CHAPTER 24 – Realizations

KAURY’S POINT OF VIEW

"You left... bakit ka umalis kagabi CK?" Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Finn. Hindi ako nagkamali dahil nalaman niya ngang umalis ako kagabi. "Tama ba ang hinala ko? Pinuntahan mo ba 'yong..." He cut his words off. But I know who is he referring to.

"Je suis désolé... alam kung pipigilan mo ako," nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pwesto niya. "Sila Polen?"

[Translation: I'm sorry.]

"She left with the boys, I ordered her to search for a lawyer that will help in your case, what do you think?" Nanatili akong tahimik at kinuha ang first aid kit sa isang maliit na box. "What the hell happened to your foot!?"

"Relax... nasugatan lang," nakalimutan kung gamutin kagabi dahil kusa nang bumagsak ang katawan ko dahil sa pagod.

"That's why I can't allow you to move by yourself." Iling-iling niyang sabi at inagaw ang first aid mula sa akin. "Let me," hinayaan ko siyang gamutin ang paa ko. "Can't you be more careful next time, CK? Alam kung wala lang sa 'yo ang mga ganitong sugat, but atleast be careful."

"I know... na carried away lang," pagkatapos niyang lagyan ng alcohol ay sinunod na niya ang bandage, pinulupot ito sa kabuoan ng paa ko. For some reason bigla siyang bumalik sa isipan ko... si Kian.

Galit ako sa kanya noon pa man, bawat araw mas lalong lumalaki ang galit ko, lalo na sa Ama niya. Hanggang sa dumating sa point na tinatak ko sa sarili kung maghihigante ako, matagal ko na siyang sinusundan, pagkatapos ng maraming misyon ko sa Paris ay ang misyon ko naman sa kanya at sa pamilya niya ang inatupag ko.

2 years I've been following him. Nakatingin ako kay Kian sa malayo, ino-obserbahan ang bawat galaw niya, sinusuri ang kakayahan niya, sa dalawang taon na pagsunod ko sa kanya marami akong nalaman at natutunan.

Kian Harley Krefandez is not an easy man. Maraming tao ang hinahangaan siya, minsan rin kahit nasa loob ng korte ay sinusundan ko siya, tinitignan ko kung gaano siya kagaling sa loob ng korte. At habang nanonood ako sa kanya, tinatanong ko sa isipan ko 'Bakit no'ng ako ang huminge ng tulong sa 'yo, wala kang ginawa?'

I can't believe that he became a lawyer. Defending so many people but failed to defend that little version of mine.

Pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya, hanggang sa mapadpad ako sa Batangas, I decided to stay there for a while, doon ko nakilala sila Betty, it was an unexpected friendship, but I didn't reveal my true identity. Napilitan akong umakto at magpanggap. Hindi ko rin naman inasahan na mapapalapit ako sa kanila, hanggang sa tuloyan ko rin silang tinuring na kaibigan.

About Angelo? I... I didn't love him, pati ang pakikipag-relasyon sa kanya ay tiniis ko lang, it's a part of my plans too, nagpakilala ako sa kanila bilang isang mahinhin, at iba pa, kaya nilubos ko na ang pag-papanggap na 'yon.

Until that day came, noong nagkita kami sa amusement park, that was an intention, bumping into him is my intention. Nalaman ko nang gabing 'yon na nasa amusement park siya, at doon ko rin sinimulan ang lahat, my real plan is to make him fall in love with me.

But I didn't expect na mas pinadali niya ang plano kung 'yon. Akala ko mahihirapan ako, akala ko kakailanganin ko ng oras para mapaamo ko siya, akala ko kailangan ko pa siyang akitin or what. But then he made the first move, he talked to me first which I didn't expect to happened.

The operation in Paris started, nang tuloyan akong makaapak sa teritoryo niya ay siyang simula ng iba't-ibang reports ko, about his company, about his work, about himself, and others. Hindi ko siya masisi kung aakalain niyang nasa Paris si MDX which is ako, that's because sa Paris ginawa ang hacking at paglipat ng pera niya papunta sa amin.

