CHAPTER 36 – Give In It

KAURY’S POINT OF VIEW

"Kanina ka pa tahimik, may problema ba?" Si Finn. Mabilis akong umiling at tipid na ngumiti.

"Wala naman, pagod lang ako kasi marami akong ginawa ngayon araw." Dahilan ko at binalik ang tingin sa labas. Nasa kotse niya ako ngayon at bumabyahe kami pauwi.

'I love you, I still do.' Mga salitang pilit na bumabagabag sa akin. Mahal niya pa rin ako. Pero bakit? Nasaktan na siya't lahat-lahat pero mahal niya pa rin ako? Dahil sa sinabi niya mas lalong gumulo ang isip ko.

Mas lalo akong nalito, gusto ko na siyang layuan pa dahil malapit na ang engagement namin ni Finn, ayoko na siyang madawit pa sa buhay ko, kasi kaunti na lang parang bibigay na rin ako. Bibigay na ako sa kanya!

Pero dahil sa naging usapan namin kanina mas nahirapan akong mag-isip. Palagi siyang bumabalik sa isipan ko at kahit anong pilit kung pag-iwas ay wala pa ring saysay.

Ikakasal na ako pero ang isip ko lumilipad sa ibang lalaki. Parang ang unfair naman no'n kay Finn? Kung siguro nababasa niya ang isip ko ngayon ay masasaktan siya, wala dapat akong ibang inaatupag o iniisip kundi ang nalalapit naming engagement.

"Your birthday is coming. What's your plan?" Binasag ulit ni Finn ang katahimikan sa pagitan namin.

Nagulat pa ako dahil sa sinabi niya, kaarawan ko? Muntik ko nang makalimutan na malapit na pala, masyadong naging busy ang utak ko na pati espesyal na araw ay hindi ko na naalala.

"Okay lang naman sa akin ang simpleng handaan. Kahit hindi na bongga," Pag-paparinig ko sa kanya. Alam ko kasi na may binabalak nanaman siyang bonggahan ang birthday ko.

Kagaya nang palagi niyang ginagawa noon sa Paris.

"Let's have a party," Tumaas ang sulok ng labi ko, gusto kung tumutol pero inunahan na niya akong magsalita. "Dad's order." Pinanliitan ko siya ng mata sabay buntonghininga.

Wala naman akong magagawa kung 'yon ang gusto ni Tito Kalixto, ayoko siyang tanggihan kahit pa gusto kung umayaw. Alam kung gusto niya talagang mag pa-party para makapunta ang mga investors namin.

"Okay, thank you in advance." Isang matamis na ngiti lang ang sinagot niya sa akin.

Nang makauwi kami sa condo ay kaagad akong nag handa para sa hapunan. Dito tumutuloy si Finn sa condo kung saan ako nakatira, dalawa naman ang kwarto dito kaya siya ang gumagamit ng isa.

Good think is hindi ako nakakaramdam nang ilang, siguro dahil medyo nasanay na rin ako sa kanya? Mag kasama na kami simula pa noon, kaya malapit ang loob ko kay Finn.

Pero hindi ko maintidihan kung bakit nahihirapan akong pakasalan siya, ibang-iba ang dating ni Finn sa akin, hindi katulad ng presensya ni Kian. Na sa t'wing nag tatama ang tingin namin tumitibok agad ang puso ko.

But Finn is different, mabuting kaibigan lang ang maituturing ko sa kanya. Masaya ako pag kasama siya kasi palagi niya akong binibiro, iyong tipong palagi kaming nag tatawanan dalawa dahil sa lakas ng tama niya.

Kaso pag dating kay Kian tumitiklop ako, naasar ako palagi pero may kung ano sa kaloob-looban ko. Ayaw ko sa presensya niya pero hindi 'yon ang sinasabi ng puso ko.

