CHAPTER 31 - Paths

KAURY’S POINT OF VIEW

"Oh? Hi." Lumapit sa pwesto namin si Vena. May ngiti sa labi niya na alam kung peke. "Hi, Kaury. You're here! With your... daughter?" Bumaba ang tingin niya kay Asy.

"Momi?" Ramdam ko ang pagtatanong sa mukha ni Asy habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Vena. Habang ako ay pilit na pinapalakas ang loob at hinawakan ang kamay niya.

"Hi Vena." Balik kung bati sa kanya. Nanatili namang nakatayo si Kian sa pwesto niya habang kinukulit siya ng batang babae. "Uh, kailangan na naming umalis." Paalam ko sa kanila pero pinigilan ni Vena ang kamay ko.

"Why don't you join us? Baka pwede pang maging magka-ibigan ang anak natin..." Umiwas ako ng tingin. Alam ko namang peke ang ipinapakita niya sa akin, alam ko rin kung paano mangilatis ng tao dahil noon pa lang inaral ko na 'yan.

"We're sorry, Vena. Pero kailangan na kasi naming umalis," hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis siyang tinalikuran. Bumalik muna kami sa loob ng Kids Station para bayaran ang laruang gustong bilhin ni Asy.

Plano ko sanang kumain muna kami sa may food court pero nag bago na ang isip ko, hindi ako komportable lalo na't alam kung nasa iisang lugar lang kaming dalawa. Kaya dumiretso na lang kami sa grocery store para bumili ng lulutoin ko.

Wala namang reklamo si Asy dahil tuwang-tuwa na siya sa laruang binili ko sa kanya.

Kaming dalawa lang din ang nandito sa condo, dahil nag paalam sa akin si Polen na may date raw sila ni Jerome at sa lunes siya babalik. Good for Polen dahil sa halos limang taon hindi sila naghiwalay ni Jerome.

They're also living normally, pagkatapos ng mga nangyari noon ay hinayaan ko na silang mamuhay ng mapayapa. After all they deserve it, narinig ko rin mula kay Polen na may balak daw silang mag pakasal.

Tho, sinabihan ko siyang mag hi-hire na lang ako ng yaya pero hindi siya pumayag, kasi ayos lang naman daw sa kanya na siya ang mag bantay kay Asy. Iwan ko ba, gusto niya raw masanay sa gawaing 'nanay'.

Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina. Kung paano ko siya nakitang masaya habang kaharap 'yong batang babae at at kung paano dumapo ang tingin ko sa kamay niyang may singsing.

Wala naman dapat akong pakialam dahil unang-una, wala namang meron sa aming dalawa, pangalawa hindi na kami 'mag-asawa' dahil pareho naming pinermahan ang annulment paper, at pangatlo ay wala akong nararamdaman para sa kanya.

Napahinto ako dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Wala nga ba? Of course wala... pero bakit ganoon? Bakit parang ang bigat sa pakiramdam nang makita ko sila kanina? I'm totally out of my mind.

Hindi naman siguro ako tanga... selos.

Sigurado akong 'yon ang dahilan, nag seselos ako, pero bakit? Bakit sarili kung pakiramdam hindi ko matukoy kung ano nga ba talaga? Nahihirapan akong alamin at natatakot akong malaman, dahil baka hindi ko matanggap.

"Momi?" Dahan-dahan akong lumingon nang marinig ang boses ni Asy mula sa likuran. "Hungwy na pow.." Hinimas niya ang t'yan niya kaya bahagya akong natawa at tumango.

"Sorry, heto na ihahanda ko na." Nag peace sign ako sa kanya at nilipat ang tingin sa niluluto kung adobong manok. Nag hain lang ako ng kanin at nilapag sa lamesa. Pinanood ko lang si Asy na sumubo ng kanin niya, marunong naman siya at hinahayaan ko rin para mas matuto pa siya.

