CHAPTER 23 – Real Intentions

KAURY’S POINT OF VIEW

"Welcome.... back, I guess?" Sumalubong sa akin ang iilang lalaki at sabay-sabay na yumuko. Sunod kung nakita si Finn na nakangiti at mahigpit akong niyakap. Nagkita kami no'ng nakaraan sa Mall, totoong kinabahan ako ng mga oras na 'yon dahil inakala kung mabibisto ako ni Kian.

"Ate!" Sumunod si Polen na parang bata habang niyayakap ako. "Bakit hindi ka pa sumabay kanina? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" Mabilis akong umiling. Nang dahil sa mga nangyari hindi ko na ulit hahayaan na masaktan pa ako.

"Si Jerome? Kamusta siya?" Jerome siya 'yong boyfriend ni Polen, na pasimuno rin ng pag kidnap sa akin. Pero gaya ng sabi ko, palabas lang lahat ng 'yon, nakaplano na simula pa sa una.

Malungkot na ngumiti si Polen habang bakas na bakas sa mata ang galit. "Hindi pa rin siya makagalaw ng maayos... tatlong bala rin kasi ang tumama sa kanya," si Jerome pala 'yong tinutukoy ni Kian na napuruhan niya, no'ng time na sumugod ulit sila sa bahay ni Kian.

Sa mga oras na 'yon ay akala ko ako ang tinutukan niya ng baril... akala ko nalaman na niya ang totoong katauhan ko. But good thing hindi nangyari, hindi pa naman tapos ang trabaho ko ng mga araw na 'yon.

"CK, you should rest..." isa-isa kung tinapik ang balikat ng mga lalaking nakayuko sa harapan ko bago pumasok sa isang silid.

"Finn.... unti-unti ko nang nakakamit ang hustisya na para sa akin... at sa pamilya ko," walang emosyon akong nakatingin sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi, at subrang tahimik na ng paligid.

"You're right.... on the way success... alam mong palagi kaming nandito," Humarap ako sa kanya.

Finneas Rey Vercollo, a Secret Agent from Paris, got a higher position with achievements. Siya at ang pamilya niya ang tumulong sa akin noon, pagkatapos ng karahasang natamasa ko sa kamay ni Rodolfo Krefandez.

Naging palaboy ako noon, natutulog sa kalsada, naghahanap ng pagkain sa basura, nanlilimos, hanggang sa mapagod ako ng tuloyan. Sa murang edad ko, tinanong ko sa sarili ko 'ano pang dahilan para mabuhay ako?' Paulit-ulit kung kinu-kwestyon ang sarili ko, kasi nawalan na talaga ako ng ganang lumaban pa.

Isa lang akong dukha at walang magawa, habang ang mga Krefandez noon ay nagdidiwang dahil sa mga narating nila. World is fair, but not people.

Sa bawat pagmamalaki ni Rodolfo Krefandez sa kayamanan at kapangyarihan niya ay siya ring paglaki nang galit na namumuo sa akin. Gusto ko silang tapatan, gusto ko silang higitan, gusto kung mag-higante, gusto ko silang pabagsakin at gusto ko silang magdusa.

Kian Harley Krefandez is not an exception, tinalikuran niya ako ng mga panahong nakikiusap ako sa kanya. Alam niya ang katotohanan pero pinili niyang pumanig sa Ama niya. Ang bawat pagdudusang naranasan ko ay gusto ko ring maranasan ni Kian.

Anak sa anak. Nagdusa ako magdudusa rin siya.

"Finn... ayoko munang mag pasalamat sa lahat... gusto kung tapusin muna ang mga kailangan kung tapusin, bago ko kayo pasalamatan," hindi siya kumibo. "Ngayon na alam na niya ang totoo... hindi ko na kailangang mag-tago pa,"

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya, kahit anong kasamaan ang ginawa ko noon, nagawa pa rin nila akong kupkupin. Nagawa pa rin nila akong tratohin ng mabuti.

"Gusto mong umangat ang buhay mo 'di ba?" Nagbaba ako ng tingin bago tumango. Isang taon na.... isang taon na, pero wala pa rin akong nagawa para ipag-higante ang mga magulang ko.

Ang gusto ko lang ay pagbayaran ng Senyorito Rodolfo ang mga ginawa niya, gustohin kung mag sumbong sa mga police pero napagkakamalan lang akong isang baliw. Ilang ulit akong nakiusap sa kanila pero ni-isa walang naniwala sa akin.

