CHAPTER 34 – Slap By Truth

KAURY’S. POINT OF VIEW

"Asy, are you feeling better now?" Nakahiga siya sa kama habang naka-upo ako sa gilid niya. Kanina pag nagmumugto ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. "I'm sorry... hindi agad ako nakabalik," Tinignan ko ang braso niyang namumula pa rin.

Paano nagawa ni Vena 'to sa isang bata? Hindi niya man lang ba naisip na may anak rin siya? Paano kung sa anak niya nangyari ang ginawa niya kanina?

"Are you sleepy? You can sleep na..." Tipid akong ngumiti at tinabihan siya. Wala naman siyang sagot at pinikit lang ang mga mata niya.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay kaagad na akong nag desisyon na umalis. Hindi na ako nagpaalam pa kay Kian.

Nakatitig lang ako kay Asy na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil hindi ko agad siya binalikan, kung nandoon ako sa tabi niya siguradong hindi 'yon mangyayari.

Malakas ata ang impact no'n sa kanya dahil kahit sa pag-tulog ay may luha pa ring pumatak galing sa mga mata niya. Maingat ko na lamang 'yong pinupunasan at hinalikan siya sa noo.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina. Mabigat pa rin ang dibdib ko hanggang ngayon, lalo na nang makita ko kung paano umiyak si Asy kanina.

Pakiramdam ko'y hindi sapat ang sampal na natanggap ni Vena mula sa akin. Dapat mamula rin ang mukha niya gaya ng nangyari kay Asy. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko at kumuha ng dalawang beer sa ref.

Palagi talaga akong may beer dito dahil minsan pag napapagod ako sa trabaho ay umiinom ako. Tahimik lang akong nakaupo sa harapa ng mesa habang umiinom. Ang plano kung dalawa lang ay nadagdagan hanggang sa anim na pala ang naubos kung bote ng alak.

Nakaramdam ako ng hilo ng mag lakad ako pabalik sa kwarto, namumungay ang mata ko habang nakatingin sa cellphone kung ngayon ay umiilaw. Kaagad ko itong kinuha, hindi ko masyadong makita kung sino ang tumatawag dahil umiikot na ang paningin ko.

"Hello Finn?" Sagot ko na lang. Siguro naman si Finn ang tumatawag, dahil wala naman akong ibang maisip.

Sandaling kumunot ang noo ko dahil wala akong natanggap na sagot. "Finn? Bakit ka napatawag?" Pag-uulit ko.

["I'm sorry but I'm not Finn. You're expecting him? Did I dissapoint you?"] Nilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil unti-unti kung na realize kung sino ang tumatawag.

"K-Kian?" Alam kung siya 'to dahil sa boses niya pa lang. "P-Paano mo nakuha ang number ko?" Naglakad ulit ako papalabas ng kwarto dahil baka magising si Asy. "Anyway hindi na 'yon importante... anong kailangan mo?"

["Can you come out?"]

"Ano? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," Napahawak ako sa ulo ko dahil mas lalo atang umepekto sa akin ang alak.

["Nasa labas ako, please come out. I'm waiting."] Binaba niya ang linya habang naiwan akong naguguluhan. Nasa labas siya?

Ano namang ginagawa niya labas!? Hindi na ako nag abalang ayusin ang mukha ko o ang sarili ko dahil sandali lang naman siguro ako doon. Bakit kasi pumunta pa s'ya?

Muntik na akong mahulog sa hagdan dahil sa subrang pag-ikot ng paningin ko. Nang makalabas ako ay tanaw na tanaw ko ang kotse ni Kian na nasa unahan. Nakita ko rin ang pag-labas niya doon.

"Ano bang kailangan mo?" Halos matumba na ako, mabuti na lang at nahawakan niya agad ang kamay ko bago pa ako mawalan ng balanse.

"Are you drunk?" Inismiran ko siya.

"Siguro, matutulog na nga sana ako e. Kaso ikaw masyado kang disturbo... ano bang sasabihin mo at pumunta ka pa dito? Malalim na ang gabi Kian."

"I just want to say sorry, about what happened." Hindi ako sumagot. "You dissapeared, that's why I came here."

