Chapter 16: CHAPTER SIXTEEN | GETTING BETTER
Colby
NANG MARINIG KO ang pag-uusap ni Kriselle at ng tatay niya, ako ang nasaktan para sa kanya. Sinubukan niya kausapin ang tatay niya kahit aware siya na magiging masakit iyon. I was there when she chose to end the call. I was also there when her father paid her a visit. Hanggang pagtanaw lang dahil nasa kritikal na estado si Kriselle noon at kailangan naka-PPE ang lahat ng papasok sa parte na ito ng ospital miski na sa hallway.
May pakialam naman siya sa kanyang anak kaso hindi ko rin masisi si Kriselle dahil pakiramdam niya'y napabayaan talaga sila noon. I knew it because she kept on telling me about her family back then. Kahit hindi ko siya tanungin ay magsasalita siya kaya naninibago kapag nakikita ko na umiiyak si Kriselle. I known her for being a strong woman. Iyong huling beses na nagkita kami'y namomoblema pa siya sa thesis niya noon, sa hospital bill at sa hindi pagkakaroon ng boyfriend.
She's bubbly and always has a positive note in life. But even the happiest person in the world breakdown and cries.
Matapos ko siya i-comfort ay umalis na rin ako at pansamantala siyang iniwan muna. Kriselle needs some time off alone. Kahit may parte sa puso ko na nagsasabi na huwag ko siya iwan dahil baka kung mapano siya. Hindi pa siya lubos na magaling at inooserbahan ko pa siya kahit na nabigyan na ng vaccine. Tahimik lang ngayon dito sa facility gaya noong mga araw na nasa kritikal na estado siya.
Nakaka-miss din pala ang naging realization ko simula noong takutin ako ni Kriselle.
Akala ko talaga iiwan na niya ako. Akala ko walang talab ang dasal ko at siya lang bukod tanging nagpabalik ng tiwala ko sa Diyos. Hanggang sa kritikal niyang kondisyon, tinuruan niya akong kumapit sa sentro at nagbigay nitong ikalawang buhay na tinatamasa ko ngayon. Ngunit may takot pa rin na baka mali ako. Na baka hindi pala siya at nadadala lamang ako ng panandaliang pakiramdam.
Ano nga ba ang totoo?
Gusto ko na ba o simpleng infatuation lang ito na mabilis din mawala?
I sashayed my eyes on Kriselle. Though she's already calm down, I know she's still hurting. Kung pwede ko lang siya hatian ngayon ay ginawa ko na kaso ayoko siyang paasahin tapos hindi pa pala ako sigurado. I have to gather myself altogether and decide before this quarantine days ends.
I still have three days left to decide. Tingin ko sapat na iyon para malaman kung ano ba talaga ang aking gusto.
***
THREE DAYS HAVE PASSED ALREADY. Both Kriselle and the other patient continue to get better. We've already reached the final day of our quarantine days. Nilabas na si Kriselle at iyong isang pasyente sa severe cases room. Tatlo na kami ngayon dito sa facility at may iba ng kausap si Kriselle bukod sa akin. Mabait naman si Mr. Perez at inamin niyang hindi siya naniwala na may virus kaya napabayaan niya ang sarili.
"May anak akong lalaki, single iyon at kagwapuhan din naman. Mana sa akin iyon, Engr." Kwento ni Mr. Perez kay Kriselle.
"Talaga po?" Kitang-kita ko ang pagliwanag ng mukha niya dahil lang sa narinig. "Gusto ko siya makilala kaso may gusto na akong iba. Hate ko siya dati kasi pinaghabol niya ako nang pinaghabol."
"Bakit doon pa, Engr? Know your worth, sabi nga nila."
"Mahirap po labanan ang tinadhana. Naniniwala po kasi ako doon,"
Does she remember me finally? Baka naman nang-go-good time lang dahil alam niyang nakikinig ako. Why am I being so curious? Paano ko ba sila hindi maririnig dalawa?
Parang 'di sila naging kritikal dalawa kung makapagkwentuhan. Nagpasak na lang ako ng earphone sa tainga ko para hindi sila marinig at makapag-focus na ako sa research ko. May presentation ako agad paglabas ko rito kaya kailangan ko maghanda. I have to make my fellow doktor proud of the latest achievements of our hospital. Kailangan mag-uwi ng mga investors para magtuloy-tuloy ang research dito.
