CHAPTER 29 – Embarrassment
KAURY
"I hope this partnership will be successful." One of the board members acknowledged. Sabay-sabay kaming tumayo at pumalakpak, after 1 hour of meeting natapos rin.
The whole hour is just tiring, para akong nasasakal habang nandito ako sa loob. Dahil sa t'wing nakikita ko siya ay parang may kung ano sa loob ko ang unti-unting nabubuhay.
Habang nakatingin rin sa kanya marami akong nakikitang pagbabago, I think he's not the Kian I've met before? Hindi lang looks ang nag-iba sa kanya, pati ang galaw niya. Now he looks more dangerous and unrechable.
Good for him, dahil mukhang wala naman siyang pakialam sa paligid niya. He was chillin' and he looks so professional, but he looks intimidating too. Masyadong seryoso ang mukha niya at malamig ang atmosphere.
"Thank you, Ms. Sullivan, and welcome back." Ms. Romolo greeted me.
"Thank you also Ma'am, I hope to get along with y'all." Nakipag-shake hands ako sa kanya at gano'n na rin sa ibang board members, except for one person.
Pero ayoko siyang pagtuonan nang pansin, bumalik ako sa table para kunin ang mga papelis at kontrata na pinermahan namin. I stop a little bit to face him, nakaupo pa rin siya at parang walang balak tumayo.
The most surprising is that he's looking at me with emotionless eyes. Pagkatapos ay tumayo siya at naunang mag lakad papalabas, binalik ko ang atensyon sa mga papelis na nasa harapan ko at isa-isa 'yong kinuha.
Pagkatapos ng meeting ay dumiretso ako sa opisina ko na hinanda nila para sa akin. I just greeted some employees before entering the office. Malaki at malawak, hindi ko maiwasang ngumiti habang nag-aayos ng mga gamit ko.
Saglit ko ring hinubad ang heels na suot ko dahil kanina pa ako nangangatog, I sat on the swivel chair and let my self to rest, just a minute. Pinikit ko ang mata na kaagad ko ring minulat dahil biglang bumalik sa akin ang itsura ni Kian kanina.
I never thought na ganoon ang magiging unang pagkikita namin, nag mukha akong kahiya-hiya sa harapan niya. I calmed my self and sighed heavily. Bigla namang tumunog ang telephone na nasa gilid lang ng table ko.
["Ms. Sullivan? How's the contract signing?"] Umayos ako nang upo, it was Tito Kalixto.
"Sir Vercollo it went well, we're done on signing the contract, and we hoped to have a better connection."
["That's great, keep it up, the good work. I'm leaning on you Ms. Sullivan."]
"Yes, Sir. Makakasa po kayo-"
["Is that CK?"] Saglit kung nilayo ang telepono sa tenga ko, dahil sa lakas ng boses ni Finn mula sa kabilang linya. ["Hey? How are you!? And Asy?"]
"Gagi ka? Kinuha mo kay Tito Kalixto ang telepono?" He chuckled as if it's okay.
["Yeah, he's glaring at me right now. That's why I need to take my time, it's look like he's pointing a gun on me using his eyes."] Lumakas pa ang tawa niya.
"Tss, ibalik mo na! Ayos lang kami ni Asy, and also Polen is taking care of Asy. Ilang ulit kung sasabihin sa 'yo na magiging maayos kami? Now give back the phone to Tito."
["Alright that's good to hear. I'm giving it back--- Hello Ms. Sullivan, Finn did it again. That moron, he run away." Mahina akong tumawa.
"Pasensya na po sa ginawa ni Finn." Ako na lang ang hihinge ng depensa. Bumaling naman ang tingin ko sa pinto ng may kumatok. "Uhm, Sir Vercollo may I excuse?"
["Sure, thank you again."]
"Sige po." Binaba ko ang telepono at mabilis na tumayo para buksan ang pinto. Muntik pa akong mapaatras nang makita kung sino ang nasa harapan ko.
"Mr. Krefandez?" Akala ko nakaalis na siya? Pero mas lalo akong nagulantang nang pumasok ang iilang lalaki na may dala-dalang iba't-ibang gamit. "What's.... all of this?"
"Mr. Vercollo didn't tell you?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"About what?"
"About me staying here. Your office is my office too, oh I shouldn't the one who's explaining this." Ano!? Pinagsasabi ng lalaking 'to? Bumalik ako sa table ko at hinarap ang telepono.
"Tito? What's the meaning of thi-"
["I think it's for the better Ms. Sullivan, I know you're surprised, but I already decided. Just keep the good work I know you can do it."] After that he hanged up! Para akong tanga at pinanood ang halos apat na lalaki na ngayon ay inaayos ang malaking table sa gilid.
Lumipat ang tingin ko kay Kian na ngayon ay nakaupo sa couch at pasimpleng tinanggal ang tatlong butones ng suot niyang polo. Mas lalo akong napasapo sa ulo ko, what the hell is this? Bakit kailangang iisa kami ng opisina!? At isa pa bakit siya pumayag sa set-up?