Pinalabas ni Rodolfo Krefandez na nasunog ang basement kung saan pati ang mga magulang ko ay nadamay, nag kunwari pa siyang naawa at humihinge ng paumanhin sa akin, wala siyang awa... kahit marangal na libing na lang sana... pero wala! Dahil sinunog niya ang katawan ng Mama at Papa ko, para tuloyang mapaniwala ang mga police sa mga kasinungalingan niya.

At si Kian? Hindi siya kumampi sa akin, hindi siya nagsalita, umakto siya na parang wala. Ang mga taong katulad nila ay kailan man hindi ko makakalimutan, pare-pareho lang sila... mga demonyo.

"Nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Ka Polo, kilala siya bilang tambay rito sa plaza at pinaka-mahusay rin na snatcher o holdaper. Kahit minsan nakukulong siya, nagawa niya pa ring makalabas dahil sa kaibigan niyang pulis.

Nanghihinge ako ng tulong sa kanya para umangat ang buhay ko. Alam kung masama ang gagawin ko... hindi ko rin akalain na darating ako sa ganito.

Sorry Mama, Papa.

"Kita mo 'yan pitaka sa bulsa niya? Hablutin mo lang tapos tumakbo ka ng mabilis at mag-tago, pag nagawa mo... hahatian kita sa laman ng pitaka, at pwede ka na ring sumama sa grupo ko," dahan-dahan akong napatango.

Tanaw ko rin ang isang matipunong lalaki na nakatayo hindi kalayuan, sa gilid niya naman ay isang batang lalaki na parang ka-edad ko lang din.

"Gawin mo na... mag hihintay ako sa tambayan," ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. Naglakad ako papalapit doon sa lalaki at pilit na pinapalakas ang loob ko.

Para sa hustisya ng Mama at Papa ko, para sa kanila ang gagawin ko.

Mabilis akong tumakbo at hinablot ang pitaka nito na nasa bulsa niya, hindi ko na magawang lumingon at binilisan ang pag-takbo.

"HEY!" Boses ng kung sino pero hindi ko na pinansin, nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang kanto kung saan wala masyadong tao. Habol-habol ko ang hininga ko at tinignan at pitakang hawak.

"GET HER!" Automatikong nabitawan ko ang pitaka ng bigla akong palibutan ng mga lalaking malalaki ang katawan. Nakasakay sila sa Van at hindi lang iisang Van ang gamit kundi lima.

Napatingin ako sa lalaking salubong ang kilay habang nakatingin sa akin, medyo nakakatakot ang mukha niya dahil may bigote siya at may kalakihan rin ang katawan.

"Dad... w-what are you planning?" Biglang lumabas ang batang lalaki, sa pagkakatanda ko ay siya 'yong kasama ng lalaki kanina.

"Bakit ka lumabas Finn!? Bumalik ka sa loob ng kotse! Mala-late na tayo sa flight natin papuntang Paris!" Binalik ng lalaki ang tingin sa akin. "Make sure to punish that girl, if you can kill her then do it-"

"H-Huwag po!" Putol ko sa sasabihin niya, lumapit ako sa pwesto kung saan siya nakatayo at dahan-dahang lumuhod. "S-Sorry po... Sorry p-po sa g-ginawa k-ko... p-please h-h'wag niyo po akong patayin..." buong lakas akong umiyak habang nakaluhod pa rin sa harapan ng lalaki.

"Then why did you do it?"

"P-Pasensya n-na po... ayaw ko pa pong mamatay, k-kailangan ko pang ipag-higante ang Mama at Papa ko, h-hindi ko na po uulitin ang ginawa ko... k-kaya please p-po..."

"Nasaan ang magulang mo?" Mas lalo akong napahagulhol.

"P-Patay na po sila... wala na po ang Mama at Papa ko...."

"D-Dad... l-let's help her," nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng batang lalaki. "S-She's miserable, maybe she can be part of your Clan, w-we can help her,"

"Stand up." Malamig na utos ng lalaki. "Wala ka na bang ibang pamilya?" Malungkot akong tumango. "Gusto mong sumama sa amin?"

Sa mga oras na tinanong niya ako kung gusto ko bang sumama sa kanila ay siya ring oras kung kailan nagsimula ang pagbabago ng buhay ko. Sinama nila ako sa Paris kahit isa akong estranghera, kahit hindi nila ako kilala.

