CHAPTER 30 – Differences
KAURY’S POINT OF VIEW
"Anong tawag sa anak ng shell?" Tahimik akong nanonood kina Polen at Asy na ngayon ay nasa sala habang ako naman ay nandito sa kusina.
"Ano pow?"
"Shelldren!" Humalagapak nang tawa si Polen habang hinahampas ang sofa, habang si Asy naman ay parang hindi maintindihan ang sinabi nito.
Binalik ko na lang ang pansin sa niluluto ko. Kailangan ko pang bilisan ang galaw ko dahil kailangan ko pang maligo at isang oras na lang ang meron ako para mag-handa.
Masyado ring pagod ang katawan ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos. Palaging bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi, na kahit hanggang ngayong umaga ay parang dala-dala ko ang kahihiyan na natanggap ko.
"Ah!" Mabilis kung binitawan ang kutsilyong hawak ko dahilan para bumagsak ito at mag likha nang ingay. Hindi ko napansin na nahiwa na pala ang gilid ng hintuturo ko!
"Ate? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Lumapit sa akin si Polen na puno ng pag-aalala ang mukha. Tipid akong ngumiti at tumango.
"Ayos lang naman... maliit na hiwa lang," Hinugasan ko na lang ang sugat at nagpatuloy sa ginagawa. Kung ano-ano nanamang pumapasok sa isip ko, na kailangan ko nang alisin. Distracted ako masyado.
Pagkatapos kung mag luto ay dumiretso na ako sa cr para maligo. Mabilis lang akong nag shower at nag bihis. Malapit na ang oras kaya't hindi na ako kumain, ang mahalaga ay kumain si Asy.
"Baby, aalis na ako..." Hinalikan ko siya sa pisnge, malambing siyang gumanti sa akin at mahigpit akong niyakap. Lumipat ang tingin ko kay Polen at nag paalam na rin.
Nakapag-booked na ako ng taxi at sakto namang dumating ito nang makalabas ako. Tahimik lang akong naka-sakay habang ang tingin ay nasa labas ng bintana. Kahit anong pilit kung pag-iwas ay kusang bumabalik sa aking ang pigura ng mukha ni Kian.
'Yong mukha niyang kahit walang ekspresyon ay kusa akong naasar, at kung paano siya tumingin sa akin nang nakakaloko. Gusto kung sa 'ming dalawa siya 'yong maasar dahil sa presensya ko. Pero parang baliktad ang nangyari.
Dahil unang interaksyon pa lang namin ay hindi ko na agad mapigilan ang sarili kung maasar sa kanya. Upon seeing him again is like remembering the past that we shared. Parang kahapon lang nangyari ang lahat, but the difference is hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko.
Maybe because I got the justice that me and my family deserve? Basta ang alam ko ay wala nang bahid ng kung anong galit o inis sa pakiramdam ko, limang taon na simula nang maipakulong namin ang Tatay niya.
Although wala na akong balita pa sa kanya.
Ilang ulit akong napakurap at tumingin sa labas, nakarating na pala ako. Binayaran ko lang ang taxi pagkatapos ay dali-dali na akong lumabas, at naglakad papasok. Kahit sabihin ko pang ako ang nag ma-manage dito ay hindi naman pwedeng i-take advantage ko ang posisyon ko.
Kaya kailangan talagang hindi ako ma-late. Nakakahiya sa ibang empleyado.
"Good morning Ma'am." Kanya-kanya nilang bati sa akin. Tipid akong ngumingiti at binabati sila pabalik. Hanggang sa makarating ako sa elevator, maraming tao na ang nasa loob pero mukhang kasya pa naman.
Nagulat lang ako nang bigla silang mag labasan na para bang binibigay nila sa akin ang elevator.
"Uhm? Okay lang naman kung sumabay kayo..." Inaya ko sila pabalik kahit ang iba ay nahihiya at todo yuko lang.
Nang akmang magsasara na ang elavator ay bumukas ito ulit, napaawang na lang ang bibig ko habang nakatingin sa lalaking naglalakad papasok at pumwesto rin sa pinaka-dulo kaya ngayon mag ka-tapat na kaming dalawa.
