CHAPTER 32 – His Party 1
KAURY’S POINT OF VIEW
Malalim na ang gabi pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Hindi ako dinadalaw nang antok, sa t'wing pipilitin kung matulog ay palagi lang lumalabas sa isipan ko ang imahe niya.
Iniisip ko ang pinag-usapan namin kanina, pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay hindi ko na magawang magsalita ulit. Natatamimi ako, na halos pag lapat ng tingin ko sa kanya ay iniiwasan ko na.
Bakit? Bakit kahit kailan hindi niya magawang magalit sa akin? I fooled him before, ginamit ko lang siya, pero kahit isang sumbat wala akong natanggap mula sa kanya. At kung galit man siya sa akin ay hindi ko siya masisisi.
Makalipas ang ilang taon ko sa Paris ay unti-unti kung naiintindihan ang paliwanag ni Kian sa akin noon. I... I was selfish, alam ko 'yon. Napuno ako nang galit ko, pinangunahan ako nang poot ng puso ko.
Dinamay ko siya. And because of that I expected him to be mad at me, but how can he not hate me even once? Dahil sa sinabi niya mas lalong lumalim ang nararamdaman ko na hindi ko alam kung anong kahulugan.
But one thing I'm sure is that Kian is so selfless.
Ibang-iba ang mga nangyari sa in-expect ko noon. Akala ko pag nagkita ulit kami, magagalit siya sa akin, mas lalong lumala ang galit niya, akala ko ibabato niya sa akin ang mga masasakit na salita na dapat ilabas ng isang taong naloko kagaya niya.
I was so confused all the time. Why?
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinignan ang sarili ko sa salamin. Tinitigan ko ang kwentas na binigay sa akin ni Mama, kahit tanggap ko ng wala sila ay may kaunting kirot pa rin sa puso ko.
Nami-miss ko sila, palagi ko silang na mi-miss na halos mag damag na akong umiiyak sa t'wing naalala ko ang mga nangyari. Kagaya ngayon, kusa nanamang nag unahan ang luha ko sa pag-tulo.
Walang hikbi na lumabas sa bibig ko, tanging luha lang ang pumapatak galing sa dalawang mata ko. Napaigtad lang ako ng bigla kung maramdaman ang mahigpit na yakap ni Asy sa akin mula sa likuran ko.
"A-Asy..." Dali-dali kung pinahid ang luha at humarap sa kanya. Ang mga mata niya ay parang naiiyak na rin habang nakatingin sa akin.
"Momi, wag pow cry..." Mas nabigla ako nang humagulhol siya sa pagitan ng leeg ko. Damang-dama ko ang luha mula sa mata niya na dumadampi sa leeg ko, mahigpit ko siyang niyakap pabalik.
"Hush, hush, don't cry please... I'm sorry, hindi na ako iiyak.. baby please stop crying.." Hinaplos ko ang likuran niya at pinunasan ang luhang nag kalat sa pisnge niya. "'Yong sipon mo oh.." Pinilit kung tumawa at tinuturo ang ilong niya.
Habang nakanguso lang siya sa akin.
"Momi, downt cry po.." Tumango ako at hinalikan siya sa noo. Hindi ko man lang napansin na gising na pala siya, ganito rin ang nangyayari noon sa Paris.
T'wing nakikita niya akong umiiyak ay mahigpit niya akong niyayakap at bigla ring iiyak habang nakayakap sa akin. Ayaw niyang nakikita akong umiiyak.
"Sorry, hindi na... kaya h'wag ka na ring umiyak..." Binuhat ko siya at hiniga sa kama, tumabi rin ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap habang tinapik-tapik ko ang likuran niya. "Thank you Asy.. Mahal na mahal kita." Hinalikan ko ulit ang noo niya, hanggang sa maramdaman ko na ang pag-lalim nang hininga niya.
2 weeks.
Dalawang linggo ulit ang dumaan, wala akong ibang ginawa kundi ang maging busy. Pilit ko ring iniiwas ang sarili ko kay Kian, at hanggang kaya ko ay hindi ako nag s-stay sa opisina para hindi kami masyadong magka-ilangan dalawa.
Ang huli lang naming pag-uusap ay 'yong sa kotse niya. Hindi na 'yon nasundan pa kahit palagi kaming nagkikita sa loob ng opisina.
"Tito Kalixto..." Sagot ko sa telepono.
["CK, how's the connection?"]
"Maayos naman po Tito, wala pong naging problema." Tahimik kung inaayos ang buhok ko at nag lagay ng lipstick sa labi.
["That's good. Today is Kian's birthday, did you get a gift for him?"] Dumapo ang tingin ko sa maliit na box.
"Yes po Tito, galing sa Paris necktie na binili ko. Kahapon lang po dumating.."
