CHAPTER 35 – Responsibilities
KAURY’S POINT OF VIEW
Tahimik lang akong nakatitig kay Kian na ngayon ay abala sa ginagawa niya, hindi ko alam kung hindi niya ba napapansin ang titig ko o sadyang umaakto lang siya na parang wala?
Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya lalo na't alam ko na ang totoo. He's not married, and Vena is not his girlfriend too. Sinabi rin 'yon ni Claire sa akin kahapon. Madalas lang daw talagang lumalapit si Vena kay Kian at minsan ay ginagamit pa nito ang anak niya.
Pagkatapos kung marinig lahat ng 'yon kahapon ay parang nawala ang bigat sa pakiramdam ko. Pati ang guilt na bumabagabag sa akin ay naglaho, nag sasaya ang puso ko na para bang nabibigyan ako ng pagkakataon.
Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? Habang nakatitig ako ngayon kay Kian ay walang tigil rin ang pag-kabog ng puso ko.
"Something is up to you. Why are you staring?" Hindi niya ako nilingon pero alam kung ako ang kausap niya. Walang ibang taong nandito, at himala rin dahil wala si Vena ngayon.
"Wala lang." Tipid kung sagot at binaba ang tingin ko sa lamesa. May pipirmahan pa akong papelis, at kaunti na lang ay matatapos na angf first project namin, ibig-sabihin rin ay aalis na si Kian dito sa opisina ko.
But why is that sounds sad? Una pa lang naman ay gusto ko nang mawala siya sa paningin ko. Pero parang may iba ang sinasabi ng kaloob-looban ko. Why I keep confusing my self? Bakit sarili kung nararamdaman hindi ko matukoy kung ano?
Nag-angat ulit ako ng tingin dahil bigla siyang tumayo at nag lakad papalabas. "Saan ka pupunta?" Kusang lumabas sa bibig ko habang nakatingin pa rin sa direksyon niya. Halatang hindi niya in-expect ang tanong ko dahil natigilan siya.
Kalaunan ay tipid siyang ngumisi habang umiiling at naglakad papalabas. Anong ngisi 'yon? Pakiramdam ko'y nang-aasar nanaman siya. These days, hindi na siya masyadong malamig sa akin, walang emosyon ang mukha niya pero hindi na ako nalalamigan sa awra niya.
Kung ano-ano nanamang pumapasok sa isip ko. Huminga ako nang malalim at pinilit ang sarili kung mag focus sa mga papelis ko.
Maya-maya pa ay narinig kung bumukas ang pinto ng opisina pero hindi na ako nag-abalang tignan pa siya.
Hanggang sa bigla niya na lang nilapag sa harapan ko ang dalawang paper bag, kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. Tumingin ako sa kanya habang naglalakad siya pabalik sa table niya.
"Ano 'to?"
"Food. You didn't eat again, am I right?" Wala akong maisagot dahil tama naman siya. "You're so hard headed, Ms. Sullivan. I told you to eat on time, but you never obey me, you never did." He glared at me and looked away.
Parang may ibang meaning rin 'yon sinabi niya. But I don't have a clue kung ano. Pinasadahan ko na lang ng tingin ang paper bag na nilapag niya sa mesa ko, may iba't-ibang putahe ng ulam ang laman nito at kanin.
"How about you? Masyadong marami 'to para sa akin," Nilabas ko ang tupper ware na may lamang ulam habang hinihintay ko ang sagot niya.
"I want to eat something," mabilis akong natigilan dahil sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin. Iba ang dating no'n sa akin. "What's with the glare? I mean I want to eat something like... Italian food, or korean food. Why? What are you thinking? Can you spill it?"
"Wala naman." Palihim akong umirap at nag simulang kumain kahit medyo naasar ako kay Kian dahil tinitignan niya ang bawat subo ko. "Baka nagugutom ka na? Sabi ko sa 'yo masyado 'tong marami,"
"That's what you said too, when we're in the hospital. But in the end, you eat all the foods. Scammer." Binaba ko ang hawak kung plastic na kutsara at tinagilid ang ulo habang unti-unti kung tinaas ang kamay kung naka middle finger.
Parang nag-iba pa ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa ginawa ko, pero hindi siya nagsalita at inalis sa akin ang tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang kusang ngumingiti ang labi ko.
