Kabanata 11
Julie
RAMDAM KO pa rin ang inis at gigil ko matapos naming magpatuloy sa loob ng opisina. Kitang-kita ko ang mapaglarong ngisi ni Kris pero sinamaan ko siya ng tingin dahil umiinit na naman ang ulo ko.
Tadhana nga naman ako pa ang napagtripan ngayong paglaruan. Pero gusto ko naman dahil may balak rin naman ako sa kanya.
“I’m here to discuss something. I want Julie to be my brand ambassador and model of my company. KA Accessories & Jewelries to be exact, I’m the owner of that company.” Wala ng paligoy-ligoy niyang saad kaya ang iniinom kong chocolate drink ay halos maibuga ko na sa kanya. Mabuti na lamang ay napigilan ko ang sarili ko.
But… fuck! I’m the one who is going to model his company. Ano na naman bang balak niya sa akin? Oh god! should I be alert and ready myself? Iba pa naman ang takbo ng utak ng lalaking ito, hindi ko mabasa minsan. Damn him.
“And why me?” Matapang kong sinalubong ang mga mata niya at halos ibuhos ko na sa kanya ang iniinom ko ng ngumisi siya. He knows how to pissed me off. Kulang na lamang ay tadyakan ko siya palabas sa studio na ito but I composed myself and wait for his answer.
“Because I want to.” Tipid niyang sagot at ng akmang magsasalita na sana ako ay pumagitna na si Manager dahil nararamdaman niya na ang tensyon na bumabalot sa aming dalawa ng lalaking kaharap ko ngayon.
“Of course, Mr Buenavista. Matagal na rin naming hinihintay ni Julie ang ganang offer. It’s our pleasure to be your ambassador and model of your company. Right Julie?” Nakangiting baling sa akin ni Manager at taimtim ko siyang tiningnan.
Alam kong may sinabi ako dati na gusto kong maging isang model ng KA Accessories & Jewelries but I don’t have any idea that Kris Adler is the owner of that damn company. Ngayong nilaglag na ako ni Manager ay wala na akong ibang magawa kundi ang tumango at sumagot.
“Yes,” labas sa ilong at labag sa loob kong sagot kaya ng makita kong ngumisi si Kris ay muli ko siyang inirapan at hinayaan na lang silang mag-usap na dalawa.
Naiinis ako dahil hindi ko napaghandaan ang ginawang hakbang niya ngayon. He is determined to win me back and it scares me. Dahil kapag hindi ko nakayanan at muli na namang maramdaman ko ang dapat maramdaman sa apat na taon na lumipas ay bumalik ako sa kanya.
I remained silent pero pinapakinggan ko ang pinag-uusapan nila. Minsan ay nahuhuli kong pinagmamasdan lang ako ni Kris habang kinakausap si Manager pero hindi ko ito pinansin at itinuon sa kung saan-saan ang paningin ko.
“Pwede ko bang isama si Julie ngayon sa kumpanya para maipakilala na rin siya sa iba?”
Halos malagutan ako ng hininga ng marinig ko iyon sa kanya kaya mabilis na lumipad ang paningin ko sa kanya at tumayo. Nang akmang tututol na ako ay muli na naman akong naunahan ni Manager na ngayon ay bakas sa boses niya ang saya.
“Sure! Sure! Mag-ingat na lang kayo.” Aniya at halos mapasubsob ako sa lapag ng basta na lamang niya akong itulak, mabuti na lamang ay mabilis akong nahawakan ni Kris sa braso pero agad ko itong inalis dahil nakaramdam ako ng kakaiba.
“Manager,” gigil kong saad pero nginisian niya lang ako at wala na akong magawa kundi ang magpahila sa lalaking ‘to. Akala ko ay sa pinaka-main entrance kami lalabas ay nakahinga na lang ako ng maluwag ng sa fire exit kaming dumaan.
Nang makita kong akmang bubuksan niya na ang passenger seat niya ay mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at binuksan ang driver seat. Bago pumasok ay lumingon muna ako sa kanya na ngayon ay pinapanood lang ang bawat kilos ko kaya nagsalita na ako.
“Magkita na lang tayo sa kumpanya mo,” saad ko at pumasok na. Nang makasakay na ako ay inistart ko ang kotse ko. Habang nagda-drive ako ay panaka-naka ang tingin ko sa gilid ko dahil talagang sumasabay sa akin ang kotse ni Kris Adler.
Ngayon ko lang napansin na mabilis lang din ang byahe kaya hindi na rin ako nahirapan. Nakita kong nauna pa sa akin si Kris kaya ng bumaba ako ay sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha na ikinataka ko naman.
"Bakit ganyan ang mukha mo?"
"Ang bilis mong magdrive."
Nang marinig ko iyon ay napangisi na lang ako at nagpatuloy kami sa loob ng kumpanya niya. Pagpasok naming dalawa ay kita ko ang gulat sa ibang nakasalubong namin. Marahil ay magkasama kami ngayon.