Its a never ending studying and learning. Ginusto ko naman ito at pinili ko kaysa isipin iyong isa ko pang problema. Hindi naman siya malaking problema talaga kailangan ko lang magdesisyon kung susundin ko ba ang puso ko o ang isip.
"Paano kung iyong tinadhana ay maling tao?"
"Wala namang mali at tamang pag-ibig. Love is a choice. Hindi porke't nasaktan ay mali na. I believe its a lesson learn rather than a wrong love. May natutunan ako sa umalis at kapag may bagong dumating alam ko na ang gagawin. May nakapagsabi sa akin na hindi porke't natapos ay mali na nang-iwan. We have to re-examine and love ourselves first before anyone else."
At least may natutunan siya sa akin. Hay, Colby, you need to focus and stop eavesdropping.
****
BANDANG TANGHALI nang pumasok si Erian para kunin si Mr. Perez na sasailalim sa iba pang test. He also examined Kriselle before finally leaving. Kaming dalawa na lang ulit dito sa facility at patuloy pa rin ako sa pag-aaral.
"Kanina ka pa nag-aaral, Doc." Pukaw ni Kriselle sa akin.
"I have to. May presentation ako after this quarantine."
"Aalis ka?"
"With that, I have to return this to you now." Kinuha ko iyong kwintas na binilin niya sa akin bago siya naging kritikal. Inabot ko iyon sa kanya at tumingin diretso sa mga mata niya. "I'm so glad that you're getting better now, Kriselle. Thank you for cooperating with me. It has been a tough journey for both of us."
"You returned -"
"I have my answer now, and that is -"
"I don't want to hear it. Okay lang kahit hindi ka na sumagot. Gusto pa rin kita pero eventually mawawala din ito. Just let me like you even if the feelings aren't mutual."
Agad siya tumayo at bumalik sa kanyang kama. Nakatulala lang akong sinundan siya nang tingin. What just happened? Kriselle doesn't want to hear my answer even if its for her own good. Tama ba ang kalkula ko o mali na naman?
***
MATAMA ko inalis ang salamin ko saka hinilot ang aking sentido. Sakto namang naglapag ng isang tasa ng kape si Erian sa harap at mukhang napansin niya na kailangan ko nga iyon.
"Bakit biglaan mo tinanggap itong research conference na 'to? Hindi 'man lang muna nagpahinga sa bahay niyo at sumabak na agad sa trabaho."
We're now heading to New York City for the research conference that will be held there. Isa ang St. Jude Thaddeus Medical Center sa mga research finalist at ako bilang director ang representative ng ospital. Sinama ko si Erian dahil kailangan ko siya at pareho naman naming pinaghandaan itong i-pe-present namin.
"Kahit naman nasa loob ako ng facility ay nagta-trabaho pa rin ako. Saka maganda naman ang resulta ng physical examination ko bago magdesisyon na umalis."
"Iyon lang ba o may iba pang dahilan? We're supposed to attend the research conference in Hawaii, not in New York."
"It's better to attend both. Kahit ako na lang magpunta sa Hawaii at ikaw na umasikaso ng PET/CT scan room project."
"Sabi ko na may dahilan!"
Hindi ko siya pinansin at nagpatay malisya lang ako. Kunwari hindi ko alam ang pinagsasabi niya kahit alam ko namang tutugma ang naisip niya sa totoong dahilan ko. I want to re-think and I think this conference will help me to assess my feelings well. Hindi dahil sa naniniwala ako sa palasak na kasabihang, absence makes the heart grow fonder. Kailangan ko din talaga isipin ng isang milyong beses kung tama ba ang ginawa ko.
I rejected her indirectly because she didn't let me finish talking before I could do it. I met a real one-of-a-kind woman eight years ago and crossed paths with her days ago.
"Walang ibang dahilan kung 'di trabaho din." Pagsasapinal ko ngunit hindi pa rin ako tinantanan ni Erian.
"Is this about Engr. Bonifacio? Iniiwasan mo siya kaya ipapasa mo sa akin bigla ang pamamahala sa project na ikaw ang nakaisip."
"Think whatever you want to think, Erian. Leave me alone now. Doon ka muna sa kabilang upuan."
Sampung oras pa bago mag-landing ang eroplano sa destinasyon namin ni Erian at parang ngayon palang ay nagsisi na ako na sinama ko siya dito. I want a peaceful trip yet I couldn't achieve that because of an annoying friend.