"We are close to an end. Let's keep the good job everyone. Thank you for the efforts and appreciation." Pumalakpak ang board members habang nakangiti sa isa't-isa.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko at saglit na bumati sa kanila. Hinintay ko munang makalabas ang iba at dinala na ang mga gamit ko at bumalik sa opisina.
Mag gagabi na kaya kailangan ko ng umuwi. Medyo nahirapan pa ako dahil hindi lang laptop ang hawak ko kundi ang iba pang documents at papers na pinasa sa akin ng board. Bago ko pa tuloyang mabitawan ang dala ko ay may kamay nang kumuha sa dala ko.
"Let me." Sinundan ko ng tingin si Kian na naunang mag lakad sa akin. Nang bumalik ako sa wesyo ay halos tumakbo na ako para maabutan ko siya.
"Kaya ko pa naman.." Mahinang bulong ko. Nasa likuran niya ako at pilit kung inaagaw sa kanya ang gamit ko, kaso nilalayo niya rin sa akin at umaakto na wala ako sa likuran niya. Dahil sa inis ay inunahan ko siyang mag-lakad.
"Hey, careful." Saway niya sa akin, pa gewang-gewang na ako sa paglalakad dahil masyadong madulas ang sahig. Bagong linis lang ata kaya ganito. "Wait for me." Imbes na hintayin siya ay mas lalo ko lang binilisan ang lakad ko. "Okay fine, that's really your speciality, ang mang-iwan."
Sa pagkakataong 'to ay tumigil ako at dahan-dahan siyang nilingon. Wala na maysadong tao sa paligid kaya halos kaming dalawa na lang ang nandito, siguro ang iba ay nasa ground floor na. Binalik ko ang atensyon ko kay Kian.
Alam kung may ibang ibig-sabihin 'yon. Parang bumigat ang paligid dahil sa sinabi niya, hindi ko rin magawang magsalita at walang salita na lumalabas sa bibig ko.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya, tila bumalik sa akin ang nangyari noon. Kung paano ko siya talikuran at kung paano siya lumuhod sa harapan ko habang nag mamakaawang h'wag ko siyang iwanan.
Yumuko ako at mariing pinikit ang mata ko. Mabigat nanaman ang pakiramdam ko dahil sa mga naalala ko. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang itsura niyang umiiyak habang nakatingin sa akin.
Andito ulit 'yong pakiramdam na parang nanghihina ako at subrang hapdi ng puso ko.
"Kau.. are you okay?" Napaigtad ako nang hawakan niya ang balikat ko. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.
"Ayos lang ako." Nag patuloy ako sa paglalakad pero mabagal ang bawat hakbang ako. Hanggang sa makarating kami sa opisina ay walang nagsalita sa aming dalawa, tahimik ko lang kinuha ang bag ko sa may table.
"I'll take you home-"
"Hindi na. Nakapag-booked na ako ng taxi." Blangko lang ang mukha ko. Wala akong kaalam-alam na nakarating na pala ako sa labas ng building.
Sinalubong ko lang ang malamig na hangin na dumampi sa pisnge ko habang tahimik na nag lalakad sa gilid ng kalsada. Nagsinungaling lang naman ako sa kanya, hindi talaga ako nag booked ng taxi.
Ayoko lang magka-sabay kami. Kasi hindi ko siya matagalan, mas lalo akong na gu-guilty.
*****
"Finn.." Sambit ko sa pangalan niya at tinanaw siyang pumasok sa loob ng condo. Wala akong palag nang mahigpit niya akong yakapin. "Nakabalik ka na pala... sana sinabi mo para masundo ka namin sa airport," aniya ko nang humiwalay siya sa akin.
Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at pinisil ang dalawa kung pisnge kaya mahina kung tinapik ang kamay niya.
"I want to surprise you... surprise! She's already sleeping?" Tukoy niya kay Asy, tumango ako at inaya siyang umupo sa may sofa. Tinulongan ko rin siyang ipasok ang mga bagahe niya.
"Masyado kasing napagod dahil sa kakalaro kaya mabilis lang siyang nakatulog." Paliwanag ko at kumuha ng juice sa reff. "Kamusta pala ang flight mo? Bakit gabi ka nakarating?"
"Na delay, I thought bukas pa ako makakarating." Ngumiti siya at sumimsim ng juice na hinanda ko. "How's work?"