Pasimple akong ngumingiti sa t'wing tumitingin siya sa pwesto ko. Inosente lang siyang tumingin sa akin at ngumingiti pabalik, kaya hindi ko maiwasang pisilin ang pisnge niya. Masyadong cute.

Tama siya lang dapat ang isipin ko... wala namang mangyayari kung isipin ko ang ibang tao. I want to focus on Asy only.

"Kailan ka aalis dito Kian?" Napahilot ako sa noo ko dahil hindi ko nanaman magawang mag-focus. Nandito nanaman kasi ulit si Vena. Bigla na lang siyang sumulpot kanina no'ng matapos ang meeting namin.

But this time hindi na ako lalabas, pag-ginawa ko ulit 'yon parang pinapamukha ko sa sarili ko na ako 'yong kailangang mag-adjust. Kaya kahit naiinis na ako ay nanatili akong nakaupo sa harap ng table ko at nag patuloy sa pag kalikot ng mga papelis.

Normal lang ba talaga 'yon sa mag-asawa? Kailangan hanggang sa trabaho naka-buntot sila sa isa't-isa? That's what I can see right now, I know that Vena has an intention why she keep staying here.

Let's say binabakuran niya? Yeah parang ganoon na nga.

But I never did that when we're married before — bakit ko nga ba iniisip 'yon? It's obvious, plano lang naman ang lahat noon, palabas lang. Kaya hindi ko pwedeng i-compare ang ngayon sa mga nangyari sa amin 'noon'.

Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ko at saglit na sinandal ang sarili sa swivel chair. Hinihilot ko rin ang noo ko dahil medyo naalog na ang utak ko sa dami kung iniisip.

"Hey, I'm asking you. Kailan ka aalis dito?" Boses ulit ni Vena.

"When our project is done." Tipid na sagot ni Kian. Habang nakapikit ang mga mata ko ay pasimple lang akong nakikinig sa kanila. I don't have another choice, kahit sabihin ko pang ayokong makinig ay dinig na dinig ko pa rin.

Nasa iisang opisina lang kami.

Tama rin si Kian, may project kaming inaasikaso ngayon. Maybe in a month ay matatapos rin, first project din 'to na gagawin ng companya niya at companya nila Finn. Ibig-sabihin lang ay wala na siya dito pagkatapos ng isang buwan!

Mabuti naman.

"Sunduin natin mamaya si Sofia?" Sofia... 'yan ba ang pangalan ng anak nila?

"Yes, I don't have any plans for today. I can spare a time." Minulat ko ang mata ko at hinarap silang dalawa.

"Ilang taon na pala 'yong anak mo Vena?" Kusa na lang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon na pati silang dalawa ay biglang nagulat dahil sa pag-sabat ko.

"She's 4 years old, turning 5." Kung gano'n mag ka-edad lang pala sila ni Asy? At ibig-sabihin naging sila kaagad no'ng umalis ako? "How about your daughter?" Balik na tanong niya sa akin.

Saglit na tumingin ako kay Kian na parang naghihintay rin ng sagot ko. Pero mas nangibabaw sa akin ang tingin niya na wala namang emosyon pero parang subrang lalim, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"Turning 5 na rin." Sagot ko at awkward na ngumiti.

"Really? That's nice! I swear kung sumabay ka lang sa amin noong nakaraan, may chance na magka-kilala ang mga anak natin." Tumayo ako at lumapit sa malakin box para kunin ang mga kailangan kung pirmahan.

"Pasensya na, nagmamadali kasi nang araw na 'yon. But it was nice seeing you there." Nilapag ko sa mesa ang mga kinuha ko at sumandal ulit sa upuan.

"Anyway it's okay, malapit na ang birthday ni Kian. Are you coming?" Tila bumara ang lalamunan ko dahil sa sinabi niya. Bigla ring bumalik sa isip ko ang napag-usapan namin ni Tito Kalixto noong nakaraang linggo.

Sinigurado niya sa akin na pupunta ako sa birthday ni Kian, dahil kailangan daw nandoon ako para makilala ko ang iba pang malalaking bussiness man, na sigurado dadalo sa kaarawan ni Kian. At sa totoo lang ay muntik ko nang makalimutan!