["Okay, okay. Enjoy CK, don't forget to interact with the others."] Pinatay niya ang tawag kaya binaba ko na rin ang telepono ko. Muli kung tinitigan ang sarili ko.
Kung ako lang ang masusunod ay hindi ako mag a-aksaya ng oras para pumunta sa party ni Kian. Pero ito ang gusto ni Tito Kalixto, sinabi niya rin na kailangang may maibigay akong regalo kay Kian. Kaya naisip kung necktie na lang na galing sa Paris.
Palagi ko kasing napapansin na hindi masyadong nagsu-suot ng necktie si Kian. Kaya minabuti ko na lang na 'yon ang i-regalo, pumili rin ako ng sa tingin ko ay babagay sa kanya.
"Asy? Are you ready?" Inayos ko ang suot niyang dress. Kailangan ko siyang isama dahil wala si Polen para bantayan siya, nag ka-problema sa kanila at kailangan siya ng Mama niya, kaya hindi ko na pinigilan.
Wala naman sigurong kaso kung isasama ko siya, isa pa mabilis lang ako doon dahil alam kung hindi ako magiging komportable lalo na't nandoon rin si Vena. Ayokong makipag-plastikan sa kanya.
"Behave ka lang doon ah?" Saglit kung nilagyan ng pulbo ang likod ng leeg niya para kung sakaling pag-pawisan siya. Kinuha ko na rin ang maliit na box na ibibigay ko kay Kian at nagsimulang mag lakad papalabas.
Alas syete na ng gabi kaya malamang nag s-start na ang party niya, mas okay na rin 'yong late para hindi na ako masali sa pa grand entrance nila.
"Are you okay baby?" Tanong ko dahil kanina pa siya tahimik.
"Yes pow..." Kampanti naman ako dahil matamis siyang ngumiti sa akin at mahigpit na yumakap sa may braso ko. Aabutin siguro ng halos 20 minutes ang byahe dahil may kalayuan ang village nila Kian.
Isa pa... Lumipat na pala siya. Iba na 'yong address niya.
"Nandito na po tayo Ma'am." Ngumiti ako kay Manong Driver at inabot sa kanya ang bayad. Inalalayan ko rin si Asy na makababa sa taxi.
Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi nang makita kung gaano karaming sasakyan ang nasa labas, may iba na kakarating lang, ang iba rin ay nalilito kung saan sila mag pa-parking dahil masyado nang maraming sasakyan sa paligid.
Inayos ko na lang ang suot kung fitted dress at hinawakan ang kamay ni Asy bago mag lakad papasok. Bumungad sa amin ang iba't-ibang ingay na naririnig, sa bawat gilid ay may nag-uusap at nag tatawanan.
May ibang nag kakamustahan at may nag-kukuhanan ng litrato. Hindi ko inakalang ganito pala ka-engrande ang kaarawan niya? Naninibago lang ako. Subrang kilalang tao na si Kian, ni hindi ko maisip na nagawa niya pang umahon pagkatapos ng ginawa kung pag papa-bagsak sa kanya.
Parang dahil sa ginawa ko mas lalo lang siyang naging mataas. Tinatanong ko sa sarili ko kung paano niya nagawang makabangon pagkatapos ng mga nangyari?
Hinanap ko na lang si Kian, at paminsan-minsan ay may bumabati sa akin. Hindi ko naman magawang makipag-kwentuhan pa dahil si Kian lang talaga ang pakay ko, kaso sa dami ng tao dito mahahanap ko pa kaya siya?
Nang mas makapasok ako sa loob ay kitang-kita ko na ang malawak at malaki niyang bahay. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa kinatatayuan ng bahay niya. Binalik ko na lang ang atensyon sa pag hahanap sa kanya, hanggang sa makarating kami sa may pool area.
Mas maraming tao rin ang nandito, at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko si Kian na ngayon ay may kausap iba't-ibang lalaki. Tumigil kami sa may bakanteng table at pina-upo ko si Asy sa may upuan habang hindi inaalis ang tingin kay Kian.
Ngayon ay nililibot niya ang paningin niya na para bang may hinahanap siya hanggang sa dumapo ang tingin niya sa pwesto ko. Matagal kaming tumitig sa isa't-isa pero ako na mismo ang umiwas.
Mukhang busy pa naman siya kaya hahayaan ko na muna.
"Kau.." Akmang tatalikod na ako nang saktong marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Muli akong humarap sa kanya at pinilit ang sariling ngumiti.