"Hmm, malapit nang matapos ang first project namin. And everything is in good." Tumayo siya at hinarap ako.
"You know I already think about it CK..." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "Let's do it here... we can talk to dad, I'm sure papayag siya,"
Nag-iwas ako ng tingin. Kumirot ulit ang puso ko dahil sa sinabi niya, alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
"Let's get married here CK. I think it's a good idea." Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinilit ang sariling ngumiti.
"Give me a time to think-"
"Ganyan rin ang sinabi mo sa akin noon CK. You told me you need time! But I gave you a years, five years CK. A five fucking years, binigay ko 'yon sa 'yo dahil ayaw kitang madaliin. But isn't it too much?" Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.
"Finn kasi..."
"Hindi pa ba sapat ang limang taon na binigay ko sa 'yo Kau!? Remember that you agreed about our marriage! Gusto ko lang maalala mo, dahil pakiramdam ko unti-unti mo nang nakakalimutan." Nag lakbay ang kamay niya sa mag kabilaan kung braso, nagulat din ako nang makitang pumatak ang butil ng luha niya sa kanyang pisnge.
"I'm sorry kung pinag-hintay kita ng ganoon katagal..."
"Let's have an engagement party as soon as posible CK. Don't worry I'll be the one to set all. All you need is to be present on that day. I can't wait to put an engagement ring on your finger, after that let's get married." He whisphered.
"Y-Yes... L-Let's get engage." Hinayaan ko siyang yakapin ulit ako.
"All right. I'm sorry for shouting." Hinalikan niya ang noo ko at bumalik sa pagkaka-upo sa sofa.
I need to do it. Dahil totoo ang sinabi ni Finn, simula una pa lang ay nakatali na ako sa kanya. I promise to him and Tito Kalixto that I will marry him someday.
Si Finn ang tumulong sa akin noon pa man, kung hindi niya kinausap ang Daddy niya ay siguradong wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Pinilit ni Finn si Tito Kalixto na isama ako sa kanila at kapalit no'n ang pagpapakasal ko sa kanya.
That is my responsibility to him.
5 years ago ng tanungin niya ako tungkol sa pag papakasal namin pero nakiusap akong bigyan niya ako ng oras para i-handa ang sarili ko. Pero sa nakalipas na limang taon ay wala namang nag bago, hindi pa rin ako handa.
Ngunit paano ko magagawang tanggihan si Finn? Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pag-bigyan ako, ang intindihin ako at higit sa lahat ay hintayin ako. Mabigat sa pakiramdam ko pero anong magagawa ko?
Simula una pa lang alam kung ito ang patutunguhan ko. Pinili ko ang kapalaran na 'to kaya wala akong karapatan na tanggihan siya, dahil ako mismo sumang-ayon sa deisyong 'to.
It's been 1 week since bumalik si Finn dito sa pilipinas. He was angry when he knew that me and Kian was on the same office. Nag sorry ako sa kanya dahil hindi ko kaagad sinabi ang tungkol doo, at mabuti na lang pinakinggan niya ang paliwanag ko.
May sariling office si Finn dito sa building pero palagi niya akong pinupuntahan sa opisina ko. At gaya ng palaging nangyayari, masama lang ang titig ni Finn kay Kian at gano'n rin si Kian sa kanya.
Minabilis rin ni Finn ang project namin para tuloyan na raw umalis si Kian at bumalik sa kung saan siya nararapat. Wala naman akong masabi kaya tanging pakikinig lang ang magagawa ko.
Isang linggo ko na ring iniiwasan si Kian, umaasa akong mawala ang kakaibang pakiramdam ko sa kanya. Dahil sa totoo lang natatakot ako, natatakot akong malaman ang katotohanan tungkol sa nararamdaman ko.
Alam ko namang may mali kaya pilit akong umiiwas sa kanya. Masama rin sa paningin ni Finn kung masyado kaming malapit ni Kian sa isa't-isa kaya hanggat kaya ko umiiwas ako.
Palagi akong lumalabas sa opisina at nag s-stay sa conference room maiwasan lang siya. May mga pagkakataon rin na nagbabalak siyang kausapin ako pero todo ilag ang ginagawa ko.
Kahit tutol ang damdamin ko sa ginagawa ko ay pinipilit ko pa rin ang sarili ko.