Nawala sa isip ko na surang lapit na pala ng kaawaran niya, kung hindi binanggit ni Vena ay siguradong hindi ko maalala.

"O-Oh..." Lumipat ang tingin ko kay Kian na ngayon ay tumayo mula sa pagkaka-upo niya habang hawak niya ang cellphone at mukhang may tumatawag.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa opisina. Naagaw naman ang pansin ko nang tumayo rin si Vena at akala ko ay susunod siya kay Kian pero bigla siyang lumapit sa pwesto ko.

"Malapit na ang birthday ni Kian, but I hope hindi kita makikita doon." Nawala ang pekeng ngiti sa labi niya at mataray akong tinignan. "You know what I mean, I don't want to see you on his party." Hindi ako nag patalo at tinaasan siya ng kilay.

"And why is that? I need to be there to show respect—"

"We don't need your respect. Hindi mo na kailangan pumunta pa," mas lalong sumama ang mukha niya habang nakatingin sa akin. But I keep my calm.

"Can I know the reason? Bakit parang takot ka Vena? Alam ko rin na alam mong ex-wife ako ni Kian.." Bahagya siyang umatras habang may gulat sa mukha niya. I know she's been pretending, and keep bragging na isa ako sa babae ni Kian noon. Pero alam kung alam niya ang totoo na naging asawa rin ako ni Kian.

"What are you saying? Ex-wife—"

"Well totoo naman talaga. Kilala mo ako 'di ba? Kaya alam mo. Ngayon, bakit parang takot ka sa presensya ko? Actually hindi mo na kailangan umakto na mabait ka, dahil kahit gaano pa katamis 'yang ngiti mo, makikita at makikita ko ang tunay mong ugali." Inismiran ko siya at binalik ang paningin sa laptop na nasa harap ko.

"Shut up Kaury—"

"Kung iniisip mo na aagawin ko sa 'yo si Kian, pwes itigil mo na." Diretso akong tumingin sa kanya. "Hindi ako maninira ng pamilya Vena, at wala akong dahilan para gawin 'yon. At isa pa may anak kayo," Gumaan ang mukha niya at umiwas ng tingin.

"That's good then." Huling sinabi niya at naglakad papalabas. Nang makalabas siya ay tsaka ko lang nagawang huminga ng maayos.

I... I am disappointed.

Bakit parang umaasa ako na itanggi niya? May kung ano sa 'kin na hinintay na sabihin n'yang hindi nila 'yon anak. What the hell is happening to me?

Napahawak ako sa ulo ko at sinubukan kung tumayo para kumuha ng tubig dahil bigla na lang akong nahihilo. Kaya kahit medyo nawawala ang paningin ko ay pinilit kung maglakad papalabas.

Saktong pag-bukas ng pinto ay siya ring tuloyan kung pag-bagsak, hanggang sa unti-unti akong lamunin nang kadiliman.

*****

Tahimik.

Unti-unti kung minulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang amoy ng mga medisina. Napahawak rin ako sa ulo ko dahil sa biglaang pag-kirot nito.

Ang naalala ko lang ay gusto kung kumuha ng tubig, dahil nakaramdam ako ng hilo. Pero anong nangyari pagkatapos no'n? Sinubukan kung tumayo pero masyadong masakit ang buong katawan ko.

"Don't move, you need to rest more." Mabilis na dumapo ang tingin ko sa nagsalita. Nasa gilid siya at naka-upo sa maliit na couch habang diretsong nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka kumakain?" Ma-autoridad niyang tanong.

"Anong—"

"I talk to your doctor. You passed out because of over work, and you're not eating on time. Why is that?" Hindi ako nakasagot dahil tama rin naman siya.

Minsan hindi ako nag bre-breakfast dahil kapos ako sa oras, actually hindi 'minsan' dahil sunod-sunod 'yong nangyayari. Hindi rin ako nakakain ng lunch dahil pilit kung tinatapos ang trabaho at hindi namamalayan ang oras.