"Kian, happy birthday, pinapasabi rin 'yan ni Tito Kalixto." Hindi siya sumagot at nilipat ang tingin kay Asy na ngayon ay nakatingin din sa kanya. "Ah.. Pasensya na, may emergency kasi kaya no choice ako kundi dalhin siya-"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "It's okay, I won't complain Kau. You... you have a beautiful daughter." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, nilingon ko na lang si Asy at sinenyasan siyang lumapit sa akin.
"Asy, this is Tito Kian, birthday niya... you should greet him." Bulong ko sa kanya at ngumiti.
"Hello! Happew bewtday po!" Masiglang bati nito at malawak na ngumiti habang nakatingin kay Kian na ngayon ay tipid na ngumiti at hinaplos ang ulo ni Asy.
"Thank you. Can I borrow your mom?" Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"What are you saying? Walang mag babantay sa kanya." Angal ko at masama siyang tinignan. Hindi niya ako pinansin, hanggang sa ilang segundo lang ay lumapit ang halos limang maid sa pwesto namin.
"Please take care of her." Kanya-kanyang tumango ang limang maids at binaling ang tingin kay Asy. Wala naman akong nakitang pag-tutol sa mukha ni Asy, bagkos ay nakangiti pa siya habang nakatingin sa akin. Kaya hinayaan ko na lang si Kian na hilain ako.
Siguro tama rin 'to na maka-usap ko siya at ibigay ang regalo niya, ng sa ganoon ay makauwi na ako. Tumigil kami sa may likurang bahagi ng bahay niya kung saan wala masyadong tao.
"Uh... Happy birthday ulit. I just want to give this, my gift for you. It's expensive, don't worry." Biglang sumama ang timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko. May mali ba? Sinabi ko lang naman na mahal 'yon para hindi siya mag dadalawang isip na suotin 'yon.
"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. "I know what are you thinking, Kaury." Iniwas ko ang tingin ko. Bakit sa t'wing binabanggit niya ang pangalan ko ay tumatalon rin ang puso ko. Gago.
"Pasensya na kung na offend ka." Yumuko ako. Parang naubusan ako nang salita, biglang bumalik sa akin ang nangyari noon. Kaarawan niya rin 'yon... kung kelan niya nalaman ang katotohanan tungkol sa akin.
"You know what, I'm not celebrating my birthday right now." Umangat ang tingin ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. "I'm celebrating something... something that happened 5 years ago. Remember? 5 years ago when you left me." Mas lalo akong natulala dahil sa sinabi niya.
"Kian... I'm sorry." Walang emosyon akong tumingin sa kanya.
"Sorry for what Kaury? Saang banda ka nag so-sorry?" Napalunok ako.
"Sorry, kasi niloko kita? I know it's too late, masyado akong naging bato noon Kian. Sarado ang puso ko, at habang nasa Paris ako unti-unti kung naintindihan ang paliwanag mo... I'm sorry it's too late to realize." Peke akong ngumiti.
"You're always forgiven. But that's not what I want Kaury. Hindi 'yan ang sorry na gusto kung marinig sa 'yo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kian." Wala akong maintindihan sa balak niyang sabihin. Kaya inabot ko na lang sa kanya ang regalo ko. Kahit masyado akong naguguluhan dahil sa lungkot na sumilay sa mga mata niya, hindi lang ako sigurado kung tama ba ang nakita ko. "Kunin mo na lang, kailangan ko ng bumalik-"
Hinawakan niya ang pulsohan ko na para bang pinipigilan niya akong umalis. "Kahit kailan ba sumagi ako sa isip mo?" Tanong niya pero wala sa akin ang paningin.
Ito na ba ang oras para pag-usapan ang mga nangyari? Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Kinakabahan akong balikan ang mga nangyari noon, kasi andito nanaman ang pakiramdam na palaging gumugulo sa akin.
"Oo. Let's say I felt guilty, dahil sa dahilan mo. You're right... you're just a kid that time. Nabulag ako nang galit ko e, pasensya na. Pero Kian bakit ka ganyan? Bakit hindi ka magalit sa akin? After all may kasalanan rin naman ako?" Hinarap ko siya.
"I don't know. Bakit nga ba? I just can't hate you, hindi ko kaya." Yumuko siya at sa muling pag-angat ng tingin niya ay nag tama ulit ang tingin naming dalawa. Sa pagkakataong 'to ay malambot na ekspresyon ang pinakita niya sa akin.
Hindi rin ako nakagalaw ng haplosin niya ang pisnge ko. Marahan 'yon at puno ng pag-iingat. Kusa ring bumaba ang tingin ko sa mga labi niya kasabay ng sunod-sunod na pag-kabog ng dibdib ko.
"Kian." Mahinang sambit ko sa pangalan niya pero parang wala siyang naririnig at diretso lang nakatitig sa mga mata ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayang tuloyan na pala niyang dinampi ang labi niya sa akin.
Hinalikan niya ako....