Kino-kompara ko nanaman silang dalawa. May iba't-iba silang dating sa akin, but I need to choose and think only about Finn dahil siya ang pakakasalan ko. I don't want to dissapoint him again.

Napahinto ako sa pagtitipa ng mga dokumento dahil may isang paper bag nanaman ang nilapag sa table ko. Kahit hindi ko tignan kung sino ang nag lagay ay alam kung siya 'yon.

Inangat ko ang tingin ko at tinitigan ang paper bag na nasa harapan ko ngayon. Sigurado akong pagkain nanaman 'to, pwede naman akong bumili ng akin pero bakit kailangan niya pa akong bigyan?

Ilang beses na 'to at pakiramdam ko'y may balak siyang araw-arawin. "Hindi ako nagugutom, pwede mong kunin 'to. Masasayang lang," Blangko ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

Pinilit ko talagang harapin siya kahit nanghihina ang katawan ko sa t'wing nagtatama ang tingin naming dalawa. Lumingon siya sa akin at malambot akong tinignan.

"Eat it up. It's already lunch Kau," bumuntong-hininga ako at mariin siyang tinignan. Kailan niya ba ako titigilan? "Your birthday is coming, should I wrapped my self as a birthday gift?" Bahagyang nag init ang pisnge ko dahil sa sinabi niya.

Wrapped himself? Joke ba 'yon? Medyo nagulat din ako dahil alam niya palang malapit na ang kaarawan ko. Ilang weeks na lang, September 27.

"Should I tell you a secret?" Hindi ako sumagot pero bakas sa mukha kung nag hihintay ako sa sasabihin niya. "Every year I celebrate your birthday, I also have my gifts."

"A-Ano?" Umawang ang bibig ko at mabilis na umiwas ng tingin. Nagsisinungaling lang naman siya 'di ba? Why would he do such thing?

"Yeah, that's true. I always visit our house, do you want to visit there? It change a lot." Alam kung tinutukoy niya ay 'yong bahay kung saan kami nag kasama noon.

"Akala ko binenta mo na,"

"Why would I? It's your house. I won't sell it, remember what I told you? It's yours Kau." Para akong tanga habang nakatingin sa kanya. Naalala ko ngang sinabi niya 'yon pero hindi ako naniwala kasi akala ko niloloko niya lang ako. "Do you want to visit?"

"I don't k-know." Tipid kung sagot at binalik ang tingin sa paper bag na binigay niya sa akin.

"Tell me if you want, for now just eat. Ubusin mo." Napilitan akong tumango at nag simulang galawin ang binigay niya sa akin.

******

"Happy birthday CK..." 'Yon agad ang bumungad sa akin pag-labas ko ng kwarto. Nasa kusina si Finn at nagluluto. "I cooked breakfast,"

"Tulongan na kita." Inayos ko ang mga plato sa lamesa at hinain ang kanin. Sunod ring lumabas si Asy na kinukusot pa ang mata niya at nang makita kami ay matamis itong ngumiti.

"Momi! Hapew bewtday!" Sinalubong ako nito nang mahigpit na yakap. Dahan-dahan ko naman siyang binuhat at pina-upo sa harap ng mesa para makakain na. "Good mowning pow, Papa!" Bati rin nito kay Finn.

"Good morning,"

Tumabi ako nang upo kay Asy habang magka-harap kami ni Finn. It's my birthday today, ang bilis ng araw.

"Anyway CK, everything is ready. Nag hahanda na sila sa Venue, wala ka nang dapat ipag-alala." Tumango ako at ngumiti.

"Thank you, Finn. Anong oras nga ulit kami pupunta do'n?" Tanong ko. Hindi pa dumating ang susuotin namin ni Asy kaya medyo nag-alala ako.

"5 pm. Why? May problema ba?"

"Hindi naman masyadong malala, hindi pa kasi dumating 'yong dress namin ni Asy. Pero baka na delay lang, malayo pa naman ang oras." Napatikom ako ng bibig dahil ramdam kung hinawakan niya ang kamay ko.