"I'm busy—"

"You should awalys take a time to eat Kaury." Para akong binuhusan nang malamig na tubig at hindi magawang igalaw ang katawan ko. Pati dila ko umurong. What did he just call me? Kaury? "Kumain ka." Nilipat niya ang tingin sa tapat ng hospital bed kung saan ako nakahiga.

"No I'm fine, kakain ako pag-uwi." Pag-tutol ko sa sinabi niya. Pinasadahan ko ng tingin ang pagkain— what the? Bakit ang dami!?

"Hindi ako papayag na umuwi ka." May halong riin niyang sabi ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Seriously? Ang dami n'yan Kian." Bakit ko siya kailangang sundin? "Nag-sayang ka lang ng pera mo, babayaran ko na lang lahat ng nagastos mo pati na rin ang bill dito sa hospital."

"Just eat already, Kaury. I will drive you home, when you're done eating." Matalim na tingin ang pinukol niya sa akin bago siya umiwas at hinarap ang cellphone niya.

Kusa namang tumunog ang t'yan ko dahil amoy na amoy ko 'yong Jollibee na nakabalot pa, hanggang sa gumalaw ng ang kamay ko at dahan-dahan 'yong kinuha at nialapag sa harapan ko.

"Kaunti lang ang kakainin ko, Kian. Hindi ko 'to mauubos." Paalala ko sa kanya at nagsimulang kumain. May chicken, steak, rice, tapos burger? Fries? Sundae? Spaghetti? Ano bang akala niya sa akin? Dambuhala?

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko, at pasimple siyang tinitignan. Alam kaya ni Vena na nandito siya? Syempre hindi, kung alam ni Vena siguradong andito nanaman siya at naka-buntot sa asawa niya.

Kinuha ko ang coke na nasa cup at ininom 'yon. Sunod kung kinain ang burger at spaghetti. Hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala ang kinakain ko. Napaawang ang bibig ko at tumingin kay Kian na ngayon ay nakatingin na sa akin habang pasimpleng umiiling.

Naubos ko? Paano? Hindi ko alam.

"It's look like you need more? I'll order—"

"Hindi! Busog na ako. At isa pa kailangan ko nang umuwi," Pinag-pagan ko ang sarili ko at mabilis na tumayo, kailangan kung umuwi dahil baka hinahanap ako ni Polen at Asy.

Hinimas ko ang t'yan ko dahil hindi ko pa rin matanggap na naubos ko lahat ng 'yon.

Tahimik lang akong sumunod kay Kian.

"Hindi mo na ako kailangang i-hatid,"

"It's already 11 pm Kaury."

What? Kusang nalaglag ang panga ko nang makita kung gaano kadilim sa labas. At wala na masyadong sasakyan ang dumadaan.

"But if that's what you want, then go." He said. Napairap ako at hindi na nagsalita ulit hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

Buong byahe ay tahimik lang akong nakatingin sa labas.

"Kau..." Ilang ulit akong napakurap nang marinig ang mahinang boses ni Kian. Lumingon ako sa pwesto niya.

"Bakit?"

"Nothing." Tinuon niya ang pansin sa pagmamaneho, alam kung may gusto siyang sabihin, pero halatang pinipigilan niya. Hindi ko tuloy maiwasang tumitig sa kanya.

"Kian." Ako naman ang tumawag sa pangalan niya.

"What?"

"Nagalit ka ba sa akin?" Diretso lang ang tingin ko sa kanya at hinihintay ang isasagot niya sa akin. I don't know why I ask... Gusto kung bawiin ang sinabi ko pero huli na dahil alam kung narinig niya 'yon.

"What do you expect?" He glanced at me. Akala ko hindi na siya magsasalita ulit, pero mas lalo lang akong natigilan dahil sa sinabi niya. "Hindi ako nagalit Kau, kahit kailan hindi ako nagalit sa 'yo."