"Pwede namang sa phone ka na lang mag-sorry,"

"I want to apologize personally. How is she?" Sumandal ako sa kotse niya para pigilan ang sarili kung matumba. Dagdag pa ang malakas na hangin na dumampi sa katawan ko, dahil maikling short at t-shirt lang ang suot ko.

"She's not fine. I swear pag ang anak ko na-trauma tatamaan sa akin ang babae mo," Tinabingi ko ang ulo ko at malumanay siyang tinignan.

"Hindi ko siya babae." Kasi asawa mo? Okay, alam ko naman.

"'Yon lang ba ang sasabihin mo kaya pumunta ka dito? You should enjoy your party Kian,"

"How can I enjoy when the person I want to see is not there."

May kung ano siyang sinabi pero hindi ko maysadong narinig. Tinignan ko lang siya nang bigla niyang hubarin ang suot na coat at sinuot 'yon sa akin.

Aangal pa sana ako pero bumaga lang ang mukha ko sa dibdib niya dahil kahit pag-tayo nang maayos hindi ko magawa. Amoy na amoy ko nanaman ang pabango niya na hindi nakakasawang simhotin.

Muli nanaman akong sinusubukan ng puso ko. Para nanaman itong tangang malakas na kumabog sa t'wing tumatama ang tingin ko sa mga mata niya. Walang nagsalita sa aming dalawa pero ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin.

Dahan-dahan kung hinila ang kwelyo niya at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hindi siya gumalaw dahil sa ginawa ko.

"May babawiin lang ako." Sinunggaban ko siya nang halik at pinikit ang mga mata ko. Para na akong nawawala sa sarili ko habang magka-lapat ang labi naming dalawa, gusto kung humiwalay pero pinulupot niya ang braso sa bewang ko at mas lalong diniin ang katawan ko sa kanya.

Ang isang simpleng halik ay biglang lumalim sa pagitan naming dalawa, kusa ring tumaas ang kamay ko at pumulupot sa leeg niya habang hindi napuputol ang halik namin sa isa't-isa.

Nakakalasing, mas lalo akong nalalasing at nawawala sa sarili ko habang ramdam na ramdam ko ang dila niya sa loob ng bibig ko. Walang naging pag-tutol ang katawan ko sa ginagawa namin, mas lalo lang akong nang-init.

Bumaba ang kamay niya sa may dibdib ko at marahan 'yong pinisil, kaya napa-ungol ako sa gitna nang halikan naming dalawa. The feeling of pleasure and sensation is making me weak, nanghihina ang tuhod ko habang tumitibok nang mabilis ang puso ko.

"Hmm." I moaned when he bit my lower lip. Kusang bumaba ang kamay ko sa braso niya at mahigpit na kumapit doon. Naging mapusok ang halik niya at dumausdos sa panga ko habang ako ay habol-habol ang hininga habang nakapikit pa rin ang mga mata.

Umabot ang halik niya sa leeg ko at kalaunan ay bumalik ulit sa labi ko. I can't take it anymore... I feel so hot, parang nag babaga ang katawan ko.

Pero mali. Maling-mali.

Tinulak ko siya at mabilis na humiwalay mula sa pagkaka-yakap ko. Para akong natauhan dahil sa nangyari, ilang beses akong napalunok habang hawak-hawak ang labi ko.

"U-Umuwi ka na." Tinalikuran ko siya at nag lakad pabalik sa loob.

Paano ko nagawa 'yon? Paano niya nagawa 'yon? Damn, may asawa na siya... pero hinalikan ko pa rin. May asawa na siya pero gumanti pa rin siya sa halik ko!

******

"Ayos ka lang po ba Ate?" Mukhang napansin ni Polen ang pagiging tahimik ko. Pilit akong tumango habang inaayos ang heels ko. Gusto kung um-absent ngayon sa trabaho pero hindi naman 'yon pwede.

"Okay lang ako... May lakad ka mamaya 'di ba? Ako na lang ang susundo kay Asy." Nagpaalam ako sa kanilang dalawa bago naglakad papalabas.

Halos dalawang araw na ang nakalipas simula nang mangyari 'yon, lunes ngayon kaya balik ako sa trabaho. Pero umuurong ang katawan ko, sa t'wing naiisip ko 'yon ay parang nahihiya ako sa sarili ko.

