Chapter 14: Kabanata 13

Julie

“SOOHO DIED IN ENDING!” I can’t stop my tears from falling when I finished watching the finale episode of Snowdrop. Hikbi lang ako ng hikbi kahit tapos na ang palabas. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung mato-trauma ba o malungkot.

“Kainis, asang-asa pa naman ako na happy ending tapos ganito. May sama ba ng loob ang director at writer nito?” Asik ko habang marahas na pinupunasan ang mga luha ko gamit ang tissue na hawak ko.

Habang sumisinga ako ay napatingin naman ako sa pinto ng condo ko ng marinig ko itong nagbukas at napasimangot na lamang ng makita ko si Jen at Zyra na ngayon ay nakangisi pero ng makita nila ang hitsura ko ay mabilis silang lumapit sa pwesto ko at nagtanong.

“Ay te bakit ka umiiyak? May nagpaiyak sa’yo?”

“Sinasabi ko na sa’yo, Julie Ann. Huwag mo ng basahin ang mga negative comments dahil wala namang kwenta ang mga ‘yan.” Pagbubunganga ni Zyra at doon muling bumukas ang pinto ng condo ko at ang sunod na pumasok naman ay si Sharrah at Shel na may dalang pagkain.

Nang makita nila ang hitsura ko ay mabilis nilang binaba ang pagkain sa lamesa at umupo sa harapan ko. Si Shel naman ay dinaldal agad si Zyra na ngayon ay nagpaliwanag na rin.

"Walang nanakit sa akin. Umiiyak ako dahil namatay si Sooho sa ending ng Snowdrop! Ayun lang." Paliwanag kong muli kaya napailing naman sila at kinuha na ang pagkain at naghanda na.

Habang inaayos ko naman ang pinggan ay narinig ko na naman ang boses ni Shel na ngayon ay mababakasan ng pagkatuwa.

"Julie, sobrang ganda mo don sa magazine na nilaunch nila Sir Kris!" Kinikilig na saad niya kaya napangiti na lamang ako at kumain. Narinig ko naman ang pagsang-ayon ni Sharrah.

"Oo nga be, stand out na stand out ang beauty mo at saka sold out agad ang magazine mo, ha. Halatang blooming at inspired. Bakit kaya ganun ang hitsura mo be?" Pang-aalaska niya kaya nagtawanan kaming lahat.

"Nagtanong ka pa, Sharrah eh alam naman natin na si Sir Kris ang photographer ni Julie kaya blooming ang ating bebe!" Natatawang saad ni Jen kaya napairap na lamang ako dahil nagsisimula na sila at alam kong hindi na nila ako tatantanan.

"Tigil-tigilan niyo ko sa pang-aasar niyo ha." Pagbabanta ko pero hindi man lamang sila natinag at nagpatuloy pa.

"Ano na ba kasing status niyo, be? Magkakabalikan na ba ulit?" Si Shel na ngayon ay tumatawa na sinundan naman ng tatlo kaya napasimangot na talaga ako.

Alam kong gagalitin nila akong apat ngayon dahil isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng magsama kami ni Kris sa mga photoshoot.

"Magkaibigan muna kami ngayon," pagsasabi ko ng totoo kaya napasinghap silang apat at tumili. Napangisi na lang ako sa naging reaksyon nila na parang bang hindi sila naniniwala sa lumalabas sa bibig ko ngayon kaya nagpatuloy ako.

Bahala sila kung paniwalaan nila ako. Nasa kanila na ang desisyon.

"Noong nag-photoshoot kami sa beach, ayun ang araw na nagkaroon kami ng maayos at masinsinang pag-uusap. Walang halong galit at hinanakit ko sa mga oras na 'yon. Normal lang na akala mo ay ngayon lang muling nagkita," saad ko at naging seryoso naman sila.

"I know Kris, he is determined to win me back but I'm scared…" Natigil ako sa pagsasalita ng sumingit si Shel at Sharrah na ngayon ay kapwa seryoso na.

"Because you still love him."

"At ayaw mo lang masaktan kaya ang tanging paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo ay maging magkaibigan muna kayo dahil hindi ka pa handang papasukin siya sa buhay mo." Mahabang litanya ni Shel kaya napakagat labi ako.

