Kabanata 12

Julie

“SO what will happen next and what will you do?” Pang-uusisa ni Jen sa kabilang linya kaya tinigil ko ang sasakyan ko ng makita kong nag-stop lights. Saglit kong inayos ang seatbelt ko bago sumagot sa kanya.

“Act as a normal person in front of him. Be professional,” sagot ko na lamang kaya narinig ko ng halakhak niya sa kabilang linya na animo ay nangaasar sa sinabi. Kung nasa harapan ko lamang siya ngayon ay baka kanina ko pa siya sinungitan at pimaghahampas.

Simula ng malaman ng mga kaibigan ko ang nangyari na contract at pag-join ko sa kumpanya ni Kris ay sunod-sunod na ang tanong at pang-aasar nila sa akin. Kulang na lamang ay sumugod sila sa bahay namin para alamin ang buong pangyayari at nangunguna na doon sila Jen at Zyra.

“Come on, Juls. I know you can do it pero si Kris ay kaya niya bang gawin ‘yon sa harap ng ibang tao kapag magkaharap na kayo?” Pangaalaska niya kaya saglit naman akong natulala at malakas na bumuntong hininga.

“I don’t know…” Pag-amin ko at nagpatuloy. “Sige na, I will end this call na. I will update you once I reached my destination,” paalam ko at ng marinig ko ang sagot niya ay agaran ko ng pinatay ang tawag para makapag-focus ako sa pagda-drive.

Matapos ang agreement at iilang signing contract ang first photoshoot namin ay sa isang beach. And there’s a possibility pa na lumabas kami ng bansa once na matapos ang iilang photoshoot na nakalaan dito sa Pilipinas. Nang marinig ko iyon ay mas lalo pa akong namangha kay Kris, he really love his passion. I admit, I’m proud of him.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa beach ay siya namang muli pagtunog ng cellphone at ng akala ko si Jen ay nanlaki naman ang mata ko na si Kris Adler ang caller kaya agad ko itong sinagot.

“Where are you?” Ang baritonong boses niya ang bumungad sa akin kaya saglit na kumunot ang noo ko dahil seryoso na naman ang boses niya. Huwag mong sabihing naiinip na ito ay mamayang hapon pa naman ang simula ng photoshoot namin.

“Malapit na, bakit?”

“Okay, I’ll wait for you nandito na ako sa entrance,” aniya kaya napakagat labi ako at tumango kahit hindi naman niya nakikita. Simpleng salita lang ay grabe na naman ang epekto sa akin nito. Kaya umayos ka, self. Huwag ka kaagad bibigay.

Nang hindi ko na makayanan ay basta ko na lang pinatay ang tawag. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at makalipas ang ilang oras na pagda-drive ay nakita ko na rin ang entrance ng beach at doon ay kitang-kita ko ang taong naghihintay sa akin at diretso lamang na nakatitig sa kotse ko na akala mo ay mawawala ako sa paningin niya.

Saktong pagbaba ko ay siya namang pagtigil ng sasakyan sa tabi ko at nang makita ko kung sino ang bumaba ay si Helena pala kasama ang dalawa niyang assistant. Saglit lang niya ako tinapunan ng tingin at binati si Kris na nasa harapan ko na pala.

“Good morning, Kris.” Malambing ang boses nito pero itong katapat ko ay mariin ang pagkakatitig sa akin na akala mo ay may ginawa akong kasalanan pero sinenyasan ko siya gamit ang mga mata ko na batiin din si Helena na ginawa naman niya.

“Good morning,” saglit niya itong tiningnan at halos humiwalay ang kaluluwa ko ng hawakan niya ang kamay ko at kinuha ang bag na dala ko na para bang walang tao sa harapan namin dahil sa padalos-dalos niyang desisyon.

Sinimulan niya na akong higitin papasok sa loob at ramdam na ramdam ko ang talim ng tingin ng tatlong taong nasa likuran namin. Ngayon ko lang napansin na mahigpit pala ang pagkakahawak niya sa akin kaya nagsalita na ako.

"Kaya kong maglakad mag-isa." Saad ko pero tila ba ay wala siyang tainga dahil hindi man lamang niya binitawan ang kamay ko. Bawat crew na nakasalubong namin ngayon ay ngumingiti kaya nginingitian ko rin sila pabalik.

This place is relaxing, huh. Asul na asul ang tubig at pinong-pino ang buhangin na hindi mainit sa balat at paa. May matatayog rin ng puno ng niyog sa paligid kaya hindi masyadong maalinsangan at presko ang hangin ang binibigay nito sa amin.

May ilang turista din kaming nakasalubong, some of them are waving and smiling at us so I smiled back. Mukhang friendly ang mga tao dito, hindi ako mahihirapan. Kahit isang araw lang ako dito ay mukhang magiging komportable ako.