I have connections in Paris, and Finn was the operator.

We transferred a lot of money from Kian's company and also from Rodolfo, marami rin kaming natuklasan about illegal gambling ni Rodolfo, at sangkot siya sa pagpapadala ng droga sa ibang bansa. That's why malakas at matatag ang companya niya.

Inipon namin ang lahat ng ebidensiya na magagamit namin sa araw ng paghuhukom, sa araw na makakaharap ko na siya sa korte. And I want Kian to watch his father's downful. Ang pag-bagsak niya ay siya ring pag-bagsak ni Rodolfo.

Pag katapos masampahan ng pang habang-buhay ni Rodolfo ay do'n ko lang masasabing nag tagumpay ako. And after that, I will go back to Paris, and continue my work there, continue my legacy and continue my leadership.

MDX is the name of our Clan which is leaded by me. They called me MDX as my code name, katiwalang tao lang rin ang nakakakilala sa totoong katauhan ko, that's why sometimes people got confuse. MDX? A boy or a girl? Just like Kian, he thought I was a boy.

I am a secret agent for almost 5 years, after studying in Paris I enter the special forces. Sinanay ko lalo ang sarili kung gumamit ng iba't-ibang baril. Until Tito Kalixto, Finn's father gave me a special mission.

That was my first, pinadala ako bilang isang spy sa kalaban niya sa gobyerno. I worked as secretary and seduce the CEO, which is success. After that I got praised by differet Clan, sunod-sunod na mission agad ang natanggap ko.

Until I became a superior, a respective leader and a motivation for other begginers. That was amazing, lahat ng pinagdaanan ko ay sulit, all of those hardships is worth it.

"Here we go again... what are you thinking?" I bit my lower lip and looked away. Hindi ko napansin na nakatitig na pala sa akin si Finn at kanina pa ako nakatingin sa kawalan.

"Nagbabalik tanaw lang," depensa ko sa sarili at tinignan ang paa ko. "Salamat, dito." Turo ko sa sugat na ginamot niya.

"Don't bite you lips CK," natigilan ako at nag-angat ng tingin.

"Anong ibig..."

"I'm a man too." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naglakad siya paalis. Naiwan akong hindi makapagsalita habang sinusundan siya ng tingin.

*****

"Do you really want to go back there?" Inayos ko ang suot na jacket at tumango. "Sasamahan kita,"

"Kaya ko naman Finn, alam ko naman ang pasikot-sikot doon." Plano kung bumalik sa bahay ni Kian, may importanteng bagay lang akong naiwan doon. At kailangan kung makuha.

"Pero CK, bakit ayaw mong mag pasama?" Tinaas ko ang hawak na baril para makita niya.

"I can defend my self, at isa pa bakit masyado kang nag-aalala sa akin? Alam mo namang kaya ko..." mahina kung sabi. At nilagay sa likod ang baril na dadalhin ko.

"It's because you're careless these days." Suminghap siya at kinuha ang susi ng kotse. "Sasama ako,"

"Finn, you don't have to-"

"Sa kotse lang ako maghihintay," putol niya sa sasabihin ko at naunang maglakad papalabas. Wala na akong ibang choice, gusto niya talagang sumama.

"Ate! Aalis po kayo?" Hindi Polen, dito lang kami.

"Oo, babalik rin," ngumiti ako ng tipid.

"Goodluck ate, about sa case mo, nagsisimula na kaming mag hanap ng best lawyer para sa kaso, kaya h'wag mo na masyadong alalahanin ang tungkol do'n." Tumango ako.

"Thankyou Polen, you helped me a lot."

"Kulang pa 'to ate sa ginawa mong pag-ligtas ng mga magulang ko noon, kung hindi dahil sa 'yo sana... sana wala na sila ngayon." Marahan kung tinapik ang balikat niya. It was 4 years ago when Polen's mother got kidnapped by terrorist, at ako ang agent na pinadala para sa operation na 'yon.

