Chapter 26: Fight With Me
KAURY’S POINT OF VIEW
"What happened in the past months?" Binaba ko ang hawak na kubyertos at tumingin kay Finn. "You said last night that our clan is in need? Maayos naman ang lahat doon 'di ba, bago ako umalis?"
"Yeah, but technicallly there are some incidents that we're not inform. Our clan got betrayed by SCI clan, maayos ang usapan ng bawat-isa, pero biglang umabot sa point na binaliktad nila ang clan natin. And because of that they got the highest impact, that's why we need you." Paliwanag niya.
"How about Tito Kalixto? Is he mad?" Ayaw na ayaw ni Tito Kalixto na nababaliktad siya. He hate betrayal, at iba rin siya pag nagagalit.
"As usual. But I explain everything to him, sinabi ko sa kanyang babalik ka sa Paris at kaunting panahon na lang ang hihintayin. Your mission her is almost done right?" Mahina akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. "Uh.. CK."
"Hmm?"
"How about the marriage contract? You need to sign the annulment paper as soon as posible. It's for the better, para walang maging problema sa trabaho mo at sa trabaho natin." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Inaasikaso ko naman ang marriage contract namin ni Kian, pagkatapos kung permahan ang mga papelis ay siya naman ang susunod. He need to sign those papers whether he like it or not.
"Yes... don't worry, I'm working on it. Siguro bukas or sa susunod na bukas ay mapepeprmahan ko na ang annulment paper." Kinuha ko ang table napkin at pinahid sa gilid ng labi ko bago tumayo. "I'm done, maliligo lang ako." Paalam ko sa kanya.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at naglakad papunta sa taas. Nag s-stay kami dito sa malaking bahay na pagmamay-ari nila Finn, ginagamit namin itong hideout sa t'wing gumagawa kami ng operation dito sa pilipinas.
Dumiretso ako sa kwarto, may Cr naman dito. Saglit lang akong nagbabad sa bathub, pagkatapos ay lumabas na ako para mag-bihis. Umupo ako sa gilid ng kama at tinignan ang kabuoan ng mukha ko, dahan-dahan kung kinuha ang kwentas na kinuha ko kagabi at sinuot iyon sa sarili.
Matagal ko rin 'tong hindi nagamit at nakatago lang.
"Ate? Aalis na raw po ba kayo, sabi ni Kuya Finn?" Napalingon ako sa pinto ng may kumatok.
"Ah... oo, susunod ako."
Subrang busy ko nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos kung pumunta sa bahay ni Rodolfo, sa bahay ni Kian, ngayon naman ay bibisitahin ko sila Betty para magpaalam. Mas mabuting ngayon pa lang ay alam na nilang aalis ako.
Ayoko namang basta na lang mawala ng hindi nagpapaalam sa kanila. Kaibigan ko sila kahit pa hindi ko inaasahan ang nangyari. I value them.
"Ingat ate!" Tinaas ko lang ang isang kamay ko at kumaway.
"Finn, I can drive, baka pagod ka na?"
"I'm not. Okay lang ako." Tumango ako at sumakay sa loob ng kotse.
Tahimik lang ang naging byahe namin, diretso lang rin akong nakatingin sa labas ng bintana. May halos 1-2 dalawang oras ang byahe kaya hinayaan ko muna ang sariling umidlip.
"CK... I think we're lost."
Nag-angat ako ng tingin at saglit na kinusot ang mata ko. "Mukha nga." Napangiwi ako dahil mukhang hindi niya alam ang daan papunta sa baranggay namin. "Palit tayo, ako na mag drive."
"Ituro mo na lang."
"Okay lang naman, ako na." Bumaba ako sa shotgun seat. "Baba na." Wala naman siyang choice kundi ang bumaba.
"Fine."
"Betty..." Pag-tawag ko sa pangalan niya. Katulad ng palagi kung nadadatnan, magkasama pa rin sila ni Kevin. "Betty!" Nilakasan ko unti ang boses ko.
"Kaury? Ikaw nga!" Sinalubong niya ako ng yakap. "Mabuti naman dumalaw ka?"
"Yeah. Kamusta? Kevin, nagkabalikan na kayo?" Baling ko kay Jirah na ngayon ay nakabuntot nanaman sa lalaki.
"Oo 'no! Paano ba naman, juntis 'yang si Jirah!" Napatakip ako ng bibig. "H'wag kana magulat, basta ngayon alam mo na..."
"Buntis ka? Congrats..."
"Thankyou besh,"
"Anong besh? Feeling nito, hindi ka niya bestfriend!" Hinawakan ko ang kamay ni Betty.
"Akala ko ba close na kayo?"
"Ayoko na... palagi na lang sakit sa ulo ko ang babaeng 'yan. Paano ba naman? Inaagawan ako ng pagkain, tapos minsan pa nagagalit sa akin ng walang dahilan, amputa umiiyak pa sa harapan ko." Palihim akong ngumiti.