Magsasalita na sana ako pero muli kong tinikom ang bibig ko ng walang lumabas na kahit ni isang salita dito. Ang mga salitang binitawan nila ay parang isang baseball bat sa akin na pinukpok para marealize ko ang mga ginawa ko. Akala ko ay tapos na sila pero si Jen at Zyra naman ang nagsalita.

"Julie, magsasabi na ako ng totoo ha. Noong nagkita kayo sa party noong reunion natin, kitang-kita ko sa mga mata mo na siya pa rin. Kahit lumipas na ang apat na taon siya pa rin." Si Zyra na ngayon ay titig na titig sa akin na tila tinitimbang ang reaksyon ko kaya nagsimulang kumirot ang puso ko at umiwas.

Gusto ko silang pigilan sa mga sinasabi nila pero hindi magawa ng utak ko dahil pakiramdam ko ay para rin sa akin ang sinasabi nila pero sa kabila niyon ay may kaunting kirot sa puso ko dahil natatamaan ako. Na kahit anong galit pa ang maramdaman ko kay Kris Adler, sa bandang huli ay ang pagmamahal ko pa rin mananalo.

“Natatabunan lang ng sakit at takot ang pagmamahal mo sa kaniya, Julie. Pero sa totoo lang pareho lang naman kayo ni Sir Kris eh. Mahal na mahal ka pa niya, kitang-kita sa mata niya kaya sumugal siya kasi alam niyang sa sarili niyang may pag-asa pa. Alam namin na masakit nga ang ginawa niya sa’yong pag-iwan sa apat na taon na lumipas ay malay mo ay may malalim lang siyang dahilan,” aniya kaya pumikit ako ng mariin at naglakas loob ng magsalita.

“Paliwanag lang naman ang hinihintay ko, sa oras na marinig ko ‘yon ay unti-unti kong pakakawalan ang sakit at takot na lumusob sa akin sa apat na taon na lumipas.” Pag-amin ko kaya napatango naman sila.

“At ano ang susunod mong gagawin?”

“Hindi ko alam,” pag-amin ko natawa. “Siguro… siguro hahayaan ko na ang sarili ko sa kung ano ang dapat mangyari,” umiiwas kong sagot at niyakap nila akong apat na ikinaiyak ko naman. Dahil sa ilang buwan na pagpigil ko sa emosyon na kapag kasama ko si Kris ay tinatago ko ito. Hindi ko pinapakawalan ang mga emosyon na gusto kong ipakita dahil natatakot ako na baka isang araw ay muling magbago na naman ang lahat.

“Minsan gusto kong iparamdam sa kanya ang gusto kong iparamdam sa apat na taon lumipas pero natatakot, natatakot na baka isang araw muli na namang magbago ang lahat at maiwan na naman ako sa kawalan,” humahagulgol kong saad kaya mas lalo pa nila akong niyakap at tinapik sa balikat.

“Sa totoo lang, Julie be. Gustong-gusto ko talagang magkatuluyan kayo ni Sir Kris pero na sa’yo naman talaga ang desisyon kaya susuportahan ka namin. Pero sana… sana ay pagbigyan mo si Sir na gawin ang lahat dahil kitang-kita sa mga mata niya na determinado siya na mahalin mo siya ulit. Kitang-kita sa mga mata niya na kaya niya ng itama ang lahat. Buksan mo lang ang puso at isipan mo.”

“Thank you,” I sincerely said kaya ngumiti naman silang apat sa akin na ikinagaan ng nararamdaman ko. “At kung dumating man ang panahon na kaya na ng puso ko, sana ay tama ang magiging desisyon ko sa oras na nakalaya na ako sa sakit at takot na naramdaman ko. If I’m going to take a risk or not.”

…

AFTER the crying session that we made, Angge and the rest were already home. Ang iba sa kanila ay maaga pa ang trabaho bukas habang ang iba naman ay tinawagan na ng magulang dahil anong oras na. Natawa na lamang ako dahil hindi man malalim ang gabi ay pinapauwi pa rin sila ng maaga.