Hindi ko nga rin alam kung kaya ko pa ba siyang harapin pagkatapos ng nangyari? Kahit sabihin ko pang iiwasan ko siya ay imposible 'yong mangyari dahil iisa lang ang opisina namin.

Kung ako lang ang masusunod ay hindi ako papasok ngayon. But we have an important meeting regarding on our big project. Hindi pwedeng wala ako, dahil kailangan kung makita ang bawat presentation nila.

That's why I don't have a choice.

Isa pa mukhang wala naman na 'yon kay Kian. He didn't text or call me after what happened. Walang masisisi sa aming dalawa dahil pareho naming mali 'yon.

"Goodmorning,"

"Hello po,"

Gaya ng dati. Bati dito at bati doon. Dumiretso ako sa opisina at umaasa na sana ako ang unang makarating doon. Pero malas nga lang dahil halos sabay lang kaming dumating.

Nagka-tinginan kaming dalawa pero umiwas ako at unang binuksan ang pinto. Umakto akong wala siya sa paligid ko kahit pa sa mga oras na 'to ay ramdam ko ang titig niya sa akin, hindi ko siya pinansin at hinarap ang mga papelis ko.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si... si Vena. Iwan ko kung anong magiging reaction ko, magagalit dahil naalala ko ang ginawa niya kay Asy, o ma-guilty dahil naalala ko kung paano ko hinalikan ang asawa niya?

"Kian. Can we talk please? Hindi mo na ako kinausap, it's been two days," Tumingin siya sa pwesto ko, at kahit hindi niya sabihin ay nahahalata kung may galit siya sa akin.

"I told you not to come here. Why can't you understand Vena? I'm busy,"

"I'm busy too! But I choose to come here, para makita ka! I'm making efforts okay? Please don't be mad at me. I swear pinagsisihan ko na." Hindi ba pwedeng sa labas sila mag-usap?

"Get out." Matalim ang boses ni Kian habang sinasabi 'yon.

"C'mon talk to me first,"

"We're already talking Vena." Napailing ako at binalik ang tingin sa trabaho ko. "And you're wasting my time. Now get out." Alam kaya ni Vena ang nangyari? Pero bakit parang si Vena itong nag hahabol sa kanya?

"Okay fine. Malapit na ang anniversary, in case you forgot." May kung ano sa dibdib ko na parang kumirot dahil sa sinabi niya. Para lang akong binagsakan ng langit at lupa ng hindi ko alam kung bakit.

I know... something is wrong with me.

"Momi! I got pewpect score!" Mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin mula kay Asy. Nandito ako ngayon sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral.

Pinakita niya agad sa akin ang papel niyang may marka na perfect score. Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisnge. "You did a good job baby! Momi is so proud." Hinayaan ko muna siyang mag-laro, may play ground kasi dito.

"Sofia, 'wag ka mag-alala hindi magagalit ang Mommy mo. H'wag kana umiyak okay? Gusto mong mag laro?" Napaatras ako ng may bumangga sa braso ko. "Nako, pasensya na po-"

"Claire?" Sambit ko sa pangalan niya. Halatang nagulat siya dahil nakita ako, bumaba rin ang tingin ko sa batang kasama niya na ngayon ay tumakbo papasok sa play ground.

"S-Senyorita Kaury?" Sumilay ang ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. "Senyorita... kamusta po?"

"Okay lang naman..." Naalala kung nagkita kami sa party ni Kian, pero hindi kami nag-kausap. "Ikaw Claire? Kamusta kana?"

"Ito! Maganda pa rin naman!" Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago. "Mukhang mas lalo ka pang gumanda Senyorita ah?"

"H'wag mo na ako tawaging Senyorita, mas okay kung pangalan ko na lang." Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.

"Bigla ka na lang pong nawala noon, ayos ka lang po ba?"

"Oo naman. Maayos ako, nag ta-trabaho ka pa rin pala kay Kian hanggang ngayon." Dahan-dahan siyang tumango.

"Oo, no'ng mawala si Aling Tes parang ako na ang pumalit sa kanya. You know head ng nga maids! Ganern." Nagbaba ako ng tingin nang maalala si Aling Tes.

"Umalis na pala si Aling Tes, umuwi na siya sa pamilya niya?"

"Hindi, wala na po siya." Natigilan ako.

"Anong..."

