Kabanata 17
Julie
“I’M jealous,” hindi ko na mapigilang umamin kaya naramdaman kong pagngisi niya habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ko. Ang kaninang pagngisi niya ay napalitan ng mahinang pagtawa kaya hindi ko mapigilang maasar at mahina siyang tinulak.
“At ngayon tinatawanan mo ako! Tuwang-tuwa ka pa yata sa nangyari sa akin,” mataray kong saad at ng akmang tatayo na sana pero naging mabilis ang kilos ng kamay niya at hinapit akong muli sa bewang kaya napaupo muli ako sa kandungan niya.
“I’m just too happy to know that you are jealous, Julie. Kahit kailan kasi ay hindi mo inamin ang nararamdaman mo sa akin and this is the first time you said your true feelings,” aniya kaya muli na naman akong umirap ng yakapin niya ako at nagpatuloy siya.
“My baby is jealous… my Julie is jealous,” pakanta niyang saad kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya sa batok at humilig sa dibdib niya. Mas lalo ko pa tuloy naamoy ang pabango niya. Nakakaadik talaga.
“Nagulat lang ako ng halikan ka niya at sa mismong harapan ko pa. Ako nga hindi ko magawa sa’yo ‘yon pero siya basta-basta na lang na akala mo ay wala ako sa harapan niyong dalawa.” Parang bata kong sumbong kaya hinaplos niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi ko para paharapin sa kanya.
“Do you want to kiss me, baby? Hmm?” Malambing niyang tanong kaya umirap ako at pinagkrus ang braso ko. Kapag naaalala ko ang paghalik ng babaeng yon sa kanya ay naiirita ako.
“Ayoko! May bakas ng halik ng babaeng yon ang pisngi mo, duh.” Pagtataray ko kaya napangiti naman siya at pinanood ko naman ang kilos niya ng kumuha siya ng wipes at pinunasan ang buong mukha niya.
Akala ko kung ano ang susunod niyang gagawin pero napasinghap na lang ako ng hawakan niya ang pisngi ko at pinagdikit ang ilong naming dalawa kaya ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa labi ko na nagbigay kilabot sa akin.
“But I want to kiss your lips, baby. Can I?” Paalam niya kaya hindi ko maiwasang umawang ang labi ko na ikinatingin niya doon kaya mas lalo pang naging mariin ang pagkakatitig niya sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at mahinang tumango at ikinalunok ng magsalita ako. “You can, you can kiss me, Kris…” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
Dahil don ay naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Tuwa, kilig, pagkagulat dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli ko na namang naramdaman ang labi niya sa ilang taon na lumipas. Para akong nasa alapaap ngayon dahil sa nararamdaman ko.
Ang kaninang magaan na halik niya ay mas lumalim na kaya hindi ko mapigilang mapadaing at mas hinapit pa ang batok niya. Dahil sa ginawa kong ‘yon ay narinig ko ang iilang mura na lumabas sa bibig niya dahil sa ginawa ko.
“Baby… I need to stop. Baka mamaya ay lumagpas ako sa limitasyon at mapatay ako ng Kuya mo,” aniya ng humiwalay ang labi niya sa akin kaya namumula naman akong tumango at muli siyang niyakap.
“KINAKABAHAN AKO, Manager,” pag-amin ko sa katabi ko kaya mahina naman siyang natawa at hinawakan ang kamay ko. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay medyo kumalma ako ng kaunti pero ang kalabog ng puso ko ay nandito pa rin.
“Don’t be Julie. Just imagine the people who are smiling and excited to see you. Kayang-kaya mo ‘yan! You’re Julie Ann Montiero no one can defeat you,” pagpapalakas niya ng loob kaya napangiti naman ako at niyakap siya.
“Thank you, Manager. The best ka talaga sana ay magka-jowa ka na,” pambobola ko at mabilis na lumayo ng makita kong kukurutin niya ako sa bewang habang nagkukulitan kaming dalawa ay siya namang pagdating ni Kris na ngayon ay nakatitig lang sa akin.
Kaya pala siya nandito ay dahil isa rin siya sa magiging photographer ng runway na ito. I’m happy because he has become more recognizable in his talent and passion. Talagang marami rin ang gustong kumuha sa kanya.
“You look stunning, baby,” pagpuri niya kaya narinig ko naman ang pang-aasar ni Manager sa tabi ko.
“Ayan nakangiti na naman ako sa relasyon ng iba. Grabe na ha.”
Dahil sa sinabi niyang yon ay namula ako at mabilis na umiwas ng tingin.
“Why are you here?” Pang-uusisa ko at hinawakan ko naman ang kamay niya para alalayan ako pataas sa stage dahil nagsisimula na ang mc sa pagsasalita dahil doon ay mas kinabahan pa ako at naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko.
“You’re stunning, baby. Ang ganda-ganda mo, huwag kang kabahan. Okay?” Nakangiti niyang saad at napapikit naman ako ng halikan niya ako sa noo at magaang niyakap dahil don ay tuluyan ng kumalma ang sistema.