But I’m always wondering how it feels when your parents' messages are always popping on your screen every time you are far away from them. Ano kayang pakiramdam ng ganon? Simula kasi ng mawala ang magulang namin ni Kuya Lucas ay siya na ang naging magulang ko, kahit dalawa na lang kami ay hindi niya ako pinabayaan at iniwan.

Kaya isa rin ‘yon sa rason kung bakit gusto ko pang magpursigi sa buhay dahil gusto kong ibalik kay Kuya lahat ng ginawa niya sa akin kahit minsan ay lagi niyang sinasabi na huwag na at sa sarili ko na lang daw ibuhos lahat ng hirap na naranasan ko dahil ako naman raw ang may gawa niyon at hindi siya.

Pagkatapos kong linisin ang kusina ay bumalik ako sa sala at binuksan ang Netflix, hanggang ngayon ay namamaga pa rin ang mata ko kakaiyak sa nangyari kanina. Mabuti na lamang ay sa isang linggo pa ang next photoshoot namin kaya hindi ako nanganganib para bukas.

Habang namimili ng papanoorin ko ay siya namang pagtunog ng doorbell ko kaya nangunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita bukod kila Angge, imposible naman ang mga pinsan ko iyon dahil alam rin naman nila ang passcode ko.

Kaya ng makatatlong doorbell na ang taong ‘yon ay nagdesisyon na akong pagbuksan ito at nagulat na lamang kung sino ito. Si Kris na ngayon ay nakapantalon at maroon na tshirt kaya mas lalong lumabas ang kaputian niya. Ang buhok naman niya ay medyo magulo dahil siguro sa lakas ng hangin sa labas.

Nang matauhan ako sa ginagawa ko ay nilawakan ko ang pagkakabukas ng pintuan ko at ng tingnan ko siya ay nakatitig lang siya sa akin na akala mo ay may nakitang mali sa akin kaya kinunotan ko naman siya ng noo ng makapasok kaming dalawa sa condo.

Nakita ko ang pag-upo niya sa sofa ko kaya sinara ko na ang pinto. Nang makapunta ako sa harapan niya ay agad naman siyang nagsalita.

“Your eyes are swollen, why did you cry?” Nagtataka niyang tanong at saglit kong tinapunan ng tingin ang dala niyang isang paper bag na wari ko’y pagkain ang laman.

“Nanood lang ako ng k-drama," sagot ko na ikinailing naman niya. Kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya pero hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya.

"What kind of K-drama?" Panguusisa niya pa kaya napangisi naman ako sa naging tanong niya. Chismoso rin pala ang isang 'to.

"Snowdrop. Namatay si Sooho, hindi sila ang endgame. Hindi sila nagkatuluyan na dalawa, namatay ang bidang lalaki. Imagine sobra ang paghihirap ni Youngro sa buong episodes pero hindi man lang ginawang happy ending! Kaya nakakainis eh. Sino ba namang hindi sasama ang loob sa JTBC kung sa harapan mismo namatay ni Youngro si Sooho!" Pagra-rant ko at ng mawala ang inis na nararamdaman ko ay tiningnan ko si Kris na ngayon ay nakangiti lang sa akin na tila ay tuwang-tuwa sa nasaksihan niya kaya umiwas ako ng tingin sa at pumameywang.

"Ikaw? Bakit dito ka pa dumiretso sa akin? Ang haba ng byahe mo at imbis na magpahinga ka dahil dalawang araw kang nawala dahil sa mga photoshoot mo ay dito ka pa talaga dumiretso,” pagalit kong saad kaya naman lumamlam ang mata niya at nabigla na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakakulong sa mga bisig niya.

“Binili kita ng gusto mo… is that an enough explanation?” Paos niyang pagtatanong kaya napapikit ako ng mariin ng malanghap ko ang panlalaki niyang pabango na mas mabango pa sa akin. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis na tibok ng puso ko.

“Not enough, Kris Adler,” gatol ko pa kaya natawa naman siya ng mahina at naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa noo ko kaya sa mga oras na’to ay hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.

Damn you, Kris Adler. Why are you acting like this?

“I just want to rest with you… now is that enough explanation, baby?”