Kabanata 18

Julie

"YOU made this cake?" Paninigurado kong muli kaya tumango naman siya at muling sumubo habang ako naman ay nakakanganga na.

Ang talented naman nito ni Kris masyado. Ano pa ba ang mga bagay na hindi niya nagagawa pa?

"Ano pa ang hindi mo nagagawa?" Pagbibiro ko kaya naibaba naman niya ang kutsara na hawak niya at pungalumbaba sa harap ko. Ngumisi naman ako sa ginawa niya.

"Ang pakasalan ka," sagot niya kaya nakailang kurap pa ako at naramdaman ko na lamang ang pagpula ng pisngi ko.

Mahina kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa na ikinatawa naman niya ng malakas dahilan para mairita ako.

"Masaya ka niyan, Kris Adler?" Bwisit kong pagtatanong kaya natatawa pa rin siyang umiling.

"I'm sorry, ang cute mo kasing kiligin. Namumula ang pisngi oh," pang-aasar niya kaya inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang maalala ko nga pala ang itatanong ko ay mabilis kong naibaba ang kutsara na hawak ko dahilan para makagawa naman 'yon ng ingay at napatingin siya sa direksyon ko.

"Why baby? May problema ba?" Pagtatanong niya kaya nagdadalawang-isip muna akong magsalita pero nabanggit ko rin dahil naghihintay.

"That woman named Alyssa…" Tumigil ako saglit at napaiwas na lang ng tingin ng lumalala ang intensidad ng mga mata niya sa akin.

"Close ba kayong dalawa?"

“No, baby. Hindi kami close kaya nagulat na lang ako kung paano niya nalaman na nandito ako kahit hindi ko naman inannounce,” paliwanag niya kaya napatango naman ako at nangalumbaba. Pinaglaruan ko na rin kutsara sa harapan ko dahil hindi pa rin ako mapakali.

Maybe I need assurance that’s why I’m acting like this.

“What’s bothering you, Baby?”

Napapitlag na lang ako ng nasa harapan ko na pala si Kris at hinahaplos na ang pisngi ko. Sa sobrang okupado ng mukha ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at bakas ang pag-aalala sa mukha.

“She likes you. Alyssa likes you,” I stated making him grin and laugh from what he heard. Kanina pa siya tuwang-tuwa sa akin.

“She’s my stalker, baby and I hate it. She’s invading my privacy sometimes,” pag-amin niya kaya gulat naman akong napatingin sa kanya. Pero bakit hindi pa rin siya tinitigilan ng babae? Hindi niya ba alam na hindi na nakakatuwa ang ginagawa niya?

“Hindi ka pa rin niya tinitigilan hanggang ngayon?”

“Hindi pa rin, kahit na kumakalat na tayong dalawa na, she is determined to get me. At ayoko niyon, it feels like I’m hurting you because someone is pestering me. Ayokong mag-ooverthink ka kapag wala ako sa tabi mo at nasa paligid ko naman si Alyssa. Kaya kinausap ko siya ng masinsinan pero hindi pa rin nakikinig.”

Nang marinig ko ‘yon ay hindi ko naman mapigilan ang mapangiti at mapakagat labi. Kahit alam niyang hindi ko sinasabi ang nasa isip ko ay alam niya na ito. Hanggang ngayon ay nalalaman niya pa rin ang tumatakbo sa utak ko. Hangga’t kaya niyang magpaliwanag ay gagawin niya.

Why would I lower my standard when I have Kris Adler in my life?

“You always give me assurance even though sometimes I don’t need it.”

“Because I don’t want you to hurt you and I need to make sure that you are always at peace with me.”

Akmang magsasalita na sana ako pero natigilan na lang ako ng makita ko kung ano ang nahuhulog sa labas ng binata nitong hotel namin. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ng katabi ko at kagaya ko ay napangiti rin siya.

“Hala, umuulan ng snow! Tara panoorin natin!” Sigaw ko at hindi na akong nagdalawang isip na higitin siya palabas ng hotel at pumasok sa elevator.

Habang nasa loob naman ako ng elevator ay hindi ko mapigilang magtatalon dahil masasaksihan ko na naman ang pag-ulan ng snow pero may kasama na ako ngayon. Dati-rati kasi ay ako lang ang nakakakita nito.

Nang makalabas na kami ay bumungad sa amin ang mga taong naglalaro din sa ilalim ng snow. Mahina naman akong natawa ng makita kong marami ring couple ang nagpi-picture taking dito. Nang akmang bibitawan ko nasa ang kamay ni Kris pero nagulat na lang ako ng hawakan niya ito ng sobrang higpit.

“Don’t Julie, don’t let go of my hands. I want to feel this moment with your warm touch.”

Kaya imbis na bitawan ang mga kamay niya ay katulad ko ay mas lalo ko rin itong hinawakan ng mahigpit. Pareho namin pinapanood ang paglaglag ng snow sa mga palad namin tuwing sinasalo namin ito.

Ang tawa niyang hindi nakakasawang pakinggan kapag nakikita niyang napupunta sa bibig ko ang snow na pinaglalaruan namin, ang ngiti naming dalawa na mas lalong nagpapaganda sa kapaligiran at ang mga taong nakikilala kami at tuwang-tuwa kami sa ginagawa naming dalawa ni Kris Adler.

