Kabanata 16
Julie
“WHY are you here?” Bulong ko sa tainga niya ng tuluyan na kaming pumasok sa loob ng airport. Kaya nawala ang kamay niya sa bewang ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa.
Wala ng makalapit sa amin dahil hinarangan at pinalibutan na kami ng mga guard dito sa loob ng airport. Ang iba ay kumukuha na ng mga litrato dahil muli na naman kaming magkasama ni Kris Adler, imbis na sagutin namin ang ilang katanungan na binabato namin ay dire-diretso na kami papasok sa departure area.
“I want to see you in runway, lagi na lang kasi ako sa malayuan ka napapanood. So I grab the chance to watch you in front of me,” sagot naman niya kaya halos mabitawan ko hawak na bag ko at mabilis siyang nilingon na ngayon ay nakangisi na siya.
“You what? Ibig sabihin ay matagal mo na akong pinapanood? Stalker ka, ha!” Pagbibiro ko at sabay pa kaming natawa, nakita ko pang napatingin pa sa amin si Manager pero ngumiti lang siya at umiling.
“Hoy hindi ah, nandoon din ako sa America para magtrabaho,” depensa niya kaya ang kaninang tawa ko ay nawala at napalitan ng pagkagulat.
Ibig sabihin sa apat na taon kong pamamalagi sa America ay magkalapit lang ang landas naming dalawa. Naalala ko tuloy noong first time kong sumali sa isang runway. I was so nervous that time to the point I was about to pass out but I saw him in the middle of the crowd, smiling widely at me.
Akala ko noong una ay namamalikmata lamang ako pero bigla siyang nnawala sa paningin ko, simula noon ay pakiramdam ko ay nasa paligid ko lang siya pero ngayon na sa bibig niya na mismo nanggaling ay hindi ko maiwasang matuwa at kiligin.
All this time he was silently watching me like what I did to him when he launched his first painting and photograph in a museum. We’re on the same page, we’re just too numb to feel the presence of each other back then.
I’m too focused on hating him but he’s too focused on supporting me. We’re different back then but this time… we will not. I will never let it happen again.
“We’re in the same place for the past 4 years pero isang beses lang kitang nakita,” saad ko habang paakyat kami ng eroplano. Nginitian ko naman ang ibang flight attendant na bumabati at nagpapa-picture sa amin.
“It’s a long story, baby. The right time will come and you will know everything,” gatol niya kaya ng maupo kami ay napanguso ako dahil muli ko na naman narinig ang salitang ‘yan. Hindi ba siya magsasawang sabihin sa akin ‘yan?
“Alam mo, lagi mo na lang sinasabi sa akin ‘yan, nakakainis na ha.”
“Ayoko lang sirain ang moment na’to, you should enjoy our stay here in Paris.” Usal niya kaya hindi na ako muling nagsalita pa at ipinikit na lamang ang mga mata dahil inaantok na naman ako.
Bago pa man ako tuluyang mahulog sa pagkakatulog ay naramdaman ko ang mainit na labi ni Kris sa sentido at pisngi ko. Pinigilan ko ang pagsupil ng ngiti ko at hinayaan na lang siya sa tabi ko.
“I’M OKAY na, Kris. Just go to your room. Magkatabi lang naman tayo kaya ‘wag kang OA diyan,” nakairap kong saad kaya natawa naman siya at marahang ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko na naman. Ito na naman siya.
“Kris naman eh! You’re ruining my hair!” Parang batang saad ko kaya muli niya itong inayos at hinaplos ang pisngi ko. Habang ako naman ay nakatitig lamang sa mga mata niya na ngayon ay mababakasa ng kung anong emotion.
Adoration and love is evident in his beautiful hazel brown eyes at dahil doon ay unti-unti na naman akong nalulunod sa mga titig niya na ibinibigay sa akin.
“Kahit magulo pa rin ang buhok mo, ikaw pa rin ang pinaka-maganda sa akin,” anas niya kaya ng akmang magsasalita na sana ako pero may nagsalita sa likuran niya at pagtingin namin kung sino ito ay bigla akong napalayo kay Kris.