"Trabaho ko 'yon Polen. Paano, alis na muna kami." Paalam ko at lumabas na doon. Nakita ko namang naghihintay si Finn sa loob ng kotse.

"Let's go?" Tango lang ang sinagot ko at sumakay sa loob. Malalim na ulit ang gabi, binalak kung tumakas kanina pero nahuli ako ni Finn, kaya wala akong takas ngayon.

"Can I ask, CK?" Lumingon ako sa kanya.

"You're asking already," I smirked.

"Oh? Tsk. Anong gagawin mo doon? Bakit kailangan mong bumalik?" Puno ng pagtataka ang boses niya.

"I left something special." Tipid kung sagot at binalik ang tingin sa labas.

"Something special? What is it?"

"Ipapakita ko sa 'yo mamaya..." kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-tango niya at binaling ang atensyon sa daan.

Ilang minuto bago kami dumating sa bahay ni Kian. Nang silipin ko mula sa bintana ng kotse ay wala na masyadong ilaw ang nakabukas. Tinanaw ko rin ang main gate at nakakapagtakang wala man lang siyang bantay o guardia kahit isa.

"I'll wait here CK." Ngumiti ako ng tipid bago maglakad papalabas.

Kian tricked me before, noong sinabi niya na may invisible wire raw sa malalaking pader na nakatayo rito sa bahay niya. I really thought na meron, but Polen and Jerome confirmed na wala naman pala. Maybe sinabi 'yon ni Kian sa akin para hindi na ulit ako mag balak na tumakas noon.

Mabilis ko lang na akyat ang bawat pader dahil sa mga punong nakapalibot. Dumiretso ako sa bintana ng nagsisilbi kung kwarto noon. Madilim at tahimik.

Pagkapasok ko ay pinagpagan ko ang suot kung pants at dumiretso sa cabinet. Saglit kung binuksan ang lamp para magkaroon ng kaunting liwanag, at halos mapaawang ang bibig ko ng bumungad sa akin si Kian.

Nakahiga ito sa kama habang nakapikit ang mga mata, magulo ang buhok at nakabukas ang tatlong butones ng suot niyang pulo, yakap-yakap niya ang unan na ginagamit ko noon. At mas lalong nangunot ang noo ko ng mapansin ang butil ng luha sa gilid ng mata niya.

Pero alam kung hindi ngayon ang oras para intindihin ko siya, kailangan kung mag madali bago pa siya magising. Lumapit ako sa maliit na cabinet ay binuksan 'yon. Una kung nakita ang bag na pagmamay-ari ko.

Nakita ko sa loob nito ang kwentas na binigay noon sa akin ni Mama na may tatak 'CK'. At hindi ko pwedeng hayaan na lang 'to dito dahil ito ang pinaka-iniingatan ko noon pa man. Kinuha ko ang bag at nagsimulang mag lakad palabas.

Hindi pa man ako tuloyang nakalabas ng silid nang biglang may humawak sa pulsohan ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahang lumingon.

"K-Kau..." amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Dahil sa ilaw ng lamp ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. "My Wife... you're back." Mahigpit niya akong niyakap, pilit ko man siyang tinutulak papalayo sa akin ay masyadong mahigpit ang yakap niya.

"Bitawan mo ako Kian." Mariin kung bulong sa kanya.

"Paano Kau? Paano ko magagawang bitawan ka kung alam kung pag ginawa ko 'yon hindi na kita mayayakap ulit ng ganito?" Mas lalong humigpit ang yakap niya. "Please... please don't leave me again..." He begged.

Ramda ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

"May kinuha lang ako Kian, at aalis na ako, kaya pwedeng bitiwan mo na ako!?" Lumakas ang boses ko.