Si Kian.
Napausod pa ako dahil masyado kaming marami ngayon sa loob na halos makaramdam na ako nang init. At kahit anong pilit kung pag layo sa pwesto niya ay hindi ko pa rin magawa dahil sa gilid ko ay may ibang empleyado.
Hinihiling ko na lang na sana bumilis ang elevator nang makalabas na ako dito, pero parang nawalan ako ng pag-asa nang biglang umalog ang elevator kaya halos ang karamihan ay napasigaw dahil sa gulat.
On-off rin ang ilaw sa loob at bahagyang tumigil ang pag-andar nito. Mas lalong umawang ang bibig ko ng ma-realize kung anong nangyayari. Stuck kami sa elevator! Napakagat pa ako sa labi ko nang bumangga ang braso ko sa braso niya.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling umalog ang elavator at dahil sa mataas ang heels na suot ko ay muntik na akong matumba, kaso bigla ko na lang naramdaman ang kamay ng kung sino na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa may bewang ko.
Sino pa nga ba? Si Kian.
Nang tumingin ako sa kanya ay wala sa akin ang atensyon niya, gusto kung alisin ang kamay niya sa may bewang ko pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy mula sa kamay niya.
Nag umpisa na ring mag kagulo ang iba at tumawag ng emergency, para mabuksan kami dito. Walang tigil rin ang pag bukas at pag kawala ng ilaw sa loob, at muli ay umalog nanaman sa loob pero sa pagkakataong 'to ay mas malakas at muntikan ng tumama sa akin ang likod ng isang empleyado kung hindi lang humarang si Kian.
Kaya ngayon ay mag kaharap na kaming dalawa at subrang lapit ng katawan niya sa akin. Gulat rin ako at hindi magawang gumalaw. Nang mabalik ako sa wesyo ay hindi ko na mapigilan ang sarili kung humawak sa braso niya, kung sakali mang umalog ulit ang elevator ay hindi ako matumba.
Ngayon ay amoy na amoy ko na ang pabango niya, at ramdam na ramdam ko ang katawan niyang nakadikit sa akin. At ngayon ko lang din napansin na mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko, hindi niya ako binitawan.
Pilit akong tumingala para makita ang mukha niya at saktong tumama ang tingin naming dalawa pero agad akong umiwas dahil parang hinigop ako ng mga mata niya.
Makalipas ang halos kahalating oras sa ganoong sitwasyon ay nahiwalay rin ako sa kanya nang tuloyang bumukas ang elevator mabilis akong nag lakad papalabas habang habol-habol ang hininga ko.
Todo hingi rin nang tawad ang mga employees na naka-assign sa mga elevator, wala naman akong magagawa kundi ang utusan sila na ayusin ang mga dapat ayusin para hindi na mag ka-abirya sa susunod.
Nang marating ko ang pinto ng opisina ay saglit kung pinunasan ang noo ko dahil sunod-sunod na tumulo ang pawis mula doon. Pati na rin sa leeg ko, subrang init naman kasi sa loob tapos wala-wala pa ang ilaw, at higit sa lahat subrang sikip.
Kaya halos maligo ako sa pawis. Bumaba na lang ang tingin ko ng may biglang mag-abot sa akin ng panyo, ng tignan ko kung sino ay nagdadalawang isip akong tanggapin. Bakit niya ibibigay 'yan, kung pati siya pinag-papawisan na rin?
"Kapalit ng panyo mo." Usal niya at tuloyang inabot sa akin. Naalala kung binigay ko pala sa kanya ang panyo ko kahapon, pero hindi ko naman sinabi na kailangan niya 'yong palitan? Anyway, wala na akong magagawa kundi ang tanggapin.
Nauna siyang pumasok sa loob habang saglit kung pinunasan ang noo ko at sumunod. Nang makapasok ay bumungad agad sa akin ang isang babae. Si Vena.