Okay, just keep your cool Ciara Kaury. I don't neet to care. I'm here also because of work, because of responsibilities, that's all. Kung 'yan ang napag-kasunduan nilang set up ay wala na akong magagawa.
Hindi ko napansin na malakas ko palang naibagsak ang teleponong hawak ko kaya lahat sila napatigil at tumingin sa akin, pati na rin si Kian na walang emosyon ang mukha.
"Oh... sorry, ituloy niyo na." Umiwas ako at kunwari'y may inaayos na mga gamit.
Mahigit ang halos isang oras ay natapos na nila ang ginawang pag-aayos sa table niya, naglabasan na rin ang mga lalaki hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira dito.
Dahan-dahan kung pinahid ang pawis na namuo sa noo ko. Malamig naman dahil sa aircon pero bakit pinag-papawisan pa rin ako? Inis kung kinuha ang panyo sa loob ng bag ko.
Pati pag hawak ng mga papel ay nahihirapan ako dahil nanginginig ang kamay ko. I don't know what's happening, tumingin ako sa pwesto kung nasa'n siya at sa pangalawang pagkakataon ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"What? May kailangan ka ba?"
"No."
"Then why are you looking at me?" A playful smirked appeared on his face. Mas lalo akong nainis, anong trip 'to?
"I'm not looking at you. I'm looking at the painting." He pointed my back. Dahan-dahan akong tumingin sa likuran sabay kagat ng labi ko, parang ang hirap ng lumingon ulit dahil salong-salo ko nanaman ang kahihiyan.
Kahit mahirap ay pilit kung binalik ang tingin ko sa harap ng mga papelis ko. I didn't talk again, mabuti na lang at busy na rin siya sa ginagawa niya.
Ilang oras ang dumaan hanggang sa mag-ring ang cellphone ko. Naagawa ko tuloy ang pansin niya pero mas minabuti kung h'wag na lang siyang tignan at kunin ang phone sa loob ng bag.
Si Polen ang tumatawag.
"Hello? Napatawag ka?"
["Momi! Eat kana pow lunch?"] Napatingin ako sa oras, hindi ko man lang napansin na alas dose na pala ng tanghali.
"No baby..."
["Why pow momi? Eat kana pow."] Sumilay ang ngiti sa labi ko. Kahit kaunti ay nabawasan ang kakaibang pakiramdam na namuo sa buong sistema ko.
"Yes baby... I'll eat. How about you?"
["Done momi! Tita Polen cooked for me."] Bakas sa boses nito ang pag-katuwa.
"That's good baby, I miss you so much---" Automatikong naputol ang sasabihin ko dahil sa ingay na nanggaling sa table ni Kian. Nang bumaba ang tingin ko sa sahig ay nakita kung nagkalat doon ang basag na vase na galing sa table niya.
Binaba ko ang cellphone at tumayo para mas makita ko ito nang malapitan. "What happened?" Tanong ko pero hindi siya sumagot, umangat ang tingin ko sa kanya, kaya kitang-kita ko ang sugat sa kamay niya na ngayon ay dumudugo. "'Yong kamay mo-"
"Stop."
"Tss, 'yong kamay mo nga-"
"Alalahanin mo 'yang paa mo." Putol niya ulit sa sasabihin ko. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko, at ngayon ko lang naalala na hinubad ko pala ang heels ko kanina. At muntik ko nang maapakan ang basag na vase.
Muling dumapo ang tingin ko sa sugat niya na walang tigil na dumudugo. Ano ba kasing nangyari? Dali-dali akong pumunta sa table ko para kunin ang panyo at inabot sa kanya, ilang segundo niya 'yong tinitigan at kalaunan ay tinanggap rin.
"Wala ka bang first aid kit-"
"Kian?" Sa pangatlong beses ay naputol ulit ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Napakunot ang noo ko dahil hindi man lang kumatok bago siya pumasok dito. "Kian? What happened!?" Malakas na binangga ako nito at lumapit sa lalaki.
The moment I saw her face is that I recognized it right away. It was... it was Vena. As I remember she is Kian's ex-girlfriend, but that was before. Hindi ko alam kung hanggang ngayon mag ex parin silang dalawa.
"I'm fine." Naglakad ako pabalik sa table ko. "What are you doing here?" Gusto kung takpan ang tenga ko ngayon dahil hindi ako maka-focus sa trabaho ko.
"Of course I want to visit you. I heard the news, you successfully signed the contract. I'm so proud of you." Mabilis kung iniwas ang tingin nang makita kung paano siya halikan ng babae sa pisnge. "But I don't understand is why are you needed to stay here? Hindi mo naman kailangang-- Oh? You!"
Walang emosyon akong tumingin sa kanya nang ituro niya ang pwesto ko.
"You... I know you..." Sinuri niya ang mukha ko at mas lalong lumapit sa pwesto kung saan ako naka-upo. "I knew it... you're one of Kian's side chicks before!"
"What?" Tumaas ang isang kilay ko. Side chick?