“Tama na nga muna ‘yan, ang sakit niyo sa matang dalawa porket nagcomeback lang.” Si Keegan na ngayon ay kasama si Kuya Lucas na nakataas lamang ang kilay sa amin kaya pumunta ako sa kanila at niyakap na pareho.
“What brought you here?” Pang-uusisa ko at napangiwi na lang ako ng mahinang itulak ni Keegan si Kris na natawa lang at hinayaan kaming mag-usap na tatlo.
“Papanoorin ka namin, sayang naman kung hindi ko makikita ang kagandahan ng bunso namin,” sagot niya kaya inirapan ko lang siya at dumako naman ang paningin ko kay Kuya ng siya ang magsalita.
“Mamamasyal kami ni Lilie dito.”
Napatango naman ako at napabaling naman kaming tatlo ng makarinig kami ng isang tili mula sa kalayuan ng lingunin ko ito ay nanlaki ang mata ko at sinalubong ang yakap.
“Ate Elise! Kuya!” Bati ko kay Ate Elise na kasama ngayon ang asawa niya. Napangiti na lang ako ng makita ko ang mga outfit nila. Parang sila yata ang sasali sa runway at hindi ako.
“Hindi naman halatang pinaghandaan niyo ang pagpunta dito,” pagbibiro ko kaya nagtawanan naman kami at napatingin kay Keegan na ngayon ay nakasimangot.
“Ay wow, so ang ending third wheel lang pala ako dito,” pag-iinarte ni Keegan kaya kumaway muna ako kay Kris dahil papasok na muna kami sa loob na ikinatango niya.
“So totoo talaga ang balita na nagkabalikan kayo ni Kris?” Pang-uusisa ni Ate Elise ng makapasok kaming lahat sa hotel namin.
Nakita ko pa ang pag-irap ni Keegan kaya napailing na lang ako. Simula kasi ng mangyari ang ginawa ni Kris sa akin sa apat na taon na nakakalipas ay nagalit si Keegan, mukhang siya pa yata ang pinaka-apektado sa aming lahat.
“Well, hindi ko rin naman masisisi si Julie. Montiero ‘yan, kung sino ang minahal natin ay siya na talaga panghabang-buhay,” saad ni Keegan kaya yumapos ako sa kanya at pabirong kinurot sa tagiliran.
“Hindi ka na galit kay Kris?”
“Kapag sinaktan ka lang niya ulit at nakita ka naming umiiyak dahil sa kanya ay talagang magkakagulo kaming dalawa,” pagbabanta niya kaya inasar naman siya ni Kuya Lucas at Ate Elise na ngayon ay tuwang-tuwang sa narinig.
“Basta, masaya ako para sa bunso natin. Alam ko naman na determinado talaga ‘yang si Buenavista, hindi na niya uulitin ang ginawa niya dati. Talagang ilalayo ko na ang kapatid ko sa kanya.” Si Kuya Lucas naman ang sumunod kaya napangiti na lamang ako.
Masyado akong swerte sa kanila.
THE program was moved to tomorrow. Bukas ng gabi ang simula nito kaya may oras pa kami ni Manager but the company thrown a welcome party to us. Kung saan lahat ng model na inimbitahan nila ay narito.
Napatingin naman ako katabi ko ng maramdaman kong pumalibot ang kamay niya sa bewang. Nang tingnan ko siya ay hindi ko maiwasang mapasinghap. Mas lalo tuloy siyang gumwapo sa suot niyang gray coat at ang buhok niya ay naka-gel pero may iilan na takas na buhok ang nakalaglag kaya mas lalong lumabas ang kagwapuhan niya.
Dahil doon ay agaw atensyon siya at ang ilang babae naman ay grabe makatitig sa kanya kaya palihim naman akong napanguso at nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Medyo mabigat ito kaya uminom na lang ako ng wine para mawala ito pero nandoon pa rin.
Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga taong naririto, ang iba sa amin ay binabati ako at saglit na nagke-kwentuhan habang ang katabi ko naman ay nanonood lang sa tabi ko at minsan ay nakikisali rin kapag kinakausap o tinatanong siya.
“Baby… ang daming humahanga sa’yo lalo na ang mga lalaki dito,” bulong niya at ramdam ko roon ang pagmamalaki kaya nilingon ko siya at nakita kong nakangiti na siya sa akin. Nagulat pa ako ng mabilis niya akong halikan sa pisngi.
“Well deserve naman nila na makita kung gaano ka kaganda,” dugtong niya pa kaya pareho kaming natawa pero nawala ito ng may lumapit sa amin na isang babae at nagulat na lang ako ng halikan nito si Kris sa pisngi.
Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay nakita ko ang taranta at pangamba sa mga mata niya ng tumingin siya sa akin na mabilis naman ko naman ikinaiwas ng tingin. Ang kaninang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ay lumala at naiinis na rin ako.
At sa mga oras na ito alam ko na kung ano ito. Nagseselos ako.
“Hey, how are you? Hindi mo ba ako namiss?” Bakas don ang pang-aakit sa boses niya kaya palihim naman akong umirap at lumayo ng kaunti kay Kris, nang mapansin niya iyon ay mabilis niya akong hinawakan sa kamay at pinagsiklop.
Dahil sa ginawa niyang yon ay saka lang ako napansin ng babae at tumaas naman ang kilay niya. Aba, ako pa ang tinarayan niya ngayon.
“Oh, Julie is here. I’m sorry hindi kita nakita,” sarcastic niyang saad kaya pinilit ko namang ngumiti kahit sa totoo ay naiirita na ako sa pinapakita niya sa akin ngayon.
“Yeah. I have to excuse myself first, medyo sumama kasi ang pakiramdam ko. Usap lang kayo dyan.” Hindi ko alam pero alam kong naramdaman ni Kris ang pagbabago sa boses ko at nang hindi ko na makayanan ay tumalikod na ako.
Habang naglalakad ako palabas ng hall ay may narinig akong tumatakbo papunta sa direksyon ko na hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil sa bigat at inis na nararamdaman ko, baka mamaya ay hindi ako makapagtimpi at sa kanya ko maibunton ang lahat.
Pagbukas ng elevator ay pumasok na ako at napaigtad na lang ako ng may kamay na pumigil dito. Nang makita ko kung sino ay nangunot ang noo ko dahil hinihingal siyang pumasok sa elevator at mariin akong tinitigan sa mata.
“Bakit mo iniwan ang kasama mo doon?” Pagtatanong ko kaya nang umayos na siya ay sumandal siya sa pinto ng elevator at nagsalita.
“You’re upset, baby.” Segunda niya kaya umiwas naman ako ng tingin.
“I’m not, sumama lang talaga ang pakiramdam ko,” depensa ko pero wala ng nagsalita sa amin at ng bumukas na ang elevator ay mabilis niyang hinuli ang kamay ko at pumasok sa hotel room niya.
Hindi na lang ako nagsalita ng iupo niya ako sa sofa at pinapanood niya lang ang bawat kilos na ginagawa niya. Halos manlamig ako ng una niyang hubarin ang coat niya at sinunod naman niya ang belt niya.
“W-what are you doing?” Kinakabahan tanong ko kaya sumeryoso lang siya at tumabi sa akin. Binuksan niya ang dalawang butones niya at nagulat na lang ako ng higitin niya ako at pinakandong sa kanya.
Akmang aalis na sana ako pero mabilis na pumalibot ang kamay niya sa bewang ko at marahang hinawakan ang panga ko at pinatingin sa mga mata niya.
“Kris Adler…” I almost whispered pero halos manlambot ako sa ginawa niya ng bigyan niya ng mumunting halik ang panga ko at malalim na tumitig sa mga mata ko.
“You’re upset baby. What makes my baby upset?”