Nang makapasok kami sa elevator ay katahimikan lang ang nanaig sa aming dalawa. Ako na nakatayo sa gilid siya ay nakasandal at pinagmamasdan lang ako. Kahit gusto ko siyang sawayin ay pinanatili kong nakablanko ang mukha ko na para bang walang epekto sa akin ang ginagawa niya.
"Ang ganda mo."
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlalaking mga mata na tiningnan siya.
"Wala ba talagang preno 'yang bibig mo?" Hindi ko na mapigilang tanong kaya tumaas naman ang kilay niya at umalis siya pagkakasandal sa pinto ng elevator.
"Bakit ko naman pipigilan ang sarili ko? Totoo naman na maganda ka talaga."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at lumabas na ng elevator. Nang makapasok kami sa isang studio ay napatingin sa amin ang iilang tao dito.
Ang iba ay saglit na napatingin sa kamay naming magkahawak. Kaya ng akmang tatanggalin ko na ang kamay ko ay lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak dito.
"Hello everyone! I just want to inform you that Julie Ann Montiero will be joining our team. I hope all of you have a great bond." Seryoso ngunit mababakas don ang tuwa sa boses niya kaya ngumiti sa akin ang dalawang babae pero ang dalawang natitira ay tinaasan lang ako ng kilay.
Kaya palihim na lang akong umirap at ngumiti sa apat na narito. Nang bitawan ako ni Kris ay lumapit sa akin ang dalawa na tuwang-tuwa sa akin ngayon kaya nahawa na rin ako.
"I'm Lara. Sobrang ganda mo talaga sa personal."
"Ako naman si Mich. Oo nga. Mukha kang dyosa talaga." Kinikilig naman na gatol ng isa kaya tipid naman akong ngumiti at naramdaman kong namula ang pisngi ko dahil sa compliment nila.
"Thank you," tipid kong sagot at muling sumulyap sa dalawang babae na ngayon ay may ginagawa kaya napatingin ang dalawa doon at muling nagsalita.
"Kilala mo naman siguro sila 'diba? Personal Assistant ni Helena Galle." Aniya kaya napatango naman ako at pinapasok nila ako sa office. Hindi ko alam kung kanino ito pero komportable naman ako.
"Sabi kasi ni Sir Buenavista ay kapag dumating ka ay dito ka namin dalhin sa office niya. Alis lang kami, ha? Pero iiwan naman namin bukas 'to para makita mo kung nasaan kami. Okay lang ba sa'yo?" Nakangiting pagpapaalam ni Mich kaya tumango ako at tipid na ngumiti sa kanila.
"Oo naman. You don't have to worry about me. Baka importante pa 'yan."
Kaya ng umalis silang dalawa ay pinagmasdan ko ang loob ng opisina ng lalaking nagdala sa akin dito. He's favorite color is still grey and black. Well, bagay naman sa personality niya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun pa rin ang paborito niyang kulay.
Habang inaabala ko ang sarili ko na tingnan ang buong opisina niya ay ngayon ko lang siya naalala. Nasaan kaya si Kris Adler? Pagkatapos niya akong dalhin dito ay basta na lamang akong iiwan?
Sobra na siya.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto studio ay mabilis kong binaling ang paningin ko at sa pag-aakala na si Kris ay bahagya akong nagulat ng magtama ang mata naming dalawa ni Helena Galle. She’s the third famous model in this generation habang ako naman ay pumapangalawa.
Ihahanda ko na sana ang ngiti ko pero hindi ito natuloy ng hindi niya ako pansinin kaya napangisi na lang ako. How do I forget that Helena Galler has a bitchy side? Ipinapakita niya lang ito sa mga taong ayaw niya and obviously I’m one of them.
Although sometimes I hurt what she is doing to me I still respect it. Pero hindi ko akalain na makakasama ko siya sa ganitong opportunity kahit ayaw niya sa akin. Siguro ay makikisama na lang ako.
“Where’s Kris?” Pakinig kong tanong niya doon sa dalawang tauhan niya at ng akmang sasagot na sila ay dumako ang atensyon namin sa dalawang bodyguard na pumasok at may dalang paper bag na may tatak na sikat na pangalan ng restaurant sa tapat namin.
Sumunod naman ay ang taong kanina ko pa hinahanap at hinihintay kagaya ng mga naunang pumasok ay may dala rin itong supot at malawak ang pagkakangiti ng umupo siya sa tapat ko. Ramdam na ramdam ko ang excitement sa kinikilos niya at hindi alintana ang mga matang pinapanood kaming dalawa.
“I’m sorry if I took to long to come back to you, binili kasi kita ng paborito mo,” paliwanag niya kaya halos mahigit ko ang hininga ko sa narinig.
Gosh, it’s been four years but he can still remember the small details about me? How dare you to make me feel it again, Kris Adler. How dare you.
“Bakit?” Paos kong tanong kaya ng matapos niyang ayusin ang kakainin namin ay masaya naman niyang inangat ang mukha niya.
“Ang sabi ng manager mo ay hindi ka pa kumakain kaya binilhan na kita. Now eat, baby. Baka lumamig pa ang pagkain.” Saad niya at dahil doon ay tuluyan na akong nabingi sa lakas ng tibok ng puso ko at natulala.
I am ready to take a risk again to this man?