Kris Adler is my peace when I feel lost in this world.
“Good luck. Sa unahan na ako.” Paalam niya kaya nakangiti akong kumaway at ako na lamang ang natira dito sa backstage.
Habang pinapanood ko ang mga kasamahan ko ay napalingon naman ako ng may tumabi sa akin. Katulad ko ay nakasuot rin siya ng theme ng Victoria Secret at nakataas na kilay siyang tumingin sa akin. Si Alyssa, ang babaeng humalik sa pisngi ni Kris Adler. Isa rin pala siyang model.
“So tama pala ang balita na kayong dalawa ni Kris?” Bakas sa boses niya ang pagtataray kaya imbis na patulan siya ay tumahimik na lang ako at narinig ko pa ang pagsinghal niya na sa tingin ko ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
“You know what… Julie lagi mong idkit sa paningin si Kris Adler baka hindi mo alam maagaw na siya ng iba. Ang asawa nga ay naaagaw, boyfriend pa kaya.”
Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay kumulo ang dugo ko, sasagutin ko na sana siya pero nawala na siya sa katabi ko dahil siya ang sunod na tinawag ng mc. Nang wala na siya ay nakailang hinga ako ng malalim dahil bumibigat ang dibdib ko.
“Don’t let someone ruin this special day for you, Julie. Papansin lang ‘yon.” Pang-aalo ko sa sarili ko at huminga ng malalim ng marinig ko na ang pangalan ko.
“And now let’s welcome, one of the most anticipated models in this generation. Julie Ann Montiero!”
Nagplay na ang music na I Like Me Better. Nang lumabas na ako sa backstage ay hindi ko mapigilang magulat sa lakas ng sigawan at nakakasilaw ng flash ng camera ang sumalubong sa akin. Mahina naman akong natawa ng makita ko ang mga pinsan na sumisigaw at si Keegan ay tumatalon pa.
Tumigil ako sa gitna at nagpose, habang inililibot ko ang paningin ko sa mga cameraman ay nahagip ng mga mata ko si Kris na ngayon ay panay kuha sa akin ng picture at ng mapansin niya na sa kanya ako ay nakatingin ay binaba niya ang camera at tumitig sa mga mata ko.
Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay kinindatan ko siya at kung wala lang ako ngayon sa harap ng maraming tao ay baka tinawanan ko na siya dahil sa itsura niya. Bigla kasing namula ang mukha niya at nababasa ko sa bibig ang pagmumura niya.
Matapos ko siyang asarin at ngumiti sa mga camera sabay kinawayan ang lahat ng nandito ay tumalikod na ako at pumila sa mga kasamahan ko. Ang huli naming ginawa ay rumampa kaming lahat isa-isa at nagkanya-kanya na ng balik sa backstage.
Matapos ng ginawa namin ay nagsisigawan kaming lahat at ang iba pa ay yumakap sa akin. Ang iba naman ay kinausap pa ako sinabing ang galing ko raw na ikinatunaw ng puso ko. Ang iba sa kanila ay matagal na sa industriyang ito pero heto sila at pinupuri ako.
“Thank you, take care.” Paalam ko ng makasakay kami sa Van na nirentahan ni Kuya. Pagpasok ko ay nagsigawan ang mga pinsan ko kaya natawa naman ako. Nahampas ko si Keegan sa braso dahil tumama ang ilang confetti sa mukha ko.
“Dahan-dahan naman!” Pagtataray ko pero niyakap niya lang ako at pabirong sinakal na ginantihan ko naman. Nang makita nila Elyse at Kuya Lucas ang ginawa namin ay sinaway kaming dalawa dahil baka magkasakitan kami.
Imbis na dumiretso pauwi na sa hotel ay nagdesisyon muna kaming kumain sa labasan. Nabasa ko rin ang text ni Kris na dumiretso na siya sa hotel kaya sinabihan ko na lang na pupuntahan ko na lang siya mamaya.
Matapos naming kumain ay binaba na nila ako sa tapat ng hotel at kinawayan. Nang makita nilang nakapasok na ako sa loob ay narinig ko ang ugong ng sasakyan na indikasyon na nakaalis na sila.
Habang papaakyat ako sa room namin ay muli ko na namang naalala ang ginawa ko kanina. Mahina akong natawa at napailing, mukhang ang lakas yata talaga ng tama sa akin ng isang Buenavista.
Nang makalabas na ako ay pinindot ko na ang code ng room ni Kris at pagbukas ko ay kumunot na lamang ang noo ko ng makita kong wala siya dito at nakapatay ang ilaw.
Nasaan ‘yon?” Pagtatakha ko at kinapa ang switch. Habang kinakapa ko ito ay kinuha ko naman ang cellphone para tawagan ito. Nang tuluyan ng bumukas ang ilaw ay napahawak na lang ako sa bibig ko dahil sa pagkagulat.
Nasa harapan ko ngayon si Kris na ngayon ay may hawak na cake at nakangiti sa akin.
“Congratulations, baby.”