"I miss you so much... please comeback, I... I can't handle this Wife, I need you, please I'm begging you..." Napakuyom ang kamao ko. Bakit ka ganito Kian? Sa lahat ng mga nangyari hinihiling niya pa rin na bumalik ako sa kanya?

Hindi niya ba maintindihan na kaaway niya ako? I'm his enemy for god's sake!

"Pakinggan mo ang sasabihan ko Kian," malakas ko siyang tinulak. "I will file an annulment, mapapawalang bisa na ang pinirmahan kung marriage contract, at pag nangyari 'yon ibig-sabihin ay wala na tayong koneksyon sa isa't-isa."

"No. I will never let that happen, Kau." Umiling siya.

"Mangyayari 'yon Kian, after signing the annulment paper means we're done. Tapos ang lahat sa atin." Tinalikuran ko na siya at dumaan sa pinto ng kwarto. Para saan pa't alam naman niyang pinasok ko ang bahay niya.

Binilisan ko ang hakbang ko hanggang sa makarating ako sa first floor ng bahay niya.

"Kaya pala pamilyar ka..." Napalingon ako ng may biglang nagsalita. "Alam ko noong una pa lang kitang makita, alam kung may kakaiba sa 'yo.."

It was Aling Tes.

"Aling Tes." Sambit ko sa pangalan niya.

"Pamilyar na pamilyar sa akin ang mga mata mo, pilit kung inaalala kung saan kita nakita... at ngayon alam ko na, ikaw pala ang batang 'yon.." Yumuko siya.

Posible na makilala niya ako dahil nakita niya na rin ako noon, nagkausap pa nga kami. At simula una ay kilalang-kilala ko rin si Aling Tes kahit pa may katandaan na siya.

"Ako nga," bumuntong-hininga ako bago tumalikod sa kanya.

"Patawarin mo sana ako hija... pag dating ng panahon sana mapatawad mo ako." Tumigil ako sa paglalakad at muli ay lumingon sa pwesto niya habang ang mukha ko ay puno nang pagtataka, gusto ko siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin, pero nagsimula na siyang maglakad papaalis.

Lumabas ako na puno ng pagtatanong. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Kau!" Nang makarating ako sa gate ay narinig ko ulit ang boses ni Kian.

"Kian ano ba!?" Inagaw ko sa kanya ang kamay ko.

"I can't let you leave... please stay here," Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinalikan 'yon. "Please Wife, let me... let me explain my side about what happened before, I know you're mad but can you please hear me first?"

"CK!" Finn? Bakit siya lumabas sa kotse? "Let her go." Mariin itong nakatingin kay Kian.

"Don't interrupt us." Mas lalong humigpit ang hawak ni Kian sa kamay ko. "I'm begging you again Kau, hear me first. Kahit galit ka gusto ko lang makinig ka sa akin, I have my reasons please believe me this time..."

"CK let's go." Hinila na rin ni Finn ang kabilang kamay ko. "Let's go..."

Bumangga ako sa dibdib ni Kian nang bigla niyang pinulupot ang kamay sa bewang ko at hinila papalapit sa kanya. "Fuck off, she's my wife." Ma-autoridad niyang sabi.

"No she's not, and she will never be." Mariin akong napapikit dahil nagpapalitan sila nang masamang tingin sa isa't-isa. "CK, umalis na tayo. Don't let that man destory you again." Kumawala ako kay Kian.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Kian." Walang emosyon kung sabi.

"Are you choosing him over me?" Bakas ang hinanakit sa boses niya.

"I'm choosing my self Kian, I will never let my self deceive by your words again. And please... I'm not your wife, alam mong lahat ng mga nangyari ay kasinungalingan lang."

"CK, umalis na tayo." Tumango ako at tinalikuran siya.

"Kau, you're my wife. If you won't hear my words, then I will do everything just to explain everything. Hahayaan kitang umalis ngayon ng hindi naririnig ang paliwanag ko, but next time I will assure that you will hear my explanation. I love you so much, please remember that."

.