"Yes. Naalala kita, paano ko naman makakalimutan ang mukha mo? You're so annoying, you're face is so annoying. But you know it was before, we can get along." Hindi ko siya pinansin at sinuot ang heels ko. "I didn't know that you have a connection with Vercollo Entertainment, ang hilig mo sigurong kumapit sa mayayaman-"
"Can you shut up? Baka nakakalimutan mong opisina ko pa rin 'yang tinatapakan mo?" Kinuha ko ang bag ko na nasa gilid at tumayo. Mabuti na lang at lunch, may oras ako para lumabas dito.
Tinapunan ko ng tingin si Kian at ang kamay niyang may sugat, nakapulupot na rin doon ang panyo na binigay ko. Nagpakawala lang ako nang malalim na buntonghininga at nagpatuloy sa paglakad papalabas.
*****
"Any appointments tomorrow?" Tanong ko sa sekretarya na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.
"Meeting at 9 am with the new investors Ma'am, another appointment with Mr. Delucio at 1 pm." Tumango ako.
"You may go now. Thank you." Tumingin ako sa labas, kanina pa ako umaasa na sana tumila na ang ulan dahil hirap akong makasakay pag ganito ang sitwasyon.
Nakalimutan ko pang mag dala ng payong. Pero mukhang wala atang pag-asa na tumigil ang ulan dahil mas lalo lang itong lumalakas, lumipat ang tingin ko kay Kian na ngayon ay naglalakad na papalabas.
Hinayaan ko muna siyang makalabas bago ako nagligpit ng mga gamit ko. Inayos ko ang suot kung skirt at kinuha ang maliit na salamin sa bag ko. Maayos pa naman ang mukha ko kaya nag lagay lang ako ng kaunting pulbo sa mukha ko.
Hindi ko nakahiligang mag make-up dahil bukod sa wala akong oras ay hindi rin ako interesado. As long as maayos ang mukha ko ay kampante na rin ako.
Sa totoo lang na miss ko rin ang dati kung trabaho. Imbes na papelis ang hawak, noon ay iba't-ibang uri ng baril ang pinagkaka-abalahan ko, imbes na nakaupo ako sa loob na opisina, noon ay nakaupo ako sa isang malaking silid at pinapanood ang mga kasamahan ko na unti-unting natututo sa kanilang trabaho.
Pero kahit na-miss ko ang trabahong 'yon ay wala pa rin akong pinagsisihan. Masaya naman ako ngayon, at mananatili sa sarili ko ang karangalang natanggap ko mula sa dati kung trabaho. At alam ko na kaya lamang ako napasok sa ganoong trabaho ay dahil punong-puno nang galit ang puso ko noon.
The experience was enough for me.
Masaya ako ngayon... sa buhay na meron ako.
Nandito na ako ngayon sa labas ng building, at tama nga ang hinala ko. Hindi madaling makasakay dahil halos puno ang mga taxi na dumadaan, sinubukan kung mag booked pero wala rin namang available kaya no choice kundi ang mag hintay.
Dumidilim na rin ang paligid.
Bigla namang may tumigil na kotse sa harapan ko. Sinilip ko pa kung sino ang nasa loob nito... si Kian. Saglit na nagtama ang tingin namin pero siya ang kusang umiwas. Ilang ulit akong napalunok at tumingin sa paligid, wala ba talagang taxi?
At bakit hindi pa siya umalis? Harang siya sa harapan ko.. O baka may balak siyang mag offer ng byahe sa akin? Napatingin ulit ako sa kanya, pero wala sa akin ang atensyon niya. Napapadyak ako sa sahig at dali-daling lumapit sa kotse niya at binuksan iyon.
Nang makapasok ako sa loob ay pinunasan ko ang balikat kung nabasa gamit ang isang kamay ko. Hindi na ako nag abalang tignan si Kian hanggang sa magsimula siyang paandarin ang kotse niya. Kumuha lang ako ng maliit na papel at ballpen para isulat doon ang address ko.
Sa buong byahe ay nanatili lang ang tingin ko sa labas hanggang sa huminto ang kotse niya, hudyat na nakarating na kami. Sa pagkakataong 'to ay tumingin ako sa kanya.
"Salamat, sa paghatid."
"I didn't offer you a ride, no need to thank me." Kumunot ang noo ko.
"What?"
"Why? You're the one who bragged in my car." Napaawang ang bibig ko.
"Bakit ka tumigil sa pwesto ko kanina?"
"Inaayos ko ang sapatos ko dahil basa. Actually I don't need to explain, ikaw ang biglang sumakay sa kotse ko without saying anything." Tangina.
"Sana pinababa mo ako." Napapikit ako. "Never mind, b-babayaran ko na lang-"
"No need. Just get out." Bababa talaga ako!
Halos mahulog na ang mga gamit ko dahil sa pagmamadaling makababa ng kotse niya. Kahihiyan nanaman? Akala ko naman kasi na may balak talaga siyang pasakayin ako, bakit kasi do'n pa siya tumigil sa pwesto ko?
Damn.
Is he trying to get a revenge?
.