Ngayong araw lang na 'to wala si Finn dito sa opisina dahil may meeting siya sa isang bussiness partner. Nakaupo lang din ako sa table ko at hinayaan ang titig ni Kian sa akin mula sa table niya.
Dahil sa ilang ay tumayo at para lumabas at iwanan siya. Kaso bigla niyang hinila ang kamay ko at hinarap ako sa kanya.
"A-Ano ba?" Inagaw ko sa kanya ang kamay ko pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sa akin.
"What's the problem? You keep avoiding me?" Umiwas ako ng tingin.
"Kian... bitiwan mo na ako." Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. "Can you please stay away from me?" Please lang h'wag mo na akong pahirapan pa. H'wag mo nang gulohin ang isip ko... kasi mas lalo lang akong malilito.
"You're pushing me away... again."
"Oo, tama ka. Kaya pwedeng tigilan mo na ako? Kahit isang beses lang matuto ka namang makiramdam... ayokong kausap ka, ayokong nasa paligid kita." Mabigat.
Mabigat sa pakiramdam ang bawat salitang binibitawan ko.
"Why can't you stop pushing me away? Ikaw 'yong hindi marunong makiramdam sa ating dalawa." Malungkot ang mga mata niya, dahil sa nakikita ko mas lalo lang akong nanghihina.
"Can you please hate me? Just once. Magalit ka sa akin, tatanggapin ko. Hindi 'yong ganyan ka, you're too soft... why are being like that? Just fucking hate me Kian and leave me alone! Mas mabuti 'yon!"
Gugustohin ko pang magalit ka sa akin kesa ganito na palagi kang malambot, baka magawa ako ng maling desisyon na hindi ko dapat kailangang gawin.
Please magalit ka sa akin. Ipag-tabuyan mo ako ng sa ganoon ay tuloyan ko nang ilayo ang sarili ko. Kasi subrang nahihirapan ako sa sitwasyon ko.
"How can I fucking hate you Kau? I can't never do that," Umiling siya. "In the first place I tried, I tried to hate you. Pero tangina presensya mo pa lang talo na ako, sa t'wing nakikita kita wala akong ibang nararamdaman kundi pag-hanga."
"Please..." Please tigilan mo na.
"Kahit anong gawin kung pag-iwas sa 'yo ay nahihila pa rin ako pabalik. Now tell me, how can I hate you? When all I did for five years is to wait, until you came back!?" Nanghina ang tuhod ko dahil sa sinabi niya.
"Why... why did you wait for me? Kian, hindi pwede!"
"Is it because of Dad? Dahil sa nangyari-"
"No! That's all in the past... you already gave me the justice I want." Tumingala ako at pinigilan ang sarili kung umiyak.
"Then why? What's the reason? Kau, I'm willing to start again with you-"
"We can't. Please stop the nonsense. Hindi mo na dapat ako hinintay pa! Dahil wala ka namang aasahan sa akin, Kian mag mahal ka na lang ng iba. 'Yong tipong kaya kang mahalin kagaya ng kung paano ka mag mahal." Tangina.
Sariling salita ko ang bumabaon sa dibdib ko. Hindi na ako nakatakas sa luha ko dahil nag-unahan na itong tumulo. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay pinilit kung mag palakas. Kahit umuurong ang dila ko ay pilit akong nagsasalita.
"Hindi ka pa rin ba natuto? Anong sinabi ko sa 'yo noon? Hindi kita minahal... hindi kita mahal. At hindi ako kailan man umasa sa 'yo o sa kung anong pwedeng mangyari pag nagkita tayo ulit. You're such a weak person that's why you're easily to fool." I'm sorry.
"You did it again. Fuck, ang dali para sa 'yo na sabihan akong mag hanap ng iba, pero para sa akin hindi. It was so hard Kaury! I don't want to find another because it's only you!" No, not again. Bakit palagi na lang siyang umiiyak sa harapan ko!?
"If being weak means loving you, then I'm willing to be weak forever."
"Kian..."
"Say what do you want to say, I don't care. But remember this Kau, I never replace you. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nalugmok noon, but you're also the reason why I am here in front of you now. You're my inspiration, and you're the reason why I keep my life going. I'm successful now because of you."
Mahigpit niya akong niyakap. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kung humagulhol.
Hinalikan niya ang noo ko at bumulong sa akin. "I love you... I still do."