"Na stuck ka sa elevator? You're fine right? Kanina pa kita hinihintay, at nagulat akong nauna pa akong dumating dito sa opisina mo... ninyo." Lumipat ang tingin niya sa akin.
Hindi ako kumibo at dumiretso sa table ko.
"I'm fine."
"'Yong sugat mo? Maayos na ba? I told you to consult a doctor, paano pag nagka-impeksyon 'yan?" Bahagyang tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Doctor agad? Hindi ba't masyadong o. a 'yon?
"Hindi na kailangan. I'm all fine." Bakas sa boses niya ang pagiging mahinahon. Nagkabalikan na kaya sila? Ano namang pakialam ko doon? "Why are you here? Wala ka bang shooting?"
"This morning wala. Mamayang hapon meron, ihatid mo ako." What the hell? Kailangan talagang dito mag lumpungan? I mean oras ng trabaho ngayon. At nakakadisturbo sila sa akin, hindi ako makapag-focus dahil rinig na rinig ko ang boses nilang dalawa.
"Sure. But you don't need to stay here, Vena." Tama, kasi wala akong magagawang trabaho kung na di-distract-
"It's okay, Kian. Ayos lang naman sa akin na hintayin ka, I'm all good." Wow? Sino ba totoong nag mamay-ari sa opisinang 'to? Bakit parang ako 'yong nakikihati ngayon? Kailangan ako mag-adjust?
Inis kung binaba ang ballpen na hawak ko at hinarap ang laptop. Focus Kaury, focus. Marami ka pang kailangang gawin.
"Kian anong magandang gawin sa anniversary?" Napahinto ulit ang pag-kakalikot ko sa laptop. "Malapit na ang anniversary, do we have a plan?" Malambing na tanong nito.
Anniversary? Oh... nagkabalikan na nga sila?
Parang nagkaroon ng sariling kontrol ang mata ko at bumaling sa pwesto ni Kian. "What do you want to do? It's up to you, Vena." Lumipat ang tingin ko sa mga papelis na nasa gilid at mabilis 'yong kinuha bago tumayo, at naglakad papunta sa table ni Kian.
Malakas ang bawat hakbang ko na halos rinig na rinig ang tunog ng heels na suot ko, maging si Vena ay napatingin sa akin habang naka-kunot ang noo, pero hindi ko siya pinansin at malakas na binagsak sa table ni Kian ang papelis na hawak ko.
"Paki-permahan na lang." Hindi siya sumagot at diretso lang nakatingin sa akin na para bang nagtataka sa ginawa ko. "I need your signature Mr. Krefandez. Ibalik mo na lang pag-tapos na." Binagsak ko ulit sa table niya ang iba pang papelis na hawak ko at tuloyang nag lakad papalabas ng opisina, pati pinto ay pabagsak ko ring sinara.
Ano namang magagawa ko do'n kung hindi ako makapag-focus? May meeting rin naman ako ngayong 9 am kaya okay lang din na umalis ako doon. Mas lalo lang lumala ang inis ko.
****
Sa halos dalawang linggo naming pag s-stay dito sa pilipinas ay unti-unti na ring nasanay si Asy. Halos dalawang linggo na rin simula ng mag trabaho ako sa companya nila Finn, at halos dalawang linggo na rin akong naiilang sa t'wing mag kasama kami ni Kian sa iisang opisina.
Hindi ko naman siya pinapansin unless may kailangan akong papirmahan sa kanya. Ganoon rin naman siya sa akin, hindi niya ako pinapansin at kapag dumadapo ang tingin niya sa akin ay palaging walang emosyon ang mukha niya.
Pero ayoko nang problemahin 'yon.
Nandito kami ngayon sa isang private school ni Asy dahil ipapa-enroll ko na siya, alam ko ring sabik na sabik na siyang mag-aral. Kumpleto naman ang papelis niya kaya hindi ako nag kaka-probelema.
Simpleng pag-papasa lang ng document ang ginawa ko, dumaan rin kami sa may photo shop para kunan ng litrato si Asy, na gagamitin para sa ID niya.