"Betty... kaya ako nandito ngayon ay dahil gusto kung magpaalam." Panimula ko.
"Sa'n punta mo 'te? Pwedeng sumama?" Pabiro niyang tanong.
"Seryoso nga... aalis na ako papuntang ibang bansa. I just want to inform you and also Kevin, you know how much I'm thankful and grateful to meet you guys." Mahigpit ko siyang niyakap. "Salamat sa friendship na nabuo sa pagitan nating tatlo."
"Kaury... sa'n ka natutong mag english? Bakit ang fluent?" Napakamot ako sa batok. Seriously? Akala ko kung anong itatanong niya. "Anyway! Aalis ka na talaga? Kung gano'n edi mag-ingat ka... masaya rin ako sa pagkakaibigan natin." Nagsimula siyang humagulhol. "Tangina mamimiss kita... pag bumalik ka rito dalhan mo ako ng pasalubong ah? Tsaka dapat may anak ka na rin, gawin mo akong Ninang." Mahina kung sinapak ang kamay niya. "Joke lang, thankyou din. Regards mo naman ako do'n sa pogi mong asawa? 'Yon ba kasabay mong umalis? Nako ingat! Humayo kayo at mag pakarami.. huhu."
Alam kung si Kian ang tinutukoy niya. Gustohin ko mang sabihin sa kanya na mali ang iniisip niya pero sa kabilang banda mas mabuti kung hayaan ko na lang siyang isipin 'yon kesa humaba pa ang usapan namin hanggang sa hindi na matapos.
"Mag asawa ka na rin Betty." Bulong ko sa kanya bago humiwalay.
"Pwede ba 'yang nasa likuran mo?" Napalingon ako at saktong nakita ko si Finn. Ngayon ko lang naalala na sumunod pala siya sa akin.
"I'm not, sorry." Biglang bulong ni Finn.
"Joke lang! Hay hirap talaga huliin ng mga pogi ngayon." Parinig niya.
"Betty, aalis rin kami. Gusto ko lang talaga magpaalam. Kevin, congrats ulit... Jirah."
"Thankyou rin Kaury, sayang hindi ka makakadalo sa kasal namin.." Nakaakbay lang si Kevin kay Jirah habang nakangiti.
"Magpapakasal na kayo? Sayang nga... but best wishes Kevin and Jirah." Niyakap ko rin silang dalawa.
"Mag-iingat ka palagi!" Ngumiti ako sa panghuling pagkakataon bago sila tinalikuran. Ramdam ko ang bigat sa pakiramdam ko dahil sa eksena namin, mamimiss ko rin ang kakulitan nila. Mamimiss ko sila.
[2 weeks later.]
"What do you mean, Polen?" Pababa pa lang ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Finn mula sa may sala.
"Walang tumanggap ng case ni Ate CK, Kuya. Lahat nag decline, sa tingin ko ay binayaran sila ni Rodolfo para h'wag tanggapin ang kaso ni Ate." Napakunot ang noo ko. Tungkol sa kaso ko ba ang pinag-uusapan nila?
"Polen? Tungkol ba 'yan sa kaso ko?" Tumango siya sabay yuko.
"But how can Rodolfo do that? Bagsak na ang companya niya right? He still manage to paid those lawyers?" Finn's voice is full of frustration.
"Alam nating maraming kaibigan at connection si Rodolfo, hindi imposibleng magamit niya ang mga ito. At isa pa pera lamang sa companya niya ang nakuha natin, how about may hidden wealth pa pala siya?" Saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Then let's hire an international lawyer. Kung wala ni isa ang tumanggap sa kaso mo then it's time for us to make a move." Finn suggested.
"Ah... To be honest may isang tumanggap ng kaso mo Ate, he was also known as a great lawyer." Sabay kaming lumingon kay Polen.
"Are you sure that he's a great lawyer? What his name?"
Alanganin siyang tumingin sa akin. "It was, Kian Harley Krefandez." Damn. Sabi ko na nga ba.
"Then let him be my lawyer." Walang emosyon kung sabi.
"What? Tama ba ang narinig ko CK? We don't need him, we can hire an international lawyer. Hindi natin alam kung anong balak ng lalaking 'yon, he can betrayed you anytime. We can't trust him."
"Let him Finn. Once he betray me again then it's my time to make a move."
"Sa tingin mo talaga papanig siya sa 'yo? Pwedeng nag usap sila ng Tatay niya, what if pagkaisahan ka nila ulit? He failed to defend you before, uulit ka pa ba ngayon?" Puno ng pag tutol ang boses niya.
"Alam ko ang ginagawa ko Finn... Kung magkatotoo man ang sinabi mo, wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko."
*****
"Ms. Ciara Kaury Sullivan." Diretso lang akong nakatitig sa mga mata niya. "Are you ready?" Sa halos isang linggo ay sila ang nag-usap ni Polen. Ngayon lang ako nagpakita sa kanya, this day is our first trial, pwede ring maging last trial kung sakaling mahatulan si Rodolfo sa araw na 'to.