"If ever na hindi pa rin dumating hanggang 12, pwedeng bumili na lang tayo,"

"Pwede rin. Sasabihin ko na lang kung sakaling hindi dumating, I will contact the designer later."

Nag patuloy kami sa pagkain habang busy rin kami sa pag kukulitan. It's already 1 pm, pero hindi pa rin dumating ang dress namin. Wala akong choice kundi ang tawagan si Finn, kaso biglang tumunog ang bell kaya dali-dali akong lumabas.

Sumalubong sa akin ang dalawang lalaki na may dalawang malaking box, siguro ay ito na ang dress namin. Sinenyasan ko silang ipasok sa loob ang dala nila, may pina-permahan rin sila sa akin bago umalis.

Saglit kung tinext ang designer at nag pasalamat bago binuksan ang malalaking box na nasa harapan ko. Pero nagulat ako nang makitang ibang design ito sa pinagawa ko.

Balak ko sanang sundan 'yong dalawang lalaki pero nakaalis na. Napahilot tuloy ako sa sintido ko at tinignan ulit ang box. May nakita akong isang maliit na papel sa gilid nito.

'Wear this, I'm sure it will suit you.'

Ilang ulit pa akong napakurap habang nakatingin sa papel. May isang tao agad ang pumasok sa isip ko pero pinilit kung balewalain, pinasadahan ko nang pansin ang dress na nasa harapan ko.

Hindi ko maitatangging maganda ang style nito, tamang-tama rin sa sukat ko. Sa huli ay 'yon na lamang ang sinuot ko dahil mas lalo lang akong mawawalan ng oras kung bibili ako ng bago.

Bandang 3 pm nang paliguan ko si Asy, sabay kaming naligo dalawa dahil 'yon ang nakasanayan namin. Mag kukulitan pa kasi sa loob ng shower. Pagkatapos naming maligo ay inuna ko siyang bihisan, maya-maya lang ay darating na rin si Polen dahil sabay kaming pupunta sa Venue.

Walang nag bago sa dress ni Asy, maliban do'n sa akin.

Sinimulan ko itong isuot at tamang-tama lang talaga siya sa katawan ko. Tinignan ko ang kabuoan sa malaking salamin at sinunod ang mukha ko, simpleng make-up lang ang i a-apply ko.

Dahil gaya ng sabi ko, hindi ako masyadong maalam pag-dating sa make-up. Natuto lang ako nang kaunti no'ng nagkaroon ako ng misyon noon patungkol sa pang-aakit ng isang CEO sa Paris.

"Ate, andito na po ako." Ngumiti ako at pinag buksan siya ng pinto. "Happy birthday!" Saglit kaming nag yakapan at humiwalay rin kaagad.

"Let's go, marami na raw tao sa Venue. Malapit na ring mag five." Hinawakan ko ang kamay ni Asy habang sa kabila naman ay si Polen.

May sumundo sa amin na alam kung pinadala ni Finn. Hanggang sa makarating kami sa destinasyon ay tahimik lang ako.

"CK! You're here..." Inalalayan ako ni Finn sa pagbaba ko sa kotse. Tipid rin akong ngumiti at sumabay sa kanya papunta sa loob.

Nasa entrance pa lang kami ay sinalubong agad ako ng mga business partners namin, habang kanya-kanya nila akong binabati.

Nilibot ko rin ang paningin ko dahil may kung anong hinahanap ang mga mata ko, pero hindi ko siya makita. I have no idea, why I am looking for him.

"Happy birthday, Kaury." Lumingon ako para harapin ang pamilyar na boses. Si Vena. "Finn, invited me."

"Oh.. Thanks." Tipid kung sagot at tinalikuran siya kaso bigla niya akong pinigilan at hinawakan ang kamay ko.