Maliban na lang kung kasama ko si Helena na ayaw sa akin.

“This is your room,” aniya sabay bukas ng pinto kaya tumango ako at kinuha na ang bag na dala niya. I smiled sincerely to him at nagpasalamat. Natulala naman siya dahil sa ginawa ko doon.

“Salamat. Lalapitan na lang kita kapag may concern ako about something,” saad ko kaya tumango naman siya at tipid na ngumiti bago humakbang ng tatlong beses palabas ng kwarto ko.

“No problem, you are free to roam around this before we start the photoshoot.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay sinara ko na ang pinto at dumiretso sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko kaya hinawakan ko ito at pinakiramdaman. Huminga ako ng malalim para kumalma ito kahit papaano. Please calm down, heart.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagdesisyon muna akong maligo at magpalit ng damit. Nang tingnan ko ang oras ay napangiti ako dahil alas-nuwebe pa lang ng umaga, may oras pa akong maglibot dito sa beach. Isinuot ko na lang ay beige croptop at maong na short, nag-tsinelas na lang ako dahil mas komportable pa iyon sa paa.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang preskong hangin kaya pumikit ako saglit at nilanghap ito. Ngayon ko lang napansin na mas dumami na ang turista pero kahit nakasalubong at nakikita nila ako ay nginingitian lang nila ako. Maybe they are respecting my space and I’m glad of it.

Habang nilalaro ko ang buhangin sa paa ko ay napatingin naman ako sa isang shop na ilang hakbang sa pwesto ko at nakapukaw ng atensyon ko. Kaya wala akong pagdadalawang isip na pumasok at sumalubong sa akin ang iba’t-ibang disenyo ng souvenir.

Napatingin naman ako sa may-ari ng batiin ako nito kaya nginitian ko siya at binati pabalik. Habang nililibot ko ang paningin sa store ay nakaagaw ng atensyon ko ang isang keychain na pearl kaya kumuha ako ng dalawa at pinag-isipan ko kung kanino ko ito ibibigay. Dahil meron na sila Kuya Lucas, ang mga kaibigan ko at si manager na pasalubong, ngayon ay kanino naman ito?

“Ano ‘yang hawak mo?” Halos mabitawan ko ang keychain ng may nagsalita sa gilid ko at ng tingnan kung sino ito ay kumunot na lamang ang noo ko. Nakasuot siya ng khaki short at white t-shirt at preskong-presko pa ang mukha niya.

Wait? Why am I checking Kris Adler?

“Oh, sa’yo na ‘yan!” Anas ko at basta na lamang binato sa kanya ang pearl keychain na agad naman niyang nasalo. Nakita ko pang pinagkatitigan niya pa itong mabuti kaya tumalikod ako at naghanap pa ng ibang souvenir. Hindi ko muna pinansin ang taong nasa likod ko dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ito sa ibinigay ko.

“Do you want us to get married and live happily, Julie?”

Halos matapilok ako ng marinig ko ang sinabi niya kaya mabilis akong lumingon at tinawid ang distansya naming dalawa. Ano ba ‘tong lumalabas sa bibig ni Kris Adler?

“What did you say?” Nagtitimpi kong tanong kaya ngumisi siya at muling itinaas ang binigay ko sa kanya.

“Ang sabi ko kung gusto mong magpakasal? Kasi kung sino man ang babaeng magbibigay sa akin ng pearl ay papakasalanan ko at magsasama kami habang buhay,” paliwanag niya kaya dahil doon ay nararamdaman kong namula ang pisngi ko at hindi ko na mapigilang ibato pa sa kanya ang hawak ko na mabilis naman niyang nasalo.

“Ewan ko sa’yo! Ikaw ang magbayad niyan!” Irita kong sigaw pero tinawanan niya lang ako na akala mo ay tuwang-tuwa sa ginawa ko. Nang tumalikod na ako ay nabigla na lang ako na nakatingin na pala sa amin si Helena na ngayon ay pinapanood kaming dalawa ni Kris kaya ng magtama ang mata naming dalawa ay tinaasan niya ako ng kilay.

Huwag mong patulan, Julie. Kumalma ka.

“Tara na future wife, bayaran na natin ‘to.” Rinig kong saad ni Kris at basta na lamang ako hinigit papunta sa counter at doon ay kitang-kita ko ang giliw sa mata ng may-ari ng magpunta kami sa kanya.

“Nakakatuwa naman kayong panooring dalawa. Alam niyo bang fan na fan kayo ng anak kong babae,” nakangiting saad niya habang pinaplastic ang binili namin kaya napangiti naman ako sa narinig.

“Talaga po? Pwede niyo po kaming picturan na dalawa tapos pirmahan po namin para may remembrance po siya,” suhestiyon naman ni Kris kaya nagliwanag ang mukha ng matanda pero agad ito nawala na ipinagtaka ko.