Finn approached me, walang oras o araw na hindi niya ako kinakausap o inaayang mag-laro. Sa murang edad ko natutunan ko kung paano depensahan ang sarili ko, dahil 'yon ang kauna-unahang ensayo ang ginawa ko sa Paris.

Palaging sinasabi sa akin ni Tito Kalixto na tibayan ko ang sarili ko at mag-ensayo sa bawat araw na darating, at 'yon ang ginawa ko. Minsan ay nagkukulong ako sa isang kwarto at buong araw na nilalaro ang mga arnes, punching bag, at iba pa.

"CK, tapusin mo na ang mission mo dito, dahil kaunting panahon na lang ang meron tayo, kailangan na nating bumalik sa Paris, our government is in need... kailangan ka namin sa Paris, kailangan namin ang pinakamahusay na Secret Agent mula sa Clan ng MDX," he smiled and pat my head.

"Malapit na Finn... pangakong pagkatapos ng lahat ay babalik na tayo sa Paris, mapakulong ko lang ng tuloyan si Rodolfo ay magiging sapat na sa akin,"

"Sigurado ka bang ipapakulong mo lang siya? Pwede mo siyang dalhin sa Paris at doon mo patayin," pabiro niyang sabi pero alam kung may parte doon na seryoso siya.

"Hindi niya kailangang mamatay agad Finn... he needs to taste the hell, magdusa muna siya hanggang sa hilingin niyang bawian na lang siya ng buhay," nanatiling walang emosyon ang mukha ko. "Magpapahinga na muna ako..."

"Okay... Goodnight, My Superior." Tipid akong ngumiti hanggang sa makalabas siya ng silid. Mabilis ko namang pinunit ang suot kung fitted dress hanggang sa panloob na lang ang natira sa akin. Binuksan ko ang malaking aparador at kinuha ang itim na pants at t-shirt doon.

Muling bumalik sa akin ang mga nangyari kanina, kung paano nawalan ng salita si Kian habang kinokompronta ko siya, siguro nga hindi niya namalayan na wala na pala ako sa harapan niya, he was shocked as hell.

Sinuot ko ang t-shirt at pants na kinuha ko, pati ang jacket na kulay black rin ay kinuha ko na. May kailangan lang akong puntahan, siguro oras na rin para makaharap ko ang hari ng mga demonyo.

Gustohin ko mang mag-paalam kay Finn, alam kung hindi niya ako papayagan. Kaya naman wala akong ibang magagawa kundi ang umalis ng tahimik.

Humarap ako sa maliit na salamin at nagsimulang taliin ang buhok ko, pagkatapos ay inayos ang suot na jacket. Binuksan ko rin ang kabinet sa ilalim at kinuha ang isang baril.

Muli kung tinignan ang sarili ko sa salamin, perfect, kating-kati na akong makita ang hayop na 'yon.

Maingat kung binuksan ang bintana at doon dumaan, hindi naman masyadong mahaba dahil nasa second floor lang ako. Tinuyod ko ang isang paa sa sanga ng malaking puno at tuloyang tumalon papunta sa baba.

Sunod kung inakyat ang malaking gate, nasa likurang bahagi ako dumaan dahil alam kung nakabantay ang mga guardia sa harap. Maingat lahat ng galaw ko at tagumpay na nakalabas mula doon. Alam kung pag nalaman ni Finn ito ay sermon ang aabutin ko sa kanya.

Bago pumara ng taxi ay sinuot ko muna ang mask sa mukha ko. Halos alas 12 na ng madaling-araw, pinalad rin dahil may taxi pa ring bumabyahe, hindi ko naman magawang gumamit ng kotse dahil lahat nasa parking lot.

****

Tinignan ko ang kabuoan ng bahay ni Rodolfo Krefandez, malaki at malawak. Minsan napapaisip ako, hindi man lang ba dinalaw ng karma ang demonyong 'yon? At kung gano'n man handa akong maging karma para sa kanya, ako ang karma niya.

At simula ngayon... magsisimula na ang miserable niyang buhay.

Mabilis akong nakaakyat sa ikalawang papalapag, sa malaking bintana ako dumaan at hindi lumikha ng kahit anong ingay hanggang sa makapasok ako.

Tahimik ang paligid at tanging malaking chandelier lang ang nagdadala ng liwanag sa first floor, at dito naman sa ikalawang palapag ay iilang ilaw lang din ang nakabukas. Isa-isa kung hinaplos ang mga paintings na nakasabit sa malalaking pader, maraming mamahaling bagay ang nakadisplay dito.