"Are looking for someone? Parang nag mamadali ka," Mariin kung inalis ang kamay niya sa akin. Akala niya ba nakalimutan ko na ang ginawa niya kay Asy? Nag iinit ang dugo ko sa kanya, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Nag mamadali talaga ako, at wala kang pakialam kung may hinahanap ako o wala." Tuloyan ko na siyang tinalikuran at pumunta sa pwesto nila Finn.

Nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin sa may bewang habang ang isa niyang kamay ay may hawak na wine glass. Hindi na lang ako umalma dahil may iilang investor kaming kaharap.

"You look good together," Ani ng isang babae.

"Yeah, we're getting engage soon." Si Finn ang sumagot habang wala akong ibang ginagawa kundi ang tumango, ngumiti at sang-ayonan siya.

Habang lumalalalim ang gabi ay dumadami rin ang mga bisita, pero wala siya. It's already 8 pm pero wala akong nakikita maski anino ni Kian. I don't want to expect, kaso bumibigat ang pakiramdam ko.

Hindi kaya si Finn talaga ang nag padala nitong dress na suot ko? Kasi kanina ko pa iniisip na kay Kian 'to galing, at kung sa kanya nga dapat nandito siya para tignan ang kinalabasan nang binigay niya sa akin.

But he wasn't here.

Nakakabaliw, 'yong gusto kung layuan niya ako pero kusa ko siyang hinahanap.

Baliw na ata ako.

Diretso na lang nilagok ang wine na nasa harap ko, hindi pa ako na kontento at dumagdag pa. Ni hindi ko napansin na hard pala 'tong iniinom ko kaya ang bilis umepekto sa akin.

While Finn is busy entertaining my guest, I'm here drinking like crazy. Ako dapat 'yong umatupag sa mga taong nandito dahil guest ko sila, pero parang si Finn na 'yong may birthday.

Nang saktong tatayo na sana ako ay tumunog ang cellphone ko na nasa maliit na bag na dala ko. Matagal kung tinitigan ang screen habang unti-unting nanginginig ang kamay ko nang makita kung sino ang tumatawag.

"K-Kian..."

["Hmm... can you come out-"]

"Lalabas na ako." Pinutol ko ang tawag namin at inayos ang sarili ko. Dumaan ako sa likurang bahagi kung saan wala masyadong tao, para walang makakita sa pag-alis ko.

Hindi ko ininda ang masakit kung paa dahil sa subrang taas ng heels na suot ko. Hanggang sa makarating ako sa labas, kusang tumakbo ang paa ko papalapit sa pwesto niya.

"Hey, I'm sorry-" Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na inangkin ang labi niya. Mabilis na dampi lang 'yon pero halos mapuno nang saya ang puso ko, mahigpit akong yumakap sa kanya kahit pa ramdam kung nagulat siya sa ginawa ko.

"Happy birthday...." Mahinang bulong niya sa akin at niyakap ako pabalik. "I knewt it, you look stunning Kau. The dress suits you well."

"I-Ikaw nag padala nito?" Tama ang hinala ko!

"Yeah. Habang tinitignan ko 'yong dress ikaw ang naalala ko." Bigla niyang nilabas ang cellphone niya at lumayo sa akin, akala ko kung anong gagawin niya, kinuhanan lang pala ako ng litrato. "Nice shoot."

"Wait! I-delete mo 'yon!" Inagaw ko sa kanya ang phone niya pero tinaas niya lang ang kamay niya kaya mas lalong hindi ko ito maabot. "Delete it!"

"Why? You look cute here, I'm going make a frame for this and display it on my room." Sinamaan ko siya ng tingin. "What's wrong? Don't look at me like that." Mukhang wala naman akong pag-asang makuha ang cellphone niya kaya tumigil na lang ako.

"Kian... Free ka ba sa weekend?" Lakas-loob kung tanong habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Yes of course, why?"

Ngumiti ako bago sumagot. "Let's have a date."

.