"What's wrong with Engr. Bonifacio? She's your first love. Kaso hindi ko alam kung papasa ba siya sa taste ni Madam. Gusto kasi noon ay naiyayabang niya sa mga colleague niya. Simpleng babae masyado si Engr. Bonifacio."
"She's a business tycoon's daughter." Ayon sa research ko, mayaman ang tatay ni Kriselle pero dahil hindi Mercado ang gamit niya, pansin na agad na may hidwaan silang mag-ama.
"Parang hindi naman. Basta sobrang simple niya at kilala kita, iyon ang mga tipo mong babae."
"Manahimik ka na nga pwede ba?"
"Nako baka kakaiwas mo ay maunahan ka ng iba. Ikaw rin at nasa huli ang pagsisi, Colby. You developed friendship with her within your fourteen days quarantine. Kita ko kung paano ka nag-alala sa kanya at kung paano mo siya binantayan."
"Leave me alone, Erian."
"Sa kakaiwas mo sa katotohanan, lalo ka lang masasaktan. Nasa tabi mo na hinayaan mo pa makakawala. Think, Colby. Think."
Nanatili akong tahimik at matamang pinroseso ang mga sinabi ni Erian sa akin. May mga laman iyon na patungkol sa totoong damdamin ko para kay Kriselle. Dagdag confusion lang ang lahat at imbis na makatulong ay lalo lamang ko naguluhan.
Mas mainam pa yata ba matulog na lang ako.
***
MADALING ARAW sa New York City nang dumating kami ni Erian. Dumiretso kami agad sa hotel namin para makapahinga nang maayos ngunit nahirapan ako makatulog gaya kanina sa eroplano. Kahit nakapag-half bath na ako at kung ano-anong ritwal ang nagawa ay wala pa rin. Naisip ko na mag-log in sa social media accounts ko na matagal ko rin hindi nabisita. I liked all the photos of my friends including the recent upload of Erian.
May isang nag-comment na naka-agaw ng pansin ko. Iyon ay walang iba kung 'di si Kriselle. Agad ko binisita ang profile niya at sinilip ang update meron siya. Iyong pinaka-recent ay ang bago niyang haircut na ginupit ng kanyang kaibigan. We advise her to rest at home for a while and she'll undergo another physical examination before I can sign her fit to work certificate. Nag-critical siya kaya kahit ayaw niya ay napilitan pa rin gawin ang bilin namin ni Erian.
And that was the last time we talked.
Napaisip ako. Ilang araw na rin pala iyon at ngayon ko lang din nakita ang mukha niya. Wala na iyong panlalalim sa kanyang mga mata at hindi na rin maputla ang kanyang kulay.
Binisita ko ang comment section sa profile picture at napansin ko na pulos lalaki ang nag-comment doon. Bilang ko sa kamay ang babae pati na sa reactor. Naligaw din sa comment section si Erian na may pahaging pa na alam kong tungkol sa akin. It's because of the caption she wrote on top of her picture post.
Begin again.
I hit the heart emoji and the angry emoji to those comments from other men. What I'm doing is misleading, so I took back the heart emoji but not the angry emojis before closing my account. Hindi ko siya pwede i-lead tapos 'di ko naman magagawang panindigan sa huli.
Pinili ko na i-on iyong meditating app ko sa cellphone para matulungan akong makatulog kaso hindi pa 'man nag-uumpisa ay na-distract na ako ng isang chat mula kay Kriselle.
Kriselle Bonifacio: Huwag mo ila-like tapos babawiin mo lang rin. Panira ka sa pag-mo-move-on, Doc.
Kriselle Bonifacio: Matulog ka na lang or magbasa. PS: Don't open your and read the last page. Ciao!
Bumangon ako at tiningnang mabuti ang ang chat niya sa akin. Iyong book ba na tinutukoy niya ay iyong pinaglagyan niya ng mga drawings?
Dahil sa curiosity, tuluyan ako bumangon at kinuha ang luggage ko. Dinala ko iyong libro na iyon dahil hindi ko pa natatapos basahin. Agad ko binuklat ang pinaka-huling bahagi at gano'n na lang gulat ko nang makita na may pilas iyon.
"Galit ba siya sa akin? It wasn't a rejection if only she let me finish first."
Masusi kong binusisi iyong mga bumakat na sulat pero hindi ko talaga mabasa. Kung ano 'man ang sinulat niya pagkatapos ay pinilas, malamang ay nasa kanya pa iyong bahagi na nawawala.
Ano ba'ng trip ang meron siya?