"Gusto mong pumasyal?" Umupo ako saglit para magka-pantay kaming dalawa. Sa dalawang linggo rin ay nasa condo lang siya kasama si Polen kaya kahit ngayon lang ay magawa naming pumasyal.
"Yes Momi... Buy toys!" Nakangiting sabi niya at tumalon-talon na para bang excited siyang mamasyal kami.
Hindi ko rin mapigilang ngumiti. "Okay, let's go. Mall tayo." Mahigpit kung hinawakan ang kamay niya at pumara ng taxi. Sa buong byahe ay nag kwe-kwento lang si Asy tungkol sa mga kalokohang tinuturo sa kanya ni Polen, habang tahimik lang akong nakikinig.
Nang makarating kami ay kaagad ding bumaba sa taxi. Muntik pa siyang tumakbo papasok pero pinigilan ko siya dahil baka bigla siyang mawala sa paningin ko.
"Asy, h'wag aalis sa tabi ni Momi. Gusto mo bang kunin ka ng bad guys?" Mabilis siyang umiling.
"No, no, pow, sowwey..." Tipid lang akong ngumiti at hinaplos ang pisnge niya.
"Don't do it again. Anong gusto mong toys?" Sumilay ang galak sa mukha niya.
"Bawbie! Cindewella bawbie!" Hindi na ako kumibo habang nakangiti lang sa kanya. Una kaming pumunta sa Kids Station para pumili si Asy ng mga gusto niyang laruan.
Nasa likuran niya lang ako habang siya ay tuwang-tuwa sa mga nakikita niyang laruan at pasimpleng lumilingon sa akin at ngumingiti.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at pangalan ni Finn ang bumungad sa screen. Saglit kung kinausap si Asy at pumunta sa labas para sagutin ang tawag niya.
["CK! I'm sorry, ngayon lang ako nagkaroon ng oras para tumawag."]
"Finn, it's okay. How are you?"
["I'm not fine of course, nangako ako sa 'yo na susunod ako pagkatapos ng isang linggo. But it's almost 2 weeks, hindi pa rin ako nakasunod."]
"Okay lang naman... alam kung marami ka ring ginawa, just take your time. Ilang ulit ko 'yang sinasabi sa 'yo."
["Yeah... b-but I miss you..."] Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Hanggang maagaw ang atensyon ko dahil sa lalaking naglalakad papalapit sa pwesto ko.
Dahan-dahan kung binaba ang cellphone ko at tinignan si Kian na ngayon ay may kasamang batang babae na hawak-hawak niya sa kabilang kamay. Nakangiti siya habang nakatingin sa bata, hanggang sa biglang sumulpot si Vena sa harapan nila at sabay-sabay silang tumawa.
Hindi ako nakagalaw at nakatitig lang sa kanilang tatlo hanggang sa makarating sila sa pwesto ko. Bahagyang natigilan si Kian ng magtama ang tingin naming dalawa.
"Mom! Bawbie!" Nabalik lang ako sa wesyo ko nang hawakan ni Asy ang kamay ko at pinakita ang hawak niyang barbie.
Binaling ko ulit ang tingin kay Kian na ngayon ay diretsong nakatitig kay Asy.
"Daddy, buy me barbie too!" Sigaw ng batang kasama niya.
Daddy...
Hindi ko alam pero kusang bumaba ang tingin ko sa kamay ni Kian, sa daliri niya, at hindi ako nagkamali. May singsing siyang suot, lumipat ang tingin ko kay Vena. Sa mismong kamay niya, pigil hininga pa ang ginawa ko hanggang sa makita kung may suot rin siyang singsing.
They're..... they're married?
'Yong hindi pamilyar na pakiramdam na naranasan ko noong tuloyan ko siyang tinalikuran noon, ay naramdaman ko ulit ngayon. Pakiramdam na hindi ko alam kung ano'ng ibig-sabihin, masakit, pero saan nanggagaling? Kumikirot ang puso ko, pero bakit?
Ganitong-ganito 'yong naramdaman ko noon...
Muling nagtama ang tingin naming dalawa.
May pamilya na siya... may anak na siya.
He's married.
.