Walang kung ano'y sinimulan kung basagin ang mga 'yon, pati ang mga painting ay tinapon ko papunta sa first floor, lumikha iyon ng malaking ingay hanggang sa marinig ko ang pag-bukas ng isa sa mga pinto.

Sunod kung tinignan ang malaking picture frame ni Rodolfo, dahan-dahan ko ring nilabas ang baril mula sa likuran ko at pinaputukan ang frame na nagdala ulit ng ingay, tatlong beses akong nagpakawala ng bala at tatlong beses rin 'yong tumama sa ulo nito.

Ang sarap siguro sa pakiramdam pag sa kanya ko mismo ginawa.

Nabasag ang frame dahil sa ginawa ko at malakas na bumagsak sa sahig.

"Potanginamo! Sino ka!?" Kinalabit ko ulit ang baril at unti-unting lumingon sa pwesto ng demonyong nagsasalita. "H'wag kang lumapit!" Gusto kung matawa dahil sa reaksyon niya, pero nanatiling blangko ang mukha ko at tinanggal ang suot kung mask. "Ikaw... pamilyar ang mukha mo..."

"Talaga? Kung gano'n sino ako?" Naglakad ako papalapit sa kanya habang ang baril ko ay nakatutok sa direksyon niya mismo.

"Ikaw... isa ka sa mga katulong ni Kian," umangat ang gilid ng labi ko.

"Ah gano'n? Bakit... bakit hindi mo muna suriin ang mukha ko? Baka sa paraan 'yon makilala mo kung sino ako?" Wala akong pakialam kahit natapakan ko na ang iilang basag na mga gamit, ramdam ko pa ang pag-baon nito sa paa ko pero hindi ko man lang ako nakaramdam ng sakit. "Senyorito Rodolfo..." inipit ko ang boses ko na parang batang nagsasalita. "Hindi mo rin ako maalala? Senyorito Rodolfo?"

Nakatitig siya sa akin na parang sinusuri ako. Parehong-pareho kayo ni Kian. No wonder mag-ama kayo.

"May deperensya na ata ang memorya mo Senyorito Rodolfo kaya hindi mo ako maalala..." tibinge ko ang ulo ko. "'Wag po.. Senyorito Rodolfo..." dahil sa ginawa ko ay nanlaki ang mata niya. "Naalala mo na ba? Tama ka... ako nga, ako nga ang batang 'yon..."

Isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa.

"Ikaw... ikaw ang batang 'yon? Ha! Kagagohan!"

"Hindi ka ba makapaniwala?" Mabilis kung pinutok ang baril pero hindi ko tinama sa kanya.

"Potanginamo!" Tumakbo siya sa pwesto ko at akmang aagawin niya sa akin ang baril ng mabilis ko siyang masipa at sinikmuraan dahilan para mapaluhod siya sa sahig na puno ng basag na gamit. "Ah! Gago ka!" Hindi ko maiwasang ngumisi habang nakikita kung paano dumugo ang tuhod niya.

"Kamusta ang companya mo? Balita ko bagsak na?" Bulong ko sa kanya at pinulupot ang braso ko sa may leeg niya. "Nagsisimula pa lang tayo Rodolfo, tandaan mong sa mga susunod na araw ay mas magiging miserable ka pa," malakas kung tinama sa kanya ang baril na hawak hanggang sa mawalan siya ng malay.

Kulang pa 'to.... kulang na kulang pa.

Tinignan ko ulit ang kabuoan niya na ngayon ay walang malay na nakahiga sa sahig at duguan ang tuhod. Pagkatapos ay naglakad ako pababa at hinanap ang pinto papalabas, at saktong pag hawak ko sa door knob ay siya ring pagbukas nito.

"K-Kau?"

Pumasok si Kian na puno ng gulat ang mga mata. Bumaba ang tingin nito sa hawak kung baril.

"Kung iniisip mong pinatay ko ang magaling mong tatay ay nagkakamali ka...." mabilis kung hinila ang kwelyo niya. "Kian tandaan mong hindi dito magtatapos ang lahat, haharapin ko sa korte ang demonyo mong Tatay, mabubulok siya sa kulongan at sisiguradohin kung maghihirap siya," mariin ang bawat salitang binitawan ko.

"... At isa pang tatandaan mo, sa akin ang hustisya ngayon, ako ang mas malakas at ako ang mas makapangyarihan."

.