Napapikit naman ako ng sumalubong ang mainit na yakap ni Kris pagharap ko sa kanya, dahil sa ginawa niyang ‘yon ay pareho kaming natawa ng mahina at ninamnam lang naming dalawa ang oras na ito. Naririnig ko pa ang ilang ingay ng camera dahil sa mga taong nakakakilala sa amin.

“Baby, finally one of my dreams came true. Nakasama na kitang manood ng snow, hindi lang ako manonood sa Instagram mo,” natatawang saad niya kaya inangat ko ang ulo ko para tingnan siya pero nakayakap pa rin ako sa kanya.

“Ah so palagi kang updated sa akin, ha,” pang-aasar ko kaya nakita ko naman namula ang tainga niya sa pang-aasar ko.

“Sorry naman, masyado kitang mahal eh,” gatong naman niya kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib at napangiti naman siya. Nang tingnan ko ang mga mata niya ay ramdam ko ang sinseridad at pagmamahal dito.

Nakita ko ang pag-angat ng kamay niya kaya pinanood ko ang sunod niyang gagawin. Saglit akong napapikit ng haplusin niya ang pisngi ko papunta sa labi ko, nagulat na lang ako ng dampian niya ako ng halik sa labi kaya mas lalo pang natuwa ang mga nanonood.

“I love you, Julie.”

After hearing those three words from him, my heart exploded in overwhelming happiness. Because after four years of being away with him, this is the first time that I heard those words from him. For the first time, Kris Adler finally said I love you to me.

“I love you, Julie. Please love me again.”

“AY, be. Paano naman hindi magiging blooming si Julie pag-uwi dito sa Pilipinas ay may maganda na pa lang nangyayari sa Paris.” Pang-aalaska ni Jen habang nasa isa kaming cafeteria katapat ng kumpanya namin.

Pag-uwi namin dito ilang araw na ang nakakalipas ay puro kami ang laman ng balita at mga social media dahil sa mga kumalat naming litrato ni Kris sa ilalim ng snow. Ang iba doon ay kinikilig pa habang ang iba naman ay nagalit kaya nakatanggap naman ako ng hash words na hindi ko na lamang pinapansin dahil sanay ako.

Pero sana ay hindi ito lumagpas sa limitasyon.

“Hindi niyo ba ako titigilan sa pang-aasar niyo?” Tanong ko kay Jen at Zyra. Sila lang dalawa ang free ngayon dahil ang iba sa kaibigan namin ay may klase at may trabaho pa. Mukhang maraming oras ang dalawang ‘to ngayon, ah.

“Nako Julie, sabihin mo lang sa amin kung may comeback na.” Pagpupumilit ni Zy kaya mahina naman akong umiling at natawa. Bakit pagdating sa lovelife ko ay mas naiintriga sila? Parang wala silang mga lovelife, tsk.

“Inuunti-unti naming dalawa,” pag-amin ko at ng tingnan ko ang reaksyon nila ay gulat silang napatingin sa akin at napatakip na lang sa tainga ng tumili silang dalawa dahilan para mapatinggin sa amin ang ibang tao sa pwesto namin.

“Huy, umayos kayo. Pinagtitinginan na tayo,” pagpigil ko at sinunod naman nila pero kahit ganoon ay mababakasan pa rin sa mukha nila ang kilig na nararamdaman.

“Shet, sinasabi ko na nga ba. Kaya pala may paghalik at paglabas ng picture, unti-unti ng binabalik ang tamis ng pag-ibig!” Halakhak ni Jen na sinang-ayunan naman ni Zy habang ako naman ay namula nang dahil sa sinabi niya.

“Tama be, behavior. Mindset ba mindset.” Gatong naman nitong isa kaya napairap na lang ako.

“Hinaan niyo yang boses niyo,” paalala ko pa at ngumisi naman sila.

“Pero be, masaya kami. Wala lang kasi at least yung apat na taon na sakit na pinaramdam at pagkukulang sa’yo ni Sir Kris ay pinapalitan niya na.” Saad ni Jen kaya napangiti naman ako at niyakap silang dalawa na ginantihan naman nila.

“It’s a sign to be happy again, Juls. You both deserve it.” Si Zy naman na tinanguan ko na lamang.

I’m so lucky to have them.

“Thank you,” sincere kong saad at napahiwalay na lamang ako ng mahina akong kurutin ni Jen sa tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Bakit ka ba nangungurot?” Inis kong pagtatanong at imbis na sagutin niya ako ay ngumuso siya sa likuran ko at nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko si Kris na ngayon ay nakangiti sa aming tatlo.

Nang makita niyang nilingon ko siya ay lumapit siya sa pwesto ko at humalik sa noo ko na ikinagisi naman ng dalawa nang tingnan ko.

“Ang tamis!” Saglit na tumigil si Zy at ngumiti sa amin ni Kris at nagpatuloy. “Nang kape na binili namin. Ay Jen, ‘diba may gagawin pa tayo?” Nakita ko ang pagsiko nito sa katabi na sinang-ayunan naman ng isa.

“Ay oo nga pala, bakit nakalimutan ko. Sige na Julie, aalis na kami. Sir, aalis na po kami. Bye!” Kaway ng dalawa at ng mawala na sila sa paningin ko ay sa katabi ko naman binaling ang atensyon ko.

“Why are you here?”

“We will go to my company for a meeting for a new photoshoot.”