. Dali-dali ko pinuntahan ang profile ni Colby at pinindot ko iyong message button saka tumipa ng mensahe para sa kanya. Pagkatapos ay binalikan ko na ang mga kaibigan. Pilit ko pinigilan ang sarili ko na tingnan kung may reply ba siya.
Enough with him, Kriselle! Focus on what's important: being healthy and looking for a serious relationship.
ANG BUONG akala ko ay nakalimutan na ni Diego iyong scandal na iniwan niya sa cellphone ko. Wala 'man lang awa ang isang ito at parang sinadya na i-corner ako dito sa ospital. May physical examination ako ngayon at isang linggo na lumipas mula nang lumabas ako sa ospital. Malaya na ako lumabas pero hindi tulad noon, mas nag-iingat na ako ngayon. Kaso lapitin pa rin talaga ako ng germs.
Isang malaking germs na kahit alcohol ay hindi tatalab.
"Wala na sa akin iyong mga pictures. Na-delete na ng ano... ng boyfriend ko!" Sinubukan ko itago ang ekspresyon na bumalatay sa mukha nang sabihin ko na may boyfriend ako.
"Huwag na tayo mag-lokohan, Kris. I know what you did, and you don't have a boyfriend."
I scoffed. "Paano mo namang nasabi? Kapag ikaw, okay lang na mag-girlfriend at makipag-sex sa iba. Kapag ako hindi?"
"Come on, Kris! Stop fooling me and hand me your camera." Iniwas ko sa kanya ang DLSR ko para hindi niya makuha. Hindi talaga siya naniniwala na may boyfriend na ako. Luminga-linga ako paligid hanggang sa dumapo kay Colby ang tingin ko. Naglalakad na siya palapit sa akin.
Asa naman, Kriselle! Nasa entrance ka kaya, malamang dito talaga ang punta niya.
Hindi ko maiwasang matulala sandali dahil ang gwapo niya tingnan sa suot niyang three piece gray suit. Nakapamulsa ang isang kamay niya at cool na cool pati na ang paglakad niya. Nakasuklay pataas ang kanyang buhok na kapansin-pansin ang kulay.
Kailan ba kami huling nagkita? Ano ba iyan! Affected pa rin ako kahit sobrang tagal na noong huli kami nagkita. Kung hindi lang kailangan itong physical exam, 'di naman ako babalik sa ospital kaso ang kulit ni Sean at ipapa-ban pa ako sa OCG kapag walang approval ng doktor na pwede na ako magtrabaho. Binantaan din ako ni Colby na kailangan ko bumalik kasi hindi daw ako makakapasok sa trabaho dito kahit 'di naman na ako naka-destino sa St. Jude.
"H-he's here!" Deklara ko saka lumakad pasalubong kay Colby. Hindi na ako nagpa-tumpik-tumpik pa at hinarang ko siya. "Help me," pakiusap ko kay Colby nang magkalapit na kaming dalawa. Pinaglapat ko pa ang dalawang kamay na para bang nagdadasal ako na nawa'y dinggin niya.
"You're here for your physical exam, right?" tanong niya sa akin. Wala ng Hi o Hello dahil inumpisahan ko na manghingi ng tulong sa kanya.
"See? Mukhang hindi mo naman siya boyfriend, Kriselle. Tama na ang pag-arte at ibigay mo na sa akin ang camera mo. Kokopyahin ko lang naman iyong pictures. I'm not interested to you anymore. You cannot satisfy my needs and you have to learn that to be able to get a boyfriend." Dahan-dahan ko binaba ang kamay ko. Hindi 'man lang siya nagdahan-dahan sa pagsasalita. Ang kapal ng mukha niya na sabihin sa akin iyon at parang pinatotohanan niyang iyon lang talaga ang habol niya sa akin simula't sapul.
Marahas akong humarap sa kanya at aktong lalapitan na siya para sampalin ngunit pinigilan ako ni Colby.
"Let me deal with him," bulong niya sa akin saka lumakad siya palapit kay Diego at pinatid ito dahilan para mapaupo ito sa sahig.
"W-what are you doing?" taking tanong ni Diego.
"I'm sorry. Paharang-harang ka kasi sa daan kaya natisod kita." Pinaglapat ko ang aking mga labi. Pigil na pigil ang tawa ko kapag naalala kung paano napa-upo si Diego. Kitang-kita ko kung paano siya tinulungan ni Colby tumayo ngunit hindi pinakawalan ang kamay ni Diego. "Next time, treat women right, not as a toy. You'll never know when they will take a revenge from your bad deeds."
Colby gives me a signal to come near them and slap Diego in his face.
"W-what –" Hindi na naituloy ni Diego ang sasabihin dahil nasampal at natuhod ko na siya. Doon siya binitiwan ni Colby at kinuha ang kamay ko para sabay kaming pumasok sa ospital. "Hey!" Narinig naming sigaw ni Diego pero hindi namin siya pinansin.
"Don't let that lunatic come in." Narinig ko na bilin ni Colby sa guard. Hindi ko maiwasang mapatingin sa magkahugpong kamay namin dalawa ni Colby habang naglalakad. Mukhang hindi pa niya napapansin na magkahawak kamay kaming dalawa na nakaka-agaw sa atensyon ng iba. Ako na ang huminto sa paglakad na siyang pumigil din kay Colby at dahan-dahan na binawi ang kamay ko sa kanya. "I'm sorry," he said when he faced me.
Nasa gitna kami ng ospital at dumadaan sa gilid naming dalawa ang mga taong papasok saka palabas nitong ospital. Parang kailan lang noong mangyari iyong pagbigwas ko sa kanya ang pagpapahabol niya sa akin. Hindi ko na rin halos namalayan na higit dalawang linggo na pala ang lumipas simula ng makalabas kaming dalawa sa quarantine facility. Kahit alam ko na walang pag-asa ay ganito pa rin ang tibok ng aking puso.
"T-thank you," pilit akong ngumiti sa kanya. Dahan-dahan akong napayuko at napansin ko iyong hawak ko na libro. Mabilis ang delivery ng order ko at sumakto pa sa araw ng pagbabalik ko sa ospital.
"Don't let his words get into you, Kriselle." Agad akong nag-angat ng tingin at hinayon iyon sa kanya. "You're more than whatever he thinks you are. Hindi ka laruan o miski na sinong babae pa iyan at lalo hindi mo deserve ang gano'ng mga lalaki."
"I know my worth, thanks to you." Inumang ko sa kanya ang libro na binili ko. "Kapalit pala ito ng libro na sinira ko. Narito din ako para sa physical exam ko. Excited na akong mag-trabaho ulit kaso may senior engineer ako na makulit at doktor na gusto munang maging fit ako."
"Dr. Quervas will check you today." Tumango-tango ako. Pilit ko inabot sa kanya ang libro na malaon ay tinanggap rin naman siya. "Engr. Bonifacio!" Tawag na muling nagpalingon sa akin. Naroon pa rin si Colby, nakatayo kung saan ko siya iniwan. "Don't get sick anymore, please?"
"Okay! See you around, Doc!" Iyon lang ang una na akong lumakad papunta sa clinic-office ni Dr. Quervas.
Sabi nang huwag aasa, Kriselle! Ayan doble pa ang sakit ngayon. Kailan ka ba matututo at saka ang misleading naman ng treatment niya!