"I am much ready." He looked so professional. Seryoso lang ang mukha niya at diretsong nakatingin sa mga papelis na nasa harapan niya.
"CK." Tipid akong ngumiti kay Finn, gusto kung iparating sa kanya na ayos lang ako. "Goodluck."
"Thankyou-"
"Let's go Ms. Sullivan?" Pinutol ni Kian ang pag-uusap namin. Hindi ako sumagot at sumunod sa kanya papasok sa court. Bulongan agad ang narinig ko, sa kabilang side ay nandoon ang kampo ni Rodolfo kasama ang abogado niya.
Bahagya pa siyang ngumisi ng makita ako at nilipat ang tingin kay Kian ng hindi inaalis ang ngisi sa labi. Pilit kung binabalewala ang nakita ko at sumunod lang kay Kian.
Hihintayin lang namin ang judge bago magsimula.
Nang dumating ang judge ay sabay-sabay kaming tumayo para mag bigay respeto. Tahimik lang sa loob hanggang sa magsalita ang judge.
Bali ang set-up ay unang mag papahayag ang kampo ni Rodolfo. Tumayo ang abogado niya at nagsalita sa harapan. May iilang litrato siyang pinakita sa korte.
"This wounds is caused by Ms. Sullivan. Last August 31, Mr. Krefandez house was robbed by Ms. Sullivan, mapapatunayan rin na siya ang dahilan ng mga sugat ni Mr. Krefandez dahil may finger print ang nakuha mula sa kanya." Tumingin ako kay Kian.
Naghihintay ako na magsalita siya, pero parang wala siyang balak na kumibo.
"This picture was also taken after the incident, nag marka sa leeg ni Mr. Krefandez ang ginawang pag-sakal sa kanya ni Ms. Sullivan, and this is a total violence. Another one is this," Nilabas niya ang isa pang litrato. "Ito ang kutsilyong ginamit ng suspect sa pag-sasak kay Mr. Krefandez sa tagiliran nito." What the hell? Sinaksak?
Hindi ko siya sinaksak!
Tumingin ulit ako kay Kian, naghihintay ako na tumutol siya o magsalita man lang. Pero diretso lang itong nakatingin sa harapan! Nilipat ko ang tingin kay Rodolfo na ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin.
"Makikita rin dito sa kutsilyo ang finger print ni Ms. Sullivan." Sinungaling. Are they framing me right now? Hindi ko siya sinakal, pinulupot ko sa kanya ang braso ko ng gabing 'yon, pero hindi 'yon ganoon kahigpit para mag-marka ang ginawa ko.
At kitang-kita sa picture na parang pisi ang nag marka sa leeg niya, but that night hindi ako gumamit ng pisi. At higit sa lahat hindi ko siya sinaksak. This is a total bullshit.
Bumaling ang tingin ko sa pwesto nila Finn. At saktong nagtama ang tingin naming dalawa, parang tinitignan niya ako at sinasabing 'tama ang hinala niya' na hindi namin maasahan si Kian.
Kasi kung talagang may pakialam si Kian sana nagsalita na siya against sa mga kasinungalingan na binabato sa akin. But he's doing nothing.
Are really the same as before Kian? Wala ka pa rin ba talagang pinagbago?
"23 years in prison for complete violence and attempted murder." Mabilis akong tumayo pero hinawakan ni Kian ang kamay ko at hinila ako pabalik sa pagkaka-upo.
"You're doing nothing, Mr. Krefandez." Mariin kung bulong sa kanya. Hindi siya sumagot, namalayan ko na lang na tumayo siya at naglakad papunta sa harap. Kitang-kita ko pa rin ang ngisi sa labi ni Rodolfo na parang nag tagumpay na siya.
Kian stated his oath.
"Mr. Krefandez, you request to open up the case that happened before 15 years ago. This is about the Sullivan case, why did you open the case that is already close?" The judge asked.
"What happened 15 years ago was a lie. 15 years ago when this tragedy happened in El Duedo. There was a couple that died because of a fire... but that is not the truth, that couple was murdered and I'm the one of the witnesses." Mas lalong umingay sa loob.
Ilang ulit akong napalunok habang diretsong nakatingin kay Kian.
"You said you're one of the witnesses, is that mean that you're not the only one?"
"Yes... That woman is their child, and she also witnessed the tragedy that happened before." Turo niya sa akin. Unti-unting nanghina ang tuhod ko... biglang bumalik sa akin ang lahat. Naging malinaw sa akin ang mga nangyari. "And also there is another one..." Binalik ko ang tingin sa kanya.
May isa pa? Pero kaming dalawa lang ang nakakita ng mga nangyari.
Biglang bumukas ang malaking pinto ng court at niluwa doon si... Aling Tes. Mabilis akong tumayo at sinundan siya ng tingin, biglang gumulo ang isip ko habang nakatingin sa kanya.
Aling Tes...
.