“Kaso ay wala akong cellphone.”

Nang marinig ko iyon ay agad kong kinuha ang polaroid na nasa maliit kong bag at pinakita sa kanila. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ng may-ari at nagulat na lang ako na tawagin ni Kris ang isa sa mga assistant ni Helena na ngayon ay hindi pa pala nakakaalis.

"Can you take us a picture?" Nakangiting suyo ni Kris na mabilis namang tinanguan nito.

Nang kuhanin niya ito ay mabilis itong tumabi sa akin at napaigtad na lang ako ng maramdaman ko ang kamay na pumalibot sa bewang ko kaya nagpumilit akong ngumiti. Kitang-kita ko kung paano kami panoorin ni Helena kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Nakikita ko na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari sa amin pero anong magagawa ko kung itong katabi ko na mismo ang ayaw magpapigil.

Gusto mo rin naman, Julie. Marupok ka rin eh.

Matapos ang ilang take na picture ay pinirmahan ko na ito at nagpasalamat naman ako sa kumuha ng picture. Nang ibigay namin ito sa may-ari ay kitang-kita ko sa mukha niya na sobrang saya niya kaya natuwa naman ako.

“Maraming salamat talaga dito. Bagay na bagay talaga kayong dalawa, sana ay magtagal kayo.”

…

“GIVE ME YOUR SWEETEST SMILE, JULIE!” Kris shouted in the distance na mabilis ko namang ginawa. I flashed my sweet smile in front of the camera and I heard it shutter many times.

Ngayon na nagsimula ang photoshoot namin. Ako muna ang pinauna pagkatapos ko ay si Helena naman na ngayon ay nasa isang gilid at hinihintay akong matapos. Ang alam ko ay sampung take ang gagawin namin at panghuli na ito.

Nang matapos na ang panghuling shot ay mabilis na tumakbo si Kris sa pwesto ko at mabilis akong inalalayan. Nakita ko namang nangaasar na ngiti Lara at Mich ng makalapit din sila sa pwesto ko.

“Take a quick rest, Julie,” aniya kaya tumango na lang ako at sabay kaming tatlo na pumunta sa cottage. Nang makapasok na ako ay napatakip na lang ako ng tainga dahil sa biglaang pagtili ng dalawa kaya napatingin naman ako sa kanila.

“Ikaw Ms Julie, ano bang meron sa inyo ni boss?” Panguusisa ni Lara kaya natawa naman ako at napailing.

“Wala, we’re just…” Saglit akong naptigil at napaisip. Ano nga ba kami? “We’re just friends,” may pag-aalinlangan sa boses ko kaya napangisi naman silang dalawa at kinuha ang pamalit kong damit. Malapit ng lumubog ang araw at last shoot na lang ay makakapag–pahinga na kaming lahat.

“Simula kasi ng dumating ka sa amin ay kitang-kita na kay boss yung saya at dedication sa trabaho niya. I mean grabe naman yung dedication niya para mas lumala at naging inspired siya simula ng mag-join ka sa amin,” paliwanag ni Lara kaya napaiwas ako ng tingin at hindi na muling umimik.

I let out a heavy sigh and grabbed my clothes. Wala akong makuhang salita sa mga oras na’to, there’s a part of me that I don’t want to believe in because he’s the man who left me 4 years ago. But on the other side of my mind I felt my heart almost ready to explode because of what I heard. Ngumiti lang ako at nagpaalam na magpapalit ng damit.

Matapos ang ilang minutong pagpapalit ng damit ay hindi agad ako dumiretso sa cottage, nakita ko pa na inaayos na nila ang gamit sa photoshoot at si Helena na ngayon ay inaalalayan ng assistant. Nakita ko pang palinga-linga si Kris sa paligid niya na akala ay may hinahanap kaya pinabayaan ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang metro lang ang layo ko sa cottage namin ay umupo na ako sa buhanginan at napatingin sa buwan na ngayon ay unti-unting sumisilip. Napayakap na lang ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig na tumama sa balat ko.

Habang nakatulala ako ay napaigtad na lang ako ng may nagpalibot sa katawan ko ng isang jacket at amoy pa lang niya ay kilala ko na kung sino ito. Nang lingunin ko siya ay magulo na ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin na tumatama sa aming dalawa.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin kaya nanatili akong tahimik. Sabay lamang namin pinapanood ang tahimik na dagat. Sa mga oras na ito ay katahimikan lamang ang bumabalot sa aming dalawa na binasag rin naman niya.

“Ang ganda mo sa wedding dress na suot mo kanina. Kung wala ka talagang galit sa akin ngayon, papakasalan kita sa mismong harapan nila habang suot ang wedding dress na ‘yon.”