"Patay na po si Aling Tes." Nakangiti siya pero may lungkot sa mata niya. "No'ng matapos ang nangyari sa korte ay bigla na lang siyang nawalan ng malay. Pumunta agad ako sa hospital nang mabalitaan ko ang nangyari, nag-aagaw buhay na siya no'n. Pero hindi siya malungkot, kasi masaya siya. Ang sabi niya mapayapa siyang aalis sa mundo dahil natapos na niya ang misyong..."

"Misyong tulongan ako at ibunyag ang katotohanan." Dugtong ko.

"Tama nga po. Pero naging maayos naman po ang lahat, may sakit pala si Aling Tes sa puso niya at tuloyan na siyang bumigay. Ang huling bilin niya lang sa akin ay ang sabihin sa 'yo na humihingi siya nang tawad."

"N-Napatawad ko na siya... at lubos akong nag papasalamat sa kanya." Matabang akong ngumiti. "Ikaw rin pala ang nagbabantay sa anak nila Kian 'no?" Iniba ko ang usapan dahil bumigat ang tensyon sa aming dalawa.

"Po? Anak?" Tumango ako at tinignan ang batang binabantayan niya. "Si Sofia? Hindi naman po siya anak ni Senyorito Kian." May kung anong bumara sa lalamunan ko. "Anak po siya ni Senyorita Vena, pero hindi po si Senyorito ang Ama niya." A-Ano?

"Hindi ko maintindihan." Umupo siya sa isang bench kaya sumunod ako at umupo sa tabi niya. "Hindi siya anak ni Kian? Pero bakit..."

"Bakit malapit sila sa isa't-isa? Kasi parang inaanak na po siya ni Senyorito... as in hindi lang inaanak, parang anak na talaga. Pero ang totoo po ay hindi siya anak ni Senyorito." Huminto siya at mas lumapit pa sa akin. "Limang taon na po ang nakalipas nang bigla na lang pumunta si Senyorita Vena sa bahay niyo ni Senyorito Kian," Nakinig lang ako sa kanya. Kahit medyo tutol ako sa sinabi niyang 'bahay niyo.'

"Umiiyak siya no'n at binulabog kami. Hinahanap niya si Senyorito Kian, at bigla na lang siyang lumuhod sa harap nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak. No'ng gabing 'yon nalaman naming buntis siya, pero hindi raw alam ni Senyorita Vena kung sino ang ama. At natatakot siyang malaman ng Daddy niya, kaya ayon, humingi siya ng tulong kay Senyorito." Kwento niya sa akin.

"Tulong? Ang akoin ang dinadala niya?" Mabilis siyang tumango.

"Oo, pero syempre hindi pumayag si Senyorito! Pero tinulungan niya pa rin si Senyorita Vena na sabihin ang totoo sa daddy nito. Muntik pa ngang magpa-laglag si Senyorita Vena, mabuti na lang at nahuli siya ni Senyorito." Umiwas ako ng tingin. Mali pala ang iniisip ko?

"Kaya ba nag pakasal sila ni Kian dahil sa bata?" Kunot-noo siyang tumingin sa akin.

"Po? Hindi naman po sila kinasal!" Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya. "Bakit naman 'yon papakasalan ni Senyorito, ang sama kaya nang ugali no'n."

"P-Pero nakita ko silang may suot na singsing." Mahina siyang tumawa habang nakatingin sa akin. Bigla niya ring tinawag 'yong batang anak ni Vena.

"Sofia! Halika!" Lumapit ito sa pwesto namin, biglang pinakita sa akin ni Claire ang kamay nito na may singsing. "Silang tatlo po ang may singsing, ang alam ko pinagawa 'to ni Senyorita Vena at ginawang regalo kay Senyorito Kian noong nakaraang taon, pero syempre ginamit niya si Sofia para tanggapin ni Senyorito. Napamahal na rin kasi siya dito kay Sofia, kaya hindi niya matanggihan. Kaya lilinawin ko po, hindi po 'yon wedding ring."

Huminga ako nang malalim bago umiwas ng tingin.

All this time mali ako? Hindi sila kasal at mas lalong wala silang anak dalawa!? Parang nasampal ako ng katotohanan dahil sa mga narinig ko.

He's not married and Sofia is not his daughter!

.